You are on page 1of 3

KABANATA 3- Paglalakbay

Ang transportasyon ay ang pagpunta ng isang tao o bagay mula sa isang lugar patungo sa
kabila. Ito ang natatanging solusyon para makarating ang isang tao o bagay sa malalayong
destinasyon. May mga bagay na makakamtam o mararanasan lamang ng isang tao kapag
nakarating ito sa malalayong lugar mula sa kanilang tahanan. Sa ganitong paraan, makikita ng
husto ng isang tao kung anong itsura ng paligid ng isang lugar para maikumpara niya ito sa
kanyang lugar. Dito magkakaroon ng kaalaman ang isang tao kung paano niya mapapabuti ang
kanyang lugar maski na rin ang mga lugar na kanyang napuntahan para umunlad ang ating
mundo. Gayunpaman, ginagamit ng tao minsan ang transportasyon para mailayo ang kanyang
sariling damdamin sa kanyang pamilya o para paghiwalayin ang mga miyembro ng pamilya. Ang
tunay na magkakapamilya ay nararamdaman ang hirap at ginhawa ng kanyang kapwa o isang
miyembro nito gaano man kayo kalayo sa isat isa. Ang Diyos lamang ang maaaring
makakapaghiwalay sa mga pamilya sapagkat marami Siyang magandang plano para sa ikabubuti
ng mundo. Magkaroon tayo ng mga samahan galing sa ibat ibang sulok ng mundo at alagaan
natin mabuti ang ating kapwa at ang mundo para magkaroon ng pagkakaisa sa pag-unlad ng
mundo.
May tatlong paraan para makapunta ang isang tao sa kanyang destinasyon o kayay
makauwi sa kanyang bahay: hatid-sundo ng kanyang pamilya na ginagawa ni nanay Rosie noon
kay AJ, magkomyut mag-isa papunta sa destinasyon at pauwi sa bahay at ang service na kung
saan nagkakaroon sa ekswelahan para ihatid-sundo ng isang tsuper ang mga pasahero niyang
estudyante. Nangyayari sa isang tao ang hatid-sundo ng kanyang pamilya kapag bata pa siya,
hindi pa niya alam ang lugar na pupuntahan at kailangan ang magulang sa kanyang pupuntahan.
Ngunit sa ibang pagkakataon, hindi na rin kailangan ng kasama na miyembro ng pamilya sa
pupuntahang lugar na hindi pa alam sapagkat marunong na siyang magkomyut mag-isa at alam
niya kung paano ingatan ang kanyang sarili. Kailangan minsan ng tiwala sa kakayahan at
determinasyon ng isang tao sapagkat walang nakakaalam ng tunay na talento at kalakasan ng
isang tao na maaaring makapag-ayos ng mga kahinaan ng ibang tao at ang mundo. Ang sobrang
pag-aalala sa mga posibilidad na mangyari sa mga desisyon ng isang tao ay nakakasira sa
kanyang dignidad sapagkat magkakaroon siya ng mga panghihinayang at paninisi sa kanyang
sarili na makuha ang malalaking biyaya sa dapat ipagkakaloob ng Panginoon sa kanya dahil sa
kanyang pag-atras sa mga pinakamatitindi at pinakadelikadong mga pagsubok sa buhay na
maaaring ikamatay niya. Ang mga pinakamalalaking aral sa isang tao na siguradong
makakatulong sa pagkakaisa at pag-unlad ng mundo ay mapupulot sa mga ganitong klase ng
pagsubok. Ang pagpilit ng kanyang desisyon sa ibang tao ay pagsira sa utos at plano ng Diyos sa
kanya at sa kanyang kapwa. Noong unang antas pa lamang si AJ sa High School, may service na
siya na maghahatid sundo sa kanya at ang drayber nito ay si Rogelio Sawal o Rolly.
Sino si Rogelio Sawal? Siya ang matandang lumapit kay AJ sa nakaraang kabanata
noong mga unang araw ng unang antas sa High School at nagyaya na sumama si AJ sa kanya.
Siya ang tatay ng isa sa mga kaklase ni AJ na si Regina Claire Sarabia Sawal o Regina na
syempre kasama sa kanyang service. Siya ang sinasabi ni nanay Rosie kay AJ na service sa
kanilang tawagan sa nakaraang kabanata. Mayroon din silang kasama sa service kagaya ni
Kayeelyn Matandag o KC na kaklase rin nila AJ at Claire Domantay o Claire. Si Claire ang
pinakamatandang estudyante na kasama nila dito sapagkat ikatlong antas na siya sa High School

nung una silang hinatid-sundo sa kanilang service. Dahil dito, ate Claire ang tawag nila AJ sa
kanya. Pumapangalawa dito sina Anna Michelle Mercado o Michelle at Eloiza Sablad o Eloiza
na nasa ikalawang antas ng High School noong panahon na ito at naging mga kamag-aral din ni
AJ noong Elementary pa lang sila. Parang nagdududa pa nga sila nung dumating si AJ sa service
kaya nung medyo tumagal na silang nagsasama, tinanong na nila kung saan nag-aral si AJ noong
Elementary. Doon na nawala ang duda nila. Kasama rin dito si Regina Coeli Tabuzo Aquino o
Coeli na pinakamatalino sa kanila sapagkat palagi siyang napupunta sa star section. Ano ang star
section? Ito ang baitang ng mga pinakamatatalinong mga estudyante sa buong batch ayon sa
kanilang marka noong nakaraang taon. Sa SciTech, may mga ranggo ang mga baitang kada taon
at minsan ay nagpapalit ng pangalan ng isang baitang o nadadagdagan ang bilang nito. Ang mga
pangalan ng mga baitang sa star section ang tanging hindi pinapalitan ng paaralan. Ang pangalan
ng star section sa unang baitang ay Copernicus na apelyido ng isang siyentipiko na si Nicolaus
Copernicus. Copernicus ang pangalan ng baitang ni Coeli noong nasa unang antas sila sa High
School. Tito Rolly ang tawag nila sa kanya kahit hindi naman nila ito kamag-anak pwera lang
siyempre kay Regina. Ang sasakyan na ginagamit ni tito Rolly sa service ay kulay itim na van.

