You are on page 1of 8

Guro: Blessy Kate A.

Almonicar Taon at Pangkat: 9 - Silang


Petsa ng Pagtuturo: Hunyo 1, 2023 Asignatura: Filipino 9
Oras ng Pagtuturo: 9:30-10:30 Markahan: Ikalawa

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa
mga piling akdang tradisyonal ng Silangang Asya.
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na
nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging isang
Asyano.
C. Kasanayan sa Pagkatuto Naisusulat ang payak na tanka at haiku sa tamang
anyo at sukat (F9PU-IIa-b-47)
D. Pang Araw-Araw na Layunin 1. Natutukoy at naipapaliwanag ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng Tanka at Haiku sa pamamagitan ng
venn diagram. (Matatagpuan sa Letrang D)
2. Nakapaglalahad ng sariling reaksiyon hinggil sa mga
binasahang Tanka at Haiku.
(Matatagpuan sa Letrang F)
3. Nakalilikha at nakababahagi sa klase ng Tanka at
Haiku. (Matatagpuan sa Letrang E)
II. NILALAMAN Tanka at Haiku (Payak na pagsulat sa tamang anyo at
sukat)
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian Kagawaran ng Edukasyon (2013). Panitikang Asyano -
Ikasiyam na Baitang Kagamitan ng Mag-aaral sa
Filipino. Vibal Group Inc. Unang Edisyon. ISBN: 978-
621-402-034-8.
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Pahina 90 - 94
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag- Pahina 93 - 94 (Photocopy)
aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng https://www.scribd.com/presentation/424520
Learning Resources 116/Tanka-at-Haiku
B. Iba Pang Kagamitang Panturo Laptop, Telebisyon at Biswal na Kagamitan
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o • Panalangin
pagsisimula sa bagong aralin (PAGBABALIK- • Pagbati
ARAL) • Pagtala ng lumiban
• Pagbibigay pamantayan sa klase
 Tumahimik sa oras ng klase at iwasan ang
pakikipag-usap sa katabi.
 Itaas ang kamay kung nais sumagot.
 Maupo nang maayos at iwasan ang pagtayo kung
hindi kinakailangan.
 Makinig sa guro at sa mga kaklase kung
nagsasalita.
 Makilahok sa mga gawain at talakayan
 Maaari lamang gamitin ang gadgets kapag may
pahintulot ng guro.

• Ano ang Tula?


• Ano-ano ang mga elemento ng tula?
B. Paghahabi sa layunin ng aralin Bilangin, Sukatin, Tukuyin
(PAGGANYAK)
• Magpapakita ang guro ng iba’t ibang halimbawa
ng tula.
• Tutukuyin ng mga mag-aaral ang bilang ng taludtod
at sukat, at ang paksa at mensaheng nais ipabatid ng
mga ito.

Panuto: Tukuyin ang bilang ng taludtod at sukat, at


ang paksa at mensaheng nais ipabatid ng mga
sumusunod na tula.

Tula 1
Ang aking puso,
Sa iyo nakaturo,
Hanggang sa dulo.

Tula 2
Ako’y gutom na
Para sa pagbabago
Ng ating bayan
Para sa ating bukas
Para sa kabataan

Tula 3
Wala nang iba
Ikaw lamang, Sinta ko
Ang nasa puso
Ikaw ay iingatan
Hinding hindi sasaktan

Tula 4
Tayo’y maglinis
Para sa kaligtasan
Ng Kalikasan

Gabay na Tanong:

1. Ilan ang bilang ng taludtud?


2. Ano ang sukat ng bawat taludtud?
3. Ano ang paksang nilalaman ng tula?
4. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng tula?

• Pagpapabasa ng Layunin

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa layunin • Tatalakayin ng guro ang mga ipinakitang tula.
ng aralin (PAG-UUGNAY)
• Magtatanong ang guro ng mga katanungan.
1. Ano ang inyong napansin sa mga nabasang tula?
2. Mayroon bang pagkakaiba at pagkakatulad ang mga
tula?

• Itatalakay ng guro ang kahulugan, halimbawa at ang


mga estilo ng pagkakasulat ng Tanka at Haiku
Ang Tanka at Haiku ay ilang anyo ng tula na
pinahahalagahan ng panitikang Hapon. Ginawa ang
tanka noong ikawalong siglo at ang haiku noong ika-15
siglo. Sa mga tulang ito layong pagsama-samahin ang
mga ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting
salita lamang.

Maiikling awitin ang tanka na binubuo ng tatlumpu't


isang pantig na may limang taludtod. Karaniwang hati
ng pantig sa mga taludtod ay: 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7 o
maaaring magkapalit- palit din na ang kabuuan ng
pantig ay tatlumpu't isang pantig pa rin.

