You are on page 1of 4

T1. Kailan iniutos ng Dios na huwag kakain ng dugo?

T2. Ang dugo ba ay isang uri ng pagkain?

T3. Ano ang nararapat gawin sa dugo ng hayop?

T4. Ano ang kasasapitin ng mga Israelita at kahit ng mga dayuhan sa kanilang bayan na
kumakain ng dugo?

T5. Sa panahon ng Panginoong JesuCristo ay pinahihintulutan na bang kumain ng dugo?

T6. Ano ang pangagatwiran ng mga kumakain ng dugo?

T7. Pagkatapos madinig ang mga bagay na ito, ano ang bilin sa atin ng Kasulatan?

T1. KAILAN INIUTOS NG DIOS NA HUWAG KAKAIN NG DUGO?

S. Sa lumang tipan pa:

a) Sa panahon ni Noe.

“3 Bawa't gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain ninyo; gaya ng mga


sariwang pananim na lahat ay ibinibigay ko sa inyo. 4 Nguni't ang lamang may
buhay, na siya niyang dugo, ay huwag ninyong kakanin.” (Gen. 9:3-4) (ADB1905)

b) Patuloy sa panahon ni Moises.

“Magiging palatuntunang palagi sa buong panahon ng inyong lahi, sa lahat ng


inyong tahanan na hindi kayo kakain ng taba ni dugo man.” (Lev. 3:17) (ADB1905)

“26 At huwag kayong kakain sa anomang paraan ng dugo sa lahat ng inyong


tahanan, maging ibon o sa hayop. 27 Sinomang taong kumain ng alin mang dugo, ay
ihihiwalay sa kaniyang bayan ang taong yaon.” (Lev. 7:26-27) (ADB1905)

Bumalik sa itaas
T2. ANG DUGO BA AY ISANG URI NG PAGKAIN?

S. Hindi, ang dugo ay pantubos ng kasalan at hindi pagkain.

“Sapagkat ang buhay ay nasa dugo; at aking ibibigay sa inyo sa ibabaw ng dambana
upang itubos sa inyong mga kaluluwa: sapakat ang dugo'y siyang tumutubos dahil sa
buhay” (Lev.17:11) (ADB1905)
“ “Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong kawan, na inilagay ng Espiritu
Santo sa inyong pangangasiwa. Pangalagaan ninyo ang iglesia ng Diyos, na kanyang
tinubos sa pamamagitan ng dugo ng kanyang Anak.” (Gawa 20:28)(MBBTAG)

“At ayon sa kautusan, ay halos masasabi kong lahat ng mga bagay ay nililinis ng
dugo, at maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran.” (Heb. 9:22)
(ADB1905)

Liwanag: Pansinin natin sa lumang tipan pa, ginagamit nila ang dugo ng mga hayop na
pantubos ng kanilang mga kasalanan. Sa bagong tipan ay dugo ng ating Panginoong
JesuCristo ang ginamit na pantubos sa ating mga kasalanan minsan at magpakailman.
Kaya, maliwanag na nuon pa man hindi na ito isang uri ng kanilang pagkain.

Bumalik sa itaas
T3. ANO ANG NARARAPAT GAWIN SA DUGO NG HAYOP?

S. Ibuhos sa lupa at tabunan.

“12 Kaya't aking sinasabi sa mga anak ni Israel, Sinoman sa inyo ay huwag kakain
ng dugo, ni ang taga ibang bayan na nakikipamayan sa inyo ay huwag kakain ng
dugo. 13 At sinomang tao sa anak ni Israel, o sa mga taga ibang bayan na
nakikipamayan sa kanila na manghuli ng hayop o ng ibon na makakain; ay ibubuhos
niya ang dugo niyaon at tatabunan ng lupa.” (Lev. 17:12-13) (ADB1905)

Bumalik sa itaas
T4. ANO ANG KASASAPITIN NG MGA ISRAELITA AT KAHIT NG
MGA DAYUHAN SA KANILANG BAYAN NA KUMAKAIN NG DUGO?

