You are on page 1of 7

BATAYAN SA PAGBUO NG PANANALIKSIK:

IMRAD PORMAT
Pamagat - mayroong 10-15 may kahulugang Teoretikal/ Konseptwal na Balangkas -
salita, sinusulat ito sa paraang inverted Hinuhubog nito ang pagbibigay ng katwiran
pyramid. sa suliranin ng pag-aaral para mabigyan ng
legal na basehan sa pagtukoy ng hangganan
Abstrak - binubuo ito mga mahahalagang o parameter.
punto ng inyong pag-aaral, kalahok,
metodolohiya, resulta, rekomendasyon at Paradigma/Paradigm - isang
kahalagan o ambag ng inyong pag-aaral. representasyong gamit ang dayagram ng
Mayroon itong 150-200 na salita. koseptwal na balangkas.

Mga Susing Salita - binubuo ito ng 5-7 na Paglalahad ng Suliranin/ Layunin at


baryabol na may mahalagang gampanin sa Haypotesis (kung kinakailangan) - Ang
inyong pananaliksik. suliranin sa pananaliksik ay isang
nararamdamang pangangailangan, o isang
Kabanata 1. Panimula katanungang nangangailangan ng solusyon.
Rasyonale – Ito ang paglihis sa pagitan ng nalalaman at
ng nais mo pang malaman bilang isang
 Binubuo ng hindi hihigit sa dalawang mananaliksik. Maaari rin itong tumukoy sa
pahina. mga sitwasyon kung saan may nakikita kang
 Ang unang talata ay binubuo ng gap o puwang sa pagitan ng aktuwal na
matibay na pahayag hinggil sa inyong nilalayong estado.
isinasagawang pag-aaral. Inilalagay rito
ang mga dahilan kung paano ang Ang pananaliksik na correlational/
napiling paksa ay naging problema at experimental/ quasi-experimental lamang
narito rin ang pagpapatibay kung bakit ang nangangailangan ng haypotesis.
ito kailangang pag-aralan. Kadalasang Saklaw at Delimitasyon ng Pag- aaral -
sinasagot nito ang tanong na “Ano” at Tinutukoy ang simula at hangganan ng
“Bakit”? pananaliksik. Dito itinatakda ang parameter
 Hindi ito kailangang maging napakahaba ng pananaliksik dahil tinutukoy rito kung
at paligoy-ligoy. ano-anong baryabol na sakop at hindi sakop
ng pag-aaral.
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral –
Depinisyon ng mga Termino - Inilalahad
 Gawing maayos at malinaw sa pagsipi ng
dito ang mga terminong ginamit ayon sa
mga kaugnay na literatura at pag-aaral.
pagtalakay sa isinasagawang pag-aaral.
Gawin din itong sistematiko simula
Gumamit ng operasyonal na depinisyon sa
global patungong lokal o di kaya’y base
pagsulat nito. Isinusulat ito sa parang
sa taon ng pagkakalimbag ng
alphabetical na pagkakasunod-sunod.
artikulo/pananaliksik/ disertasyon atbp.
 Binubuo ito ng 10 pataas na mga Kabanata 2. Metodolohiya ng Pag-aaral
kaugnay na liteartura at pag-aaral.
 Hindi bababa sa 10 taon Disenyo ng Pag-aaral - Maaari itong
angpagkakalimbag ng mga sisipiing kwalitatibo o kwantitatibong pananaliksik.
pananaliksik at literatura. Inilalahad din kung anong uri Ng
pananaliksik ang ginamit sa pag-aaral.
Lokal ng Pag-aaral - Inilalahad ang lamang dito ang tatlong mahahalagang salik
deskripyon ng lokal ng pinagganapan ng sa talahanayan: pinakamataas,
pag-aaral. pinakamababa at ang kabuuang resulta.
Paraan ng Pagpili ng mga Respondante - Analis ng Datos –
Inilalahad sa bahaging ito ang paraan kung
 ginamitan ng estadistika.
papaano ninyo pipiliin o pinili ang inyong
magiging kalahok o respondante ng pag-  ang mga datos mula kwantitatibong
aaral. pag-aaral ay inaalisa sa
pamamagitang ng mga
Instrumento ng Pag-aaral - Inilalahad dito mathematical na termino
ang instrumentong gagamitin sa  ang kwalitatibo naman (mga tugon
isinasagawang pag-aaral. Nakadepende ito sa open-ended na tanong o
sa disenyo ng inyong pag-aaral. Maaari transcript mula sa interbyu o
itong sarbey gamit ang pakikipagpanayam) ay sa
kwestyuneyr/talatanungan o pamamagitan ng (a) pagsipat sa
interbyu/pakikipagpanayam gamit ang mga pagkakapare-pareho ng sagot ng
gabay na tanong. Tinatalakay rin dito kung mga kalahok, (b) pagkakategorya, at
paano binuo ang instrument ng pag-aaral. (c) pagbuo ng isang tema/paksa.
Tinatalakay rin ang implikasyon ng
Paraan ng Pangangalap ng Datos - Sa
nakalap na datos sa kasalukuyang
pangangalap ng datos, nangangailangan din
pag-aaral.
na paglaanan ng sapat na panahon ang
anumang gawaing katulad ng pag-aaral na Interpretasyon ng Datos - ang mga datos ay
ito. Magiging maayos ang pagsasagawa ng nakalahad sa makabuluhang
anumang gawain kung may sistematikong pagpapaliwanag. Ang mananaliksik ay
paraan na mapagbabatayan at susundin ang pinahahayag ang naging resulta ng pag-
sa pagbuo nito. aaral.
Pag-aanalisa ng Datos - Inilalahad dito ang Konklusyon - inilalahad ang mga inferences,
paraang gagamitin sa pag-aanalisa ng mga abstraksyon, implikasyon, interpretasyon,
datos na inyong nakalap sa isinagawang pangkalahatang pahayag, at/o paglalahad
pag-aaral. batay sa mga datos at impormasyong
nakalap ng mga mananaliksik.
Konsiderasyon Etikal (para sa
kwalitatibong pananaliksik na may Rekomendasyon - ito ang mga mungkahing
kasangkot na kalahok) - Inilalahad sa solusyon para sa mg suliraning natukoy o
bahaging ito ang pagkakaroon ng consent sa natuklasan sa pananaliksik.
mga kalahok ng inyong isasagawang pag-
aaral para sa pagsasapribado ng mga Sanggunian -gumamit ng APA 7th edition sa
makakalap na datos. pagsulat ng sanggunian. Alphabetical order
Kabanata 3. Resulta ng Pag-aaral ang pagsusulat nito.
Apendiks - Inilalagay sa bahaging ito ang
Presentasyon ng Datos - iwasan ang mga liham na ginamit, talatanungan,
pagbabasa ng teybol o talahanayan sa larawan, at iba pang mahahalagang
presentasyon ng mga datos. Itatanyag dokumento.
Modyul 1 Aralin 3: Pagpili ng Paksa at Pagbuo
ng Pamagat at Suliranin ng Pag-aaral

