You are on page 1of 4

Para sa Mag-aaral

San Isidro College


INTEGRATED BASIC EDUCATION
City of Malaybalay

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Ikalawang Markahan, Ikalawang Semestre
School Year 2021-2022

Name of Learner: Venze Adrianne D. Macaday___________Grade/Section: ABM G11-St. Catherine


Date of Release: __________ Date of Submission: ___________Date Received: ____________

GAWAING PAGKATUTO BILANG: 4


Paksa: Mga Barayti ng Wika
A. Kasanayang Pagkatuto at Koda
1. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling karanasan, pananaw, at mga karanasan (F11PS-Ia-86)
2. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga narinig o napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa
telebisyon o radyo (F11PD-Ib-86)

B. Mga Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral sa ikalabing-isang baitang ay inaasahang:
a. natutukoy ang barayti ng wika na ginamit sa pahayag o sitwasyon,
b. nahihinuha sa kabuluhan ng wika batay sa sariling karanasan at
c. naibabahagi ang sariling kaalaman, pananaw at karanasan batay sa narinig o napanood na sitwasyong
pangkomunikasyon mula sa telebisyon o radyo.
C. Malinaw at Detalyadong Panuto
1. Basahin ang sumusunod na paksa ng iyong aklat:
 Mga Barayti ng Wika (pahina 43-49)
2. Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Gamitin ang iyong natutunan at sagutin ang sumusunod na
pagsasanay sa ibaba..
C. Pagsasanay
Gawain 1 (Pagkabatiran): Batay sa iyong sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan, tukuyin kung sa anong barayti
ng wika nabibilang ang sumusunod na mga pahayag o sitwasyon. Isulat ang sagot sa inilaang patlang.
__ Idyolek___1. Kilalang-kilala ng madlang tagapanood ang paraan ng pagsasalita ni Noli De Castro lalo na kapag
sinasabi niya ang pamoso niyang linyang “Magandang Gabi, Bayan!”
___Dayalek____2. Nagta-Tagalog din ang mga taga-Morong, Rizal pero may punto silang kakaiba sa Tagalog ng mga
taga-Metro Manila.
__ Idyolek ___3. Marami ang gumagaya sa paraan ng pagsasalita ni Kris Aquino lalo na ang malutong niyang “Ah, ha,
ha! Okey! Darla! Halika!”
____Pidgin____4. Nagtagpo ang mga unang nakipagkalakalang Tsino at mga katutubo sa Binondo bago pa man
dumating ang mga Espanyol. Dahil parehong walang alam sa wikain ang isa’t isa, bumuo sila ng wikang walang
sinusunod na estruktura at hindi pag-aari ng sinuman sa kanila.
____Creole____5. Ang ilan sa mga Tsinong nakipagkalakalan sa ating mga ninuno ay nagpakasal sa mga dalagang taga-
Binondo. Ang wikang kanilang binuo na maituturing na hindi pag-aari ninuman ay siyang naging unang wika ng kanilang
mga naging anak.
___Sosyolek___6. Maririnig sa usapan nina Lauro a.k.a. “Laura” at ng kaibigan niya si Daniko a.k.a “Dana” ang mga
salitang charot, chaka, igalou, at iba pa.
____Jargon____7. Habang nakasakay sa bus si Norie ay narinig niyang nag-uusap ang dalawang babae sa unahan.
Narinig niya sa usapan ang mga salitang lesson plan, quiz, essay, at grading sheets. Mula rito’y alam na niyang mga guro
ang mga nakaupo sa harap niya.
___Register____8. Habang naghahanda ng report o ulat ang magkaibigang Rio at Len ay maharot at nakatatawa ang
ginagamit nilang mga salita subalit nang maihanda ang mga kagamitan at magsimula silang mag-ulat sa klase at ng guro
ay biglang nag-iba at naging pormal ang paraan nila ng pagsasalita.
____Etnolek___9. Natutuhan ni Joven ang salitang vakkul mula sa mga Ivatan nang mamasyal siya sa Batanes. Saan man
siya mapunta ngayon, kapag narinig niya ang salitang vakkul ay alam niyang ang salitang ito ng mga Ivatan ay tumutukoy
sa gamit nilang pananggalang sa init at ulan.
__ Idyolek___10. “Handa na ba kayo?” ito ang pamosong linyang binibigkas ni Korina Sanchez sa kanyang programang
Rated K. Kahit hindi ka nakatingin sa telebisyon at naririnig lamang ang kanyang pagsasalita ay tiyak na malalaman mong
si Korina nga ito dahil sa sarili niyang estilo ng pagbigkas.
Gawain 2 (Pagpapakahulugan): Ibigay ang kahulugan ng bawat barayti ng wika. (2 puntos bawat bilang)
1. Dayalek- Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar
tulad ng lalawiganin, rehiyon, o bayan.
2. Sosyolek- Sa barayting ito ng wika nakabatay ang pagkakaiba iba sa katayuan o antas panlipunan o dimensyonng
sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.
3. Etnolek- Ito ang barayti ng wikang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat etniko.

