You are on page 1of 6

1.

*Kasaysayan ng Aparisyon ng Mahal na Birhen ng Fatima

*Mayo 13 ang anibersaryo ng unang pagpapakita ng Mahal na Birhen ng Fatima…

2. *Panalangin sa Mahal na Birhen ng Fatima

3. *(Talambuhay ni San Isidro Labrador) Alisin na ang Intro. Start na sa: SI San Isidro ay isinilang noong
1070…

*Gamitin yung San Isidro ng Cuenca, isesend ko sayo ang file.

4. *Gamitin yung Prayer kay San Isidro ng Cuenca, eto ang file:

5. *(Talambuhay ni San Jose Manggagawa) Si San Jose, Esposo ni Maria ay tinaguriang San Jose
Manggagawa. Hangarin ng Santa Iglesia na itugma sa diwa ng aral ni Kristo ang kapakanan ng mga
manggagawa at sila ay ihabilin sa pagkalinga ni San Jose, ang ulirang manggagawa na taga-Nazaret.
*next paragraph na
6. *Panalangin kay San Jose Manggagawa

PANALANGIN KAY SAN JOSE MANGGAGAWA

San Jose, nagtrabaho ka bilang karpintero ng Nazaret. Kalooban ng Diyos na ikaw at ang iyong anak na si
Hesus ay magkasama sa marangal na gawain na ito. Ikaw ay isang mabuting halimbawa para sa mga
manggagawa! San Jose, pinasasalamatan mo ang Diyos sa ipinagkaloob niyang pribilehiyong makasama
si Hesus sa paghahanap-buhay. Tanda ng iyong pasasalamat sa Diyos, basbasan mo ang lahat ng aming
mga gawain, malaki man o maliit. Nawa ito ay naaayon sa kalooban ng Diyos. Tulungan mo kaming maki-
isa nang may pananalig at pagpapakumbaba sa mga adhikain at proyektong nilalayong palaganapin ang
kaharian ng Diyos. Iniaalay ko sa bawat misa ang aking mga gawain at hangarin sa buhay bilang tanda ng
aking paghingi ng kapatawaran sa mga kasalanan, at sa inaasam-asam naming makamit nawa ang
kaluwalhatian ng langit.

Jose, Anak ni David, at esposo ni Maria, dinarangal ka namin, tagapangalaga ng tagapagligtas at


sinasamba namin ang Batang pinalanganan mong Hesus.

O San Jose, pintakasi ng Simbahang Katolika, ipanalangin mo kami, na katulad mo ay lubusang


makapamuhay na ayon sa kagustuhan ng ating tagapagligtas.

7. *(Panalangin kay San Pascual Baylon) Sa last part, alisin na yung de Obando, San Pasucal Baylon lang.

8. * KASAYSAYAN NG APARISYON NG MAHAL NA BIRHEN NG SANTO ROSARIO

Ang Rosaryo ay ibinigay sa Simbahan ni Santo Domingo de Guzman. Ito ay tinanggap niya sa Mahal na
Birhen para sa pagbabalik-loob ng mga Albegensians at ng iba pang mga makasalanan. Nakita noon ni
Santo Domingo na magiging lubhang mahirap ang mapagbalik-loob ng mga Albegensians dahil sa mga
napakabigat na kasalanan nila, kaya inisip niyang magtungo sa kagubatan. Nagdasal siya rito ng tatlong
araw at tatlong gabi nang walang tigil. Nagsakripisyo at tumangis siya upang mawala ang galit ng
Panginoon. Dahil sa labis na pagpaparusa sa sarili, si Santo Domingo ay nagkasugat-sugat at nawalan ng
malay. Sa oras na ito, nagpakita ang Mahal na Birheng Maria na may kasamang tatlong anghel at
nagsabi: “Mahal kong Domingo, alam mo ba kung anong armas ang ibig ng Banal na Trinidad na gamitin
para sa pagbabago ng mga tao sa daigdig?” Sumagot si Domingo: “Mahal na Birheng Maria, mas alam
ninyo ito kaysa sa akin dahil pumapangalawa kayo kay Hesukristo sa pagiging instrumento ng aming
kaligtasan.” Ang Mahal na Birhen ay nagwika: “Ibig kong malaman mo na sa ganitong digmaan, ang
pinakamahalagang armas ay ang aking mga salmo na siyang saligang bato ng Bagong Tipan; kaya kung
ibig mong maabot ang mga tumigas nang kaluluwa at mapabalik-loob mo sila sa Diyos, ipangaral mo ang
aking mga salmo.”Ito ang naging sandata niya kaya nasugpo ang heresiya at ginamit laban sa mga
balakid at pagsubok sa kanyang mga pangangaral.
Maraming labanan sa kasaysayan na ipinagdasal sa Birhen ng Santo Rosaryo ang napagwagian kaya lalo
pang lumawig ang debosyon dito. Ang Banal na Rosaryo ay naging instrumento ng mga
mananampalatayang Katoliko upang magtagumpay laban sa kasamaan. Isa sa halimbawa nito ay ang La
Naval de Lepanto kung saan ang buong Kakristiyanuhan ay lumaban sa mga Moro mula sa Imperyong
Ottoman. Habang nagaganap ang laban sa dagat ay inutusan ni Dominikong Santo Papang si Pio V na
dasalin ng lahat ang Santo Rosaryo. Dahil dito ay nakamtan ng mga Kristiyano ang tagumpay noong
Oktubre 7, 1571 na kalaunan ay dineklarang bilang araw ng paggunita sa Kapistahan ng Mahal na Birhen
ng Santo Rosaryo bilang pag-alala sa tagumpay na nakamtan sa La Naval de Lepanto.

