You are on page 1of 10

MAHAL NA BIRHEN NG FATIMA

KAPISTAHAN : MAYO 13

Birhen ng Fatima ang titulong iginawad sa Mahal na Birhen


saaparisyon niya sa tatlong batang namamastol na sina Lucia,
Jacinta at Francisco sa Fatima, Portugal na anim na sunod-
sunod na buwan mula ika-13 ng Mayo hanggang buwan ng
Oktubre 13 taong 1917.

Ang pinal na aparisyon ng Birhen ng Fatima noong ika-13


ng Oktubre, 1917 kung saan gumawa ng isang malaking himala
na nasaksihan ng napakaraming tao, ito ay sa pamamagitan ng
Himala ng Araw. Nanawagan ang Mahal na Birhen ng
Panalangin at Penitenisya , sa harap ng magulong kalagayan ng
mundo na nasadlak sa moral na kurapsyon at sa gitna ng
kataklisismo ng Unang Digmaang Pandaigdig. Hiningi niya ang
konregasyon ng Rusya sa kanyang Imakuladong Puso at
reparasyon sa kanyang Imakuladong Puso sa Unang Sabado ng
buwan.
MAHAL NA BIRHEN NG SANTO ROSARYO
KAPISTAHAN: OKTUBRE 7

Ayon sa tradisyon ng Simbahang Katoliko, ibinigay at itinuro ng Mahal na Birheng Maria


ang pagdarasal ng Santo Rosaryo kay Santo Domingo de Guzman nang siya ay nagpakita noong
1208 sa simbahan ng Prouille sa France.

Noong ika-13 na siglo ay nagpenitensya, nag-ayuno at nagdasal nang walang patid sa


loob ng talong araw at tatlong gabi, na muntikan niyang hindi paggising nang tuluyan.
Gayunpaman, habang siya ay nawalan ng malay, nagpakita sa kaniya ang Mahal na Birhen at
ibinigay ang Santo Rosaryo, at itinuro ito kung paano dasalin.

Ang kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo ay nagsimula noong ika-16 na siglo
matapos ang matagumpay nalabanan ng mga Kristiyano laban sa mga Turko noong ika-7 ng
Oktubre taong 1571 sa Lepanto. Malaki ang ambag ng Sannto Rosaryo sa laban na iito
sapagkat nanawagan ang Santo Papa Pio V na manalangin gamit ang Santo Rosaryo habang
nangyayari ang sagupaan. Kaya itinalaga ang buong buwan ng Oktubre sa Mahal na Birhen ng
Santo Rosaryo.
MAHAL NA BIRHEN NG CANDELARIA
KAPISTAHAN: PEBRERO 2

Ang ika-2 ng Pebrero ay mahalaga sa Kalendaryong Simbahan sapagkat ipinagdiriwang


nito ang kapistahan ng Candelaria o Candlemas Day. Ipinagdiriwang ang Feast of Purification ng
Mahal na Birhen. Ang Candelaria ay ang ika-apatnapung araw matapos ang Pasko, ito ang
seremonya ng paglilinis o purification matapos manganak ang isang ina. Batay sa kautusan ng
Diyos n itinakda ni Moises sa mga Hudyo, pinaniniwalaang hindi malinis ang isang babae na
nagsilang ng sanggol. Ginawa nina Jose at Maria ang paghahandog sa sanggol ng buong puso.
Ipinahayag ng Espiritu Santo sa matuwid at banal na si Simeon, isang propeta, na hindi siya
mamamatay hanggang hindi niya nakikilala si Kristong Panginoon.

Sa bahagi ng tradisyon ng Simbahang Kartoliko kaugnay ng Kapistahan ng Candelaria,


ang pagsisimba ng mga ina kasama ang sanggol na may dalang kandila, gayundin ang ibang
mananampalataya. Sa paniniwalang Kristiyano, ang liwanag ng Kandila ay sumasagisag kay
Kristo, na Liwanag ng mundo. At sa buhay nating mga Pilipino, ang kandila ay mahalagang gamit
sa iba’t-ibang pagdiriwang at pagkakataon.
MAHAL NA BIRHEN NG INMACULADA CONCEPCION
KAPISTAHAN ; DISYEMBRE 8

