You are on page 1of 1

PANALANGIN SA BANAL NA AWA NG DIYOS

“Pumanaw Ka Jesus, subalit ang bukal ng buhay ay bumalong para sa mga kaluluwa,
at ang karagatan ng Awa ay bumugso para sa sanlibutan.
O Bukal ng Buhay, Walang Hanggang Awa ng Diyos,
yakapin Mo ang sangkatauhan at ibuhos Mong ganap ang Iyong sarili para sa aming lahat.
O Banal na Dugo at Tubig na dumaloy mula sa puso ni Jesus
bilang Bukal ng Awa para sa aming lahat,
Ako ay nananalig sa Iyo.” (3x)
Amen.

ANG CHAPLET NG BANAL NA AWA

SA MGA BUTIL NG ROSARYO, DARASALIN ANG ISANG:


“Ama namin”….., “Aba Ginoong Maria”……, at ang “Sumasampalataya ako”……

SA MGA MALALAKING BUTIL, DASALIN ANG:


“Ama na Walang Hanggan, iniaalay ko po sa Iyo ang Katawan at Dugo, Kaluluwa at
Pagka-Diyos ng Kamahal-mahalan Mong Anak na si Jesukristo, na aming Panginoon mat
Manunubos, para sa ikapagpapatawad ng aming sala at sa sala ng buong sansinukob.”

SA MALILIIT NA BUTIL, DASALIN ANG:


“Alang-alang sa mga tiniis na Hirap at Kamatayan ni Jesus, kaawaan Mo po kami at ang
buong sansinukob.”

BILANG PANGWAKAS, DASALIN NG TATLONG (3) ULIT:


“Banal na Diyos, Banal na Puspos ng Kapangyarihan, Banal na Walang Hanggan, Maawa
po Kayo sa amin at sa buong sansinukob.”

You might also like