You are on page 1of 26

Last sunday the Lord led me to share on the

subject THE HOLY THINGS OF GOD. It


seems na sa unang tingin ay umiba yata ako
ng direksyon , nalalayo na ba ako sa
REALIGN AND REBUILD? But if you look
closely into the subject you will find out na isa
rin pala ang paksa na ito sa mga bagay na
dapat i-realign at irebuild sa mga churches
natin nowadays. Dapat nating Ibalik ang
pagpapahalaga sa mga banal na bagay ng
Diyos. Proper respect and honor to the holy
things of God must be restored within the
body the body of Christ. Many christians
nowadays have become too familiar sa mga
banal na bagay ng Diyos kung saan ang
pananambahan at paglilingkod ng ilan ay
taken for granted na lang. Very casual na lang
ang galawan sa church. Our programs have
become very common and too familiar to
some christians. Hindi maibigay ang best.
Dahil hindi aware na sagrado pala ang mga
ginagawa natin sa church. The sad thing is
when others treat the holy things of God with
contempt. Meron po yung balik. Pinaalala
saatin ng Banal na Espirito last sunday na ang
simbahan mismo, ang bahay ng Diyos pisikal
man o espritiwal, ang araw ng linggo, ang
salita ng Diyos, ang ating ikapu, ang
communion, ang praise and worship, ang
ating calling, at ang ating mga paglilingkod sa
church ay pawang mga banal at sagradong
bagay pala sa harap ng Diyos. Ito ay dapat
nating igalang, paghusayan at galingan ang
ating mga performance. God deserves the
best of our service mga kapatid. Kung gaano
kabigat ang punishment sa mga lumalabag
noon sa OT ay ganun din katindi ang blessing
na ibinibigay nya sa mga nagpapahalaga sa
mga Holy Things of God. I have proven that to
you last time, remember?

Noong nakaraang gabi ako ay nanaginip na


nagpi preach daw ako sa isang pagtitipon at
ginamit ko daw ang linyang BLESSED IS HE
WHO COMES IN THE NAME OF THE LORD.
Mapalad o pinagpala siyang naparito o
dumarating sa pangalan ng Panginoon.
Pagkagising ko ng mga alas tres ng madaling
araw ay inimpress saaking puso ng Banal na
Espirito na gawin ang topic na ito na may
pamagat na THE HOLY NAMES OF GOD.
Kaya kung last time ang title natin ay THE
HOLY THINGS OF GOD, today our topic is
entitled THE HOLY NAMES OF GOD. Names
of God, plural, sapagkat napakaraming
pangalan ang Diyos. In fact, there are about
365 names of God in the Bible yan ay dahil sa
pagnanais ng mga tao na i-describe at
ilarawan ang nature ng Diyos ay tinawag siya
sa mga pangalang hango sa mga bagay sa
paligid o sa kalikasan gaya ng tinawag siyang;
Sun of Righteousness, The Lion Of Judah,
The Bright and Morning Star, The Lily of The
Valley, The Rose of Sharon, The Balm of
Gilead, at napakarami pa pong iba. Subalit
ang pag
uusapan natin ngayon ay ang talagang mga
pangalan na siya mismo ang nagpakilala
tungkol sa kanyang sarili. Aalamin natin ang
kanya kanyang kahulugan ng bawat pangalan
na yan. And the moment we discovered the
meaning of his names, hopefully ay maitama
at maibigay natin ang mataas na paggalang,
pagtrato sa kanya mga kapatid. Gaano ba
kahalaga ang pangalan ng Diyos? Sabi sa
Psalm 34: 3 Come, let us tell of the lord’s
greatness; let us exalt his name together. Utos
sa bible na itaas natin ang pangalan ng Diyos.
Sa prayer na itinuro ni Jesus sabi doon, Our
father which art in heaven hallowed be thy
name. Sambahin ang pangalan mo.