Samantala, ang haiku ay mas pinaikli pa sa tanka. May


labimpitong bilang ang pantig na may tatlong taludtod.
Maaaring ang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 5-7-5
o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuuan ng
pantig ay labimpito pa rin.

Karaniwang paksa ng tanka ay pagbabago, pag-ibig, at


pag-iisa. Ang paksang ginagamit naman sa haiku ay
tungkol sa kalikasan at pag-ibig. Parehong
nagpapahayag ng masidhing damdamin ang tanka at
haiku.

Naririto ang mga halimbawa ng Tanka at Haiku na


mula sa Wikang Nihongo ay isinalin naman sa Ingles
at Filipino.

Tanka ni Ki no Tomonori
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Hapon Ingles Filipino
Hi-sa-ka-ta-no This perfectly still Payapa at tahimik

Hi-ka-ri-no-do-ke-ki Spring day bathed in Ang araw ng tagsibol


soft light

Ha-ru-no-hi-ri From the spread out Maaliwalas


sky
Shi-zu-ko-ko-ro-na- Why do the cherry Bakit ang Cherry
ku blossoms Blossoms

Ha-na-no-chi-ru-ra- So restlessly scatter Naging mabuway


mu down?

Haiku ni Basho
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Hapon Ingles Filipino
Ha-tsu-shi-gu-re An old silent pond Matandang sapa

Sa-ru-mo-ko-mi-no- A frog jumps into the Ang palaka’y tumalon


wo pond,

Ho-shi-ge-na-ri Splash, Silence again. Lumalagaslas

• Ipatutukoy ng guro sa kanyang mga mag-aaral kung


ang mga tulang naunang nabasa ay isang Tanka o
Haiku.
Tula 1
Ang aking puso,
Sa iyo nakaturo,
Hanggang sa dulo.
Sagot: Haiku

Tula 2
Ako’y gutom na
Para sa pagbabago
Ng ating bayan
Para sa ating bukas
Para sa kabataan
Sagot: Tanka

Tula 3
Wala nang iba
Ikaw lamang, Sinta ko
Ang nasa puso
Ikaw ay iingatan
Hinding hindi sasaktan
Sagot: Tanka

Tula 4
Tayo’y maglinis
Para sa kaligtasan
Ng Kalikasan
Sagot: Haiku

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Gawain 1: Pangkatang Gawain


paglalahad ng bagong kasanayan #1 Kaiba at Katulad
(PAGTALAKAY)
• Hahatiin ang klase sa apat (4) na pangkat. Sa
pamamagitan ng isang venn diagram, susuriin at
itatala ng mga mag-aaral ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng Tanka at Haiku. Bibigyan ng sampung
(10) minuto ang bawat pangkat, pagkatapos nito ay
ibabahagi sa harap ng buong klase ang binuong venn
diagram.

Panuto: Pagtulongang suriin at itala ang pagkakaiba


at pagkakatulad ng Tanka at Haiku gamit ang isang
venn diagram. Ibabahagi ito sa harap ng buong klase.

Tanka Haiku

Pagkakatulad

• Presentasyon ng Rubrik
• Presentasyon ng bawat pangkat
► Ang bawat pangkat ay bibigyan ng dalawa
hanggang tatlong minuto upang magbahagi.
► Pagwawasto ng guro sa mga binuong venn
diagram.
► Paglalahad ng mga iskor ng bawat pangkat.

Susing sagot:

Tanka Haiku

3 Taludtod Pagkakatulad 5 Taludtod


17 Pantig Anyo ng tula
31 Pantig
Panitikag Hapon
5-7-5 Sukat 5-7-5-7-7
Kakaunting salita Sukat
May lamang
pagbabago at May kalikasan
pag-iisa ang May pag-ibig ang ang paksa
paksa paksa

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Gawain 2: Pangkatang Gawain


paglalahad ng bagong kasanayan #2 Himig Awitan!
(PAGTALAKAY)
• Sa kaparehas na pangkat sa unang gawain, ang
bawat pangkat ay bubuo ng isang Tanka at isang
Haiku na may paksang pag-ibig sa kalikasan. Ang
nabuong Tanka at Haiku ay pagsasamahin at lalapatan
ng tono at himig. Bibigyan ng guro ng sampu
hanggang labinlimang (10-15) minuto sa paghahanda
ang bawat pangkat, pagkatapos ay ibabahagi ito sa
harap ng buong klase.

Panuto: Sa kaparehas na pangkat sa unang gawain,


bumuo ng isang Tanka at isang Haiku na may paksang
pag-ibig sa kalikasan. Ang nabuong Tanka at Haiku ay
pagsasamahin at lalapatan ng tono at himig.
Iprepresenta ito sa harap ng buong klase.

