You are on page 1of 5

UNANG PAGBASA

(Jeremias 17, 5-8)

PAGBASA MULA SA AKLAT NI PROPETA JEREMIAS

Ito ang sinasabi ng Panginoon:


”Parurusahan ko ang sinumang tumatalikod sa akin, at
nagtitiwala sa kanyang kapwa, sa lakas ng mga taong
may hangganan ang buhay.

Ang katulad niya’y halamang tumubo sa ilang, sa lupang


tigang, at sa lupang maalat na walang ibang tumutubo;
walang mabuting mangyayari sa kanya.

Ngunit maligaya ang taong nananalig sa Poon,


pagpapalain ang umaasa sa kanya. Ang katulad niya’y
halamang nakatanim sa tabi ng batisan, ang mga ugat ay
patungo sa tubig; hindi ito manganganib kahit dumating
ang tag-init, sapagkat mamamalaging luntian ang mga
dahon nito, kahit di umulan ay wala itong aalalahanin;
patuloy pa rin itong mamumunga.”

Ang Salita ng Diyos.


IKALAWANG PAGBASA
(1 Corinto 15, 12. 16-20)

PAGBASA MULA SA UNANG SULAT NI APOSTOL SAN PABLO SA MGA


TAGA-CORINTO

Mga kapatid:
Kung ipinangangaral naming si Kristo’y muling nabuhay,
ano’t sinasabi ng ilan sa inyo na hindi bubuhaying muli
ang mga patay? Kung hindi bubuhaying muli ang mga
patay, hindi rin muling binuhay si Kristo. At kung hindi
muling binuhay si Kristo, kayo’y hindi pa nahahango sa
inyong mga kasalanan, at walang katuturan ang inyong
pananampalataya. Hindi lamang iyan, lilitaw pa na ang
lahat ng namatay na nananalig kay Kristo ay napahamak.
Kung ang pag-asa natin kay Kristo ay para sa buhay na ito
lamang, tayo na ang pinakakawawa sa lahat ng tao.
Ngunit ang totoo, si Kristo’y muling binuhay bilang
katibayan na muling bubuhayin ang mga patay.

Ang Salita ng Diyos.


PANALANGIN NG BAYAN

Tagapagdiwang: Sa dakilang Kapistahan ni San Geronimo


Emiliani, Ama ng mga Ulila at Pandaigdigang Patron ng mga
Kabataang Kapuspalad, tayo ngayo’y manalangin para sa
kapakanan ng lahat ng mga batang ulila at nangangailangan, nang
sa gayon ay makatagpo sila ng tahanan kung saan sila’y
maaalagaan, matuturuan at mamahalin. Sa bawat panalangin ang
ating itutugon: Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Bayan:Panginoon, dinggin ang aming panalangin.


(kakantahin)

Tagabasa: Para sa Simbahang Katolika upang siya’y lumago sa


kabanalan, pagmamahal at paglilingkod. Manalangin tayo sa
Panginoon.
Bayan: Panginoon, dinggin ang aming panalangin.
Tagabasa: Para sa ating Papa, na si Francisco, kay Ruperto na ating
Obispo, mga pari, relihiyoso at sa lahat ng mga kasapi, kaibigan at
tagapagtaguyod ng Kongregasyon ng mga Somaskano, manalangin
tayo sa Panginoon.
Bayan: Panginoon, dinggin ang aming panalangin.
Tagabasa: Para sa mga ulila at mga batang kapus-palad, nang
makakita sila ng mga taong magmamalasakit at magmamahal sa
kanila, manalangin tayo sa Panginoon.
Bayan: Panginoon, dinggin ang aming panalangin.
Tagabasa: Para sa mga taong pinili upang makibahagi sa
pangangasiwa ukol sa kabutihan ng ating bansa, magamit nawa nila
ang kanilang lakas, karanasan at talino para sa pagbuo ng isang
mundong nagkakaisa, makatarungan at makatao, manalangin tayo
sa Panginoon.
Bayan: Panginoon, dinggin ang aming panalangin.
Tagabasa: Para sa ikalalago ng bokasyon sa ating simbahan, nawa’y
patuloy itong mabiyayaan ng mga tapat at banal na pari at
relihiyoso, manalangin tayo sa Panginoon.
Bayan: Panginoon, dinggin ang aming panalangin.
Tagabasa: Para sa ating mga yumaong kapatid, kamag-anak at
kaibigan, nawa’y makamit nilang ganap ang gantimpala ng
kanilang kabanalan at kabutihan, manalangin tayo sa Panginoon.
Bayan: Panginoon, dinggin ang aming panalangin.
Tagabasa: Manalangin tayo para sa ating mga pansariling
kahilingan. (Tumahimik sandali) Manalangin tayo.
Bayan: Panginoon, dinggin ang aming panalangin.
Tagapagdiwang: Diyos naming Ama, tagapagbigay ng kapayapaan
at takbuhan ng mga mahihirap, puspusin mo ang aming mga puso
ng Espiritung siya ring nagpaningas kay San Geronimo upang
maging ama at tagapagtanggol ng mga ulila. Loobin mong
makasunod kami sa kanyang mga halimbawa at maialay namin ang
aming sarili sa paglilingkod sa kapwa. Hinihiling naming ito sa
pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Bayan: Amen.

You might also like