You are on page 1of 10

AKING PANGALAN, ANO ANG KAHULUGAN

Ipinasa ni:
RUIZO, CHARLENE JOY A.
BSSE 2

Ipinasa kay:
Gng. CHARITO R. ALCONIS
Professor
PANGALAN KAHULUGAN

FLORENSIA FILIPINAS Ang pinakamahalagang simbolo na


ibinahagi ng pelikula sa mga manonood. Siya
ang ina sa pelikula na kumakatawan sa inang
bansa na mayroong iba’t ibang uri ng anak sa
lipunan. Ipinapakita ng karakter na bagamat
uhaw sa kapayapaan at pagkakaisa, pilit pa rin
itong lumalaban at umaasang maililigtas ang
mga anak at magkaroon ang mga ito ng
magandang kinabukasan. Bilang patunay, ito
ay ipinakita sa unang eksena kung saan
sangkot ang tauhang nabanggit, ang tungkol
sa palatuntunan sa paaralan na si Florensia
mismo ang gumanap na resource speaker at
ibinahagi niya sa kanyang talumpati ang
kahalagahan ng kasaysayan, edukasyon at
matatag at maayos na kurikulum. Pinatunayan
lang nito kung gaano kahalaga sa isang bansa
ang pagkakaroon ng mga mamamayang may
sapat na kaalaman at edukasyon. Sa kabilang
banda, ang pangalan nitong Florensia na
ngangahulugang pagpakatatag, pagpalago o
pagpayabong, ay sapat nang dahilan upang
patunayan ang argumentong ito. Ang kanyang
pangalan ay literal nang nagbibigay-pag-asa
para sa lahat. Maidadagdag din bilang
simbolismong patunay na siya ang tinutukoy
na inang bayan ang isang eksena sa pelikula
kung saan nahagip ng kamao nina Samuel at
Eman (Amerika at aktibista) ang ina na
naging dahilan ng literal nitong pagkalugmok
at pagkahandusay sa baba na naging sanhi ng
kanyang pagkakoma ng tuluyan. Maaari natin
itong iugnay sa Pilipinas na apektado ang
paglago ng eknomiya, babang-baba ang rating
sa halos lahat ng aspeto, dahil sa hindi
nagkakasundong mga ideyolohiya ng mga
Pilipino, sa madaling sabi, kulang ng
pagtutulungan, pagkakaisa at pagkakapit-
bisig.

YOLANDA Siya ang sumisimbolo sa tipikal at


pangkaraniwang Pilipino na handang ialay
ang personal na buhay at kaligayahan alang-
alang sa pamilya. Di bale nang hikahos at
walang makain, basta buo at masaya ang mga
mahal mo sa buhay. Siya ang larawan ng mga
Pilipinong sa kabila ng hirap at pasakit ng
buhay ay hindi pa rin bumibitaw at nang-
iiwan para mapanatiling buo ang isang
pamilya. Bilang panganay at tagapagsalaysay
sa pelikula, siya ang simbolo ng mga
mamamayang dapat tularan at kinakailangan
ng lubos sa susunod na henerasyon dahil sa
ipinakita niyang tibay at pananalig. Kahit sa
halos maraming pagkakataon ay walang
sariling tinig sa bahay, kahit nasa tabi ay hindi
naririnig ng ina at walang nararamdamang ni
kaunting halaga buhat sa mga kapamilya, pilit
pa ring pinapagalaw at pinaiikot ang buhay
kasama ang mga ito. Patunay lamang na siya
ay nagpapahalaga sa kung ano ang mayroon
siya, kahit hindi siya napapahalagahan ng mga
ito. Nanatili pa rin siyang nandiyan sa kabila
ng mga pagkukulang ng iba sa kanya. Sa
bandang huli nagbunga rin ang kanyang mga
sakripisyo.

