You are on page 1of 21

Edukasyon sa

Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
Mga Hayop na Ligaw at Endanger ed,
Kalingain at Alagaan
(Linggo: Ikatlo)
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan– Modyul 3: Mga Hayop na Ligaw at Endangered Kalingain
at Alagaan

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghandang akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakdang kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuhaang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-ari ng iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Geraldine Q. Cano
Editor: Janicevel G. Alanano
Tagasuri: Rodita T. Plaza Rosa Leah E. Dagoy Geraldine Q. Cano
Miraflor Samorin Segundina T. Calitizen Janicevel G. Alanano
Tagaguhit: Janicevel G. Alanano
Tagalapat: Geraldine Q. Cano
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D Elmar L. Cabrera
Donre B. Mira,Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental
Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
4

EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO

Ikaapat na Markahan – Modyul 3:


Mga Hayop na Ligaw at Endangered
Kalingain at Alagaan
(Linggo: Ikatlo)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 4 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Hayop na Ligaw at
Endangered, Kalingain at Alagaan

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pangdalawampu’t isang siglo siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga T al a par a sa Gur o


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

i
Para sa mga mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 4 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Mga Hayop na Ligaw at Endangered, Kalingain at
Alagaan

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

ii
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong sa kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid
o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensiya. Kaya mo ito!

iii
Aralin 3: Mga Hayop na Ligaw at Endangered,
Kalingain at Alagaan

Alamin

Most Essential Learning Competencies (MELC)


 Pagkalinga sa mga hayop na ligaw at endangered
(EsP4PD-IVd-11)

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nakatutukoy ng iba’t ibang paraan sa pagkalinga ng mga hayop


na ligaw at endangered

2. Nakagagawa ng isang pananaliksik tungkol sa pangangalaga o


pagkalinga sa mga hayop na ligaw at endangered animals sa
ating bansa

3. Napahahalagahan ang pagkalinga sa mga hayop na ligaw at


endangered animals

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat sa iyong kuwaderno.
1. Namamasyal kayo sa Manila Zoo. May nakapaskil na “Bawal Batuhin
ang mga Hayop”. Nakita mong binabato ng isang batang katulad mo ang
isang buwaya. Ano ang gagawin mo?
A. Babatuhin ko rin ang buwaya.
B. Pagsasabihan siya ng masasakit na salita.
C. Babatuhin ko ang batang nambato sa buwaya.
D. Pagsasabihan siya na hindi tama ang kanyang ginagawa.
2. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagmamahal sa mga ligaw
na hayop maliban sa isa.
A. Pagtirador sa Philippine Eagle.
B. Paggawa ng tirahan para silungan ng usa.
C. Paghikayat sa kaibigan na alagaan ang mga ligaw na hayop.
D. Panonood ng mga programang nagpapakita ng pag-aaruga ng
mga ligaw na hayop.
3. Si Ben ay gustong-gusto lagi na maging sikat sa kanilang silid-aralan
kaya gumagawa siya ng isang bagay para kaiinggitan ng kanyang
kamag-aral. Alin sa sumusunod na gawi ni Ben ang hindi dapat tularan?
A. Maagang gigising at magpapakain ng hayop.
B. Huhuli ng Tarsier at ipagmamalaki sa kanyang mga kamag-aral.
C. Sasali ako sa mga programang makatutulong na pahalagahan
ang mga ligaw at endangered na hayop.
D. Pag-aaruga at pagmamahal sa mga hayop sa paligid.

2
4. Napanood mo sa telebisyon na marami ng mga hayop ang malapit
nang maubos dahil sa kapabayaan ng mga tao. Dahil dito ay gusto
mong makatulong para naman manumbalik ang dami ng mga hayop na
malapit nang maubos. Alin sa mga sumusunod ang gagawin mo?
A. Ang pagbibigay ng damo sa alagang hayop.
B. Tamang pag-aalaga sa mga alagang hayop o ligaw na hayop.
C. Paninirador sa mga ibong lumilipad sa paligid ng bahay.
D. Babatuhin ko ang mga aso sa daan.
5. Bakit mahalagang pangalagaan ang mga ligaw at endangered na
hayop?
A. Upang marami ang maibebenta.
B. Upang dumami ang mapapanood sa zoo.
C. Upang mananatili ang lahi ng bawat hayop at hindi maubos.
D. Upang mas maraming mahuhuling hayop ang mga tao.

