You are on page 1of 6

Paaralan Diplahan National High School Baitang/Antas 10

Guro Roxanne A. Tillo Asignatura Filipino


Petsa Hunyo 15, 2022 Markahan Ikalawa
CO # 1

MODIFIED DAILY LESSON LOG


I. Layunin
A. Grade Level Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at pag-
Standards unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at
saling-akdang pandaigdig tungo sa pagkakaroon ng kamalayang global.
B. Mga Kasanayang Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay. (F10PU-IIc-d-72)
Pampagkatuto
II. NILALAMAN
Tula- Ang Aking Pag-ibig
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa
Gabay ng Guro Filipino 10 Panitikang Pandaigdig

2. Mga pahina sa
Kagamitang Wala
Pangmag-aaral
3. Mga Pahina sa
Teksbuk Pahina 187-189

4. Karagdagang
kagamitan mula
sa portal ng LR Wala

B. Iba pang
Kagamitang Panturo Laptop, Powerpoint presentation, Youtube

IV. PAMAMARAAN
A. Balik- aral sa Panimulang Gawain
nakaraang aralin at *Pambungad na Panalangin
pagsisimula ng *Pagbati sa Mag-aaral
bagong aralin Pagtetsek ng atendans
Mga Nararapat Gawin sa Loob ng Klase
1. Itaas ang kamay kung nais sumagot o may nais sabihin.
2. Respetuhin at pakinggan ang sinumang nagsasalita.
3. Maging aktibo at makilahok sa talakayan at mga gawain.
4.Magtutulungan ang isa’t isa
5. Striktong pagpapatupad ng health protocol sa lahat ng panahon. ( dito
maaaring tanungin ang mga mag-aaral kung ano-ano ang mga iyon.)
*Safety Protocol
1. Magsuot palagi ng facemask.
2. Huwag manghiram ng mga gamit sa mga kaklase.
3. Lagyan palagi ng alcohol ang mga kamay.

BALIK-ARAL

Panuto:Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Sabihin kung anong


elemento ng Mitolohiya ito. Maaaring pumili sa alinman sa apat ang TAUHAN,
TAGPUAN, BANGHAY at TEMA.

1.Ito ay may kaugnay sa kulturang kinabibilangan at sinaunang panahon.(Tagpuan)


2.Ito ay maaaring nakatuon sa pinagmulan ng buhay sa daigdig. (Tema)
3.Ito ay maaaring tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo, pagbabago ng panahon at
interaksiyong nagaganap sa araw, buwan at daigdig. (Banghay)
4.Ito ay mg diyos o diyosa na may taglay na kakaibang kapangyarihan. (Tauhan)
5.Ito ay maaaring nakatuon sa pag-uugali ng tao at mga aral sa buhay. (Tema)
 sa bawat tamang sagot ng mga mag-aaral ay palakpakan ito at maaaring
sabihin ang salitang, Mahusay at magaling!
 sabihin din na talagang alam na ninyo ang pagtukoy sa mga element ng
Mitolohiya. Masaya akong mabunga ang pagkatuto ninyu sa mga araling
ito.

B. Paghahabi sa Ipabasa sa mga mag-aaral ang nakapaskil na layunin.


layunin ng aralin A. Nasusuri ang iba’t ibang elemento ng tula. (F10 PB-IIc-d-72)
B. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pag-ibig at pagmamahal sa bawat isa.
C. Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay.

C. Pag-uugnay ng mga Pagganyak


halimbawa sa Pagpapakita ng bidyo.
bagong aralin https://youtu.be/F2bk_9T482g
Gawain 1
Bigyan ng kahulugan ang salitang PAG-IBIG mula sa napanood na video clip. Punan ang
graphic organizer.

PAG-IBIG

D. Pagtatalakay ng  Paglalahad ng paksa


bagong konsepto at
paglalahad ng Ang tula ay isang anyong panitikan na may matatalinghagang pagpapahayag ng isipan at
bagong kasanayan damdamin. Maihahalintulad sa isang awit ang tula. Hanggang sa kasalukuyan ang pagsulat
#1 at pagbigkas ng tula ay nananatiling tulay ng kaalaman mula sa kasaysayan ng kahapon
patungo sa kasalukuyan.

