You are on page 1of 2

PAMANTASAN NG BOHOL

City of Tagbilaran

Activity of Week 4
Pangalan at Kurso: MARY JOYCE S. SALEM BSCE-ST 1

Sagutin Natin
I. Isa-isahin ang mga kahulugan ng sumusunod na gamit ng metodolohiya..

1. Case Study
Tumutukoy ito sa detalyadong paglalarawan sa sitwasyon ng isang tao, bagay,
lugar, pangyayari, phenomenon, at iba pa. bilang potensyal na lunsaran ng mga
susunod pang pag-aaral sa mga kahawig na kaso.

2. Content Analysis
Ang pagsusuri ng nilalaman o content analysis na tumutukoy naman sa
paglalarawan o pagsusuri sa nilalaman ng isang teksto.

3. Pagsusuring Tematiko
Ang pagsusuring tematiko ay pamamaraan ng pagtukoy, pagsusuri at pagtatala sa
mga tema o padron ng naratibo sa loob ng isang teksto.

4. Secondary Data Analysis


Tumutukoy ito sa pagsusuri at pag-uugnay-ugnay sa mga umiiral na datos at
estadistika, tungo sa layuning sagutin ang mga panibagong tanong at/o makabuo
ng mga bagong konklusyon na angkop sa kasulukuyang sitwasyon.

5. Pagbubuo ng Glosaryo
Tumutukoy ito sa pananaliksik hinggil sa proseso ng pagtatala ng depinisyon ng
mga termino alinsunod sa kontemporaryong gamit ng mga salita sa isang
partikular na larangan.

6. Pagbubuo at Balidasyon ng Materyales na panturo


Tumutukoy sa pananaliksik hinggil sa proseso ng pagbubuo at balidasyon ng
mga modyul at iba pa. materyales na panturo na kaiba sa karaniwang umiiral o
kaya’y naka-angkla sa panibagong pamamaraan o dulog sa pagtuturo.

7. Pagsusuri sa Diskurso
Tumutukoy sa pagsusuri sa paraan ng pagpapahayag at/o mensaheng
nangingibabaw sa teksto, awit, video, pelikula, at iba pang materyales.

8. SWOT Analysis
Tumutukoy ito sa pagsusuri sa kalakasan (strengths) at kahinaan (weaknesses)
ng isang programa/plano, at mga oportunidad (opportunities) o bagay na
makatutulong sa implementasyon at mga banta (threat) o bagay na maaaring
makahadlang sa implementasyon ng programa/plano.
9. Secondary Data Analysis
Tumutukoy ito sa pagsusuri at/pag-uugnay-ugnay sa mga umiiral na datos at
estadistika, tungo sa layuning sagutin ang mga panibagong tanong at/o makabuo
ng mga bagong konklusyon na angkop sa kasalukuyang sitwasyon.

10. Kritikal na Pagsusuri Pangkurikulum


Tumutukoy sa pagsusuri sa mga negatibong aspekto ng isang
kurikulum/programa tungo sa layuning baguhin/linangin pa ito.

Magagawa Natin
Bumuo ng isang reaksyong papel hinggil sa kahalagahan ng mga paksang nabasa Sa
pagbuo nito kinakailangan hindi baba at lalagpas ng 250 mga mahahalagang salita at pagtuunan
ng pansin ang rubric sa ibaba.

Ang metodolohiya ay tumutukoy sa sistematikong paglutas sa mga suliranin/ tanong/layunin ng


pananaliksik o mga paraan na ginagamit sa pagtitipon at pagsusuri ng mga datos/impormasyon. Ang
metodo ng pananaliksik ay tumutukoy sa mga tiyak na teknik ng pagtitipon at pagsusuri ng datos
upang makabuo ng mga konklusyong mapaninindigan (reliable). Ito ang pinakamahalagang bahagi ng
pananaliksik na kailangang itakda sa pasimula pa lamang ng pag-iisip ng paksa.Ang case study ay
tumutukoy sa detalyadong paglalarawan sa sitwasyon ng isang tao,bagay, lugar, pangyayari,
phenomenon, at iba pa bilang potensyal na lunsaran ng mga susunod pang pag-aaral sa mga kahawig
na kaso. Ang pagsusuring tematiko ay pamamaraan ng pagtukoy, pagsusuri at pagtatala sa mga tema
o padron ng naratibo sa loob ng isang teksto.ang pagsusuri ng nilalaman o content analysis ay
tumutukoy naman sa paglalarawan o pagsusuri sa nilalaman ng isang teksto. Ang secondary data
analysis ay tumutukoy ito sa pagsusuri at pag-uugnay-ugnay sa mga umiiral na datos at estadistika,
tungo sa layuning sagutin ang mga panibagong tanong at makabuo ng mga bagong konklusyon na
angkop sa kasalukuyang sitwasyon. Ang pagbubuo ng glosaryo/pananaliksik na leksikograpiko ay
tumutukoy ito sa pananaliksik hinggil sa proseso ng pagtatala ng depinisyon ng mga termino
alinsunod sa kontemporaryong gamit ng mga salita sa isang partikular na larangan. Ang pagbubuo at
balidasyon ng materyales na panturo ay tumutukoy ito sa pananaliksik hinggil sa proseso ng
pagbubuo at balidasyon ng mga modyul at iba pang materyales na panturo na kaiba sa karaniwang
umiiral o kaya’y nakaangkla sa panibagong pamamaraan o dulog (approach) sa pagtuturo. Ang
pagsusuri sa diskurso ay tumutukoy sa pagsusuri ng paraan ng pagpapahayag o mensaheng
nangingibabaw sa teksto, awit, video, pelikula at iba pang materyales. Ang SWOT Analysis ay
tumutukoy ito sa pagsusuri sa kalakasan (strengths) at kahinaan (weaknesses) ng isang programa /
plano, at mga oportunidad (opportunities) o bagay na makatutulong sa implementasyon at mga banta
(threat) o bagay na maaaring makahadlang sa implementasyon ng programa / plano. Ang kritikal na
pagsusuring pangkurikulum ay tumutukoy sa pagsusuri sa mga negatibong aspekto ng
kurikulum/programa tungo sa layuning baguhin o linangin pa ito.

You might also like