You are on page 1of 1

1.Translate the 3:00 Prayer into your local language.

Indicate if it is Iloko, Ibanag, Itawis,


Malaueg, Isneg, Kalinga, Tagalog etc.

Pumanaw ka Hesus, subalit and bukal ng buhay ay bumalong para sa mga kaluluwa at
ang karagatan ng awa ay bumugso para sa sanlibutan.

O bukal ng buhay, walang-hanggang awa ng Diyos, yakapin mo ang sangkatauhan at


ibuhos mong ganap ang Iyong sarili para sa aming lahat.

O banal na dugo at tubig na dumaloy mula sa puso ni Hesus bilang bukal ng awa para
sa aming lahat, kami ay nananalig sa Iyo.

Banal na Diyos, Banal na puspos ng kapangyarihan,

Banal na walang-hanggan, maawa po kayo sa amin at sa buong sansinukob. (3x)

O Hesus, Hari ng awa, kami ay nananalig sa Iyo.

2.Using the same language explain the meaning and importance of the prayer. (2-3
Sentences)
Sa 1 Corinto 12:26, ipinaalala sa atin ni Paul na tayo ay parte ng katawan ni
Kristo. Kung nasasaktan ang isang bahagi, nasasaktan ang lahat, kung pinaparangalan
ang isang bahagi, nagagalak ang lahat. Bilang parte ng katawan ni Kristo kailangan
nating magbuklod at ang pinakamagandang paraan ay ang pagdadasal at ang
pinakamagandang oras ay ang ikatlo ng hapon kung saan ito ang oras ng pagpanaw ni
Kristo. Kapag nagkaisa tayong magdasal sa oras na ito, alam nating dinidinig ito ng
ating Panginoon na na syang may kakayahang magbago at magbigay ng kapayapaan
sa mundo.

You might also like