You are on page 1of 1

Anekdota (Halimbawa)

Tingnan din ang mga anekdota ni Nasreddin

Ang anekdota ay maikling kuwento ng isang nakakawiling insidente sa buhay ng isang tao.

Heto ang isang halimbawa ng anekdota:

* Para sa mga hindi nakakaalam, ang Hebreo ang wika na ginagamit sa Israel.

Isang ahenteng Ruso (KGB agent) ang nakakita sa isang matandang nagbabasa ng balarilang Hebreo sa
parke ng Moscow. Itinanong ng ahente kung ano ang kanyang binabasa, at isinagot ng matanda na ito ay
aklat ukol sa wika ng Israel.

Sinabi ng ahente na sa gulang ng matanda ay hindi na ito makararating pa sa Israel kaya walang silbi ang
kanyang pag-aaral ng Hebreo. Sagot ng matanda na tama ang ahente — siya’y matanda at malamang ay
hindi na makabibiyahe pa sa Israel — ngunit sa paraiso ang wika ay Hebreo.

Tinudyo ng ahente ang matanda na baka hindi paraiso ang kanyang kahihinatnan, kundi impiyerno.
Sumagot ang matanda na hindi iyon magiging problema dahil marunong na siya ng wikang Ruso.

You might also like