You are on page 1of 23

Edukasyon sa

Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 5:
Mga Yamang Likas, Ating Alagaan
(Linggo: Ikalima)
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan– Modyul 5: Mga Yamang Likas, Ating Alagaan

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghandang akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakdang kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuhaang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-ari ng iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Janicevel G. Alanano
Editor: Janicevel G. Alanano
Tagasuri: Rodita T. Plaza Rosa Leah E. Dagoy Geraldine Q. Cano
Miraflor Samorin Segundina T. Calitizen Janicevel G. Alanano
Tagaguhit: Janicevel G. Alanano
Tagalapat: Janicevel G. Alanano
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. MaricelS. Rasid
Nilita L. Ragay,Ed.D Elmar L. Cabrera
Donre B. Mira,Ed.D

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental
Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
4

EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO

Ikaapat na Markahan – Modyul 5:


Mga Yamang Likas, Ating Alagaan
(Linggo: Ikalima)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 4 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Yamang Likas,
ating Alagaan

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pangdalawampu’t isang siglo siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga T al a par a sa Gur o


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

i
Para sa mga mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 4 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Mga Yamang Likas, Ating Alagaan

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

ii
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong sa kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid
o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensiya. Kaya mo ito!

iii
Aralin 5: Mga Yamang Likas, Ating Alagaan

Alamin

Most Essential Learning Competencies (MELC)


Napapahalagahan ang lahat ng mga likha: may buhay at mga
materyal na bagay
 Mga materyal na Kagamitan:
 pangangalaga sa mga materyal na kagamitang likas o gawa
ng tao

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Nakapagsusuri nang buong husay ng tamang gawain sa
isang sitwasyon tungkol sa mga yamang likas.
2. Nakabubuo ng paliwanag nang buong katapatan kung paano
nasisira ang kalikasan.
3. Nakapagpapasiya nang tumpak na saloobin para sa
kahalagahan ng mga kagamitang likas.

1
Subukin

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang


sagot sa inyong sagutang papel.
1. Saan nanggaling ang ating pinagkukunan sa pang-araw-araw
na pagkain, inumin at pamumuhay?
a. palengke b. tindahan c. kalikasan d. bukid

2. Bakit kailangan nating pangalagaan ang kalikasan o likas na


yaman?
a. Upang may matira pa sa susunod na henerasyon.
b. Dahil dito nanggaling ang ating pagkain at inumin sa araw-
araw.
c. Ang titik A at B ay tama
d. Hindi ko alam

3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pangangalaga at


pagmamalasakit sa ating kalikasan?
a. Tinatapakan ko ang bagong tanim na halaman sa aming
bakuran.
b. Itinatapon ko ang aming mga basura sa tabing-ilog kung
gabi.
c. Hinahayaan ko ang aking kaklase na magkalat ng dumi sa
aming silid-aralan.
d. Tumutulong ako sa paglinis sa aming kapaligiran.

4. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pangangalaga sa mga


gamit o kagamitan sa inyong bahay na mula sa likas na
yaman?
a. Itinatago ko ang mga gamit o kasangkapang hindi ko
ginagamit.
b. Tumutulong ako sa paglilinis ng mga gamit o kagamitan sa
display cabinet para magandang tingnan.

2
c. Iniiwan ko sa mesa ang mga baso, pinggan, kutsara at
tinidor na ginagamit ko sa pagkain.
d. Ginagamit ko nang wasto na may pag-iingat ang mga gamit
o kagamitan sa aming bahay upang hindi masira.

5. Walang espasyo sa inyong paaralan upang pagtamnan ng mga


halaman ngunit hangad mong tumulong sa pagkakamit ng layunin ng
Programang Clean And Green. Ano ang gagawin mo?
a. Lumipat ng paaralan na may malaking espasyo na pwedeng
pagtamnan.
b. Kalimutan na lang ang hangarin.
c. Huwag na lang makialam.
d. Magtanim ng halaman gamit ang mga bakanteng lata, sirang
timba o sako dahil pwede naman itong ilagay sa tabi-tabi ng
paaralan.