Akronim ng PANANALIKSIK ayon kina Lartec 2. Saklaw at Limitasyon. Hindi dapat


et,al (2011): maging malawak ang pipiliing paksa para
maisakatuparan sa ibinibigay na panahon.
3. Kailangang interesado ang estudyante.
Kung sino ang mag-aaral, siya ang pipili
dahil mahirap na sabihin sa kanya ang
paksang pag-aaralan kung wala naman
doon ang kanyang interes.
4. Datos o Materyal. Masasabing
makabukuhan ang isang pag-aaral kung
maraming datos o materyal (mga kaugnay
na literatura at pag-aaral) na gagamitin.
Sa kasalukuyan, marami nang
mapagkukunan ng datos.
5. Makabuluhan. Isaisip na sa pagpili ng
paksa isaalang-alang ang mga babasa
nito. Ito ba’y magiging makabuluhan sa
marami?
6. Panahon. Dapat ay may sapat na
panahon sa pag-aaral, hindi kaya ng isang
lingo o isang buwan lamang.
7. Pinansyal. Sa paggawa ng pananaliksik,
‘di lamang oras at panahon ang gugugulin
kundi nangangailangan din ng pinansyal
na aspeto.

Hakbang sa Pagpili at Pagbuo ng Paksa ng


Pananaliksik ayon kina Nuncio et.al (2015):
1. Alamin ang interes. Tukuyin kung anong
paksa ang tumatawag sa iyong pansin.
Pagpili ng Paksa - Sa pagpili ng paksa dapat 2. Gawing partikular o ispesipiko ang paksang
isaalang-alang ang sarili sapagkat ikaw ang napili. Iwasan ang malawak na paksa.
masasagawa ng pag-aaral.
3. Iangkop ang paksang napili ayon sa panahon
Mungkahing batayan sa pagpili ng paksa o time frame na inilaan upang matapos ang
ayon kina Angeles et.al (2011): pananaliksik.

