You are on page 1of 1

ATALIA, EROS S.

Si Eros S. Atalia ay nagtapos sa Phililippine Normal


University noong 1996 sa kursong Bachelor of
Secondary Education Major in Filipino at tumangap ng
Balagtas Award. Tinanghal bilang pinakamahusay na
major mula 1994-1996. Nagwagi ang kanyang tulang
“Maririing Tusok ng Kalawanging Karayom sa
Nagngangalit na Ugat” ng Unang gantimpala sa
Pambansang Patimpalak sa Pagsulat ng Tula ng
Pandaylipi Ink., noong 1995. Naging manunulat sa The Torch (Ang Opisyal na Pamahayagang
Pangkampus ng PNU) mula 1993-1995. Naging contributor din siya sa mga pambansang
tabloids. Kinilala ng Komisyon sa Wikang Filipino, Talaang Ginto ang kanyang tula “Maglaba
ay Di Biro” bilang ikalawang gantimpalang banggit noong 2004 at sa taon din iyon ay nagwagi
ng ikatlong Gantimpala para sa Gawad Collantes sa Sanaysay na may pamagat na “Ang Politika
ng Wikang Pambansa: Mula sa Iba’t Ibang Pagsipat at Paglapat (Paghimay, Pagbistay at
Pagtugaygay sa Suliranin ng Pilipinas sa Wika). Isa sa mga editor ng “Kamasutra” salin sa
Filipino at naging creative consultant ng Asian Social Institute sa isang nilimbag na monograph.
Kasalukuyan nyang tinatapos ang kanyang Master of Arts in Language and Literature Major in
Filipino sa DLSU sa ilalim ng SFA at nagtuturo ng Filipino sa Faculty of Arts and Letters,
University of Santo Tomas na kung saan ay Junior Associate siya sa Center for Creative Writing
and Studies.

Ang kuwento ay isinulat ni Eros S. Atalia Sa pamagat ng kuwento mahihinuha na ang istorya ay
tungkol kay Intoy na nakatira sa Kalye Marino.

Si Intoy ang pinakabihasa sa lahat ng magtatahong sa kanilang lugar. Kaya “Syokoy” ang
tinatawag ng mga tao sa kaniya ay dahil para nga raw itong isang syokoy na nakatatagal sa ilalim
ng dagat. Parang may hasang ito na tulad ng isang isda.

Ang Kalye Marino naman ay hindi na Kalyeng Marino kung wala ang mga magtatahong na tulad
ni Intoy.

Sinasabi ng matatanda na tinawag ang lugar na iyon na Kalye Marino simula nang gawing Base
Militar ng mga Amerikano ang dulo ng kanilang lugar. Marines o marino ang kadalasang
sundalong dinadala roon. Ang kuwento ay isa nang pelikula at isang kalahok sa New Breed Full
Length Feature Category 2012 CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL AND
COMPETITION.

You might also like