You are on page 1of 3

ANG PASYON

Ito ay isang naratibong tulang Pilipinas na nagsasaad ng buhay ni Hesukristo, mula


kapanganakan, pagkapako niya sa krus, hanggang sa muling pagkabuhay.

Ito ay may saknong ng limang linya sa bawat linya ng pagkakaroon ng walong pantig.
Ang anyong na ito ng salaysay ng pasyon ay popular sa Pilipinas, lalo na sa panahon
ng Mahal na Araw o Semana Santa.

Ang panitikan ng Pilipinas sa ilalim ng mga Kastila (1565-1897) ay masasabing


nagtataglay ng relihiyosong karakter dahil na rin sa Kristiyanisasyon sa ating bansa.
Kaya naman, karamihan sa mga obrang nagawa sa panahong ito ay madalas na
katesismo, manwal ukol sa pangungumpisal, libro ng balarila at mga talahulugan. At
dahil ang naunang panahon ay oral pa lamang ang anyo ng literatura, nang itala ito ng
mga prayle ay nahaluan na ito ng tema ng Kristiyanismo.

Isa sa mga naging pinaka-popular na anyo ng pang-relihiyong panitikan ay ang


‘pasyon,’ na isang mahabang tulang naratibo ng buhay ni Hesus. Madalas ay isinusulat
ito sa anyong quintillakung saan sa bawat saknong ay mayroong limang linya na
nagtataglay naman ng wawaluhing silabiko. Samantalang ang ibang anyo naman nito
ay ang plosao apat na linya na may lalabindalawahing silabiko ang bawat saknong.
Parehong asonantal ang tugmaan ng dalawang anyong ito (paraan ng pagtutugma ng
tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa patinig).

Layunin ng reaksiyong papel na ito na talakayin kung paano nga ba naimpluwensiyahan


o napakinabangan ng mga makata ang materyal na pasyon sa pamamagitan ng pag-
aanalisa ng historikal na tala ng mga nailimbag na bersiyon nito sa ating bansa.
Kasabay nito ay ang pagbibigay ng sariling interpretasyon ayon sa sariling
pagkakaunawa sa mga datos.

"Apat na Pasyong naisulat"


1704 – Gaspar Aquino de Belen
1750 – Don Luis Guian
1814 – P. Mariano Pilapil
1856 – P. Anicetodela Merced
A – ASUNCION
R – RESURRECION
A – ADORACION
L - LAMENTACION

P. Mariano Pilapil – 8 pantig at 5 taludtodsabawatsaknong , naisulatsaiba’tibangwikain;


Tagalog, Iloko, Bisaya at Bikol

P. Anicetodela Merced – ipinapalagaynapampanitikanangkanyangakdangPasyon.

"Mga Nilalaman ng Pasyon"

1. Ang Panalangin sa Diyos at Mahal na Birheng Maria.


2. Ang Paglalang ng Panginoong Diyos sa Buong Mundo.
3. Ang Pangingimbulong Demonyo sa Mag-asawang Adan at Eva.
4. Ang panganganak ni Santa Ana kay Ginoong Santa Maria.
5. Ang pagkakatawang taong Ikalawang Persona sa Sinapupunan ni Ginoong Santa
Maria.
6. Panganganak kay Hesus.
7. Ang Pagbibinyag.
8. Ang Pagdalaw ng tatlong Haring Mago.
9. Ang Pagpapapugot ni Herodes sa Lahat ng Sanggol.
10. Ang pagdalaw sa Templong Jerusalem.
11. Mga Himalang Ginawa ni Hesus.
12. Hula ng mga Propeta sa ating Panginoong Hesu kristo .
13. Domingo de Ramos-PALASPAS
14. Lunes Santo
15. Martes Santo
16. Miyerkules Santo
17. Huwebes Santo
18. Biernes Santo

Sa mga Kristyano, ang Pasyon ay isang narative o libro nagsasaad ng buhay ni


Hesukristo. Dito inilahad ang kanyang mga sakripisyo. Ang istilo ng pagsulat ng Pasyon
ay patula. Ito ay nagmula sa salitang Kastila "pasion" na ang ibig sabihin paghihirap.

Sa tradisyong Pabasa, ikinakanta ng patula ang nilalaman ng Pasyon. Ito ay paraan ng


mga Kristyano upang humingi ng tawad sa Panginoon. Ito ay ginagawa tuwing Mahal
na Araw.

Si Padre Gaspar Belen ang kaunaunahang Pilipino na sumulat at kumanta ng pasyon


sa Tagalog. Ito ay inilimbay taong 1704.

You might also like