You are on page 1of 2

Isa itong sistematikong paraan ng pag-aaral ay pagsusuring lohikal sa

pamamagitan ng matiyagang pagkuha ng mga datos o impormasyon mula sa


pangunahing mga materyales ukol sa isang paksa o problemang pang-agham,
panliterature, pangkasaysayan, pangmedisina at iba pang disiplinana isinusulat at
iniuulat para sa kaalaman at impormasyon ng mga tao.

MGA URI NG PANANALIKSIK


 EKSPERIMENTALw

Ito ay paraan ng pananaliksik na ginagamitan ng laboratory upang tuklasin ang


kadalisayan at katotohanang bunga ng mga datos na nakalap para sa isang
mahalagang problema at paksa.

 PALARAWAN (Descriptive)

Pinag-aaralan dito ang kasalukuyang ginagawa at mga isyu na importante sa tao. Ang
mga mananaliksik sa uring ito ng pananaliksik ay nagsasagawa ng mga sarbey na
nagpapaliwanag sa naging pakahulugan sa mga datos na nakalap.

 PANGKASAYSAYAN (Historical)

Nauukol ito sa pag-aaral sa mga bagay o isyu ng nakaraan. Kung may pagdududa sa
isang pangyayari sa nakaraan, maaaring pag-aralan ang mga pangyayari sa likod nito at
sa mga pangyayari na bumabalot dito.

 PAG-AARAL SA ISANG KASO (Case Study)

Nagagamit ang paraang ito ng pananaliksik sa isang usaping panghukuman na naging


lubhang kontrobersyal, inaalam dito ang mga dahilan kung bakit naganap ang mga
pangyayari.

 NABABATAY SA PAMANTAYANG PANANALIKSIK

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay ihahambing sa isang umiiral na pamantayan.

MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK


 PANIMULA

Taglay nito ang rasyunal na dahilan kung bakit isinasagawa ang pananaliksik. dito
ipinapahayag ang mga layunin ay kahalagahan ng pag-aaral. Ipinapaliwanag din dito
ang saklaw at limitasyon ng pag-aaral, batayang konsepto o kung paano isasagawa ang
pag-aaral. Inilalahad na rin dito ang paraan ng pananaliksik na gagamitin, at paano
titipunin ang mga datos.
KATAWAN O NILALAMAN

Dito inilalahad ang mga natuklasan sa pagsasaliksik. Maaaring gumamit ng sari-saring


pantulong gaya ng tsart, mapa, grap, at talahanayan sa pagpapaliwanag sa resulta na
natagpuan sa pag-aaral at pananaliksik.

WAKAS O KONKLUSYON

Gagawin dito ang paglalagomng resulta ng pag-aaral at tinatapos sa paglalahat o


pagbibigay ng konklusyon at rekomendasyon ukol sa maaari pang gawin kaugnay ng
pag-aaral, gaya ng pag-aaral para malinawan pa ang ilang isyu na hindi lubhang
nalutas sa pag-aaral na ito.

ANG BIBLIOGRAPI

Ito'y talaan ng mga libro, magasin, peryodiko at iba pang sanggunian na ginagamit sa
pag-aaral. Nararapat lamang na ipakita ng nagsaliksik ang pasasalamat sa mga awtor
ng libro at iba pang sangguniang ginamit at nakatulong sa ginawa nyang pag-aaral.

You might also like