You are on page 1of 1

Pagsasanay sa Filipino

c 2012 Pia Noche, www.samutsamot.wordpress.com

Pangalan Petsa Marka


20

Pagkilala ng sanhi sa pangungusap

Panuto: Salungguhitan ang parirala (phrase) o sugnay (clause) na nagsasaad ng sanhi sa


bawat pangungusap.

1. Doon tayo sa tulay tumawid kasi bawal dito.


2. Bagong luto ang kanin kaya mainit pa ito.
3. Nadulas si Mikey dahil basa pa ang sahig.
4. Natagalan ako magbayad kasi mahaba ang pila sa kahera.
5. Mabigat ang trapiko sa EDSA kaya nag-MRT na lang kami.
6. Tumahimik na tayo dahil nandito na si Binibining Garcia.
7. Hindi ako makagamit ng kompyuter dahil wala pang kuryente.
8. Dahil malakas ang bagyo, nakansela ang mga klase sa elementarya.
9. Magaling mag-piyano si Rachel kasi araw-araw siyang nag-eensayo.
10. Kinulong ang aso palibhasa matapang at nangangagat ito.
11. Hindi pa gising ang tatay mo sapagka’t hatinggabi na siya nakatulog.
12. Si Jenny ang pinakamagaling na kalahok dito kaya siya ang nanalo sa paligsahan.
13. Ang sakit sa baga ni Mang Domingo ay dulot ng walang tigil na paninigarilyo.
14. Sapagka’t nag-aral ka nang mabuti, mataas ang nakuha mong marka sa pagsusulit.
15. Ang dahilan ng pagguho ng lupa ay ang tuluy-tuloy na ilegal na pagtotroso sa bundok.
16. Palihasa’y mahiyain ang bata, hindi na pinilit ng guro na sumali siya sa gawain.
17. Pagka’t hindi ko maintindihan ang leksiyon sa Math, nagpatulong ako sa kaibigan ko.
18. Dahil gusto niyang matulungan ang kanyang pamilya, pinili niyang magtrabaho sa
ibang bansa.
19. Labis ang saya ni Monica pagka’t nakatanggap siya ng sulat mula sa tatay niya sa
Dubai.
20. Maglulunsad ng kilos-protesta ang mga drayber ng dyip dahil sa sunud-sunod na pag-
taas ng gasolina.

You might also like