You are on page 1of 8

Diocesis ng Malolos

PARROQUIA DE SANTA RITA DE CASCIA


Binagbag, Angat, Bulacan

ANG SANTO ROSARIO


Sa Panahon ng Pandemiya

Idinagdag na panalangin : RESPONSORIO NI SANTA RITA

MGA KAHILINGAN SA PAGDARASAL NG ROSARIO


1. Para sa intension ng Santo Papa Francisco at ng buong Simbahang
Katoliko. Gayundin para sa kabanalan ng mga kaparian;
2. Para sa ikalalago ng bokasyon ng pagpa-pari at pagma-madre;
3. Para sa matagumpay na pagsasama ng mga mag-asawa;
4. Para sa mabuting pag-aaral ng mga kabataan;
5. Para sa mga kabataang naliligaw ng landas upang mamulat sa
mabuting asal;
6. Para sa mga guro at boluntaryo na nagsisikap sa panahon ng
online class ngayong pandemiya;
7. Para sa mga naglilingkod sa simbahan at sa pamahalaan;
8. Para sa mga Senior Citizens na nangangailangan ng pagkalinga ng
kanilang kaanak at pamilya;
9. Para sa mga ekspertong medical na nagsisikap makakita ng
solusyon sa pandemiya na ito;
10. Para sa mga bilanggo na nawawalan ng pag-asa gayundin sa mga
makasalanang nahihirapang magbagong buhay;
11. Para sa mga naulila dahil sa sakit na dulot ng Covid 19 at Delta
variant;
12. Para sa mga bayaning nasa harapan na patuloy na naglilingkod sa
ating kapakanan kahit nakasalalay ang kanilang kalusugan;

+ SA NGALAN NG AMA, NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO, AMEN.

Dasalin ang CREDO NG MGA APOSTOL


Isunod ang Isang PATER NOSTER (Ama Namin)
Tatlong AVE MARIA (Aba Ginoong Maria)
Isang GLORIA PATRI (Luwalhati sa Ama)

Banggitin ang UNANG MISTERIO NG ROSARYO


Misterio ng Tuwa (Lunes at Sabado)
Misterio ng Hapis (Martes at Jueves)
Misterio ng Luwalhati (Miercoles at Linggo)
Misterio ng Liwanag (Jueves)
Namumuno : Ang Unang Misteryo sa __________:
_________________________
TUWA : Ang Pagkakatawang Tao ng Anak ng Diyos
HAPIS : Ang Panalangin sa Halamanan ng Getsemani
LIWANAG : Ang Pagbibinyag sa Ilog Jordan
LUWALHATI : Ang Muling Pagkabuhay ng ating Panginoon
Namumuno : AMA NAMIN, sumasalangit ka…
Bayan: Bigyan mo kami ngayon.... AMEN.
Namumuno : ABA GINOONG MARIA, napupuno ka ng grasya…
Bayan: Santa Maria, Ina ng Dios.... AMEN. (10x)
Namumuno : PAPURI SA AMA …
Bayan: Kapara noong una.... AMEN.
Jaculatoria: O Jesus ko, patawarin mo kami sa aming mga sala,
iligtas mo kami sa apoy ng infierno, hanguin mo ang mga
kaluluwa sa Purgatorio lalong lalo na yaong mga
nangangailangan ng iyong awa.
Responsorio : Sa Ngalan ni Santa Rita, lagnat, sugat at mga peste,
germs, sakit, demonyo at lahat ng kapighatian ay lumayo.
Tugon : Sa mga bulag, mga pipi at bingi, at sa mga lumpo,
tulungan mo kami. Mga batang humihiling at mga namatay,
nawa’y makamtan ang bagong buhay.

Namumuno : Ang Ikalawang Misteryo sa __________:


______________________
TUWA : Ang Pagdalaw ng Mahal na Birhen kay Santa Isabel
HAPIS : Ang Paghahampas kay Jesus sa Nagagapos sa haliging bato
LIWANAG : Ang Pagbibinyag sa Ilog Jordan
LUWALHATI : Ang Muling Pagkabuhay ng ating Panginoon

Namumuno : AMA NAMIN, sumasalangit ka…


Bayan: Bigyan mo kami ngayon.... AMEN.
Namumuno : ABA GINOONG MARIA, napupuno ka ng grasya…
Bayan: Santa Maria, Ina ng Dios.... AMEN. (10x)
Namumuno : PAPURI SA AMA …
Bayan: Kapara noong una.... AMEN.