S. Ihihiwalay sa kanyang bayan ang kumain.

“At sinomang tao sa sangbahayan ni Israel o sa mga taga ibang bayan na


nakikipamayan sa kanila, na kumain ng anomang dugo, ay aking itititig ang aking
mukha laban sa taong yaon na kumain ng dugo, at ihihiwalay ko sa kanyang bayan.”
(Lev 17:10) (ADB1905)

“ Sapagka't tungkol sa buhay ng lahat ng laman, ang dugo nga niyan ay gaya rin ng
buhay niyan. kaya't sinabi ko sa mga anak ni Israel, Huwag kayong kakain ng dugo
ng anomang laman: sapagkat ang buhay ng buong laman ay ang kaniyang dugo:
sinoman kumain niyan ay ihihiwalay.” (Lev.17:14) (ADB1905) (I Samuel 14:32-
34)

Bumalik sa itaas
T5. SA PANAHON NG PANGINOONG JESUCRISTO AY
PINAHIHINTULUTAN NA BANG KUMAIN NG DUGO?
S. Hindi. Kundi pinalalayuan o huwag kakain, kasamang bawal ang binigti, inihain
sa diosdiosan at pakikiapid.

“Kundi sumulat tayo sa kanila, na sila'y magsilayo sa mga ikahahawa sa diosdiosan,


at sa pakikiapid, at sa binigti, at sa dugo.” (Gawa 15:20) (ADB1905)

“Na kayo'y magsiilag sa mga bagay na inihain sa mga diosdiosan, at sa dugo, at sa


mga binigti, at sa pakikiapid; kung kayo'y magilag sa mga bagay na ito, ay ikabubuti
ninyo. Paalam sa inyo.” (Gawa 15:29) (ADB1905)

Pansinin: Anumang iniutos na kabawalan sa lumang tipan at binanggit ulit sa bagong tipan
ay may mabigat na kaparusahan, at hindi lamang mga Israelita ang pinagbabawalang
kumain ng dugo kundi pati mga Gentil (Gawa 15:20, 29).

Bumalik sa itaas
T6. ANO ANG PANGAGATWIRAN NG MGA KUMAKAIN NG DUGO?

S. a) Huwag daw humatol tungkol sa pagkain - Col 2:16

Sagot: Hindi talaga ang tao ang hahatol sa pagkain ng dugo kundi ang Dios.

b) Ang pumapasok daw sa bibig ay hindi daw nakakahawa - Mat 15:11

Sagot: Ang pagkain ng dugo ay nakahahawa gaya ng sinasabi sa Gawa 15:20, 29 -


"Kundi sumulat tayo sa kanila, na sila'y magsilayo sa ikahahawa sa diosdiosan, at sa
pakikiapid at sa dugo." (ADB1905)

k) Ang paliwanag naman ng iba tungkol sa dugo ay huwag daw sisiping sa kadugo o
kamag-anak.

Sagot: Sa banal na kasulatan ay may tiyak na pahayag o kabawalan patungkol dito.

“22 Sumpain yaong sumiping sa kaniyang kapatid na babae, sa anak ng kaniyang


ama, o sa anak ng babae ng kaniyang ina. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya
nawa. 23 Sumpain yaong sumiping sa kaniyang biyanan. At ang buong bayan ay
magsasabi, Siya nawa. (Deut. 27:22-23) (ADB1905)

Bumalik sa itaas
T7. PAGKATAPOS MADINIG ANG MGA BAGAY NA ITO, ANO ANG
BILIN SA ATIN NG KASULATAN?

S. a) Maging tagatupad at huwag tagapakinig lamang

“Datapwa't maging tagatupad kayo ng salita, at huwag tagapakinig lamang,


na inyong dinadaya ang inyong sarili (Sant. 1:22) (ADB1905)
b) Upang maligtas ang kaluluwa

“Kaya't ihiwalay ninyo ang lahat na karumihan at ang pagapaw ng


kasamaan, at tanggapin ninyo na may kaamuan ang salitang itinanim, na
makapagliligtas ng inyong mga kaluluwa.” (Sant. 1:21)(ADB1905)

You might also like