Ang Rosaryo ay mga katawagan ng Salmo ni Hesus at Maria noon pa mang panahon ni Santo Domingo
dahil ang bilang ng Aba Ginoong Maria at Salmo sa Aklat ng mga Salmo ni David at sa Rosaryo ay
magkatulad. Ang mga walang pinag-aralan ay hindi makakabasa ng mga Salmo ni David kaya ang
Rosaryo ang inihahalili para sa kanila. Pinagtibay ng Mahal na Birheng Maria ang pangalang Rosaryo sa
dasal na ito. Ipinaalam niya sa ilang tao na tuwing dinarasal nila ang Aba Ginoong Maria, binibigyan nila
ang Birheng Maria ng isang magandang rosas. Ang katumbas naman ng pagdarasal ng isang dekada ng
Rosaryo ay isang maliit na korona ng mga rosas, at ng buong Rosaryo, malaking korona ng mga rosas na
inilalagay natin sa ulo nina Hesus at Maria. Para sa mga nagsasawa sa paulit-ulit na pagdarasal ng
Rosaryo, dapat isipin na ang mga mangingibig ay hindi nagsasawang ulit-ulitin ang mga salitang
nagpapahayag ng pagmamahal na ibinibigkas nila sa isa’t-isa. Ang pagdarasal ng Rosaryo ay pagpapakita
ng pagmamahal sa Diyos at sa Mahal na Birheng Maria.

9. *Panalangin kay Nuestra Señora dela Paz y Buenviaje

PANALANGIN KAY NUESTRA SENORA DELA PAZ Y BUENVIAJE

Masintahing Ina, sumasamo at dumududulog kami sa iyo. Tulungan mo kaming magpasalamat sa


Panginoon sa lahat ng mga grasya at pagpapalang ipinakaloob Niya sa amin. Sa tulong at awa mo,
lingapin mo po ang mga naglalakbay, lalo na ang mangingibang bansa, upang maluwalhating makarating
sa kanilang paroroonan. Kami rin pong lahat ay iyong gabayan at akayin sa aming paglalakbay sa buhay.

Sa aming pagtahak sa buhay na puno ng pag-aalinlangan at pangamba, pagkalooban po ninyo kami ng


lakas at tapang na tahakin ang landas ng iyong mahal na Anak.

Mahal na Ina, lumalapit po kami sa iyo na dulutan mo ng mapayapang kalinga ang aming tahanan.
Tulungan mo po kami na maitaguyod ng maayos at matuwid ang aming pamilya. Sa aming paglalayag sa
buhay, palakasin at patatagin mo ang bawat isa sa amin na makabuo ng isang pamayanang
pinaghaharian ng iyong mahal na Anak.

Nawa’y sa tulong at biyaya mo, mahal naming Ina, kami ay kupkupin ng iyong mahal na Anak at ilagay
Niya kami sa ilalim ng Kanyang pagkakandili at huwag kaming iwanan sa paglalakbay sa buhay lalung lalo
na sa oras ng kagipitan.

Sa pamamagitan mo Inang Mahal pagpalain at tangkilikin mo po ang aming paglalakbay, upang mabuhay
kami sa kapayapaan at marating namin ang kaluwalhatian ng buhay na walang hanggan. Amen.

Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay, Birhen ng Antipolo, ipanalangin mo kami.


