You are on page 1of 4

ARIZONA HIGH SCHOOL

LEARNING ACTIVITY SHEET 4-06


PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Layunin: Natutukoy ang kahulugan ng balangkas konseptwal, balangkas teoretikal, datos emperikal at iba pa.

Balangkas Teoretikal – ay mga umiiral na teorya sa iba’t ibang larang o disiplina na subok na at may balidasyon ng
mga pantas.

Balangkas Konseptuwal – ay mga konsepto o ideya na tututgon sa baryabol ng pananaliksik na maaaring binuo ng
mga mananaliksik.

Datos Emperikal – ang mga datos mula sa resulta ng metodong ginamit sa pangangalap ng datos.

PAGTATASA
Panuto: Punan ng angkop na mga salita upang mabuo ang diwa ng mga sumusunod na pahayag.

1. Natutukoy ang kahulugan ng ___________ bilang isang sistematikong paglalarawan ng mga konsepto at
relasyon na inilalarawan ang konseptwal na balangkas ng isang pananaliksik.
2. Ang ___________ ay tumutukoy sa isang teorya o mga teoryang ginamit bilang batayan sa
pagpapaliwanag sa mga konsepto at relasyon na nabanggit sa konseptwal na balangkas.
3. Ang ___________ ay tumutukoy sa mga datos o impormasyon na nakalap mula sa mga tao, pook, o
sitwasyon na nagsisilbing basehan ng paglalahad ng mga kongklusyon o interpretasyon sa isang
pananaliksik.
4. Ang paggamit ng ___________ ay tumutulong sa pagpapaliwanag ng mga konsepto na nakapaloob sa
konseptwal na balangkas.
5. Ang ___________ ay nagsisilbing batayan ng mga kongklusyon na nakabatay sa nakalap na mga datos at
ang mga konsepto at teorya na nakasaad sa balangkas konseptwal at teoretikal.

PAGTATAYA
Panuto: Basahin ang sumusunod na tanong. Piliin sa pagpipilian ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang balangkas konseptwal?


a. Sistematikong paglalarawan ng mga konsepto at relasyon
b. Maikling paglalarawan ng mga pangunahing elemento
c. Teorya o konsepto na nagbibigay ng mga pangunahing konsepto at relasyon
d. Mga datos na nakalap sa pamamagitan ng obserbasyon at eksperimento
2. Ano ang balangkas teoretikal?
a. Sistematikong paglalarawan ng mga konsepto at relasyon
b. Maikling paglalarawan ng mga pangunahing elemento
c. Teorya o konsepto na nagbibigay ng mga pangunahing konsepto at relasyon
d. Mga datos na nakalap sa pamamagitan ng obserbasyon at eksperimento
3. Ano ang datos empirikal?
a. Sistematikong paglalarawan ng mga konsepto at relasyon
b. Maikling paglalarawan ng mga pangunahing elemento
c. Teorya o konsepto na nagbibigay ng mga pangunahing konsepto at relasyon
d. Mga datos na nakalap sa pamamagitan ng obserbasyon at eksperimento
4. Paano ginagamit ang balangkas konseptwal sa pananaliksik?
a. Upang magbigay ng malinaw na konseptwalisasyon ng mga konsepto o teorya
b. Upang bumuo ng mga hypothesis at operational definition
c. Upang subukang patunayan o kontrahin ang mga hypothesis o teorya
d. Upang maglapat ng mga datos empirikal sa isang konsepto
5. Paano ginagamit ang datos empirikal sa pananaliksik?
a. Upang magbigay ng malinaw na konseptwalisasyon ng mga konsepto o teorya
b. Upang bumuo ng mga hypothesis at operational definition
c. Upang subukang patunayan o kontrahin ang mga hypothesis o teorya
d. Upang maglapat ng mga balangkas konseptwal sa mga datos
ARIZONA HIGH SCHOOL
LEARNING ACTIVITY SHEET 4-07
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Layunin: Nakikilala ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik batay sa kahulugan nito.

Balangkas Teoretikal
Ayon kina Simon at Goes (2011), narito ang ilan sa mga punto na maaaring gamitin sa paghahanap ng teoretikal na
balangkas:

1. Ang pagtukoy sa pangunahing layunin ng paksa


2. Alamin ang mga pangunahing baryabol ng ginagawang saliksik
3. Pagbabasa at pagbabalik-aral sa mfa kaugnay na literature ng iyong paksa
4. Pagtatala ng kabuoan at baryabol na maaaring makaapekto sa paksa
5. Pagsipat sa iba pang mga baryabol na kaugnay ng paksa
6. Pagrerebisa ng saliksik habang idinadagdag ang salitang teorya
7. Pag-iisa-isa sa mga teoryang nasaliksik at kaugnay nito sa iyong papel
8. Pagtingin sa iba pang teorya na humahamon sa perspektibo ng napiling teorya
9. Pagsasaisip ng mga limtasyon ng napiling teorya

Pagkakaiba ng Balangkas na Teoretikal at Konseptuwal (Adom, 2018)

Balangkas Teoretikal Balangkas Konseptuwal


Mas malawak ang mga nilalatag na ideya Mas tiyak ang mga ideya
Nakabatay sa mga teoryang umiiral na subok at may Nakabatay sag a konseptong may kaugnnayan sa
balidasyon ng mga pantas pangunahing baryabol ng pananaliksik
Isang modelo batay sa isang pag-aaral Modelong binuo ng mananaliksik batay sa mga
baryabol ng papel. Maaari rin itong kumuha ng mga
modelo o mga teorya na aakma sa layunin ng
pananaliksik
Mahusay ang pagkakabuo, disenyo, at tinatanggap na Hindi pa tinatanggap ngunit isinasangguni ng
mananaliksik batay sa suliranin ng pananaliksik na
ginagawa
Ito ay may focal point para sa dulog na gagamitin sa Balangkas na nagtataglay ng lohika kung paano
saliksik sa isang tiyal na larang upang masagot ang masasagot ang mga katanungan ng ginagawang
katanungan saliksik
Ito ay mga teorya na magkakaugnay para sa Pinagsasamang mga konsepto na magkakaugnay
proposisyon ng papel upang masagot ng mananaliksik ang suliranin o layunin
ng papel
Ito ay ginagamit upang subukin ang isang teorya Ito ay ginagamit sa pagpapaunlad ng teorya

Datos Empirikal
Tatlong uri ng datos emperikal:

1. Tekstuwal – paglalarawan sa datos sa paraang patalata.


2. Tabular – paglalarawan sa datos gamit ang estadistikal na talahanayan.
3. Grapikal – paglalarawan sa datos gamit ang biswal na representasyon katulad ng line graph, pie
graph, at bar graph.

PAGTATAYA
Panuto: Tukuyin kung Balangkas Teoretikal, Balangkas Konseptuwal at/o Datos Empirikal ang inilalarawan sa bawat
bilang.

You might also like