We all need to be reminded siguro na tinawag


tayong lahat sa kanyang pangalan. 2 Chr 7:
14 If my people who are called by my name
shall humble themselves and pray... Kung ang
aking bayan na tinawag saaking pangalan ay
magpakumbaba... At naligtas tayo sa
pamamagitan ng pagtawag natin sa kanyang
pangalan, am i right? Anyone who calls on the
name of the Lord will be saved sabi sa
Romans 10:13. Sabi sa Acts 4:12 Sa kanya
lamang matatagpuan ang kaligtasan,
sapagkat walang ibang pangalan ng sinumang
tao sa buong mundo na ibinigay ng Diyos sa
mga tao upang tayo ay maligtas.” At tinuruan
din tayo na sa tuwing tayo ay mananalangin
ay hingin natin ang lahat sa kanyang
pangalan kaya nga lagi sa dulo ang sinasabi
natin ay, we ask this in Jesus's name. Sabi ni
Jesus, whatsoever you ask in my name will be
given to you by my father in heaven. Another
thing, sa mga pagtitipon natin nagkakatipon
tayo sa kanyang pangalan. We gather in his
name, right? Where two or three are gathered
in my name i am in the midst of them. Ganyan
kahalaga kapatid ang pangalan ng Diyos. At
dahil dyan, we need to be knowledgeable
about the holy names of God. Alam nyo ba na
sa relihiyon ng Judaismo ay napakataas ng
paggalang nila sa pangalan ng Diyos, na ito
ay pinaka ingat ingatan nila na huwag
mabanggit sa walang kabuluhang bagay?
Bahagi ito sa sampung utos ng Diyos sa
kanila na huwag gagamitin ang pangalan ng
Diyos sa mga walang kwentang usapan. Thou
shalt not use the name of God in vain.

