You are on page 1of 11

Santo Entierro ( Banal na Labi ni Jesus)

Ang pamagat na santo Entierro ay salitang Kastila na ang ibig


sabihin ay Banal na Paglilibing. Sa Pasyong Mahal ay lalo pang
pinalawak ang pagsasalarawan sa paglilibing kay Jesus. Binuhat
Sinahukay at saka nila tinakpan ng takip na nalalaan, batong
marmol ang pangalan, sadyang kalinis linisan.
Ang imahen ay nasa pangangalaga ng Pamilya Albaladejo ng
Lungsod ng San Juan

Ang imahen ng santo entierro ay sasamahan ng


Extra ordinary Ministers of Holy Communion
Samahan ng Santo Kristo
At mga deboto
San Pedro Apostol
Ang Pinuno ng 12 alagad ni Jesus. Isang Mangingisda Mula sa Betsaida,
Galilea at kapatid ni San Andres Apostol. Nang ipinahayag nya ang
kanyang pananalig na si Kristo ang anak ng Diyos, ang kanyang dating
pangalan na Simon ay pinalitan ni Jesus ng Pedro na ang ibig sabihin ay
Bato sa wikang Griego. Ang sabi ni Jesus, Mapalad ka Simon, Anak ni
Hona, pagkat hindi sayo isiniwalat sa iyo ng Tao bagkus ng aking ama sa
Langit. Sinasabi ko sa iyo, Pedro, ikaw ay isang bato at sa batong ito,
Aking itatayo ang aking Iglesia, at hindi kailanman mananaig ang
kamatayan dito. Ibibigay ko sa iyo ang mga Susi ng Langit. Ang
Anumang ipagbawal mo sa Lupa, ay ipagbabawal din sa Langit. At
anuman ipahintulot mo sa Lupa at ipapahintulot din sa Langit. Kung
kaya siya ay kinikilalang unang santo papa ng Iglesia Katolika.

Ang Pananda: Lambat at gamit sa pangingisda, ginto at pilak na


susi, tandang na manok, espada o tabak, krus na nakatiwarik,
aklat o pergamino
Ang imahen ay nasa pangangalaga ng Pamilya Carrasco ng
Lungsod ng San Juan City

Ang imahen ay sasamahan ng


Couples for Christ
Singles for Christ
Santa Veronica
Ang Ginang na nagpahid sa kalunos lunos na mukha ni Jesus
Habang Pasan ang Krus. Binansagang Veronica mula sa Salitang
VERO at ICO na ibig sabihin ay Tunay na Larawan.

Ang Pananda: Belo o Birang na may larawan ng mukha ng


naghihirap na kristo.

Ang imahen ay nasa pangangalaga ng Pamilya Villa ng Lungsod


ng San Juan

Ang imahen ay sasamahan ng


Kadang Dominiko
Catechetical Ministry
Apostolado ng Panalangin
Santa Maria Cleofe
Taga Sunod ni Jesus at Asawa ni San Cleopas, Saksi sa
Kamatayan at pag lilibing kay jesus Gayun din sa muling
Pagkabuhay ni Jesus.

Ang Pananda: Naveta at insersaryo, banga o sisidlan ng


pabangong ipinahid sa bangkay.

Ang imahen ay nasa pangangalaga ng Pamilya Dela Cruz ng


Lungsod ng San Juan

Ang imahen ay sasamahan ng


Spirit of Love
Catholic Womens League
Health Care
Sta. Salome
Taga sunod ni Jesus, Asawa ni Zebedeo at Ina nina San Juan
Evangelista at Santiago Mayor Apostol. Saksi Sa Kamatayan,
Paglilibing at Muling Pagkabuhay ni Jesus. Kasama nina Maria
Cleofe (Jacobe) at Maria Magdalena, nagtungo siya sa libingan
ng panginoon noong umaga ng linggo ng pagkabuhay upang
lagyan ng pabango ang bangkay ni Hesus, at una niyang narinig
ang balita na muling pagkabuhay ng Panginoon.

Ang pananda: Walis, banga o sisdlan ng pabangong ipapahid sa


bangkay.

Ang imahen ay nasa pangangalaga ng Pamilya Policarpo –


Montemayor ng Lungsod ng San Juan

Ang imahen ay sasamahan ng


Family and Life Ministry
Familia
Greeters Ministry
Sta. Maria Magdalena
Ang Pangunahing Babaeng Taga Sunod ni Jesus. Mula sa Kanya
Pitong Dimonyo ang Pinalayas ni Jesus, Pagkatapos ay nagging
masugid na disipulo ni Jesus. Saksi sa kamatayan ni jesus sa
Krus, Gayundin sa Paglilibing at Muling Pagkabuhay.
Tinaguriang Apostola Apostolorum o Apostol sa mga apostol
sapagkat sa kanya unang nagpakita si Jesus at inutusan na
ibalita ang mabuting balita sa mga Apostoles. Isa sa mga
Pangunahing Patron ng mga Dominikano.