• Presentasyon ng Rubrik
• Presentasyon ng bawat pangkat

► Ang bawat pangkat ay bibigyan ng dalawa


hanggang tatlong minuto upang magtanghal
► Ang guro ay magbibigay ng mga komento sa
pagtatanghal ng mga mag-aaral.
► Paglalahad ng mga iskor ng bawat pangkat.

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Gawain 3: Indibidwal na Gawain


Formative Assessment) (PAGLINANG) Reaksyon Mo

Panuto: Sumulat ng isang maikling sanaysay


patungkol sa iyong reaksyon hinggil sa mga
sumusunod na Tanka at Haiku, kailangang hindi ito
bababa sa isang daang salita. Gamiting batayan sa
pagsulat ang mga gabay na tanong sa ibaba.
Ibabahagi ito sa harap ng buong klase.
Tanka
Ilog ng linis
Bakit ngayo’y madungis?
Basura’t ipis,
Isama pa ang langis,
Iba na iyong wangis

Haiku
Oh! Kalikasan
Kaakit-akit tignan
Ating ingatan

Gabay na Tanong:

1. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng mga tula?


2. Ano ang iyong reaksyon hinggil sa mga nabasang
tula?
3. Sa mga kasalukuyang pagbabago sa ating
kapaligiran, sa paanong paraan nakakatulong ang
pagsulat ng Tanka at Haiku?

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw Pamprosesong Tanong:


na buhay (PAGLALAPAT)
1. Bilang isang mag-aaral, ano sa palagay mo ang
kahalagahan ng pagsulat ng Tanka at Haiku?
2. Kung ikaw ang susulat ng ganitong uri ng tula ano
ang paksang nais mong talakayin? Ipaliwanag.

H. Paglalahat ng Aralin (PAGLALAHAT) Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang Tanka?


2. Ano ang Haiku?
3. Paano nagkakaiba sa estilo ng pagkakasulat ang
Tanka at Haiku?
4. Paano naiiba ang Tanka at Haiku sa iba pang uri ng
tula?

I. Pagtataya ng Aralin (PAGTATAYA) Sumangguni sa resulta ng Pangkatang Gawain sa titik


F. (Paglinang)

J. Karagdagang gawain para sa takdang- Panuto: Magsaliksik tungkol sa iba’t ibang ponemang
aralin at remediation (PAGPAPALAWIG) suprasegmental at sagotan ang mga sumusunod na
gabay na katanungan. Isulat ito sa isang buong papel
at ipasa ngayong June 5, 2023.

Gabay na Tanong:

1. Ano ang ponemang suprasegmental?


2. Ano-ano ang mga uri ng ponemang
suprasegmental?
2. Magtala ng dalawang halimbawa sa bawat uri ng
ponemang suprasegmental.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% Sumangguni sa Test Plan na may petsang Mayo 22,
sa pagtataya 2023.
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan
ng iba pang gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na
nasolusyunan sa tulong ng aking punungguro
at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
naidibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Rubriks sa Presentasyon ng Venn Diagram

Pamantayan Napakamahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan


(10) (8) Mahusay (6) ng Pag-unlad (3)
Nilalaman/Paksa Napakamahusay Mahusay ang Hindi gaanong Hindi mahusay ang
ang pagkakabuo at pagkakabuo at mahusay ang pagkakabuo at
pagkakalahad ng pagkakalahad ng pagkakabuo at pagkakalahad ng
nilalaman. nilalaman. pagkakalahad ng nilalaman.
nilalaman.
Pagbahagi Napakamahusay Mahusay ang Hindi gaanong Hindi mahusay ang
ang pagkakabahagi pagkakabahagi sa mahusay ang pagkakabahagi sa
sa paraang malinaw paraang malinaw at pagkakabahagi sa paraang malinaw at
at organisado. organisado. paraang malinaw at organisado.
organisado.
Kabuuang Puntos
(20)

Rubriks sa Pagsulat ng Tanka at Haiku


Pamantayan Napakamahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan
(10) (8) Mahusay (6) ng Pag-unlad (5)
Nilalaman/Paksa Angkop ang tema o Angkop ang tema o May ilang bahagi na Hindi ankop ang
paksa. paksa. Mahusay at hindi angkop ang tema o paksa. Hindi
Napakamahusay at malinaw ang tema o paksa. Hindi mahusay at
malinaw ang pagkakabuo at gaanong mahusay at malinaw ang
pagkakabuo at pagkakalahad ng malinaw ang pagkakabuo at
pagkakalahad ng nilalaman. pagkakabuo at pagkakalahad ng
nilalaman. pagkakalahad ng nilalaman.
nilalaman.
Pagkamalikhain Lubusang Nagpamalas ng Hindi gaanong Hindi naging
nagpamalas ng pagiging malikhain nagpamalas ng malikhain sa
pagiging malikhain sa pagsulat ng Tanka pagiging malikhain sa pagsulat ng Tanka
sa pagsulat ng at Haiku. pagsulat ng Tanka at at Haiku.
Tanka at Haiku. Haiku.
Pagkabuo Angkop at wasto Ilang bahagi ay May ilang bahagi ang Maraming bahagi
ang bilang ng pantig angkop at wasto ang hindi angkop at wasto ang hindi angkop at
at taludtod. bilang ng pantig at ang bilang ng pantig wasto ang bilang ng
taludtod. at taludtod. pantig at taludtod.
Kabuuang Puntos
(30)
Rubriks sa Presentasyon ng Himig Awitan

