You are on page 1of 2

BAHAGI NG PANANALIKSIS/TESIS

KABANATA 1
SULIRANIN AT KALIGIRANG KASAYSAYAN NG PAG-AARAL

PANIMULA
Ang pangunahing layunin ng panimula ay ang magbigay ng paglalarawan sa tinutukoy ng
pananaliksik. Sa bahaging ito ay maaaring talakayin ang kaligiran ng pananaliksik, layunin ng pananaliksik,
kahalagahan ng suliranin at ang mga katanungang kailangan bigyang katugunan sa gagawing pananaliksik.

KALIGIRANG KASAYSAYAN NG PAG-AARAL


Ang kaligirang pangkasaysayan ay tumutukoy sa dahilan o pangyayari na sinaunang naganap o
ginawa na siyang tumuloy sa kung ano o bakit ganito ang isang bagay, tao, pangyayari, at iba pa.
Malalaman sa kaligirang pangkasaysayan ang pinagugatan ng isang bagay pati na ang mga bagay na
hanggang ngayon ay nakakaapekto sa isang bagay.

BATAYANG TEORETIKAL
Ang teorya ay isang set ng mga konsepto at ang mga kaugnayan ng mga ito na siyang
nagpapaliwanag,nanghuhula, o naghahaka at nag-iinterpreta kung paanong ang isang penomenon o
pangyayari ay lumutang o lumitaw at gumagana. Sa bahaging ito ilalahad ng mananaliksik ang mga haka,
palagay, o pangkalahatang ideya tungkol sa paksa o pokus ng pag -aaral.

BATAYANG KONSEPTWAL
Inilalantad ditto ang teoryang
pagbabatayan ng pag-aaral. Sa teorya ring ito
iaangkala ng mananaliksik ang sariling pagtingin
sa paksang pinag-aaaralan gayundin ang mga
ideyang dapat palitawin sa ginawang
pananaliksik.

HALIMBAWA NG BATAYANG KONSEPTUWAL:

Ipinapakita sa framework na ito kung


ano ang magiging daloy ng gagawing
pananaliksik upang magkaroon ito ng giya at
may pokus. Madalas ding inilalagay sa batayang
konseptual ang mga teoryang gagamitin sa
pananaliksik.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang paksa ng pananaliksik ang batayan sa pagbubuo ng paglalahad ng suliranin. Dito babanggitin
ang sanhi o layunin ng pananaliksik na maaaring sa anyong patanong o sampling paglalahad ng layunin.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Inilalahad ang “significance” ng pagsasagawa ng pananaliksik. Tinatalakay sa bahaging ito ang
kahalagahan ng buong pag-aaral at kung ano ang magiging kontribusyon nito sa larangan ng edukasyon
at siyensya, mananaliksik at iba pang aspekto kung saan ito mas magiging kapaki-pakinabang.

SAKLAW AT LIMITASYON
Nagtataglay ito ng dalawang talata. Ang unang talata ay naglalaman ng saklaw ng pag-aaral,
habang ang ikalawang talata ay tumutukoy naman sa limitasyon ng pananaliksik.

KATUTURAN NG MGA KATAWAGAN


Ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isa’y binigyan ng
kahulugan.

You might also like