Balikan

Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang. Isulat ang TAMA kung
nagpapakita ito ng pagpapahalaga sa pamilya at MALI kung
hindi.
_______ 1. Tatanggapin ko nang maluwag sa aking kalooban ang
nakababata kong kapatid na may kapansanan.
_______ 2. Hahayaan ko si tatay sa pagtatrabaho dahil obligasyon niya
iyan.
_______ 3. Magkaiba man ang kinabibilangang relihiyon ng mga
miyembro ng pamilya ng komunidad, namamayani ang paggalang at
pagpapahalaga sa isa’t isa.
_______ 4. Ang pagmamano sa mga nakatatanda ay isang mabuting
gawain na dapat panatilihin ng bawat bata.
3
________ 5. Si Nanay lamang ang gagawa ng mga gawaing-bahay at
ang mga anak ay maglalaro lamang.
________ 6. Matutong mahinahon dahil walang magandang
patutunguhan kung paiiralin ang pagiging pikon.
________ 7. Tinulungan ko si Kuya na mag-igib ng tubig upang madali
siyang matapos.
________ 8. Lahat ng kasapi ng pamilya ay masayang kumain nang
sabay-sabay sa hapag kainan.

Tuklasin

Basahin ang kuwento sa ibaba.

Ang Paglalakbay sa Manila Zoo

Araw ng Sabado. Maagang gumising ang magkapatid na


Jasper at Justin dahil sa field trip nila sa Manila Zoo. Agad silang
naghanda ng kanilang mga sarili upang makarating sila sa tamang
oras sa hintayang lugar. Nakarating ang lahat sa tamang oras kaya’t
sila ay masayang nakaalis patungong Manila Zoo. Masayang-
masaya ang mga bata habang naglalakbay. May tawanan,
kuwentuhan, at siyempre may kainan. Ilang sandali pa ay nakarating
na sila sa Manila Zoo. Bago sila bumaba ng bus ay ipinaalala ulit ng
guro ang mga dapat at hindi dapat gawin ng bawat isa para sa
maayos na pag-iikot sa loob ng Manila Zoo. Pagkamangha at
4
pagkagulat ang naramdaman ng bawat isa sa nakita nilang mga
hayop na ligaw tulad ng spotted deer, Philippine Eagle, tamaraw,
pond turtle, tarsier, crocodile, at marami pang iba sa loob ng
Manila Zoo.

Ipinaliwanag din ng kanilang guro ang iba’t ibang pamamaraan


ng pag-aalaga at pagkalinga sa mga nabanggit na hayop na ligaw.
Ipinaalala rin sa bawat isa na nararapat lang na mahalin at alagaang
mabuti ang mga endangered animals. Maaari silang
maprotekhanan sa pamamagitan ng sumusunod: (1) matuto nang
higit pa tungkol sa endangered animals sa inyong lugar; (2)
bisitahin ang isang pambansang kanlungan para sa mga wildlife,
parke o iba pang mga bukas na espasyo; (3) gawin ang iyong bahay
na wildlife friendly; (4) magbigay ng tirahan para sa mga hayop sa
pamamagitan ng pagtatanim ng katutubong halaman sa inyong
bakuran; (5) iwasan ang paggamit ng “herbecides at pesticides”;
(6) maging mabagal kapag nagmamaneho; (7) mag-recycle at bumili
ng napananatiling mga produkto; (8) huwag bumili kailanman ng mga
produktong ginawa mula sa nanganganib nang maubos na hayop o
endangered animals; (9) iulat o i-report ang anumang panggigipit o
pagbaril ng endangered animals; at (10) protektahan ang tirahan ng
mga hayop.

Tandaan natin na mayroon tayong responsibilidad upang


protektahan ang wildlife, mga ibon, isda, at halaman sa bingit ng
pagkaubos. Mangako tayo na gagawin natin ang mga bagay na
nabanggit dahil sila ay katulad din nating mga tao na nilikha o
nilalang ng Poong Maykapal.

