1. Kandila- ito ang sumisimbulo sa Liwanag ni Kristo na siyang dala-dala ni
Santiago sa kanyang pangangaral. Dahil sa kanyang masigasig na pagtuturo ng Salita ng Diyos, naipalaganap niya ang liwanag ni Hesus hanggang sa dulo ng mga daigdig.
Ang mga Kandila ay iaalay nina:
2. Tungkod at Sisidlan ng tubig ng Peregrino- Ang tungkod na
sumisimbulo sa katatagan na bigay ng Diyos at ang pagiging masigasig ni Santiago. Ang tungkod ang naging sandigan niya sa mga oras na siya ay nanghihina sa oras ng kaniyang paglalakbay. Ang sisidlan ng tubig naman na sumisimbulo kay Hesus bilang “Tubig ng Buhay” ang siyang dala-dala rin ni Santiago sa “mga dulo ng daigdig” upang ang mga nauuhaw sa Salita ng Diyos ay makainom sa bukal ng buhay. Ang tungkod at tubig ang naging tanging baon niya sa kanyang paglalakad ng milya-milya upang ang kanyang lakas ay patuloy na manauli at manariwa.
Ang Tungkod at Sisidlan ng Tubig ay iaalay ni:
3. Sumbrero ng Peregrino- Si Hesus bilang ating Dakilang Kapahingahan
ang siya rin namang naging kanlungan ni Santiago sa oras na siya ay napapagal sa kanyang paglalakbay. Ang lilim ng sombrero na nagpapaginhawa sa isang manlalakbay ang nagsilbing pananggalang ni Santiago laban sa araw at bagyo na kanyang sinuong sa paglalakbay para lamang maihatid ang Mabuting Balita ni Hesus sa tanan.
Ang Sumbrero ng Peregrino ay iaalay ni:
4. Kabibe- Ang Concha o Kabibe ang ginamit ni Santiago sa kanyang pang kain habang siya ay naglalakbay. Ito rin ang ginamit niya sa pagbibinyag sa mga naging Kristiyano dahil sa kanyang pangangaral. Ang Kabibe rin ay sumisimbulo sa pag-usbong ng panibagong buhay, kung kaya’t tunay na nasumpungan ng mga taong nakinig sa pangangaral ni Santiago ang bagong buhay na kasama ni Kristo.
Ang Kabibe ay iaalay ni:
5. Kalasag- Ang kalasag o Panangga ang simbulo ng tagumpay na nakamit
ng hukbong Kristiyano laban sa hukbo ni Abderraman sa labanan sa Clavijo. Ang pagpapakita ni Santiago na sakay ng puting kabayo ang nagpalakas at nagbigay pag-asa kay Haring Ramiro upang pamumuan ang kanyang sandatahan nang may higit na pagtitiwala sa Diyos sa pamamagitan ng pananalangin at pamamagitan ni Santiago Apostol.
Ang Kalasag ay iaalay ni:
6. Espada- Ang espada ang sumisimbulo sa katapangan ni Santiago Apostol,
una, sa pagiging mabuting tagapagtanggol ng pananampalataya at ng Mabuting Balita at ikalawa ay ang kanyang katapangan sa pagiging martir ni Hesus. Siya bilang una sa mga apostol na nag-alay ng buhay alang- alang kay Kristo ang naging matatag na pagpapatibay ng kanyang tugon bilang “pag-inom sa kalis” ng Panginoon.