SAMUEL Sa pangalan pa lamang mismo nito,


maikakabit na ang pagiging ma-Amerika.
Ingles ang pangalan, pareho ng sa kilalang si
Uncle Sam. Bilang imigrante sa Amerika, siya
ay simbolo ng mga Pilipinong tinakasan ang
katotohanang mayroon ang bansa. Simbolo rin
siya sa mga taong apektado ang isipan ng neo-
kolonyalismo, walang ibang pinaniniwalaan
kundi ang pagiging sagot ng Estados Unidos
sa lahat ng problema ng Pinas. Maidadagdag
din sa pagsusuri na ang karakter ay
ginampanan ni Richard Gomez. Kung
pakaiisipin, si Goma ay simbolo ng tipikal na
Pilipino, kulay kayumanggi. Sa kabila ng mga
isyu ng lahi o racism, patuloy pa rin ang
pananalig at pakipagsiksikan sa Amerika ng
ating mga kababayan kahit na
napagkakamalan na sila/tayo na kulay-lupa.
Sa kanya namang personalidad, sinasabing si
Samuel ang uri ng anak na gustong siya palagi
ang nasusunod sa lahat ng bagay. Maaari natin
itong iugnay sa Estados Unidos bilang isa sa
pinakamakapangyarihang estado sa daigdig.
Dahil dito, nais nilang kontrolin ang galaw ng
lahat at maging sentro sa anumang bagay at
pagpapasya.

VICKY Ang kanyang karakter ay sumusagisag sa


mga Pilipinong negosyante. Kung ang
kanyang pangalan ang pagbabatayan sa
pagsusuri, ang ibig sabihin ng Vic ay
‘victoria’. Sa madaling sabi, ang kanyang
pangalan ay nangangahulugan ng tagumpay.
Ngunit ito ay taliwas sa kanyang sinapit sa
pelikula. Bilang isang negosyante ng sibuyas,
ipinakita ang kanyang pagkalugi dulot ng
hindi masasabayang kompetensya laban sa
mga imported na sibuyas na nagbahaan sa
merkado. Dahil dito, kapit-patalim siyang
nakipag-asawa sa isang Bombay. Dulot ng
kultural na pagkakaiba, dumanas ng kahirapan
ang kanilang pagsasama. Marami ang
ipinababatid ng karakter ni Vicky. Sa isang
banda, siya ang patunay sa ilang mga
Pilipinong pilit na nagsusumikap sa sariling
bayan pero unti-unti pa ring tumitiklop dulot
ng kakulangan ng ayuda ng gobyerno sa mga
katulad nila. Siya rin ang representasyon sa
mga babaeng pinipilit na makipagrelasyon sa
mga dayuhan para lang kumita o para
maisalba ang pamilya mula sa kahirapan o
anupamang may pagkaparehong kadahilanan.
Isang mahalagang patunay rito ay ang
pagpayag niyang mapakasal sa simbahan ng
mga Hindu kahit isa siyang purong Katoliko.
Talaga namang makatotohanan ang kanyang
papel na ginagampanan.

