You are on page 1of 2

Pagsasanay sa Filipino

Pangalan Petsa Marka


20

Pagkilala sa Pang-uri
Panuto: Bilugan ang pang-uri sa bawat pangungusap.

1. Gusot ang aking mga damit.

2. Napakaliwanag sa silid na ito.

3. Matangkad pala ang kuya mo.

4. Ang sakit ni Rose ay malubha.

5. Ang mga tindahan ay bukas na.

6. Manipis ang tela ng kurtina.

7. Karga ni Danilo ang itim na bag.

8. Uminom ka ng malamig na tubig.

9. Tamang-tama ang pagtimpla ng kape.

10. Binigyan ko siya ng singkwenta pesos.

11. Maligaya ang mga bata sa palaruan.

12. Bago ang mga sapatos na suot ni Nena.

13. Ginamit ni Laura ang mapurol na lapis.

14. Ituro mo sa kanila ang wastong paraan.

15. Mabangis ang aso ng kapitbahay natin.

16. Kunin mo ang mga tuyong damit sa labas.

17. Ang mga gulay sa palengke ay sari-sari.

18. Si Jonas ay ang pinakamalusog na bata dito.

19. Ang pera ko ay sapat na para sa aking bibilhin.

20. Ang Palawan ay ang mahabang isla sa timog kanluran ng Pilipinas.

Talâ: pang-uri - adjective


c 2012 Pia Noche, www.samutsamot.wordpress.com
Pagsasanay sa Filipino
Pangalan Petsa Marka
20

Mga sagot sa Pagkilala sa Pang-uri


Panuto: Bilugan ang pang-uri sa bawat pangungusap.

1. Gusot

2. Napakaliwanag

3. Matangkad

4. malubha

5. bukas

6. Manipis

7. itim

8. malamig

9. Tamang-tama

10. singkwenta

11. Maligaya

12. Bago

13. mapurol

14. wastong

15. Mabangis

16. tuyong

17. sari-sari

18. pinakamalusog

19. sapat

20. mahabang

Talâ: pang-uri - adjective


c 2012 Pia Noche, www.samutsamot.wordpress.com

You might also like