You are on page 1of 1

Ang Wikang Filipino (Ezra)

Wikang Filipino ay ating mahalin


Ito ang sagisag nitong bansa natin,
Binubuklod nito ang ating damdamin
Ang ating isipan at mga layunin.

Wikang Filipino ay maitutulad


Sa agos ng tubig na mula sa dagat,
Kahit man ito’y hadlangan ng tabak
Pilit maglalagos, hahanap ng butas.

Oo, pagkat ito’y nauunawaan


Ng Wikang Pambansa sa baya’y ituro,
Tatlumpu’t dalawang taong sinapuso
Ng bata, Matanda, lalo na ng guro.

Napasok na nito’y maraming larangan


Ng mga gawain na pampaaralan,
Transaksyon sa bayan at sa sambayanan
Mga paaralan sa sandaigdigan.

Wikang Filipino’y dapat ipagtanggol


Lalo’t iisiping dito’y ginugugol,
Ang maraming hirap, Salapi’t panahon
Ng pamahalaan at ng masa ngayon.

Wikang Filipino, ikaw ay mabuhay


Itataguyod ka sa lahat ng araw!

You might also like