10. *Kasaysayan ng Aparisyon ng Mahal na Birhen ng Medalya Milagrosa

11. * Panalangin sa Mahal na Birhen ng Medalya Milagrosa

-Medalya Milagrosa instead ng Miraculous Medal

12. *Kasaysayan ng Aparisyon ng Mahal na Birhen ng Lourdes

13. *Panalangin sa Mahal na Birhen ng Lourdes

-Alisin na yung Panalangin para sa mga may sakit

14. Kasaysayan ng Mahal na Poong Sto. Niño ng Batangan (Kasaysayan ng Sto. Niño ng Batangan nalang
ang gamitin, basta Sto. Niño kasi patron nila
KASYSAYAN NG MAHAL NA POONG STO. NIÑO NG BATANGAN
Natala sa kasaysayan na ang imahen ng Sto. Niño ay lulan ng isang barko na pag-aari ng mga Kastila
na naglalayag patungong Cebu, galing ng Maynila. Nasalubong ng mga pasahero ang isang napakalakas
na bagyo. Pansamantala, ginawa nilang himpilan ang baybaying dagat ng “Batangas” at nagtago sa look
nito.
Sa paniniwala ng mga naglalayag, ibinaba nila sa barko ang imahen at ipinagprusisyon ito patungo
sa lumang bahay dalanginan, hindi kalayuan sa pampang ng ilog Calumpang. Inawit ng mga tao ang “Te
Deum” sa pangunguna ng pari, matapos na mailuklok ito sa may dambana ng munting simbahan.
Pagkatapos na gawin ito, nasabing isang himala ang sunod na nagyari dahil humupa ang bagyo at
nagging mapayapa ang dagat. Nakaalis kaagad ang barko dala ang imahen ng Sto. Niño.
Makalipas ang ilang panahon, isang bata ang naglalaro sa may pampang ng ilog Calumpang.
Nakakita siya ng imahen ng Sto. Niño sa kahoy na isang “batangan” na lumulutang-lutang sa ibabaw ng
tubig. Sa panahong iyon sa Cebu, hinahanap nila ang kanilang nawawalang imahen ng Sto. Niño. Ilang
beses na nangyari ito at natatagpuan lamang ang imahen sa “Batangas”. Maraming pagsisikap na
ginustong maibalik ang imahen sa Cebu pero sa tuwina ay laging bumabagyo tuwing gagawin ito.
Nagpasya ang mga kinauukulan na pahintulutang ang mag-may-ari na ng imahen ay ang
simbahan sa “Batangas”. Kinilala nang lubusan ang Mahal na Sto. Niño. Sa napakalaking debosyon at
pagmamahal ng mga Batangueño na dahil na rin sa pangalang ginamit nila, ayon sa pinagkakitaan sa
kanya, ang mga Batangueño ay mayroong Sto. Niño ng Batangan.

15. PANALANGIN SA MAHAL NA POONG STO. NIÑO NG BATANGAN


16.

Ang Santa Cruz ay mga salitang Kastila na ang ibig sabihin sa Tagalog ay Banal na Krus na siyang
sumisimbulo sa Kristiyanismo. Ito ay ang krus na pinagpakuan sa ating Panginoong Hesukristo na
nahanap ni Santa Elena Emperatriz sa bundok ng Calbaryo.

Dito sa lalawigan ng Batangas, tanyag ang debosyon sa Banal na Krus mula sa bayan ng Alitagtag at
Bauan.

17. Panalangin sa Mahal na Birhen ng Fatima


O Birheng Maria, Ina ng Panginoon Reyna ng Santo Rosario ng Fatima! Bukod na pinagpala sa babaeng lahat, Ikaw ang larawan ng Simbahan na nararamtan ng
Liwanag Pampaskwa, Ikaw ang karangalan ng aming lahi, ang tagumpay laban sa kasamaan. Pangako ng maawaing pag-ibig ng Ama, Guro ng naghayag na Mabuting
Balita tungkol sa iyong Anak, Tanda ng nag-aalab na apoy ng Espiritu Santo, ituro mo sa amin na nasa landas ng tuwa at pighati, ang mga dakilang katotohanan na
ipinahayag ng Ama sa mga nasa abang kalagayan.

Ipakita mo sa amin ang lakas

ng paglukob ng iyong pagkakandili. Sa iyong Kalinis-linisang puso, kalingain mo nawa ang mga nagkasala at akayin pabalik sa Diyos. Sa pakikipag-isa ko sa aking
mga kapatid, sa pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig ipinagkakatiwala ko ang aking sarili sa iyo. Sa pakikipag-isa ko sa aking mga kapatid, sa iyong pamamagitan,
itinatalaga ko ang aking sarili sa Diyos,

O Birhen ng Santo Rosario ng Fatima.

Kaya nga, nababalot ng liwanag mula sa iyong mga palad, Papupurihan ko ang Panginoon magpasawalang hanggan. Amen.

18. Sto. NIno de Praga (Montemaria, may isesend akong picture ng patron
19. Paki-gawan ng History at Dasal sa St. John Paul II (Montemaria-sa chapel sa baba ng Statue

You might also like