You are on page 1of 4

Mindanao State University

Marawi City

REAKSYON AYON SA BIDYU NG ISANG PINOY


NA NAGSASALITA NG TAGALOG NGUNIT
SA KOREANONG PUNTO KAUGNAY SA
SOSYOLINGGWISTIKA

Sulating Sanaysay Bilang


Bahaging Pag-aaral sa Asignaturang
Filipino 101

Unang Semester Taunang Panuruan 2022-2023


Seksyon- Dd2

Ipinasa ni:

Juarez, Crisanto D.
Magangcong, Mohammad Ar-Rabi M.
Usman, Maica Yasmine D.
Mituda, Alexandra Eisabel C.
Taha, Wedad D.
Usman, Juhanimah P.
Rascal, Norjanah M.
Najmah O. Palao

Ipapasa kay:

Flores, Angelito G. Jr.


REAKSYON

Sa ngalan ng aming mga kasapi at base sa aming mga obserbasyon ukol sa bidyu ay may
sari-sari kaming reaksyon habang pinapanood ito. Mayroong natawa at mayroon din namang
nainis. Natawa ang iba naming kasapi dahil ikaw ba naman daw ang makarinig ng nagsasalita na
Pilipino na Korean ang tono o punto at dimo inakala ay sadyang matatawa ka talaga dahil sa
pabirong pagbigkas nito ng mga salita. Samantalang ang iba naming mga kasapi ay nainis sa
kadahilanang hindi nito naiparating ng maayos ng lalaki sa bidyu ang kanyang mensahe ng taong
nakikinig sa kanya sa Telepono kung kaya’t pinutol nito ang linya dahil sa hindi nito maunawaan
ang mga sinasabi nito.

Ang wika ay isang mahalagang salik upang ang mga tao ay magkakaunawaan o
magkakaintindihan at ang wika’y mabisang instrumento para sa pakikipag-ugnayan. Ngunit pag
ang wika ay hindi magamit ng maayos ay tiyak ang nakikinig sa iyo ay maguguluhan o hindi
niya makuha ang nais mong iparating. Masasabi namin na ang bidyu ay may kaugnayan sa
sosyolinggwistika, sapagkat ang mga koreano o koreana sa panahon ngayon ay mas kinikilala
dito sa Pilipinas kung kaya ang mga Pinoy ay ginagaya ng mga ito kung paano sila magsalita
kung kaya’t naapektohan nito ang ating komunikasyon at ugnayan sa tao na nakakaapekto sa
ating lipunan. Ang kanyang paraan sa paggamit ng wika ay maituturing na barsyon ng wika dahil
sa kung paano niya ito ginamit ang ating wika sa pamamagitan ng panggagaya niya sa tono ng
mga koreano at koreana.

Ayon sa mga pag-aaral na isinigawa ni Dua (1990) ang ilan sa mga pangunahing dahilan
sa hindi pagkakaunawaan ng dalawang taong nag-uusap ay pwedeng mag ugat sa tatlong
posibilidad na maaaring magmula sa taong nagsasalita tulad ng:

1.Hindi lubos na nauunawaan ng nagsasalita ang kanyang intensyon.


2.Hindi maipahayag ng maayos ng nagsasalita
ang kanyang intensyon.
3.Pinipili ng nagsasalitang huwag na lang sabihin ang kanyang intensyon dahil sa iba't ibang
kadahilanan tulad nang nahihiya siya, at iba pa.

Ayon naman sa lingguwistang si Dell Hymes,maging mabisa lamang ang komunikasyon


kung ito ay isasaayos, at sa pagsasaayos ng komunikasyon, may mga bagay na dapat isaalang-
alang. Ang kakayahan ng Sosyolingwistika na dapat isaalang-alang ay:

S.P.E.A.K.I.N.G
S (seting)- Pakikipag-usap ng maayos sa lugar at sitwasyon. Pook o lugar kung saan nag-uuusap
o S nakikipagtalastasan ang mga tao.

P (participant) - Mga kalahok sa pag-uusap. Isaalang-alang ang taong


pinagsasabihan/kinakausap.

E(ends)- Pakay/ layunin at inaasahang bunga ng pangungusap.

A (act sequence) - Ang daloy/takbo ng usapan.

K keys)- Tono ng pakikipag-usap. Katulad ng setting o pook ,nararapat ding isaalang-alang ang
sitwasyon ng usapan. Kung ito ba ay pormal/ di-pormal.

I (instrumentalities)-Tsanel o midyum ng pakikipag-usap. Iniaangkop natin ang tsanel na


gagamitin sa kung ano at saan sasabihin.

N (norms) - Paksa ng usapan.(usapang pangmatanda,usapang pambabae lamang. usapang


panlalaki lamang)

G(genre)-Diskursong ginagamit kung nagsasalaysay nakikipagtalo/ nanganga- tuwiran. Dapat


iangkop ang un ng dis-kursong gagamitin sa pakikipagtalasta-san. Nagsasalaysay ba?
Naglalarawan ba?

KONKLUSYON

Mahalagang maintidihan mo ang mga sinasabi mo at maiintindihan din ng tao ang mga
sinasabi mo. Tulad nalang ng Ilokano, cebuano, at meranao may iba't-ibang wikang ginagamit
sapagkat hindi magkakaunawan kung kaya't gamitin mo ang wika kung saan kayo ay
magkakaintindihan at ang mabisang gamitin ay ang wikang Filipino at sa tamang punto.

Sa ating panood at pakikinig sa bidyu na iyon, ating unang mapapansin na sa una palang
ay hindi natin mauunawaan ng maayos ang mga salitang lumalabas sa bibig ng lalaki ngunit pag
ating pinakinggan muli; ating malalaman na ang kanyang gamit na wika ay Filipino at ang
kanyang pamamaraan ng pagsasalita ay tono Koreano.

Dahil sa ideolohiya ginawang tonog Koreano ang wikang Filipino. Gayunpaman, ating
makikita sa bidyu ang salitang "Sosyolinggwistika", sa pamamaraan ng linggwistika ito'y
ipinapakita sa bidyo ang buhay ng wika sa lipunan na ating ginagalawan.

Ang sosyolinggwistika ay pagaaral sa epekto ng lipunan sa wika. Sa panahon ngayon ay


sobrang sikat ng mga koryano sa Pilipinas sa kadahilanang paglaganap ng kanilang mga korean
dramas, korean pop music, at mga korean groups. Ang kanilang kasikatan ay umabot na punto na
ginagaya na ng mga pilipino ang kanilang Kultura at pagsasalita.

You might also like