Ang Kalinis-linisang paglilihi sa Birheng Maria ay dogma ng Simbahang Katoliko na


tumutukoy sakawalang bahid dungis sa salang orihinal ng Birheng Maria na noon pa mang
siya’y ipinaglihi ng kanyang ina na si Santa Ana. Ito ay isa sa apat na dogmata ng Simbahang
Katoliko patungkol sa Birhen Maria at nakasaad sa bulang Ineffabilis Deus na ipinahayag ni Papa
Pio IX noong Disyembre 8, 1854. Ang Inmculada Concepcion ay dating kilala sa pangalang “
Paglilihi ni Santa Ana “, na galing sa mga taga-Silangan mula pa noong pa noong ika-pitong
dantaon. Ang araw ng Disyembre 8, ay upang makaugnay ng Setyembre 8, ang kapanganakan
ng Birhen – siyam naa buwan pagkaraan ng paglilihi sa kanya.

Tiniyak at ipinag-utos ni Papa Pio IX ang pagsampalataya sa katotohanan o dogma na


ito, sa harap ng mga cardinal, arsobispo, obispo at mga deboto noong ika-8 ng Disyembre,
1854. Sa Mahal na Birhen Maria natupad ang pangako ng Diyos na yuyurakin ng isang babae
ang ulo ng ahas.
SAN JOSE, ESPOSO NI MARIA
KAPISTAHAN: MARSO 19

Si Jose ay nagmula sa lahi ni Haring David, na napili ng Diyos upang maging kabiyang ni
Maria at Ama sa turing ni Hesukristo. Sa ebanghelyo ni Saan Mateo malalaman natin kung
anong tao si Jose bilang “ a righteous man “ o isang taong banal. Ipinalalagay ng ilan na
matapos ang malinis na pagmamahal kay Maria at matapat na paglilingkod kay Hesus. Namatay
si Jose sa kandungan nina Hesus at Maria, ito ang dahilan kung kaya siya ay kinikilalang
pintakasi ng maganda at mapayapang kamatayan – siya’y namatay sa piling ng kanyang
pamilya, sa natural na kadahilanan. Walang nakatalang mga katagang sinabi si Jose saan man sa
bibliya, ngunit malinaw niyang ipinahayag ang kanyang kabutihan at pagmamahal sa Diyos sa
kanyang tahimik at handing pagsunod sa kalooban ng Diyos at pag-aaruga sa kanyang mag-ina
na ipinagkatiwala sa kaniya.
MAHAL NA BIRHEN NG LOURDES
KAPISTAHAN: PEBRERO 11

Naganap ang aparisyon ng Birhen ng Lourdes sa pagitan ng ika-11 ng Pebrero at ika-16


ng Hulyo 1858, ang Mahal na Birhen ay nagpakita kay Bernadette Soubirous, sa grotto ng
Masabielle lokalidad sa labas ng bayan ng Lourdes, Pransya. Noong ika-25 ng Pebrero ay
nagsabi ang Mahal na Birhen kay Bernadette na maghukay sa lupa upang gumawa ng bukal ng
tubig sa pamamagitan ng kanyang mga daliri. Sa pagsubok ng Birhen ay ipinapahid ang putik sa
mukha ni Bernadette, na siyang naging sanhi ng pag-aalinlangann ng maraming naroon. Ang
bukal ay hindi agad nagpakita, subalit hindi nagtagal pagkaraan, ang tubig ay bumubulwak sa
bandang huli ay ito ang naging saksi sa maraming bilang ng himala.

Sa ika-labinganim na aparisyon ng Birhen ay pinagbago ang Rosaryo sa paligid, isinuot sa


kanyang bisig. Ipinagdikit ang mga palad sa kasingtaas sa dibdib, itinaas ang kanyang mga mata
sa Langit at sinabi kay Bernadette “ Ako ang Inmaculada Concepcion “. Binigyang awtonisasyon
ni Papa San Pio IX ang benerasyon sa Birheng Maria sa Lourdes noong 1862, mga labimpitong
taon bago ang kamatayan ni Bernadette. Simula noon, ang titulo ng Birhen ng Lourdes ay
naging motibong malaking benerasyon.
MAHAL NA BIRHEN NG NAGAGALAK
( ALEGRIA )
KAPISTAHAN:

Nang malabas sa hukay


At si Hesus ay nabuhay
Ang una Niyang dinalaw
Ang inang namamanglaw
Inaliw sa kalumbayan.

