You are on page 1of 4

ARALIN 14- ESTRATEHIYA 6

(IULAT MO, MAKIKINIG AKO!)


Ang estratehiyang Iulat Mo, Makikinig Ako! Ay
nagbibigay-pagkakataon sa mga mag-aaral na
magpakita ng kanilang interest at kahusayan sa
pagbabalita. Sa pamamagitan nito, matatalakay
ang kasalukuyang kaganapan sa labas at loob ng
isang bansa na makakatulong sa pagbibigay-alam
sa mga mamamayan. Maaaring gamitin ang
estratehiyang ito sa pagbuo at paglalahad ng
pangyayari sa teksto o mga awtentikong
karanasan ng mga mag-aaral araw-araw.
Batayang Teoritiko:
Ayon kay Russel (2011), ang pagbabalita ay may
malaking gampanin sa pagbuo/paghubog ng isang
tagapag-ulat. Dagdag pa ni Gray (1999), na ang
paghubog ng pagbabalita ay hindi sa kung ano ang nasa
iniisip o gusto ng mga manonood, kung hindi ay sa kung
ano ang alam mo. Sabi ni Potter (2013), na Malaki ang
epekto at impluwensiya sa tao ang laman ng
media/ibinabalita. Kaya dapat malinang ang kakayahan
ng mga mag-aaral na maging tapat sa gawain at maging
mahusay sa paggamit ng tamang salita at pagsasaayos ng
gramatika.
Paano gamitin ang Estratihiya?

1. Ang grupo ay pipili ng mag-aaral na magiging reporter, co-reporter, script writer, at


observer.

2. Bibigyan ng pagkakataon na makapili ng paksa/tema ang bawat grupo.

3. Ang observer ang magiging tagaanalisa at tagasuri ng tamang gamit, ayos ng salita,
at ang pagbibigay ng tamang impormasyon.

4. Bibigyan ng 10-20 minuto ang bawat grupo upang makabuo ng isang pag-uulat.

5. Ang ibang grupo (observer) ang siyang mag-aanalisa at susuri sa ginagawang pag-
uulat.

You might also like