Magsimula tayo sa kanyang hebrew name na


EL. Ito ay singular form ng God dahil ang
plural form nito ay ELOHIM, isa po ito sa
dahilan bakit tayo naniniwala sa holy trinity na
sabi sa Matt 28: 20 baptizing them in the
name of the father, son, and the holy spirit.
This word Elohim means the supreme God.
The creator of all things. In the beginning
Elohim created the heavens and the earth.
Madalas ang El ay dinudugtungan ng iba iba
pang pangalan gaya ng EL- SHADDAI, It
means the Almighty God. The all- sufficient
ONe. The breasty one. The God who is more
than enough. Imagine kung revealed saatin na
he is the more than enough God? Meaning,
aware tayo na mayaman ang Diyos, walang
shortage sa langit but there is always
abundance and overflowing provisions in
heaven because our God's name is El-
Shaddai. Ang itsura daw nito ay parang nanay
na mayaman ang gatas sa dibdib. Masakit
daw sa dibdib ng nanay kapag nagugutom na
ang kaniyang sanggol. Alam nyo bang
sumasakit din ang dibdib ng Diyos na
makitang tayo ay nagugutom at laging
kinakapos ? That is why we should always
come to him for nourishment. We should
come to him regularly for our daily bread. We
need a daily supply of his guidance, wisdom
and direction. Sabi ni Jesus, anyone who is
thirsty must come to me and drink. Anyone
who is hungry must come to me and eat.
Mapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa
katwiran dahil sila ay bubusugin. Kapag hindi
tayo sabik sa kanya ay hindi tayo lalapit hindi
natin matatanggap ang kanyang blessing. At
kapag lumapit naman tayo dapat ay meron
tayong tamang atitude and motive, we must
be hungry and thirtsy for him at pagka ganun
he promised that he will meet all our needs.
Dito natin makikita na gusto ng Diyos na we
seek him diligently. Anyone who comes to him
must believe that he exist and that he is a
rewarder to those who diligently seek him.
Another name of God is El- Elyon which
means The Most High God. Siya ang kataas
taasang Diyos at maliban sa kanya ay wala ng
ibang Diyos. He is beyond compare. He is
beautiful beyond description sabi sa awit. He
is the Only true God, the possessor of the
universe. So how come na hindi natin siya
gagalangin at sasambahin ng tama kung
ganyan ang pagkakilala natin sa Diyos, di ba
po? Kaya mo bang mag text habang kausap o
kaharap mo ang presidente ng Pilipinas? Eh
bakit sa church text ka ng text? Bakit
nagagawa mong tulugan ang worship
service ? Bakit ang iba dyan di mapakali ang
likot likot habang nasa church, labas ng
labas? It is bacause we are not aware that we
worship EL-Elyon the Most High God. Mga
kapatid, kung sasamba tayo sumamba tayo
ng tama. Dont miss every single part of the
service. In fact, maidagdag ko lang, ang
simbahan dapat laging malinis, laging
maayos, gawing desenteng lugar dahil dito
natin sinasamba ang ating Diyos na kataas
taasan. Kaya siguro may kasabihan na
cleanliness is next to godliness. Dahil hindi
nababagay ang Diyos sa pangit at makalat na
lugar, ano po? He deserves the best mga
kapatid tatandaan natin lagi iyan. Kaya mga
mucisians, linisin nyo din ang inyong mga
gamit na instruments. Mga cleaners and
decorators sa church give your best shot para
kay Lord. Sabi ko last time noon nga sa
nakagisnan natin, nagdadala pa tayo ng mga
bulaklak as a form of offering. How about
today? Ngayon we go to church empty
handed, walang dala. Late na nga
nagmamadali pang umuwi. Matagal tagalan
lang ang preacher ay di na mapakali. Pati nga
sa offering natin, we should actually choose
yung magaganda naman at hindi yung gusot
gusot na bill mga kapatid. Let us always honor
him in everything. Another name of God in
the Bible is EL- ROI which means God of
Seeing. Hindi nalilingid sa kanya ang mga
nangyayari saatin. He sees everything even
the things we do in secret mga kapatid. Nasa
church ka man o nasa cr nakikita ka ng Diyos.
Another name of God is El Olam- Everlasting
God. El Gibhor which means Mighty God. El
Eloah, God, Mighty, Strong and prominent.
Ang proper name ng Diyos talaga ay Yahweh
which means Lord. Galing sa apat na letrang
YHWH dahil sa hebrew characters ay walang
vowels panay consonants lang. Ayaw itong
sambitin ng mga hudyo instead they use
Adonai which means my Lord. The name
Jehovah also means Lord, galing din kasi ito
sa word na Yahweh at Adonai. Heto pa ang
ibang pangalan ng Diyos. Yahweh- Jireh, the
Lord who provides. It is his nature to provide.
He loves to provide and he cant wait to
provide. Sunod ay Yahweh- Rophi, the Lord
who heals. Bago pa maimbento ang sakit
healer na siya. Next is Yahweh- Shalom, the
Lord our peace. Nothing ia missing, nothing is
lacking, nothing is broken dapat sa buhay
natin. Yahweh- Nissi- the Lord our banner of
victory. Yahweh- M'kaddesh- the Lord who
sanctifies. Si Lord lang ang may kakayahan
na gawin tayong banal at hindi kailanman sa
pamamagitan ng mga kautusan. Yahweh-
Tsidkenu- the Lord our righteousness. Si Lord
lang ang makapagbibigay saatin ng
righteousness hindi ang ating mga good
deeds. Next is Yahweh- Shammah the Lord
who is there. Lagi natin siyang kasama. He is
our ever present help in time of need. Yahweh
Shabaot- the Lord of hosts.
Another name of God that i want to share to
you ay yung mismong name na sinabi nya kay
Moises sa Exodus 3: 13 Sinabi ni Moises,
“Pupunta ako sa mga Israelita at sasabihin sa
kanilang ako'y sinugo ng Diyos ng aming
ninuno. Ngunit ano po ang sasabihin ko kung
itanong nila kung sino ang nagsugo sa akin?”
14. Sinabi ng Diyos, “Ako'y si Ako Nga.
Sabihin mo sa mga Israelita na sinugo ka ng
Diyos na ang pangalan ay ‘Ako Nga’. 15.
Sabihin mo sa kanila na sinugo ka ni Yahweh,
ng Diyos ng inyong mga ninuno, ang Diyos
nina Abraham, Isaac at Jacob. At ito ang
pangalang itatawag nila sa akin
magpakailanman. I AM WHO I AM. Our God
is the GREAT I AM. Anuman ang sitwasyon
natin, anuman ang kalagayan natin, anuman
ang mga pangangailangan natin ang
sasabihin nya saatin pag lumapit tayo sa
kanya ay, I AM the solution to your problem. I
AM all that you need. Whatever your need be,
I AM the answer, says the Lord Almighty.
His name describes his nature. His name
describes his character. His names describes
his ability. His name speaks of his infinity at
hindi siya nagbabago. He is constant. He is
the same yesterday and forever. Kung ano
siya noon ganun siya forever.
Revealed ba saiyo ang kanyang name
kapatid? Ano ba sa mga names nya ang
buhay saiyo? Malamang doon mo kasi siya
naranasan. Maybe as a healer, as a provider,
as a sanctifier, or maybe as the giver of
peace, etc. Mahalaga po ito mga kapatid dahil
sabi ni Jesus sa kanyang mga alagad sa Matt
16: 13- 19 Nang dumating si Jesus sa bayan
ng Cesarea ng Filipos, tinanong niya ang
kanyang mga alagad, “Ano ang sinasabi ng
mga tao patungkol sa Anak ng Tao?” 14. At
sumagot sila, “Ang sabi po ng ilan kayo si
Juan na Tagapagbautismo. Sabi po naman ng
iba, kayo si Elias. At may nagsasabi pong
kayo si Jeremias, o isa sa mga propeta.” 15.
Tinanong ulit sila ni Jesus, “Ngunit para sa
inyo, sino ako?” 16. Sumagot si Simon Pedro,
“Kayo po ang Cristo, ang Anak ng Diyos na
buháy.” 17. Sinabi sa kanya ni Jesus,
“Mapalad ka, Simon na anak ni Jonas!
Sapagkat ang katotohanang ito'y hindi
inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng
aking Ama na nasa langit. 18. At sinasabi ko
sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong
ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang
pintuan ng daigdig ng mga patay ay hindi
magtatagumpay laban sa kanya. 19. Ibibigay
ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit.
Ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa
langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay
ipahihintulot din sa langit.”