6-10. Magbigay ng mga halimbawa ng mga yamang likas.

___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________

3
Balikan

Panuto: Word Search. Hanapin ang mga salita sa ibaba. Isulat ang
mga salitang nahanap sa iyong sagutang papel.

P U N O S D F P Y T
A A S F G H J A R J
N R C K S M B K R G
G T R A W N H I C L
A Y D L D V J K V M
L O D I Y O S I G N
A J G K G E M I D H
G H H A H D K S T G
A D T S N R D A H K
A X G A B G T G N T
N F B N N T R H V F
A G M X M H W N H O
P A G T A T A N I M

1.________________________________________

2.________________________________________

3.________________________________________

4.________________________________________

5.________________________________________

4
Tuklasin

Basahin ang sanaysay.

Ikaw at Ako: Tagapangalaga ng Kalikasan

Ang kalikasan ay maituturing na pinakamahalaga at


pinakamagandang biyaya na ipinagkaloob ng Panginoong Diyos sa
atin.Ito ay binubuo ng mga lupain tulad ng kabundukan, kagubatan at
mga magagandang tanawin. Gayundin naman, ang bahaging tulad
ng ilog, sapa, at karagatan ay biyaya na bigay ng Diyos. Ang lahat ng
mga ito ay pinagkukunan ng ating mga pagkain, inumin, at
maging ang mga kagamitang para sa pang-araw-araw nating
pamumuhay. Halos lahat ng ating pangunahing pangangailangan ay
galing sa ating kalikasan. Ang sariwang hangin na ating nalalanghap
ay lubos na nakatutulong sa atin upang tayo ay mabuhay nang
maayos, mapayapa at matiwasay.
Kung ating mapapansin, sa gitna ng mga biyayang ating
tinatamasa mula sa ating kalikasan, minsan ay unti-unti nating
nalilimutan ang ating mahahalagang tungkulin. Masakit isipin na ang
kalikasan na ating pinahahalagahan ay unti-unti nang nasisira dahil
sa mga taong iniisip lamang ang kanilang sariling kapakanan. Dahil
dito, libo-libong mamamayang Pilipino ang binabawian ng buhay sa
pagkagutom at pagkasalanta dahil sa mga delubyong naranasan.
Ang problemang ito ay hindi lamang nakasasama sa atin, bagkus ito
rin ang nakaaapekto sa mga nilalang na may buhay. Ang sanhi ng
pagkasira sa ating kalikasan ay halos laganap na sa buong mundo.
Kailan pa tayo kikilos? Kung huli na ang lahat? Paano na ang
susunod na henerasyon?
Sa panahon natin ngayon, mahirap na sagutin ang mga tanong
na iyan dahil alam na alam natin na ang ating kalikasan ay sirang-
sira na dahil sa mga maling gawain ng mga tao. Nararapat lang na
tayoʼy kumilos habang may natitira pang yaman mula sa ating
kalikasan. Isipin natin ang darating pang henerasyon. Kaya panahon

5
na para tayo ay magbago,huwag nating hayaan at hintayin na masira
ang mga likas na yaman hanggang sa itoʼy mawawala. May panahon
pa tayo. Huwag natin itong sayangin. Sabay-sabay natin itong ayusin
at simulan sa ating mga sarili. Isagawa natin ang ating mga tungkulin
bilang tagapag-alaga ng Inang Kalikasan.

Suriin
n

Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Ano-ano ang likas na yamang nabanggit sa sanaysay?