Jaculatoria: O Jesus ko, patawarin mo kami sa aming mga sala,


iligtas mo kami sa apoy ng infierno, hanguin mo ang mga
kaluluwa sa Purgatorio lalong lalo na yaong mga
nangangailangan ng iyong awa.
Responsorio : Walang Kapangyarihang maaaring manakit sa
pamamagitan mo, tulad ng kidlat, lindol, o sunog; sa
pagkakabihag, mga sakuna at kaguluhan.
Tugon : Sa mga bulag, mga pipi at bingi, at sa mga lumpo,
tulungan mo kami. Mga batang humihiling at mga namatay,
nawa’y makamtan ang bagong buhay.

Namumuno : Ang Ikatlong Misteryo sa __________:


________________________
TUWA : Ang Pagsilang sa Anak ng Diyos
HAPIS : Ang Pagpuputong ng Koronang Tinik
LIWANAG : Ang Pagpapahayag ng Kaharian ng Dios
LUWALHATI : Ang Pagpanaog ng Espiritu Santo sa Mahal na Birhen at sa
mga
Apostoles

Namumuno : AMA NAMIN, sumasalangit ka…


Bayan: Bigyan mo kami ngayon.... AMEN.
Namumuno : ABA GINOONG MARIA, napupuno ka ng grasya…
Bayan: Santa Maria, Ina ng Dios.... AMEN. (10x)
Namumuno : PAPURI SA AMA …
Bayan: Kapara noong una.... AMEN.
Jaculatoria: O Jesus ko, patawarin mo kami sa aming mga sala,
iligtas mo kami sa apoy ng infierno, hanguin mo ang mga
kaluluwa sa Purgatorio lalong lalo na yaong mga
nangangailangan ng iyong awa.
Responsorio : Kinilala ng Espanya ang pagiging Santa ng
Imposible, ang mga tao ay nagpupuri, ang Cascia ay nagpupuri
sa iyong pangalan.
Tugon : Sa mga bulag, mga pipi at bingi, at sa mga lumpo,
tulungan mo kami. Mga batang humihiling at mga namatay,
nawa’y makamtan ang bagong buhay.

Namumuno : Ang Ikaapat na Misteryo sa __________:


______________________
TUWA : Ang Paghahain kay Jesus sa Templo
HAPIS : Ang Pagbabagong Anyo ni Jesus
LIWANAG : Ang Pagpasan ng Krus
LUWALHATI : Ang Pag-aakyat sa langit kay Maria, Kaluluwa at Katawan

Namumuno : AMA NAMIN, sumasalangit ka…


Bayan: Bigyan mo kami ngayon.... AMEN.
Namumuno : ABA GINOONG MARIA, napupuno ka ng grasya…
Bayan: Santa Maria, Ina ng Dios.... AMEN. (10x)
Namumuno : PAPURI SA AMA …
Bayan: Kapara noong una.... AMEN.

Jaculatoria: O Jesus ko, patawarin mo kami sa aming mga sala,


iligtas mo kami sa apoy ng infierno, hanguin mo ang mga
kaluluwa sa Purgatorio lalong lalo na yaong mga
nangangailangan ng iyong awa.
Responsorio : Sa Ama at sa Anak ang patuloy na papuri,
kaluwlahatian, at karangalan, purihin ka sa lahat ng siglo
dahil sa walang hanggang pagmamahal.
Tugon : Sa mga bulag, mga pipi at bingi, at sa mga lumpo,
tulungan mo kami. Mga batang humihiling at mga namatay,
nawa’y makamtan ang bagong buhay.

Namumuno : Ang Ikalimang Misteryo sa ______: ____________


TUWA : Ang Pagkatagpo kay Jesus sa Templo
HAPIS : Ang Pagkamatay ni Jesus sa Krus
LIWANAG : Ang Pagtatatag ng Banal na Eukaristya
LUWALHATI : Ang Pagpuputong ng Corona kay Maria bilang Reyna ng
Langit at Lupa

Namumuno : AMA NAMIN, sumasalangit ka…


Bayan: Bigyan mo kami ngayon.... AMEN.
Namumuno : ABA GINOONG MARIA, napupuno ka ng grasya…
Bayan: Santa Maria, Ina ng Dios.... AMEN. (10x)
Namumuno : PAPURI SA AMA …
Bayan: Kapara noong una.... AMEN.