Ang kapahayagan mo kung sino siya saiyo


ang magdedetermine kung blessed ka nga ba
o hindi kapatid. Sabi ni Jesus kay Peter, You
are blessed Simon Barjona dahil hindi tao ang
nagpahayag nyan saiyo but my father in
heaven. Sabi ni Ptr Steven Furtick, revelation
is better than reason. Dahil dumarating sa
point na ang reason ay nagkakaroon ng
limitasyon ngunit ang revelation will always
prevail in every situation. Revelations are keys
to the kingdom blessings. Lahat ng bagay na
revealed saiyo ay saiyo at para saiyong mga
lahi sabi sa Deut 29:29. The things that are
revealed belong to you and to your children
forever. Kayat napaka halaga na may
revelation tayo ng name ni God paravmasabi
din natin ang sinabi ni David na some boast in
chariots, and some boast in horses but we will
boast in the name of the Lord our God. Para
saiyo kapatid, what is the greatest, the highest
and the sweetest name of all? For me that
name is JESUS. His name is like honey on my
lips. His name is wonderful. His name is
powerful. His name is glorious. His name is
the name above all names. Sabi Phil 2: 5 -
11You must have the same attitude that Christ
Jesus had. 6
Though he was God, he did not think of
equality with God     as something to cling to.
7 Instead, he gave up his divine privileges;    
he took the humble position of a slave     and
was born as a human being. When he
appeared in human form,    
8 he humbled himself in obedience to God    
and died a criminal’s death on a cross.
9 Therefore, God elevated him to the place of
highest honor     and gave him the name
above all other names,
10 that at the name of Jesus every knee
should bow,     in heaven and on earth and
under the earth,
11 and every tongue declare that Jesus Christ
is Lord,     to the glory of God the Father.