___________________________________________________
___________________________________________________

2. Sino ang dapat na maging tagapangalaga ng ating kalikasan o


likas na yaman?
___________________________________________________
___________________________________________________

3. Kung ikaw ang kagubatan, kabundukan, ilog at karagatan, ano


ang iyong magiging kahilingan sa sangkatauhan?
___________________________________________________
___________________________________________________

4. Ano naman ang iyong mga sagot sa hiling ng likas na yaman?


__________________________________________________
__________________________________________________

5. Kung kayo ay magkakasundo ng likas na yaman, ano kaya ang


kahihinatnan ng iyong mundong kinabibilangan?
__________________________________________________
__________________________________________________

6
Pagyamanin

Narito ang ilan sa mga dahilan ng pagkasira ng ating kalikasan:


 Paggamit ng insecticides

Ang insecticides ay gawa sa carbamates at organophosphates


na masama sa ating katawan.Pinipigil ng insecticides ang paggana
ng ating nervous system (ugat) at dahil dito napaparalisa ang mga
hayop at tao din.
Read more at
https://www.philstar.com/opinyon/2012/04/27/800727/huwag-mag-
spray-ng-insecticides-sa-kusina-basahin-ito#ioS53wmzgAy1p0Fy.99

 Pagsusunog ng mga basura, plastik at papel

Ang pagsusunog ng basura ay malaki ang epekto sa kalikasan at


sa tao. Ang pagsusunog ay masama sa kalusugan ng tao kapag
nasinghot natin ito. Malaki rin ang epekto nito sa kapaligiran dahil ang
usok nito ay nakakadagdag sa polusyon sa hangin na
nakakapagpakapal ng house gases.
Ang green house gases ay ang init na nagmumula sa araw na
nakukulong sa mundo na dapat ay bumabalik sa kalawakan dahil sa
sobrang init na ating nararamdaman, marami ang nagiging epekto
nito sa kalikasan at sa mga tao.Dapat nating iwasan ang labis na
pagsusunog ng basura dahil sa simpleng bagay na ito ay maraming
naaapektuhan at isa rin ito sa nagiging dahilan ng mga sakuna sa
ating mundo na tinatawag nating global warming.
–Borlongan, Jholo #9498
https://criminologygroup5.wordpress.com/2009/10/08/dulot-ng-
pagsusunog-ng-mga-basura/

7
 Paninigarilyo ng mga tao sa paligid.

Ang sigarilyo ay mayroong ibaʼt ibang kemikal na nakalalason at


nakasasama sa ating katawan o kalusugan. Ilan sa mga kemikal na
ito ay mga nicotine na sanhi ng pagka-addict dito, carbon
monoxide na siya ring kemikal sa tambutso, hydrogen cyanide o
kemikal na nasa bomba, at iba pa. Kung susumahin , nalalaman ang
sigarilyo ng mahigit 4000 kemikal na pumipinsala sa kalusugan at
kapaligiran ayon sa World Health Organization (WHO).
https://sAAarnhsstemb.wordpress.com/2016/11/19/epekto-ng
ahsstemb.wordpress.com/2016/11/19/es.com/2016/11/19/epekto-ng-
paninigarilyAo-3/

 Paggamit ng dinamita sa paghuli ng isda at iba pang lamang


dagat

Epekto sa Kalikasan
1. Pagkasira ng coral reefs –Sa tuwing nagtatapon ng dinamita ang
mga mangingisda sa pangisdaan , posibleng may matamaan o may
masira itong coral reefs . Ang coral reefs ay importante dahil dito
tumitira at nagpaparami ang mga isda. Kaya kapag ito’y nasira,
maaring magkaroon ng Food Shortage at kawalan ng trabaho ng
mga mangingisda.
2. Pagdami ng endangered species–Dati ay kakaunti pa lamang ang
endangered species ngunit sa paglipas ng taon ay dumadami ito .
Dahil sa pagkasira ng coral reefs, nawawalan ang isda ng tirahan at
ng lugar upang sila’y magparami. Halimbawa nito ay ang; Turtle ,
Blue Whale , Sperm Whale , Steller SeaLion , at ang Humpback
Whale .
3. Epekto nito sa mga laman dagat –Ang isda at iba pang Marine
Animals ay sensitibo sa mga kemikal, kaya’t kapag kumakalat sa
pangisdaan ang kemikal na galing sa dinamita, naapektuhan nito ang
mga isda at nababawasan ang kanilang kakayahan sa paglangoy pati
na rin ang paglaki nito ay bumabagal.