Rogelio Sawal at Regina Claire S. Sawal noong 2011

Magkakasama sila araw-araw mula Lunes hanggang Biyernes noon papunta sa


ekswelahan at pauwi ng kani-kanilang bahay maski Sabado at Linggo kapag may programang
nagaganap sa SciTech. Namamasyal sila sa ibat ibang lugar minsan na medyo malapit sa
SciTech katulad ng SM Santa Rosa. Nagkekwentuhan din sila tungkol sa mga bagay-bagay sa
buhay nila. Si AJ nga lang ang tahimik sa kanila kaya inaalagaan nila at kinakausap nila minsan.
Nag-iingay nga sila minsan sa loob ng kanilang sasakyan. Nag-aasaran din sila minsan kagaya
ng pagkakabit ng papel sa salamin na nakalagay kung sinong umutot sa loob ng sasakyan. Kina
ate Claire at KC lang nangyari ito ngunit yung kay KC ay nagtanggal lamang ng sapatos. Si ate
Claire ang umutot nun pero inamin naman niya kaagad iyon sapagkat hindi naman nila narinig
iyon. Inaasar din nila minsan si AJ ngunit kadalasan dito ay tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.
Madalas silang umaabot ng mga ikawalo ng gabi kung uwi noon dahil dito na hindi pa
nararanasan ni AJ noong panahon na iyon. Dahil sa mga ito, naaalala ni tito Rolly ang mga
panahon na hinahatid-sundo nila ang kanyang mga anak noong estudyante pa lang sila sa

SciTech sapagkat ganito rin ang nangyayari sa kanila noon. Ang isa sa mga anak na ito ay si
Eirrol Sawal o Eirrol. Hindi alam ni AJ kung pang-ilan siya sa magkakapatid o kung ilan sila
magkakapatid ngunit alam niyang mas matanda si Eirrol kaysa kay Regina. Kapag hindi
makakapaghatid-sundo si tito Rolly sa kanila, ang mga nakatatandang kapatid ni Regina ang
naghahatid-sundo sa kanila. Isang araw, nasa unang antas pa rin si AJ at gabi na iyon. Dumating
sila sa bahay ni AJ para iuwi sa kanyang bahay. Si tito Rolly ang naghatid-sundo sa kanila noong
panahon na ito. Nung pagkababa ni AJ sa sasakyan, lumapit bigla si nanay Rosie sa sasakyan ni
tito Rolly. Nagtanong si nanay Rosie kung bakit palaging ginagabi ng uwi si AJ at sinagot ni tito
Rolly ang dahilan. Sinabihan ni nanay Rosie si tito Rolly na huwag nang iuwi si AJ ng gabi
sapagkat palagi siyang nag-aalala kay AJ kung bakit palagi silang umaabot ng gabi pauwi.
Pumayag naman si tito Rolly sa usapan nila. Mukhang nawawalan na ng tiwala si nanay Rosie
kay tito Rolly dahil dito. Ito na ba ang katapusan ng buhay ni AJ sa service ni tito Rolly? Alamin
ang kasagutan sa susunod na kabanata.
MGA TAUHAN SA IKATLONG KABANATA:
1. Rosie Yu Dizor nagreklamo kay Rogelio Sawal tungkol sa oras ng paghatid kay Adrian
Joven Dizor pauwi sa bahay
2. Adrian Joven Yu Dizor pinakatahimik na estudyante sa service ni Rogelio Sawal
3. Rogelio Sawal drayber nila Adrian Joven Dizor sa kanilang service
4. Regina Claire Sarabia Sawal anak ni Rogelio Sawal na kaklase ni Adrian Joven Dizor
5. Kayeelyn Matandag kaklase ni Adrian Joven Dizor na kasama sa service ni Rogelio
Sawal
6. Claire Domantay pinakamatandang estudyante na kasama sa service ni Rogelio Sawal
7. Anna Michelle Mercado estudyante sa ikalawang antas ng High School sa Santa Rosa
Science and Technology High School na kasama ni Adrian Joven Dizor sa service
8. Eloiza Sablad estudyante sa ikalawang antas ng High School sa Santa Rosa Science
and Technology High School na kasama sa service ni Rogelio Sawal
9. Regina Coeli Tabuzo Aquino isa sa mga estudyante sa star section sa unang antas sa
High School na kasama ni Adrian Joven Dizor sa service
10. Nicolaus Copernicus ginamit ng Santa Rosa Science and Technology High School sa
pangalan ng star section sa unang antas sa High School
11. Eirrol Sawal kapatid ni Regina Claire Sawal na drayber sa service kapag wala si
Rogelio Sawal

You might also like