Doon nga sa Senakulo


Ay pinaroroonan ni Kristo
At binati nang ganito
Yaong inang nanlulumo
Lumbay ay di mamagkano.

Aba, Ina kong mapalad


Karamay-damay sa hirap
Tingni yaring Iyong Anak
Ang loob ay nang lumuwag
Sa kapighatia’t sindak.

Matuwa na’t lumigaya


Ang Poon ko’t aking Ina
Yamang aking naganap na
Ang pagsakop kp sa sala
Sa tanang anak ni Eba.
MAHAL NA BIRHEN NG NAGDADALAMHATI
KAPISTAHAN: SETYEMBRE 15

Laking sakit, laking dusa


Nang Inang nangungulila
Kaya nga’t babaing iba
Na nagmula sa Galilea

Nang dumating sa Kalbario


Itong Inang nanglulumo
Ang Anak niyang si Kristo
Napapako nang totoo
Poon sa saknomadero

Dinulog at nilapitan
Sa paa’y di humiwalay
Ang puso’y halos matunaw
At gayon din si San Huan
Na pamangkin minamahal

Madla ang buntang hininga


Tinangis-tangis tuwi na
Ng Poong Birhen Maria
Kung matingala’t makita
Anak niyang nagdurusa.
MAHAL NA BIRHEN NG FLORES
KAPISTAHAN”

Ang salitang Flores ay nagmula sa salitang Espanyol na ang ibig sabihin ay “ Bulaklak “.
Ang mga Espanyol rin ang nagpakilala sa ating mga Pilipino ng pagdiriwang na ito kung kaya ito
ay naging bahagi na ng ating kultura. Ang Buwan ng Mayo ay tinawag na Buwan ng mga
bulaklak dahil sa panahong ito namumukadkad ang samu’t-saring bulaklak sa bansa. Sa
Katagaluugan, ang pagdiriwang na ito ay nagsimula ng proklamasyon ng Dogma ng Inmaculada
Concepcion noong 1854 at ito ay inilathala noong 1867 ni Padre Mariano Sevilla. Ang pag-aalay
ng mga bulaklak kay Maria ay tinatawag na “ Alay kay Maria “ o Flores de Maria bilang
pagpaparangal sa ating Mahal na Ina.

Ang Pagdiriwang na ito ng ating mga ninuno ay isa ring pasasalamat para sa pagdating
ng ulan mula sa matagal na tag-tuyot; pinaniniwalaan nilang ang ulan ay biyayang dulot ng
Mahal na Ina. Sa tuwing sasapit ang kinahapunan, ang mga tao ay nagsasama-sama at
nagdarasal ng Santo Rosaryo at nag-aalay ng mga bulaklak. Buong buwan ng Mayo ang
pagdiriwang na ito at sa huling araw ng buwan ay isinasagawa ang prusisyon ng Flores De
Mayo.
MAHAL NA BIRHEN NG DIVINA PASTORA
KAPISTAHAN: MAYO 1

Ang Divina Pastora ang itinuturing na Reyna ng Gitnang Kapatagan ng Luzon. Noong
1700, nagdala ng imahen ang isang prayleng Augustino sa Misyon nila sa Gapan, Nueva Ecija.
Mula ng namintuho ang bayan sa Birhen, naging masagana ang kanilang ani. Dahil dito kualat
ang debosyon ng mga magbubukid sa Divina Pastora sa buong Luzon.

Noong 1795 ay Nawala ang pintakasi ng mga magbubukid na labis na ikinalungkot ng


mga tao. Naghintay sila ng 55 na taon bago natagpuan ang imahen ng mga magbubukid sa
ilalimm ng puno sa Callos sa Hacienda ng mga Valmonte.

Pinaalab ng Birhen ang pananampalataya sa Gitna ng Katagalugan . Pinutungan ng


korona ng Santo Papa Pablo VI ang Divina Pastora noong ika-26 ng Abril 1964.

You might also like