4. Pidgin- Barayti ng wikang nangyayari kapag may dalawang taong nagtatangkang mag-usap subalit pareho silang may
magkaibang unang wika at di nakaaalam sa wika ng isa’t isa.
5. Creole- Ang tawag sa barayti ng wika kung saan ang wikang nagsimula bilang pidgin ay naging likas na wika o unang
wika na ng batang isinilang sa komunidad.
Gawain 3 (Paglilipat): Pakinggan o panoorin ang sumusunod na mga programang panradyo o pantelebisyon at saka
sagutin ang mga tanong.
 Batman Joke time-- Batanggenyo SUPER COMEDY part 2 (Ang Batman Joke Time ay mula sa isang
programang panradyo mula sa Batangas). Maaari itong marinig mula sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=mS7nQ-NCR2c
 Angelica spoofs Kris on Aquiknow & Aboonduh Tonight mula sa programang Banana Split sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=t23O2wrxso0
 Michael V as Ex-President Gloria Macapagal Arroyo mula sa Bubble Gang 13 th Anniversary sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=LERL57oKnJE

1. Ano-anong barayti ng wika ang kapansin-pansin sa paraan ng pagsasalita ng host sa programang panradyong
napakinggan mo?
Dayalek dahil sa paiba iba nila ng tono ng pagsasalita, Idyolek dahilmeron silang sari- sariling salita na tumatatak sa isip
ng bawat indibidwal.
2. Bakit kaya dayalek ng mga Batanggenyo ang napiling gamitin para sa sa Batman Joke Time?
Dayalek ng batanggenyo ang napiling gamitin para sa Batman joke time dahil sa paraanng pagsasalita ng mga
batanggenyo at ang tono nito at alam nilang ito ay bebenta sa mga tao lalona sa mga mahilig sa mgafunny videos.
3. Bakit sina Boy Abunda, Kris Aquino at Gloria ang napiling gayahin o i-spoof sa mga pinanood mo? Ano ang masasabi
mo sa kanilang idyolek?
Sila ang napiling i-spoof ng karamihan dahil sa paraan nila ng pagsasalita at dahil alam nilang ito ay makapagpapasaya sa
bawat manonood, ang masasabi ko lang sa kanilang idyolek ay talaga naming tatatak sa isipan at marinig mo lang ay alam
mona kung kanino itong line.
4. May mga nagamit bang jargon ang host o ang mga bisita? Kung mayroon, ano-ano ang mga ito?

5. Oo. Ang mga ito ay ang singer, rap-


per, composer, writer na tinutukoy ng
host na si Mike
6. Enriquez sa isang sikat na artista na si
Michael V. Isa pa ay ang mga salitang
shows, interview,
7. personal social media/project at artist
o artist ana kung saan inilarawan dito si
Miley Cyrus dahil
8. kahawig nito ang buhok ng bisita sa
show.
9. Oo. Ang mga ito ay ang singer, rap-
per, composer, writer na tinutukoy ng
host na si Mike
10. Enriquez sa isang sikat na artista na
si Michael V. Isa pa ay ang mga salitang
shows, interview,
11. personal social media/project at
artist o artist ana kung saan inilarawan
dito si Miley Cyrus dahil
12. kahawig nito ang buhok ng bisita sa
show.
13. Oo. Ang mga ito ay ang singer, rap-
per, composer, writer na tinutukoy ng
host na si Mike
14. Enriquez sa isang sikat na artista na
si Michael V. Isa pa ay ang mga salitang
shows, interview,
15. personal social media/project at
artist o artist ana kung saan inilarawan
dito si Miley Cyrus dahil
16. kahawig nito ang buhok ng bisita sa
show.
Oo. Ang mga ito ay ang singer, rapper, composer, writer na tinutoky ng host na si Mike Enriquez sa isang sikat na artista
na si Michael V. Isa pa ay ang mga salitang shows, interview, personal social media/project at artist o artist ana kung saan
inilarawan dito si Selena Gomez.

D. Pagpapahalaga/Repleksiyon

 Nationalism and Cultural Integration- Mahalaga ang wika sa isang tao sapagkat ito ang isa sa
pinakapangunahing kailangan upang maipahayag ang ating damdamin, saloobin, at kaisipan sa iba.

Gabay na Tanong sa Repleksiyon


1. Bakit kailangan nating tanggapin at igalang ang pagkakaiba-iba o barayti ng wikang ginagamit ng mga tao sa paligid?
Sa paanong paraan maaaring makatulong ang ganitong pagtanggap?
Dapat nating pahalagahan ang barayti o pagkakaiba ng wikang ginagamit ng mga taong nakapaligid sa atin dahil sabi nga
sa isang salawikain na kung gusto mong igalang, kailangan mo ring igalang ang iba. Ang isa pang wika na kanilang
sinasalita ay bahagi ng kanilang pagkakakilanlan at kultura, na dapat nilang ipagmalaki.

You might also like