Pamantayan Napakamahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan


(10) (8) Mahusay (6) ng Pag-unlad (5)
Nilalaman/Paksa Angkop ang tema o Angkop ang tema o May ilang bahagi na Hindi ankop ang
paksa ng awit. paksa ng awit. hindi angkop ang tema o paksa. Hindi
Napakamahusay at Mahusay at malinaw tema o paksa ng awit. mahusay at
malinaw ang ang pagkakabuo at Hindi gaanong malinaw ang
pagkakabuo at pagkakalahad ng mahusay at malinaw pagkakabuo at
pagkakalahad ng nilalaman. ang pagkakabuo at pagkakalahad ng
nilalaman. pagkakalahad ng nilalaman.
nilalaman.
Tono/Himig Napakamahusay na Mahusay na Hindi gaanong Hindi angkop ang
nalapatan ng nalapatan ng angkop angkop ang inilapat inilapat na tono at
angkop na tono at na tono at himig ang na tono at himig ng himig ng awit, at
himig ang awit, at awit, at may awit, at hindi gaanong hindi nagkaisa ang
may kaisahan ng kaisahan ng tinig. nagkaisa ang tinig. tinig.
tinig.
Hikayat sa Madla Ganap na Nahihikayat May ilang bahagi ng Maraming bahagi
nahihikayat pakinggan ang himig awit na hindi ng awit na hindi
pakinggan ang ng awit. kahikahikayat kahikahikayat
himig ng awit. pakinggan. pakinggan.
Kabuuang Kumpleto ang lahat May isang miyembro May dalawang Kalahati lamang ng
Pagtatanghal at nagkaisa sa ang hindi nakasali at miyembro ang hindi pangkat ang
presentasyon. may pagkakaisa. nakasali at bahagya nakasali at walang
ang pagkakaisa. pagkakaisa.
Kabuuang Puntos
(40)

Rubriks sa Maikling Sanaysay

Pamantayan Napakamahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan


(10) (8) Mahusay (6) ng Pag-unlad (5)
Nilalaman/Paksa Napakamahusay at Mahusay at malinaw Hindi gaanong Hindi mahusay at
malinaw ang ang pagkakabuo at mahusay at malinaw malinaw ang
pagkakabuo at pagkakalahad ng ang pagkakabuo at pagkakabuo at
pagkakalahad ng nilalaman. pagkakalahad ng pagkakalahad ng
nilalaman. nilalaman. nilalaman.
Organisasyon Napakamahusay Mahusay ang Hindi gaanong Hindi mahusay ang
ang pagkakasunod pagkakasunod at mahusay ang pagkakasunod at
at pag-uugnay ng pag-uugnay ng pagkakasunod at pag- pag-uugnay ng
ideya. ideya. uugnay ng ideya. ideya.
Pagkabuo Lahat ay may Ilan ay may wastong May mga hindi Walang wastong
wastong gamit ng gamit ng mga bantas wastong gamit ng gamit ng mga
mga bantas at at baybay. mga bantas at bantas at baybay.
baybay. baybay.
Kabuuang Puntos
(30)

Rubriks sa Presentasyon ng Maikling Sanaysay

Pamantayan Napakamahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan


(10) (8) Mahusay (6) ng Pag-unlad (3)
Nilalaman/Paksa Napakamahusay Mahusay ang Kainaman ang Hindi mahusay ang
ang pagkakabuo at pagkakabuo at pagkakabuo at pagkakabuo at
pagkakalahad ng pagkakalahad ng pagkakalahad ng pagkakalahad ng
nilalaman. nilalaman. nilalaman. nilalaman.
Pagbahagi Napakamahusay Mahusay ang kainaman ang Hindi mahusay ang
ang pagkakabahagi pagkakabahagi sa pagkakabahagi sa pagkakabahagi sa
sa paraang malinaw paraang malinaw at paraang malinaw at paraang malinaw at
at organisado. organisado. organisado. organisado.
Kabuuang Puntos
(20)

You might also like