GLORIA Ang pangalan niya ay nangangahulugan


ng karangalan, kadakilaan. Ito siguro ay dahil
nakapagtapos siya. Oo nga’t nakapagtapos,
pero siya ang kumatawan sa milyong
tinaguriang ‘bagong bayani’ ng bansa na
nagsakripisyo ng lubos maibigay lang sa
pamilya ang isang desenteng pamumuhay.
Kahit nakapagtapos ng pag-aaral ng kursong
Nursing, pilit pa rin niyang hinanap sa ibang
bansa ang magandang trabaho. Ipinamumukha
ng kanyang karakter ang kawalan ng sapat na
oportunidad na makapagtrabaho rito sa sarili
nating bansa. Ipinakita rin niya ang isyu ng
kababaan ng sahod na isang problemang ni
minsan ay hindi lantara’t epektibong
nasolusyunan ng gobyerno. Bilang dagdag,
hindi niya pinagsilbihan ang bayan dulot ng
matinding pangangailangan para mabuhay. Sa
pelikula, kahit magaling siyang mag-alaga,
nurse by profession, ni minsan hindi siya nag-
alaga sa kanyang ina. Inasa niya ito sa
kanyang ibang kapatid. Siya rin ang
representasyon ng magagaling na Pilipino na
piniling lumuwas para lang kumita ng malaki-
laki kaysa pagsilbihan ang inang bayan.
Pinatunayan ito sa bahagi ng pelikula kung
saan pinuri si Gloria ng kanyang amo dahil sa
kagandahang magserbisyo nito bilang isang
Caregiver na Pilipino, isang magaling at
maalagang Caregiver. Ang bahaging ito ay
nangyari nang nagpaalam si Gloria na umuwi
na ng bansa para sa kasal ng kapatid.
Pinayuhan siya ng kanyang amo na pumili ng
Pilipinong papalit din sa kanya, dahil
nagugustuhan nito ang serbisyong Pinoy.
Bilang tugon, sinabi niya rito na makakahanap
siya sa Pilipinas ng pwedeng mangibang-
bansa bilang Caregiver. Kasi, ang Pilipino
daw, aniya, kahit nakapagtapos ng mga
kursong doctor, teaching, nursing o anumang
kursong natapos, kahit hindi linya ang
trabaho, susunggaban ang pag-aalaga ng ibang
lahi basta malaki ang sahod kontra sa
propesyunal nga sa bansa ngunit butas naman
ang bulsa. Praktikal siya kung mag-isip.
Maliban sa mga nabanggit, ipinakita sa
pelikula na si Gloria ang pinakapaboritong
anak ni Florensia Filipinas bagaman ito ay
lumisan upang mangibayang-bayan. Ang
senaryong ito ay maaari nating husgahan sa
pamamagitan ng pagkumpara sa kasalukuyang
mayroon tayo. Pakaisipin na ang mga OFW
nating kababayan ang tinaguriang ‘bagong
bayani’ dahil sa kanilang buwis na naiaambag
sa kaban ng ating bayan. Dahil dito, kahit
malayo man at lumisan, naging paborito pa rin
sila ng ating bansa, pinahahalagahan, dahil sa
kanilang naibabahagi para sa ating
pambansang ekonomiya.

EMAN Siya ang sumisimbolo sa mga Pilipinong


patuloy na ipinaglalaban ang kapakanan ng
bansa. Siya ang nananalig na pwedeng iligtas
ang bansa mula sa pagkakalugmok nito. Sa
kanyang pangalang Eman, nangangahulugan
na siya ang susi ng katuparan ng anumang
mithiin o ang tagapagligtas. Ang kanyang
pangalan ay halaw o pinaikling
Emmanuel/Immanuel na kung ang Bibliya
ang pagbabatayan ay nangangahulugang ang
‘Mesiah’ na pinaniniwalaang si Kristo mismo,
ang dakilang tagapagligtas. Kung iuugnay
natin ang pagsusuring ito sa personalidad na
ipinakita niya sa pelikula, tunay ngang
masasabi na siya ang tagapagligtas. Ito’y dahil
bilang isang lider ng kilusan ng mga
manggagawa, inilalaban niya ang pantay-
pantay na karapatan ng lahat upang mailigtas
ang mga mamamayan mula sa dagok ng
kahirapan. Ang kanyang papel sa kwento ay
isang malinaw na paglalarawan na may mga
mamamayan pa talagang handang magbuwis
at mag-alay ng buhay para sa kapakanan ng
lahat katulad ni Kristo, na nagbuwis ng buhay
para sa ikaliligtas ng sanlibutan. Maliban dito,
si Eman ang representasyon ng ating mga
kababayang lefties o nasa kaliwa, ang mga
aktibista, na patuloy at walang takot na
umuusig sa pamahalaan hangga’t may
nakikitang pagkukulang at pagkakamali sa
pamamahala at pagpapatupad ng mga
programa’t batas panlipuan.