Jaculatoria: O Jesus ko, patawarin mo kami sa aming mga sala,


iligtas mo kami sa apoy ng infierno, hanguin mo ang mga
kaluluwa sa Purgatorio lalong lalo na yaong mga
nangangailangan ng iyong awa.
Responsorio : Iyong kinilala, Panginoon ang iyong abang lingcod
na si Santa Rita
Tugon : Dahil sa tindi ng iyong pagmamahal at kasabikan.

PANALANGIN
O Amang makapangyarihan, na nagbigay kay Santa Rita ng
grasya na mahalin ang kanyang mga kaaway at itago sa kanyang
puso at sa kanyang noo ang tanda ng kanyang patuloy na
pagmamahal at pag-aalab, hinihiling namin sa iyo na sa
pamamagitan niya at sa patuloy na pamamatnubay nya, na ibigay
mo sa amin ang grasya ukol sa pagpapatawad ng aming mga
kaaway, at sa pagninilay nilay ng kanyang mga sakit ay
makamtan nawa naming ang mga biyaya na ipinangako mo sa
amin, Ikaw na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan,
AMEN.

Dasalin ang SALVE REGINA (Aba Po, Santa Mariang Reyna)


Aba po Santa Mariang reyna, Ina ng awa, ikaw ang kabuhayan, pag-asa't
katamisan. Aba, pinananaligan ka namin. Ikaw nga ang tinatawagan namin,
pinapapanaw na taong anak ni Eva. Ikaw rin ang pinagbubuntong-hininga
namin ng among pagtangis dito as lupang bayang kahapis-hapis. Ay aba,
pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawin,
ipakita mo sa amin ang iyong anak na si Jesus. Santa Maria, Ina ng Diyos,
maawin, maalam, at matamis na Birhen. Amen.

V. Ipanalangin mo kami, O Santang Ina ng Diyos


R. Nang kami ay maging marapat makinabang sa mga pangako ni Kristo
MANALANGIN TAYO
O Diyos na ang kaisa-isa mong Anak, sa pamamagitan ng kanyang buhay,
pagkamatay at pagkabuhay na mag-uli ay ipinagtamo sa amin ang
gantimpalang buhay na walang hanggan, ipagkaloob mo po, isinasamo
namin sa pagninilay nitong mga misteryo ng kabanal-banalang Rosaryo ng
pinagpalang Birheng Maria, matularan namin ang kanilang ipinangangako.
Alang-alang kay Kristong aming Panginoon. Amen.

PANALANGIN KAY SAN JOSE


Sa iyo, O pinagpalang San Jose, kami ngayo'y lumalapit sa aming
paghihinagpis, at sa aming pagsusumamo sa iyong banal na Kabiyak, lakas-
loob din kaming nananawagan para sa iyong paglingap.

Sa pamamagitan ng pag-ibig na nag-ugnay sa iyo sa Kalinis-linisang Birheng


Ina ng Diyos at sa pamamagitan ng pagmamahal ng isang amang yumakap
sa Batang Hesus, buong pagkukumbaba kaming sumasamo sa iyo
pakundangan sa pamanang natamo ni Hesukristo sa pamamagitan ng
Kanyang Mahal na Dugo, at sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan at
lakas ay tulungan kami sa aming mga pangangailangan.

O mapagmatyag na tagapangalaga ng Banal na Pamilya, ipagsanggalang mo


ang mga hinirang na anak ni Hesukristo, O mapagmahal na ama, ilayo mo
kami sa mga nakahahawang pagkakasala at tiwaling impluwensiya. O
pinakamatatag naming tagapagtanggol, kaawaan mo kami at mula sa langit
ay tulungan kami sa aming pakikipagtunggali sa puwersa ng kadiliman.

Minsan mong iniligtas ang Niño Hesus mula sa nakamamatay na panganib,


kaya't ngayo'y ipagtanggol mo ang Simbahang Katolika mula sa bitag ng
kasamaan at sa lahat ng pagsubok; ipagsanggalang mo ang bawat isa sa
amin sa pamamagitan ng iyong walang-maliw na pagtatangol, upang sa
pamamagitan ng iyong gabay at tulong, ay makapamuhay kami nang banal
at mamatay nang banal, at nang aming makamit ang walang-hanggang
kaligayahan sa langit.

N: Sumaatin nawa ang banal na pagtulog.


L: Amen.

N: Sumalangit nawa ang mga kaluluwa ng mga yumao sa awa ng Diyos.


L: Amen.

N: Pagpalain nawa tayo ng makapangyarihang Diyos: Ama, Anak at Espiritu


Santo, lumukob nawa sa atin at manatili sa atin magpakailanman.

L: Amen.

You might also like