You are on page 1of 1

Konseptong Papel- Ayon kina Constantino at Zafra(1997) ito ang framework ng

paksang tatalakayin. Ito ang pinaka-istruktura at pinaka-buod ng isang ideya na


tumatalakay sa ibig patunayan, linawin o tukuyin.

Bahagi ng Konseptong Papel Pagpapakahulugan

Paksa Ito ang pangunahing ideya na pinag-uusapan


o tinatalakay na siyang nagsisilbing direksiyon
at pokus sa pananaliksik

Kaligiran ng Paksa Naglalaman ito ng paunang impormasyon


kung bakit kailangang pag-aralan ang napiling
paksa o kahalagahan ng pananaliksik sa
paksa, ito rin ang gabay sa pagpilli ng
papanigang pananaw sa bubuoing pahayag sa
tesis.

Metodolohiya ItInuturing itong disenyong ginagamit sa


pananaliksik. Tinutukoy dito ang pamamaraan
na gagamitin sa pagkuha ng datos at
pagsusuri sa piniling paksa sa pananaliksik.
Maraming paraan na ginagamit sa pagkuha ng
datos katulad ng sarbey, talatanungan, case
study, obserbasyon, analisis ng dokumento at
iba pa. Depende ito sa larangan at paksa ng
pag-aaral.

Kahalagahan sa Lipunan Inilalahad ang mga kalutasan hinggil sa


suliranin batay sa paksang tinatalakay na
siyang makabuluhan para sa pag-unlad ng
lipunan. Ang mga pagsusuri, pagtuklas at pag-
aaral ay malaking ambag sang-ayon sa
pagtugon nito sa pangangailangang
panlipunan.

Pangkatang Gawain
Panuto: Bumuo ng tatlong halimbawa ng Konseptong Papel batay sa mga bahaging
nakasaad sa talahanayan sang-ayon sa track o larangang kinabibilangan.

You might also like