NARCISO Si Narciso ang anak ni Florensia na isang


militar. Siya ay isang opisyal na may
prinsipyo at matapat sa kanyang tungkulin. Sa
masinsinang pagsusuri, nagtataglay ng
maraming simbolismo ang kanyang karakter.
Sa kanyang pangalang Narciso, ang narc sa
Ingles ay nangangahulugang informer o
informant o tagasumbong. Ito’y kadalasang
naririnig o ginagamit sa kanyang napiling
larangan lalo na sa militar. Katulad ng
kanyang karakter sa pelikula, siya ang
nagsiwalat sa lahat ng mga anomilya sa loob
ng kanilang hukbo. Dahil dito ay idinistino
siya sa Basilan, doon nabaril at napatay. Sa
iba pang depinasyon, ang narsismo o
narcissism kung saan hinugot din ang kanyang
pangalan ay isang terminolohiya sa
sikolohiya. Ang ibig sabihin nito’y excessive
self-centeredness o lubhang pagkahumaling sa
sarili. Ipinakita rin niya ang ugaling ito sa
pelikula. Ito ay nang magpakasal siya nang
palihim kay Dindi nang hindi alam ng
kanyang pamilya. Sa kabila ng lubos na
pagmamahal sa kanya ng pamilya niya bilang
bunsong anak at kapatid, nakuha niya pa ring
lokohin ang lahat ng miyembro ng kanyang
pamilya at naging makasarili. Samantala sa
pangkalahatan, ang kanyang karakter bilang
alagad ng gobyerno at batas, ipinakita niya
rito na mayroon pa ring natitirang militar na
matino sa tungkulin at tunay na may malasakit
sa bayan. Ito’y ginawa niya sa kabila ng
maraming pakiusap sa kanya ng mga heneral
na huwag nang magpakabayani. Sa huli, pinili
pa rin niya ang katotohanan kahit alam niyang
marami siyang nasasagasaang mas nakatataas
sa kanya ng posisyon.

RAMISH Si Ramesh ay sumasagisag sa mga


dayuhang negosyante na mas piniling manatili
sa Pilipinas para magnegosyo. Marami sila sa
paligid. Sila ang kalaban ng mga lokal na
mangangalakal na kahit anumang
pagpupursige ang ginawa ay patuloy pa rin
ang pagsayad ng kanilang sariling kita. Siya
ang simbolo ng mga dayuhang may pusong
Pinoy.

GREG Si Greg na asawa ni Gloria ang simbolo


ng ilang mga Pilipinong tamad at walang kusa
sa buhay. Kahit mayroon namang kakayahan
ay hindi nagbabanat ng buto. Maliban sa
kanyang katamaran, siya ay makasarili. Puro
pera lang ang kanyang iniisip. Mas mahalaga
sa kanya ang kikitain ng asawa sa abroad
kaysa makasama ito kapiling ang kanilang
nag-iisang anak. Siya rin ay isa sa maraming
Pilipino na may utak kolonyal na walang
ibang iniisip kundi ang ibang bansa ngunit
wala namang ginagawa para sa ikabubuti ng
sarili niya at ng kanyang bayan.

DINDO Bilang dating kasintahan ni Yolanda,


siya ay nakulong ng mahabang taon sa isang
kasalanang hindi naman niya ginawa. Simbolo
siya ng maraming Pilipinong biktima ng bulok
o kawalang hustisya sa lipunan.

JACQUELINE Si Jacqueline na dating kasintahan ni


Samuel ay ang sagisag ng mga Pilipinang may
kagandahang-loob. Siya ang babaeng
marunong magdesisyon sa kung ano ang
nararapat at hindi. Hindi siya nagpapadaig sa
anumang sitwasyon. Para sa kanya, ang tapos
na ay tapos na.

DIANA Si Diana ang simbolo ng mga


makabagong kabataan. Dala ng kanyang
pangarap, nagkaroon siya ng trabaho at
maunlad na buhay. Siya ang patunay na
nararapat gawin at sundin natin kung ano ang
ating hilig sa kabila ng maraming negatibo sa
ating paligid. Tuloy lang nang tuloy para
maabot ang pangarap sa buhay.