Ang Aking Pag-ibig


(How Do I Love Thee ni Elizabeth Barret Browning)
Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago

Ibig mong mabatid, ibig mong malaman


Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.

Iniibig kita nang buong taimtim,


Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo nang hindi maubos-isipin.

Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay


Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,


Tulad ng lumbay kong di makayang bathin
Noong ako’y isang musmos pa sa turing
Na ang pananalig ay di masusupil.
Yaring pag-ibig ko, ang nakababagay
Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na nang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang.

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,


Ngiti, luha, buhay at aking hininga
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita

ELEMENTO NG TULA
1. Sukat - tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod o linya.
Ibig mong mabatid, ibig mong malaman
Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.

2. Tugma - pagkakapareho ng tunog sa huling pantig ng huling salita sa bawat taludtod.


Dalawang uri ng Tugma
2.1 Tugmang Patinig - a, e, i, o, u
2.2 Tugmang Katinig (b, k, d, g, p, s, t, l, m, n, ng, w, r, y)
Iniibig kita nang buong taimtim,
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo nang hindi maubos-isipin.
3. Kariktan- ito ay maririkit na salita para mapasaya ang mambabasa at mapukaw ang
damdamin at kawilihan.
Marikit-maganda
Dukha-mahirap
4. Tono – tumutukoy sa damdaming naghahari sa tula.
5. Talinghaga - salitang may malalim na ibig ipakahulugan.Ito’y isang sangkap ng tula na
may kinalaman sa natatagong kahulugan ng tula.

Mga Tanong:
1. Tungkol saan ang tula?
2.Ano ang pag-ibig na tinutukoy ng makata sa tula?
3.Sa iyong palagay, sino kaya ang nagsasalita at ang kinakausap sa tula?
4. Ano ang layunin ng akda ang nais iparating sa kanyang mambabasa?
5. Nakatulong ba ang mga matatalinghagang salita sa tula upang mabisang maipabatid ng
akda ang mensahe ng kanyang tula?

E. Pagtatalakay ng Gawain 2
bagong konsepto at Panuto: Suriin ang tulang “Ang Aking Pag-ibig” batay sa elemento ng tula. Lagyan ng
paglalahad ng tsek (/) sa bahaging oo kung mayroon at ekis (X) naman sa bahaging hindi kung
bagong kasanayan walang elemento nito. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
#2

Mga tanong Oo Hindi


Mayroon bang sukat ang tula?
Mayroon bang tugma ang
tulang binasa?
May damdamin bang lumilitaw
sa nilalaman ng tula?
May maririkit ba na salita para
mapasaya ang mambabasa at
mapukaw ang damdamin at
kawilihan.
May talinghaga bang
napapaloob sa tula?
F. Paglinang sa PANGKATANG GAWAIN
Kabihasaan
( Tungo sa UNANG PANGKAT (Matalino)
Formative Sumulat ng tulang hawig sa paksang Ang Aking Pag-ibig. Pagkatapos ay bigkasin
Assesment) ito na may angkop na damdamin.

IKALAWANG PANGKAT (Katamtaman)


Panuto:Ibigay ang kasingkahulugan ng mga sumusunod na salita at gamitin ito
sa pangungusap.
1.Buong taimtim-buong puso
2.Bathin-tiisin
3.Masusupil- matatalo
4.Karimlan-kawalan ng liwanag
5. Lumbay- lungkot

IKATLONG PANGKAT (Talentado)


Tula Mo! Lalapatan Ko!- Pumili lamang ng dalawang saknong sa tulang Ang
Aking Pag-ibig at lalapatan ito ng tunog/musika.

IKAAPAT PANGKAT (IP’s)


Panoorin ang bidyo ng Subanen Courtship dance at isasayaw ninyo ito ng may
pagmamahal gaya ng sa tulang Ang Aking Pag-ibig.