1. Napapanahon. Kailangang ang paksa ay 4. Suriin kung ang paksang napili ay


napapanahon.
napapanahon upang marami ang magka-
interes na basahin ang ginawang pag-aaral.
5. Tukuyin kung may makakalap na sapat na pangunahing tanong sa
datos at sanggunian upang maisagawa ang pamamagitan ng pagbibigay ng mga
pananaliksik. susi at tiyak na tanong. Maaaring
Pagbuo ng Pamagat sa Pananaliksik magsimula ang mga suliranin sa
tanong na Ano, Paano at Bakit.
Mahalaga sa isang pananaliksik ang Maaari rin ang kalian at saan kung
pagkakaroon nang maayos na pamagat kinakailangan.
dahil ito ang lunsaran ng pagbibigay ng
ideya sa mga babasa. Hakbang sa Pagbuo ng Suliranin sa
Pananaliksik
Dalawang uri ng pagsulat ng pamagat:
1. Pormal - nakapaloob dito ang lahat ng 1. Tukuyin ang pangunahing ideya ng
iyong baryabol tulad ng paksa, proseso, pananaliksik o nais patunayan sa pag-aaral
lokal ng pag-aaral, at at mga layunin ng pananaliksik.
kalahok/respondante.
2. Ilista ang mga keywords na matatagpuan
Halimbawa: E-BAKADA: (Pagbuo at
sa tesis na pangungusap at layunin ng
Balidasyon ng) Interaktibong Kagamitan
pananaliksik.
sa Pagtuturo ng Filipino Bilang
Ikalawang Wika ng mga Dayuhang Mag- 3. Gamit ang mga keywords, bumuo ng 3-5
aaral (sa Central Luzon State University) tanong na kaugnay ng paksa ng
pananaliksik.
2. Malikhain - malikhaing pamagat ito ay
nagiging aakit-akit sa mga mambabasa 4. Tiyakin ang mga nabuong tanong ay
ngunit hindi pa rin nailalayo sa paksang kayang sagutin sa loob ng time frame na
pinag-aaralan. inilaan para sa pagsulat ng pananaliksik.
Halimbawa: Sa Kanilang Naiibang Pag-
iindak at Pamumukadkad: Hakbang sa Pagbuo ng Layunin ng
Performativity at Pagkalesbiyan sa Pananaliksik
mga Indie Film na Rome and Juliet at
Ang Huling Cha-Cha ni Anita Isa lamang ang panuntunan sa paglalahad
ng layunin: gawing pangungusap na paturol
Pagbuo ng Suliranin ng Pag-aaral (declarative) ang suliranin ng pag-aaral na
nakasulat sa pangungusap na patanong.
Ito ang mahalagang bahagi ng pananaliksik
dahil ditto inilalatag ang mga tanong na HALIMBAWA:
sasagutin ng mananaliksik sa kaniyang pag-
aaral.
Suliranin ng Pag-aaral Layunin ng Pag-aaral:
May dalawang hati ang bahaging ito:
Ano-ano ang mga suliraning kinahaharap sa
1. Pangunahing tanong – gagawing pag-aaral gamit ang asinkronikong moda ng
tanong ang inilahad na tesis ng pag- pagtuturo?
aaral.
2. Mga sekondaryang tanong – layunin Layunin ng Pag-aaral:
nitong tutukan ang detalye ng
Mailahad ang mga suliraning kinahaharap sa
pag-aaral gamit ang asinkronikong moda ng
pagtuturo.
 Mga theses at disertasyon
Modyul 1. Aralin 4: Pagsulat ng Rebyu ng  Kopya ng mga pananaliksik mula sa
Kaugnay na Literatura mga pang-edukasyon journal.
 Report at papeles mula sa mga pang
edukasyong seminar at kumprensya.
KAUGNAY NA LITERATURA AT PAGAARAL  Lahat ng uri ng opisyal na report ng
pamahalaan, pangedukasyon,
 Binubuo ng mga diskusyon ng mga panlipunan, pang-ekonomiya,
impormasyon, prinsipyo at siyentipiko, teknolohikkal atbp.
katotohanan na kaugnay sa pag-
aaral na isinasagawa. Kahalagahan Ng Kaugnay Na Panitikan At
 Ito ay isang pormal na pangangalap Pag-aaral
ng propesyunal na literature na may
kaugnayan sa isang partikular na  Tinutulungan ang mga mananaliksik
suliraninng pananaliksik. Sa na mas malalim na maunawaan ang
pamamaraang ito matutuklasan ng kanyang paksa.
tiyak ang mga natutunan ng ibang  Makakasiguro na walang
nanaliksik na may kaugnayan sa duplikasyon ng ibang nagawa ng
iyong paksa. pananaliksik. May duplikasyon kung
 Pag-aaral, pag-iimbestiga o ang pananaliksik ay naisagawa na sa
imbestigasyon na isinagawa na at kaparehong lokal na may
may kaugnayan o pagkakatulad sa pagkakapareho sa mga respondate.
paksa ng pananaliksik na  Tinutulungan at ginagabayan ang
isinasagawa. mga mananaliksik na makahanap ng
iba pang pagkukunan ng
Klasipikasyon ng Kaugnay na Literatura mahahalagang impormasyon.
 Malaki ang naiaambag sa mga
 Lokal - kung ito ay inilathala sa mananaliksik upang ikumpara ang
Pilipinas. resulta ng pag-aaral ng dalawang
 Dayuhan - kung ito ay inilathala sa pananaliksik na siyang magiging
ibang bansa. daan upang higit na maunawaan ang
mga suliranin na tinalakay sa paksa
Sanggunian Ng Kaugnay Na Literatura at ang mga rekomendasyon na
maaaring maibigay dito.
 Libro, ensayklopedia, almanak at iba
pang kaparehong referensya. KATANGIAN NG MGA MATERYAL NA
 Artikulo sa mga propesyunal na GAGAMITIN
dyornal, magasin, peryodiko, at iba
pang publikasyon.  Ang materyal na gagamitin kung
 Ang mga batas at konstitusyon sa maaari ay makabago at
kabuuan ng bansa. napapanahon.
 Rekord ng paaralan, partikular ang  Ang materyal ay kinakailangan ay
mga report ng kanilang mga obhetibo at walang bias.
programa at gawain.
 Ang materyal ay kinakailangang may  Kung may apat na o higit pang may
kaugnayan sa paksa ng pag-aaral. akda, banggitin na lamang ang
 Ang mga materyal ay nararapat na apelyido ng unang may-akda at
nakabase sa makatotohanang sundan ng et al.
impormasyon at may kredibilidad  Kung may babanggiting dalawa o
ang sangguniang ginamit. higit pang may akda na pareho ang
 Ang mga kaugnay na literatura at huling pangalan, banggitin ang mga
pag-aaral ay hindi nararapat pangalan.
masyadong marami o kakaunti.  Kung pamagat lamang ang naibigay,
banggitin ang pinaikling bersiyon ng
PAGGAMIT NG DOKUMENTASYON pamagat at sundan ng pahina.
 Kung may babanggitin dalawa o higit
 Ang pananaliksik ay batay lamang sa pang akda ng iisang awtor, banggitin
mga gawa o ideya ng iba kaya’t ang mga akda.
nararapat na mabigyan sila ng
angkop na pagpapahalaga. URI O ANYO NG TALA
 Anumang siniping mga pananalita ng
may akda na nakalap bilang mga DIREKTANG SIPI
talang gagamitin ay kinakailangan
ang pangalan ng awtor at taon sa -Eksaktong salita o pahayag ng isang
talaan ng sanggunian. awtor. Kinopya nang direkta, salita-sa-salita,
 Kung ang isang tao ay inagkinang mula sa sanggunian. Ginagamit itong
isang ideya o teksto ng ibang tao at mananaliksik kapag nais niyang:
pinalabas na ito ay sa kanya, sa
teknikal na salita ito ay plagiarism.  Idagdag ang kapangyarihan ng salita
Kasama rito ang hindi paglalagay ng ng awtor upang suportahan ang
panipi o quotation mark kung saan argument.
ito nararapat ilagay, kawalan ng  Nais pabulaanan o hindi sang-
pag-iingat sa paghahanda ng mga ayunan ang argument ng awtor.
listahan ng sanggunian, kabiguan  Bigyang-diin particular ang isang
na kumuha ng mga permiso sa malinaw o makapangyarihang
paggamit ng mga pigura, pahayag o sipi.
talahanayan, maging ilustrasyon.  Naghahambing ng mga ispesipikong
punto de vista.
Mga Alituntunin Sa Paggamit Ng Parentikal
Na Sanggunian BUOD NG TALA