Ang pananda: banga o sisdlan ng pabangong ipapahid sa


bangkay.

Ang imahen ay nasa pangangalaga ng Pamilya Albaladejo

Ang imahen ay sasamahan ng


Caritas
FRC
Mother Butlers Guild
San Juan Ebangelista
Ang alagad na kinalugdan ni Jesus. Anak ni Zebedeo at Santa
Salome at kapatid ni Santiago Mayor Apostol. Isang
mangingisda at dating alagad ni SanJuan Bautista, Saksi sa
maraming yugto sa buhay ni Jesus. Kasama nya sila Pedro na
Inutusan Ni Jesus na pumunta sa Lungsod upang Ihanda ang
kanilang hapunan para sa pista ng Paskuwa, sa lahat ng Alagad,
siya lamang ang bukod tangi na hindi natakot. Bagkus nanatili
pa sa paanan ng krus ni Jesus. Kung kaya sa kanya inihbilin ni
Jesus ang birheng Maria bago malagutan ng Hininga.

Ang pananda: Bilang isang ebangelista – Agila, pakpak na


panulat at aklat o perganimo; saro o kopa ng alak na may
lumalabas na ahas.

Ang imahen ay nasa pangangalaga ng Pamilya Taniegra ng


Lungod ng Mandaluyong

Ang imahen ay sasamahan ng


Word Ministry
Perpetual Rosary Association
Mater Dolorosa – Inang Nahahapis
Ang mahal na Birheng Maria bilang nagdadalamhating ina ni
Jesus. Kahit sanggol pa lamang si Jesus, at noong iniaalay sa
templo, alinsunod sa batas ni moises, Hinulaan nang Propetang
si Simeon ang Misyon ni Jesus at ang Pighating Daranasin ni
Maria bilang ina Nito. Sinabi noon ni Simeon kay Maria. Ang
batang ito ay itinalaga sa pagwasak at pagtindig ng Marami sa
Israel at ang puso mo ay para na din tinarakan ng isang
Balaraw.

Ang imahen ay nasa pangangalaga ng Pamilya Dela Cruz

Ang imahen ay sasamahan ng


BEC
Religious Missionaries of St. Dominic
Santa Juana De Cusa
Siya ang maybahay ni Cuza, na katiwala ni Herodes. Kasama ang
iba pang kababaihan, tinustusan nila mula sa sarili nilang ari-
arian ang mga pangangailangan ni Hesus at ng kanyang mga
alagad (Lu. 8:3). Noong linggo ng pagkabuhay, nakita nya at ng
iba pang kababaihan na naigulong na ang batong nakatakip sa
libingan ni Hesus, at isinalaysay nila ito sa mga alagad.
Ang Pananda: baket ng prutas o tinapay, kahong lalagyan ng
salapi o kayamanan, banga o sisdlian ng pabangong ipinahid sa
bangkay.

Ang imahen ay nasa pangangalaga ng Pamilya

Ang imahen ay sasamahan ng


Holy Name Society
Dominican Laity
Santa Maria De Betania
Samantalang si Marta ay abala sa kanyang pag-aasikaso kay
Hesus, na dumalaw sa kanila, Si Maria ay naupo malapit sa
paanan ng Panginoon upang making sa kanyang itinuturo. Nang
maghapunan ang pamilya Lazaro para kay Hesus sa Betania, “
kumuha naman si Maria ng isang bote ng mamahaling pabango
galing sa katas ng dalisay ng nardo, at ibinuhos sa mga paa ni
Hesus. Pagkatapos, pinunasan niya ang mga ito ng kanyang
buhok at napuno. At napuno ang buong bahay ng halimuyak ng
pabango “

Ang pananda: Bote ng pabango

Ang imahen ay nasa pangangalaga ng Pamilya

Ang imahen ay sasamahan ng


Blessed Imelda
AASC
Santa Marta
Sa Betania , malapit sa Jerusalem, tinanggap niya ang
panginoong Hesus sa kanyang tahanan, at sa pagkamatay ng
kanyang kapatid na si Lazaro, ipinahayag nya: “opo, Panginoon
naniniwala po akong kayo ang Kristo, ang Diyos na inaasahang
darating sa sanlibutan.

Ang pananda: bungkos ng susi sa sinturon, basket ng prutas o


tinapay, banga or pitsel.

Ang imahen ay nasa pangangalaga ng Pamilya

Ang imahen ay sasamahan ng


Legion of Mary
Music Ministry

You might also like