8
 Patuloy na paggamit ng plastic at lubhang paggamit ng papel.

Hindi na dapat batikusin ang pagbabawal sa paggamit ng plastic.


Lahat ay apektado kapag plastic ang ginamit sapagkat sumisira sa
kalikasan. Maraming bumabatikos sapagkat ayaw nilang mahinto ang
paggamit ng plastic kung saan limpak ang kanilang kinikita.

Isaisip

Ang likas na yaman ay kaloob ng Maykapal na dapat


pangalagaan at paunlarin para mapakinabangan ng tao. Ang maling
paggamit nito ay maaaring humantong sa pagkasira, pagkawasak o
pagkawala nito. Pangalagaan ang kalikasan sa pamamagitan ng
wastong pamamaraan upang ito’y mapaunlad at mapakinabangan sa
habang panahon.

Ang Presidential Decree No. 705 O Revised Forestry Code


ay tungkol sa pagprotekta ng kagubatan at kakahuyan sa Pilipinas
nainaprobahan noong Mayo 1975. Nilalaman ng batas na ito ang
epektibong pangangasiwa ng mga lupain at yamang lupa sa bansa,
at kabilang dito ang pagtatakda sa uri ng mga pampublikong lupain
upang malaman kung anong uri ng pangangalaga ang dapat ilaan
para dito. Ang isa pang mahalagang probisyon ng batas na ito ay ang
pangangasiwa sa dami at uri ng kakahuyan na maaaring putulin, pati
na rin ang pamamaraan ng pagkamit ng lisensya ng mga
kompanyang puputol ng puno. Ayon pa rin sa batas na ito, ang mga
punong maaaring putulin ay yaong mga punong may diyametrong 60
sentimetro (sa bahagi ng puno na kasintaas ng dibdib ng tao). Sa
paraang ito, hindi tuluyang makakalbo ang lupain, na siyang tutulong
sa pananatili ng magandang kondisyon ng lupa at para makaiwas sa

9
paguho ng lupain.Noong Marso 2004, ipinatupad ang Republic Act
no. 9275 o The Philippine Clean Water Act of 2004. Ang batas na
ito ay bilang pagkilala sa kahalagahan sa proteksyon ng mga
yamang-tubig ang mga katubigan sa Pilipinas. Bilang tugon dito,
isinasaad ng Philippine Clean Water Act na kailangang magbuo ng
mga plano tungo sa pangmatagalan at pangmalawakang paghadlang
sapagdumi ng mga katubigan sa Pilipinas at pagtukoy at paglinang
ng mga magandang alternatibo sa mga gawaing kilala bilang sanhi
ng polusyon sa katubigan. Kabilang din sa batas na ito ang
pagpapalaganap ng impormasyon sa publiko sa kahalagahan ng
pagpapanatili ng kalinisan ng mga tubig. Ang ilan pang nilalaman ng
batas na ito ay ang pangangasiwa ng sistema ng mga sewerage,
paniniguro ng kalinisan ng mga tubig na ginagamit bilang inumin. At
paggawa ng mga environmental impact assessment sa ibaʼt ibang
kritikal na lugar na malapit sa Pilipinas. Ang Republic Act No. 9749
o The Philippines Clean Air Act ay naglalayong panatilihing malinis
at ligtas ang hanging nilalanghap ng mamamayan.Layon din nito na
ipagbawal ang mga gawaing nagpapadumi ng hangin. Ayon sa batas
na ito, mas kalilangan bigyan-pansin ang pagpapahinto ng gawain na
nagpaparumi ng hangin kaysa pagpapalinis ng maruming hangin.
Ang batas na ito ay nagsasaad din na hindi lamang ang pamahalaan
ang may katungkulan na pananatilihin ang malinis na hangin, subalit
pati ang mga pribadong mamamayan at mga komersyal na industriya
ng bansa. Kasama sa batas na ito ang pagpaplano ng
pangmatagalang pamaraan upang epektibong maiwaksi ang mga
sanhi ng maruming hangin at maghanap ng mga paraan upang
mabawasan ang polusyon sa hangin. Mahalagang malaman at
maisabuhay ang mga nabanggit na batas para sa wastong paggamit

10
ng ating likas na yaman. Ang gawaing ito ay pagpapakita rin ng
pagmamahal sa Diyos at pagkakawanggawa sa kalikasan upang
patuloy na mapaunlad at higit na maipadama ito sa ating kapwa at sa
lahat ng kanyang nilikha.

