Professional Documents
Culture Documents
Kagawaran NG Edukasyon
Kagawaran NG Edukasyon
Ipinipresenta kay
G. SANDRO J. REBADIO
Kagawaran ng Senior High School
Ipinasa ni
SEPTEMBRE 2019
Mga Madalas na Pagkakamali sa Gramatikang Filipino
I.Introduksiyon
Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika noon at maging ngayon sa kasalukuyan.
Nagiging tulay ito tungo sa kapayapaan ng bansan Pilipinas. Mas nagkaka-intindihan ang bawat
mamamayan dahil madali at malayang naipapahatid ng mga Pilipino ang kanilang saloobin at
kaisipan. Wikang Filipino rin ang nagiging susi tungo sa pagkakaisa ng mga Pilipino na siyang
kadahilanan ng patuloy na pagunlad ng ekonomiya ng Pilipinas. Ngayon marami pa rin ang hindi
nakaaalam na ang Filipino ang wika ng mga Pilipino. Marami ang nagkakamali sa paggamit ng
Filipino at naipalalagay na ito ang mga taong naninirahan sa Pilipinas. Dapat nang ituwid ang
pagkakamaling ito. Malinaw ang nakasaad sa Saligang batas ng 1987, Seksiyon 6: Ang Wikang
Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Alam kung marami sa atin ang nagkakamali sa gramatikang
filipino dahil hindi natin pinagtuunan pasin ang mga pang-uri, pantukoy, pandiwa, kaangkupan ng
mga salita at ang wastong gamit ng salita.