You are on page 1of 1

TUMANDA

Bisente

Tanda mo pa ba?
Noong uso pa ang paglalaro sa kalye
Mga larong hindi mo na ma-idetalye
Pampalipas oras habang ikay hindi pa estudyante.

Tanda mo pa ba?
Ang mga oras na iyong winaldas
Mahirap na balakid na iyong dinanas
Mahirap na balakid na iyong dinanas
Umibabaw nag lumbay animoy araw-araw ay undas.

Tanda mo pa ba?
Kung paano ka naging ganap na maunlad
Mga pangarap mula sa iyong palad
Mataas na estado na malamang iyong hinangad.

Ngayong matanda kana!


Tanaw na ang madilim na hangganan
Tulalang pinagmamasdan ang karimlan
Bilang tanda palayain mo na ang sarili mula sa kasakiman.

You might also like