Sa pagkakataong ito, ang mga bata ay mahusay na nakinig sa


pagbabahagi sa kaalaman ng tour guide kung paano makatutulong
ang bawat isa upang protektahan ang mga endangered animals.
Ipinaalala rin niya ang sumusunod: Una, ipaalala sa kanilang mga
magulang na ang dapat bilhin ay mga environment-friendly goods
tulad ng non-toxic cleaners upang maiwasan ang pagkalason ng
sapa, ilog, at karagatan. Ang mga toxic cleaners ay maaari ding
maging dahilan ng pagkamatay ng mga hayop. Ikalawa, iwasan ang

5
pagbili ng mga produkto na yari sa balat ng hayop. Ikatlo at higit sa
lahat ay pasalamatan ang iba’t ibang samahan na sumusuporta sa
pagprotekta sa mga endangered animals.

Umuwi nang may ngiti sa mga labi ang bawat isa sapagkat
marami silang natutuhan sa isinagawang field trip sa Manila Zoo.

Suriin
n

Sagutin sa iyong kuwaderno ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang gawaing ikinatuwa ng magkapatid na Jasper at Justin?


2. Ano-ano ang natuklasan ng magkakapatid nang nakarating sila sa
Manila Zoo?
3. Sa anong pamamaraan inaalagaan at kinakalinga ang mga hayop
na ligaw at endangered animals?
4. Sa iyong palagay, tama bang alagaan at kalingain ang mga hayop
na ligaw at endangered animals? Bakit?

Ang mga hayop na makikita sa ating


paligid ay biyaya ng Diyos. Ito ay biyaya na
kanyang kaloob upang magbigay kulay at saya
sa mundo. Kaya nararapat lamang na ito ay
ating alagaan at mahalin dahil sila rin ay may
buhay kagaya ng tao na nangangailangan ng
pagkalinga. Bilang mag-aaral, ano-ano kaya
ang mga maitutulong mo sa pagpapahalaga ng
mga hayop na ligaw at endangered animals?

6
Pagyamanin

Gumupit ng dalawang larawan ng mga ligaw at endangered


animals. Idikit ito sa inyong kuwaderno at isulat ang pangalan ng
bawat isa sa ibaba ng larawan.
Sumulat ng maikling talata kung paano mo pahahalagahan ang
mga hayop na ito.

Isaisip

Ang pagkalinga sa hayop ay isa sa magandang katangian


nating mga Pilipino. Sa pamamagitan nito ay ipinapakita natin ang
ating pagmamahal sa Diyos sapagkat kabilang ito sa Kaniyang mga
nilikha.
Ang Republic Act No. 8485, na mas kilala bilang “Animal
Welfare Act of 1988" ang unang batas na komprehensibong
nagtadhana sa tama at maayos na pangangalaga ng mga
mamamayan sa lahat ng hayop sa Pilipinas. Binuo ng batas na ito
ang Committee on Animal Welfare na siyang mamumuno sa
pagpapatupad ng batas.
Sinasabi ng batas na dapat mabigyan ang lahat ng hayop ng
wastong pangangalaga, at maaaring maparusahan ang sinumang
mapatunayang lumalabag dito.
Sa Seksiyon 6 ng batas, ipinagbabawal ang pagmaltrato at
pananakit sa mga hayop. Ipinasa rin sa bahaging ito ng batas na
hindi maaaring pumatay ng hayop, maliban sa mga hayop na
kinakain tulad ng baka, baboy, kambing, tupa, manok at iba pang
poultry, kuneho, kalabaw, kabayo, usa at buwaya.
Isang paglabag sa batas ang pagpatay sa mga hayop na hindi
nabanggit liban na lamang kung ito ay dahil sa ritwal ng isang

