You are on page 1of 2

ARALIN 13: ESTRATEHIYA 5 (BUHAY MO, GANAP KO!

Ang estratehiyang buhay mo, ganap kol ay nagbibigay-pagkakataon sa mga mag-


aaral na magpakita ng kanilang interes at kahusayan saa pag-arte. Sa pamamagitan nito,
matatalakay ang katauhan ng karakter sa gagawing palabas. Ang layon ng estratehiyang ito
ay isadula ang pangunahing tauhan sa kuwento at bigyang-buhay ang kanilang salita, gawi,
at kilos sa paaraang maipakita ang awtentikong pangyayari sa buhay ng tao Sa
estratehiyang ito kilangan ng pangunaghing tagaganap (lead actor) at ang mga kasamang
tagaganap (supporting actor) isanag (derektor) na siyang magbibigay ng panuto sa kung
anong gagawin ng pangunahing tauhan at anong katauhan ang kaniyang ipapakita. Ang
direktor din ang siyang magiging tagamasid sa anong emosyon o damdamin ang
ipamamalas ng pangunahing tauhan.

Batayang Teoretiko

Ang pagsasadula ay buhay na lang dekada na ang nakalipas. Sinasabing ang


pagsasadula ay lumilinang sa kultural na kompetensi na nagbibigay-opotunidad sa mga
mag-aaral na matuto ng materyal sa ibang perspektiba.Sabi ni Davidhizar et al. (2003) sa
kaniyang pag-aaral na pinamagatang Using Role Play to Develop Cultural Competence,
kapag ang mga mag-aaral ay makikilahok sa pagsasadula “they will take on a new
persona” ito ay nagbibigay ng mas malalim na pagunawa o pagkukuro na magkaroon ng
responsibilidad ang taong gaganap ng isang papel/katauhan. Sa paggamit nito at pagganap
sa tauhan aay matuturuan ang mga mag aaral ng magkaroon ng interpersonal na
kakayahan. Mahalagang magkaroon ng ganitong estratehiya na kung saan malilinang ang
kakayahan ng mga mag-aaral hindi lang sa pagpapataas ng kumpiyansa sa sanli pati na rin
ang pag-unawa sa kalagayan ng tauhan na kanilang gagampanan.

Paano Gagamitin ang Estratehiya?

1. Ang grupo ay pipili ng mag-aaral na magiging lead cast, supporting cast, at direktor.
2. Bibigyan ng pagkakataon na makapili ng paksa/tema ang bawat grupo.
3. Ang direktor ang magiging punong-abala sa gagawing pagsasadula
4. Bibigyan ng 5-10 minuto ang bawat grupo upang makabuo g isang palabas na
magpapakita/palulutang ang tauhan sa kuwento.
5. Ang ibang grupo ang siyang maag-aanalisa at susuri sa ginawang pagsasadula ng klase.
ARALIN 14: ESTRATEHIYA 6 (LULAT MO, MAKIKINIG AKO!)

Ang estratehiya lulat mo,makikinig ako! Ay nagbibigay-pagkakatanoon sa mga mag-


aaral na magpapakita ng kanilang interes at kahusayan sa pagbabalita. Sa pamamagitan
nito, matatalakay ang kasalukuyang kaganapan sa labas at loob ng isang bansa na
makatutulong sa pagbibigay-alam sa mga mamamayan. Maaring gamitin ang estrahiyang
ito sa pagbuo at paglalahad ng pangyayari sa teksto o mga awtentikong karanasan ng mga
mag-aaral araw-araw

Sa estratehiyang ito kailangan ng taga-ulat (main reporter) at (co-reporter), mga


katulong na tauhan na gagawa at maghahanda ng iskrip na iuulat (script writer), at
tagamasid (observer). Titingnan ng tagamasid ang emosyon at ang tamang pagbigkas ng
salita at ayos gamit ng mhga salita sa pagbabalita o pag-uulat. Ang kinaiba ng ganitong uri
ng estratihiya ay ang mga tagamasid na siyang mag-aanalisa sa tamang gamit ng mga salita
at ayos nito lalo na sa tamng pagbabalita ng impormasyon sa madla.

Batayang Teoretiko

Ayon kay russel (2011) ang pagbabalita ay may malaking gampanin sa


pagbuo/paghubog ng isang tagapag-ulat. Dagdag pa ni gray (1999) na ang paghubog ng
pagbabalita ay hindi sa kung ano ang iniisip ni o gusto ng mga manonood, kung hindi ay sa
kung ano ang alam mo. Sabi ni potter (2013) na Malaki ang epekto at impluwensiya sa tao
ang laman ng media/ibinabalita. Kaya dapat malinang and kakayahan ng mga mag-aaral na
maging tapat sa gawain at maging mahus salita at pagsasaayos ng gramatika.

Paano Gagamitin ang Estratehiya?

1. Ang grupo ay pipili ng mag-aaral na magiging reporter, co-reporter, script writer, at


observer.
2. Bibigyan ng pagkakataon na makapili ng paksa/tema ang bawat grupo.
3. Ang observer ang magiging tagaanalisa at tagasuri ng tamang gamit, ayos ng salita, at
ang pagbibigay ng tamang impormasyon.
4. Bibigyan ng 10-20 minuto ang bawat grupo upang makabuo ng isang pag-uulat.
5. Ang ibang grupo (observer) ang siyang mag-aanalisa at susuri sa ginawang pag-uulat.

You might also like