DINDI Si Dindi ang sumisimbolo sa isang


tipikal na maybahay. Kung ano ang nais ng
asawa, ito na rin ang kanyang desisyon. Kung
kaya, nang mawala si Narciso, parang halos
nawala na rin sa kanya ang mundo.
LYRA AT REX Ang dalawang anak ni Samuel na tubong
Amerika. Kahit amoy-Amerika ang mga
batang ito, puno pa rin sila ng pagmamahal sa
bansa. Sila ang tunay na simbolo ng mga
Pilipinong napadpad man sa iba’t ibang dako
ng mundo ay hindi pa rin nakalilimot sa
kanilang pinanggalingan at puno pa rin ang
puso ng pagpapahalaga sa sariling bayan.

KATHLYN Ang simbolo ng mga batang lubos na


apektado ng pangingibang-bansa ng mga
magulang para maitaguyod lang ang pamilya.
Makatotohanan ang kanyang karakter. Isa
siyang huwaran dahil minsan lamang ang mga
katulad niya na madaling nakauunawa sa mga
sitwasyo’t pangyayari kahit nasa murang edad
pa lamang.

JOE MA. AVELLANA/ RESTY Bilang isang pulitiko, siya rito ang
sumasagisag sa mga trapong lider o pulitiko
ng bansa na walang ibang iniisip kundi ang
sariling interes. Sinasalamin ng kanyang
karakter ang kung gaano karumi ang
kalakarang pampulitika sa Pilipinas. Patuloy
niyang ginagawa ang paghahakot ng flying
voters at pambibili ng boto. Ang masaklap
nito, marami pa rin sa atin ang nagbebenta ng
boto.

POLDO Si Poldo sa pelikula ang sagisag ng


maraming iresponsableng ama. Siya ang
larawan ng mga magulang na walang
malasakit sa buhay ngunit may mataas na
pangarap. Siya ang simbolo ng mga magulang
na walang pakialam sa pakiramdam ng mga
anak nila at ni hindi marunong sumuporta ng
mga pangarap ng anak para sa ikatatagumpay
nito.

LEONOR Ang karakter ni Leonor ang larawan ng


isang matiisin at martir na ina. Siya ang
sumasagisag sa mga inang walang humpay sa
pagbabanat-buto para mairaos ang
pangunahing pangangailangan ng pamilya
dahil hindi sinuwerte sa pagkakaroon ng
buhay-asawa. Marami sila sa lipunan. Marami
silang pinagtiisan na lamang ang mga naging
kabiyak nang sa gayon ay mapanatiling buo
ang pamilyang binuo.

FATHER MANALO Si Father Manalo ang mapangahas na


karakter sa pelikula. Sa kabila ng pagsusulong
ng moralidad sa lipunan at pagbibigay-
patnubay sa mga sumasandal sa kanya,
simbolo si Father Manalo ng pagiging ‘tao’ pa
rin ng mga alagad ng simbahan. Nagkakasala
rin sila at kailangan nilang ayusin ang mga
ito. Wala namang perpekto sa mundo, ang
kailangan lang ay ang magbago tayo at linisin,
ayusin o ituwid ang ating mga pagkakamali.
Si Father Manalo rito ay tunay na nagpapakita
ng reyalidad sa mundo ng pananampalataya.
Tunay na may mga dahilan ang bawat
pangyayari. Ang pananampalataya ang kusang
magpapatotoo sa mga bagay na mahirap
paniwalaan.

GENERAL MALIBIRAN Ang larawang tunay sa kung ano ang


talagang nangyayari sa loob ng gobyerno at
military. Siya ang sumasagisag sa mga
protektor ng mga tiwali ng pamahalaan at mga
mapansamantalang mamamayan. Kahit anong
paraan ng pagbabago at reporma ang
isusulong ng bawat isa sa atin, hangga’t may
mga katulad niyang nanunungkulan pero
nasusuhulan naman, wala pa rin talagang
tunay na pagbabago.

You might also like