Kinikilala ang pangalang Jesus sa langit at sa


lupa at maging sa kalaliman ng lupa-
meaning pati sa di nakikitang mundo ang
pangalan ni Jesus ay nirerespeto. Kung saan
just by the mention of his name every knee
should bow and every toungue should
confess that JESUS CHRIST is Lord to the
glory of God the Father. Sa pangalan ni
Jesus ay may paglaya, sa pangalang Jesus
ay may pagpapala, may pagtatagumpay.
There is power in the name of Jesus and we
can use the name of Jesus against the works
of darkness. Sabi ni Peter and John sa
lalaking pilay sa gate beautiful, silver and gold
i have none but such as i have give i thee. In
the name of jesus Christ of Nazareth, rise up
and walk. At gumaling ang lalaki and he went
walking and leaping and praising God.

Sigaw ni blind Bartemaeus, Jesus son of


David have mercy on me and glory to God he
received his sight. Oh, there's just something
about the name of Jesus.

Going back to my dream, dapat tayong


maging aware na may pagpapala sa mga
dumadalo sa church provided na ang ating
pagdalo ay sa pangalan ng Panginoon.
Blessed is he who comes in THE NAME OF
THE LORD. Hindi tayo pumupunta sa church
sa kung kanino kaninong pangalan at dahilan
lamang, please always remember that mga
kapatid.

Magiging blessed lang tayo kapag tama ang


ating motibo. Kapag naitama kasi natin ang
ating motibo ay tiyak magbabago po pati ang
ating kilos at trato sa gawain. Si Lord ang
pinuntahan natin sa church. Si Lord ang
pinaglilingkuran natin sa church. Going to
church service is a divine appointment with
God. Hindi si friend, hindi si crush, at hindi si
ayuda ang pinuntahan natin sa church.
Everytime we come to church, we come in the
name of the Lord. We do not come to church
in the name of the pastor or in the name of the
cell leader. We come to church in the name of
our Lord Jesus Christ. Hindi tayo napunta
dahil sa itoy obligasyon. Hindi tayo uma-
attend dahil may blessing na ibibigay. Hindi
tayo uma -attend just for a minimum
compliance. Dahil may kukuha ng attendance.
We come to church in the name of God. Make
it revealed in your heart mga kapatid. Konti
man tayo o marami, it doesnt matter. His
presence doesnt depend on our numbers but
it depends on our hunger for him. Kahit sa
altar call. Kelan kaya tayo pupunta sa altar
hindi dahil gusto nating gumaling, hindi dahil
para maipag pray tayo na magkaroon ng
financial blessing. But we go to the altar
because we hunger for his presence. Because
we want to feel his touch. Because we want to
feel his embrace mga kapatid. Sabi nga sa
lumang kanta natin noon, "kung sa ngalan mo
kamiy magsama sama, kumikilos ka saaming
pagsamba. At saaming pagdalo'y pagpapalain
ang mga buhay namin ay iyong pagpapalain.
As we gather may your spirit work within us.
As we gather may we glorify your name.
Knowing well that as our hearts begin to
worship. We'll be blessed because we came.
We' ll be blessed bacause we came. I think sa
modern version natin ngayon ang bagay na
kanta dyan everytime we come to church is,
we look to Yahweh, Yahweh. Forever Yahweh
Yahweh. And he shall forever and he shall
reign forever, he shall reign forever and ever.
He shall reign forever and ever .. We look to
Yahweh.... . Again, kung paanong ibinabalik ni
Lord ang paggalang natin sa mga holy things
of God, nararamdaman ko na ibinabalik din
nya tayo sa paggalang at pagpapahalaga sa
kanyang most holy name. Pagpalain nawa
kayong lahat sa araw na ito mga kapatid. At
mula dito sa kinatatayuan ko, i release the
blessings of God to you. I release healing to
those who are sick. I release freedom to those
who are in bondage. May the Lord bring
increase to your finances today in Jesus
name. Amen. See you next sunday.

You might also like