Rubriks sa Pangkatang Gawain

20 16 10
Nailahad at naipaliwanag Hindi masyadong nailahad at Hindi nailahad at
ang nilalaman ng paksa naipaliwanag ang paksa napaliwanag ang paksa
Gumawa at Gumawa at nakipagtulungan Nagkanya-kanya at hindi
nakipagtulungan ang lahat ang ilan lamang sa mga nakipagtulungan ang mga
ng kasapi kasapi kasapi
Napakaayos at walang May ilang hindi handa kaya Maraming nagkamali dahil
pagkakamali ang lahat nagkamali hindi handa ang bawat isa
Mahusay ang presentasyon Iilan lamang ang mahusy sa Halos lahat ay hindi mahusay
ng lahat. presentasyon
Nakikitaan ng pagrerespeto May ilang hindi rumerespeto Halos lahat ay hindi
ng bawat kasapi ng sa bawat kasapi ng rumerespeto sa bawat kasapi
kasamahan kasamahan ng kasamahan
 Pagbibigay feedback at marka.
 Bibigyan ng mga palakpak at papuri ng guro matapos ma-check ang kanilang
awtput.
 Hikayatin palagi ang mga mag-aaral na makakuha ng matataas na puntos.

G. Paglalapat ng aralin
sa pang-araw-araw Input ng Guro
na buhay Ang akdang nabasa ay maihahambing din sa totoong buhay dahil lahat naman tayo ay
umiibig. Ang kaisipang ideya nito ay naparamdam ng sumulat ng akda ang kanyang
masidhing nararamdaman sa kanyang iniibig at naibahagi sa kanyang mga tagabasa.

1.Para sa inyo ano kaya ang magiging bunga ng pagkakaroon ng tunay o wagas na pag-
ibig?
2.Mahalaga ba ang pag-ibig o pagmamahal sa bawat tao? Bakit?
3.Kung ikaw ay iibig, katulad din ba ng may akda ang ibibigay mong pagmamahal?

1.Ano-ano ang mga elemento ng tula?


H. Paglalahat ng aralin
2. Sino ang nagsalin sa tulang ang Aking Pag-ibig?
3. Saang bansa nagmula ang tulang ang Aking Pag-ibig?
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong
I. Pagtataya ng aralin papel.
Kasinlaya ito ng mga lalaking
Dahil sa katwira’y hindi paaapi
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.
1. Ilan ang sukat ng saknong?
a. 10 b. 11 c. 12 d. 14
2. Anong elemento ng tula na may pagkakapareho ng tunog sa huling pantig ng huling
salita sa bawat taludtod.
a. sukat b. tugma c. kariktan d. tono
3. Ano ang tawag sa elemento ng tula na tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod
o linya?
a. sukat b. tugma c. kariktan d. tono
4.Ito ay maririkit na salita para mapasaya ang mambabasa at mapukaw ang damdamin at
kawilihan. a. sukat b. tugma c. kariktan d. tono
5. Ilang taludtod mayroon ang tulang Ang Aking Pag-ibig sa bawat saknong?
a. 2 b.3 c. 4 d.5

Inaasahang sagot:
1.c 2.b 3.a 4.c 5.c
J. Karagdagang Suriin at Ihambing (pahina 190-191)
Gawain para sa Panuto: Bigkasing mabuti at unawain ang isa pang halimbawang tula na pinamagatang
takdang aralin Babang-Luksa.Suriin ang pakakabuo nito at ihambing sa iba pang uri ng tulang
damdamin.
Ihambing ang tulang “Babang-Luksa” sa tulang “Ang Pag-ibig.”Isulat ang sagot sa
sagutang papel. Gayahin ang kasunod na pormat.

Paraan ng paglalarawan ng pag-ibig


Kadakilaan ng pag-ibig
Mga salitang ginamit na nagpatunay sa
kahulugan ng pag-ibig

V. MGA TALA

VI. REPLEKSYON

Pagiging makabago at mga


estratehiya

Inihanda ni: Tagamasid:

ROXANNE A. TILLO, LPT ELISA A. ALCUIZAR, MAED NELY M. ROSILLO, MAED

Teacher III MT I Head Teacher II

Isiniyasat ni:

SALVADOR D. ARQUILITA, MMEM

Principal III

You might also like