 Pahina na lamang ang babanggitin -Ginagamit ito kung ang nais lamang
kung nabanggit na ng awtor sa gamitin ay ang pinakamahalagang ideya ng
mismong teksto. isang tala, tinatawag din itong synopsis.
 Kung higit sa isa ang awtor (ngunit Layunin ng buod na mabigyan ng
hindi sosobra sa tatlo) banggitin ang pangkalahatang ideyaang mambabasa.
lahat ng pangalan ng may akda.
SIPI NG SIPI

-Maaaring gamitin ang sinipi mula sa isang


mahabang sipi. Ang ganitong uri ay
ginagamitan din ng panipi.

PARAHRASE 0 HAWIG

-Pagsasabing muli ng nakuhang ideya mula


sa ginamit ng sangguniangamit ang sariling
pangungusap. Ginagawa ang
pagpaparapreys kapag:

 Nais gumamit ng mga impormasyon


sa nowtkard at umiwassa
panggagaya o pangongopya.
 Nais iwasan ang masyadong
paggamit ng direktang sipi
 Nais gamitin ang sariling boses sa
paglalahad ng impormasyon.

SALIN/SARILING SALIN

-Sa mga pagkakataong ang tala ay nasa


wikang banyaga, ginagamitan ito ng
pagsasalin. Ito ay paglilipat ng ideya mula sa
isang wika tungo sa iba pang wika.

You might also like