You are on page 1of 1

Ang Wikang Filipino

May akda: Neil Bryan E. Canlas

Wikang Filipino ay ating mahalin.


Ito ang simbolo ng pagkabansa natin.
Binukod nito ang ating damdamin
Ang ating isipan at maging layunin.

Wikang Filipino kung maitutulad,


Sa agos ng tubig na mula sa dagat
Kahiman na at ito’y sagkahan ng tambak
Na pilit maglalaho’t hahanap ng lubak.

Oo, sapagkat ito’y maiintindihan


Na ang Wikang Pambansa, dapat ituro sa bayan
Tatlumpu’t dalawang taong isinasapuso
Ng Bata, Matanda, at nang mga Guro.

Napasok na sa maraming larangan,


Sa mga Gawain na pampaaralan
Transakyon sa bayan at sa kalakalan
Mga paaralan at sa buong sandaigdigan.

Wikang Filipino ay dapat ipagtanggol


Bagkus dugo’t pawis ditp’y ginugugol,
Ang maraming hirap sa salapi’t panahon
Ng pamahalaan at ng masa sa ngayon.

Wikang Filipino ikaw ay mabuhay.


Kaming Pilipino sayo’y gagabay
Kahit anong hirap sayo’y iaalay
Pilipinas mahal na bayan, Pilipinas ay mabuhay!

You might also like