7
relihiyon, malubhang sakit ng hayop, at pagsupil sa hayop kung nasa
bingit ng panganib ang hayop o mga taong malapit dito.
Itinuturing na isang landmark law ang Animal Welfare Act
dahil ito ang unang kumilala na labag sa batas ang kalupitan sa
hayop.
Isinasaad naman sa Republic Act No. 9147 o ang “Wildlife
Resources Conservation and Protection Act” na maaari namang
mag-alaga ng kahit anong “threatened indigenous and endemic”, o
mga “exotic species” ang kahit sino. Kinakailangan lamang na
mabigyan sila ng Department of Environment and Natural
Resources (DENR) ng Certificate of Wildlife Registration (CWR).
Ayon kay Luz Corpuz ng Protected Animal Welfare Bureau
(PAWB) nagbigay rin sila ng amnestiya para sa mga nag-aalaga ng
mga protected at endangered animals. Tamang edukasyon at hindi
paghuli sa mga nag-aalaga ng mga protected at endangered na
hayop ang nakikita nilang solusyon.
May proseso silang sinusunod sa sino mang nagnanais mag-
alaga ng anumang klaseng protected at endangered species. Para
sa mga matitigas ang ulo at nais makipagsubukan, pagkakakulong ng
dalawa hanggang apat na taon o multa mula P200,000.00-
P300,000.00 naman ang kahaharapin ng sinumang mapatutunayang
lumabag sa RA 9147.
Mahalagang malaman mo na ang pagmamahal sa Diyos ay
patuloy na nililinang o pinauunlad upang higit na maipadama ito sa
ating kapuwa at sa lahat ng Kaniyang nilikha.

Gawain I

Punan ang mga patlang sa ibaba upang mabuo ang “Pangako


sa Pag-aalaga ng Hayop na Ligaw”. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

8
Pangako sa Pag-aalaga ng Hayop na Ligaw

Ako si ______________________ ay nangangakong


______________ ko ang ___________________________________
_______________________________________________________

____________
Lagda

Isagawa

Gumawa ng isang simpleng pananaliksik tungkol sa mga hayop


na ligaw at endangered animals na matatagpuan dito sa ating
bansa. Itala ang pangalan ng mga ito at ang mga pamamaraan ng
pangangalaga o pagkalinga sa kanila.
Pangalan ng mga Hayop na Pamamaraan ng Pag-aalaga o
Ligaw at Endangered Animals Pagkalinga

1.

2.

3.

4.

5.

9
Tayahin

Lagyan ng tsek ( ) ang bilang kung ang isinasaad sa pangungusap


ay tungkol sa pangangalaga at pagprotekta sa hayop na ligaw at
endangered animals at ekis (X) naman kung hindi. Isulat ang sagot
sa iyong kuwaderno.
____ 1. Hindi paghuhuli ng baboy-ramo sa kagubatan upang patayin.
____ 2. Pagtirador sa ibong agila na nakikitang nakadapo sa
punongkahoy.
____ 3. Pag-iwas sa paghuli sa usa upang kunin ang sungay at
ibenta ito.
____ 4. Pagdadala ng sawa sa Manila Zoo upang doon alagaan.
_____ 5. Tahimik na nanonood sa mga tarsier habang natutulog ang
mga ito.
_____ 6. Pagbabaon sa ilalim ng lupa ng pond turtle.
_____ 7. Pagbibigay sa tamaraw ng pagkaing damo.
_____8. Panghuhuli ng pond turtle upang ibenta.
_____ 9. Pagbibigay o paghahagis ng mga bagay na hindi maaaring
kainin ng isang buwaya.
_____ 10. Pagsangguni sa Animal Welfare Committee para sa
wastong pangangalaga sa mga hayop.

Karagdagang
Gawain

Sa iyong kuwaderno, gumuhit o gumupit ng larawan na


nararapat na tirahan ng mga endangered animals. Isulat ang iyong
paliwanag sa ibaba nito.

10
Susi sa Pagwawasto

10. tsek Answers may vary

Pagyamanin:
9. ekis
C 5.
B 4. 8. ekis
B 3.
Answers may vary
A 2. 7. tsek
D 1. Suriin:
Subukin 6. ekis

5. tsek Answers may vary

4. ekis Isagawa:
8. T
7. T 3. tsek
6. T
5. M 2. ekis Answers may vary
4. T
3. T
1. tsek Karagdagang Gawain:
2. M
1. T
Tayahin
Balikan:

Sanggunian

Abac, F.E. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon. Kagawaran


ng Edukasyon
Department of Education, Curriculum and Instruction Strand. K12 Most Essential
Learning Competencies (MELC's). Pasig: Department of Education, 2020.
Oriental, DepEd - Schools Division of Negros. DLP in EsP IV. Dumaguete:
DepEd -
Schools Division of Negros Oriental, 2018

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like