Isagawa

Narito ang mga dahilan ng pagkasira ng ating likas na yaman o


kalikasan. Isulat kung paano nakasisira ang mga ito sa ating
kalikasan. Gawin ito sa iyong kwaderno.

_____________________________
1. paggamit ng _____________________________
insecticides
_____________________________
_____________________________

_____________________________
2. pagsunog ng
mga basura, _____________________________
plastic at papel _____________________________
_____________________________

_____________________________
3. Paninigarilyo ng
mga tao sa _____________________________
paligid _____________________________
_____________________________

11
Tayahin

I. Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang bilang kung ang sinasaad sa


pangungusap ay nagpapakita ng pangangalaga o
pagmamalasakit sa ating likas na yaman a ekis ( )
naman kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
1. Tinapakan ko ang tanim na halaman sa aming bakuran.

2. Itinapon ko ang aming basura sa tabi ng ilog kung gabi.

3. Hinahayaan ko ang aking kaklase na magtapon ng basura


sa sahig ng aming silid-aralan.

4. Tumutulong ako sa pagsunog ng mga basura sa likod ng


aming bahay.

5. Pinaghihiwalay ko ang basurang nabubulok at di-nabubulok.

6. Itinatapon ko ang patay na hayop sa ilog.

7. Sumusuporta ako sa ma programa ng aming barangay


tungkol sa pangangalaga ng likas na yaman o kalikasan.

8. Winawalis ko ang dumi ng kanal sa tapat ng aming bahay


upang maiwasan ang pagkabara ng basura rito.

9. Nililinis ko ang daluyan ng tubig sa palikuran isang beses sa


isang linggo.

10. Inaalagaan kong mabuti ang mga punongkahoy sa aming


bakuran.

12
Karagdagang
Gawain

Gumawa ng isang panalangin ng pasasalamat sa Panginoong


Maykapal sa mga biyayang likas yaman na inihandog Niya sa atin. At
mangako kayong pangangalagan ang mga yamang ito. Isulat sa
inyong kwaderno.

__________________________________________________________________________
_____________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
______________________________________________________________________

Muli, natapos mo na naman ang isang aralin kaya’t binabati kita


sa matagumpay mong gawain. Hinahangaan kita sa ipinakita mong
pagpapahalaga at pangangalaga sa ating likas na yaman o kalikasan.
Hangad ko ang lubos na pagkatuto mo sa susunod na aralin.
Ipagpatuloy ito!

13
Susi sa Pagwawasto

vary 10.
9.
may 8.
7.
Answers 6. KALIKASAN 5. 10. /
D 5. PAKIKIISA 4.
D 4.
Sanggunian
9. /
D 3. PAGTATANIM 3.
C 2. PUNO 2. 8. /
C 1.
PANGALAGAAN 1.
Subukin: 7. /
BALIKAN:
6. X
/ 5.
X 4.
Answers may vary
X 3.
Suriin:
Answers may vary X 2.
X 1.
GAWAIN:
Answers may vary
KARAGDAGANG
Tayahin
Isagawa:

Sanggunian

Abac, F.E. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon. Kagawaran


ng Edukasyon
Department of Education, Curriculum and Instruction Strand. K12 Most Essential
Learning Competencies (MELC's). Pasig: Department of Education, 2020.
Oriental, DepEd - Schools Division of Negros. DLP in EsP IV. Dumaguete:
DepEd -
Schools Division of Negros Oriental, 2018

14
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like