You are on page 1of 2

Upang magkaroon ng lalim ang pananaliksik at makapag-ambag ito sa

pagpapalawak, pagpapaliwanag, at paglikha ng mga konsepto o kaisipan,


mahalaga ang pagpili ng Batayan teorerikal ng pananaliksik. Ayon kay Abend
(2013), ang mga teorya ay binuo upang “magpaliwanag, magbigay ng
prediksyon hinggil sa, o makatulong sa pag-unawa sa penomenon, at sa
maraming sitwasyon, ay naglalayon ding suriin ang kabuluhan at palawakin
pa ang umiiral na kaalaman…. Ang batayang teorerikal ang estrukturang
nagtatahi o sumusuporta sa teorya ng pananaliksik. Ipinapakilala at
inilalarawan nito ang teorya ng pananaliksik at ipinapaliwanag kung bakit
umiiral ang suliranin ng pananaliksik. “ Sa paliwanag ng isang modyul sa
pananaliksik sa University of Southern California (c. 2018),ang batayang
teorerikal ay binubuo ng mga konsepto at teorya na magagamit sa
pananaliksik, na pawang karaniwang nabubuo sa pamamagitan ng
kombinasyon ng mga teorya at konsepto mula sa mga umiiral na pananaliksik
na naging bahagi ng kaugnay na literatura at kaugnay na pananaliksik. Ayon
pa kay Torraco (1997), may tatlong konsiderasyon sa pagpili ng teorya bilang
bahagi ng batayang teoretikal : pagiging akma sa pananaliksik, linaw at /o dali
(ease) ng aplikasyon sa pananaliksik, at bisa ng teorya sa pagpapaliwanag o
paghahanap ng sagot sa mga taong ng pananaliksik. Ipinaliwanag sa nasabing
modyul ang apat na tiyak na paraan kung paano napatitibay ng batayang
teoretikal ang pananaliksik.

1. tinutulungan nito ang mambabasa na suriing mabuti ang pananaliksik


na kaniyang binabasa;

2. inuugnay nito ang mananaliksik sa mga umiiral na kaalaman at


pananaliksik na bahagi ng pagbabatayan ng mga paliwanag at pagsusuri
sa tinitipong datos, at sa mga sagot sa mga tanong ng pananaliksik.

3. tinutulungan nito ang mananaliksik malinaw at hakbang – hakbang na


sagutin ang mga tanong ng pananaliksik sa pamamagitan ng swabeng
transisyon mula sa simple ng paglalarawan ng penomenon at mga
obserbasyon tungo sa pagbubuo ng mga kaisipan at/o teorya na may
mas malawak na aplikasyon at magagamit sa pagsusuri ng iba pang
kaugnay na penomenon, sitwasyon atbp. ;

4. nililinaw rin nito ang saklaw at limitasyon ng pagsusuri sa datos at/o


pagbubuo ng kaisipan at/o teorya na isasagawa ng mananaliksik. Pokus
ng araling ito ang paglinang sa batayang kaalaman sa mga teorya sa
pananaliksik na akma o buhay sa lipunang Pilipino.

Sa pagpapatuloy ng talakayan, basahin at pag-aralan ang link sa ibaba:

Para sa karagdagang kaalaman sa mga teoryang tinalakay sa babasahin,


pwede mong basahin ang mga artikulong tumatalakay sa mga teoryang ito,
e.search ang CHED Memo NO. 57, Series of 2017, may makikita kayong
silabus. Sa silabus na iyon, hanapin ang subject na FilDis at e-click ang mga
link ng mga artikulo sa teorya.

You might also like