You are on page 1of 4

Pangalan: ______________________________________________ Petsa: _______________

Taon/Antas: ____________________________________________ Iskor: ________________

Si Efren Geronimo Peñaflorida, Jr. ay isang guro at panlipunang manggagawa sa Pilipinas. Siya
ang nagtatag at tagapamuno ng Dynamic Teen Company, na naghahandog sa mga kabataang
Pilipino ng alternatibo sa mga palaboy sa kalye sa pamamagitan ng edukasyon, sa paglalapit ng
paaralan sa mga hindi kinaugaliang lugar tulad ng sementeryo at mga tambakan ng basura.
1. Alin sa sumusunod ang nagtulak kay Efren na itatag ang Dynamic Teen Company?
A. Ang paghahangad niya na siya ay maging popular -https://tl.wikipedia.org/wik
B. Ang pagnanais niya na makatanggap ng mga parangal
C. Ang tunay na kagustuhan niya na tulungan ang mga kabataan na magkaroon ng
edukasyon
D. Ang pagsunod niya sa utos ng mga lider sa pamahalaan

2. Kailan nagkakaroon ng kabuluhan ang buhay ng isang tao?


A. Kung naibabahagi niya ang kaniyang sarili sa kaniyang kapuwa
B. Kung siya ay naging mayaman
C. Kung nagagampanan niya ang kaniyang mga tungkulin
D. Kung mahal niya ang kanyang kapuwa

3. Bilang mag-aaral, paano mo maipapakita ang pakikilahok at bolunterismo sa iyong paaralan?


A. Sasali ka sa school clubs at tutulong sa palagiang paglilinis ng paaralan
B. Hihimukin mo ang ibang mag-aaral na maging kasapi ng gang o fraternity.
C. Mag-aambag ka sa meryenda para sa mga volunteer na tagapaglinis ng paaralan
D. Magtuturo sa kapwa mag-aaral ng mga aralin na nahihirapan sila kapalit ng maliit na
halaga bilang bayad.

“Kapwa bago ang sarili.” Ito ang mensaheng isinasabuhay ni Dara May Tuazon, isang 18-anyos
na estudyanteng hindi inaalintana ang init at usok sa kalsada, maging ang mga sariling gawain,
makapagturo lamang sa mga bata sa bangketa na hindi nag-aaral

-https://news-abs-cbn.com/focus/05/16/17

4. Ano kaya ang epekto ng ginawang pagtuturo ni Dara May sa bangketa ng mga batang hindi
nakakapag-aral?
A. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga bata na may matutunang kaalaman kahit wala sa paaralan.
B. Pansamantalang makapagpapahinga sa pagbabantay at pag-aalaga ang magulang ng mga bata.
C. Hahangaan at tutularan na rin ng iba ang ginawa ni Dara May.
D. May posibilidad na mabawasan ang mga batang magiging mangmang dahil lang sa hindi mapag-aral
ng mga magulang.

5. Bakit mahalaga ang pakikilahok at bolunterismo?


A. upang maipakita ang pagmamahal sa kapuwa
B. upang maibahagi ang sarili sa kapuwa at makamit ang kabutihang panlahat
C. upang matugunan ang sariling pangangailangan lamang
D. upang magampanan ang mga tungkulin

6. Paano mo maisasagawa ang bolunterismo at pakikilahok nang bukal sa iyong kalooban?


A. Tumulong nang may kapalit
B. Gawin ito upang ipakita sa iba na ikaw ay nakikilahok
C. Tumulong sa iba upang maging sikat
D. Tumulong nang taos-puso
Labinlimang taong gulang lamang ang isang magician sa California na si Kevin Kaplowitz. Sampung
no ang maituturing na tunay na magic sa kuwento ni Kevin Kaplowitz?
taon pa lamang siya nang magsimula siyang magpalabas ng isang magic show sa mga pasyente sa ospital.
Hindi niyaginawa
A. ang makalimutan na sa
niyang unangng
imahe pagpunta
hayopniya sa sa
mula isang burn lobo
isang unit ay doon niya nakilala ang isang
batang
B. ang babae na nakaranas
pagiging magicianng third-degree
sa edad paburns. Gumawa
lamang na 15siyataon
ng isang imahe ng hayop mula sa isang
lobo na kaniyang hawak. Nang ibinigay niya ito sa bata ay tuwang-tuwa ito at nakita niya nanapawi ang
C. ang
sakit pagsasagawa
na nararamdaman ng ng
batamga magic show
sa sandaling sa iba’t
iyon. Dahil ibang
dito mas ospital siya na magsagawa ng mga
ginanahan
magic show na ang kita ay itinutulong niya sa mga ospital at mga batang mahihirap.
D. ang pagiging sensitibo at mapagbigay niya sa pangangailangan ng kaniyang Ano
-Modyul para sa Mag-aaral EsP9 pahina 117

7. Ano ang maituturing na tunay na magic sa kuwento ni Kevin Kaplowitz?


A. ang ginawa niyang imahe ng hayop mula sa isang lobo
B. ang pagiging magician sa edad pa lamang na 15 taon
C. ang pagsasagawa ng mga magic show sa iba’t ibang ospital
D. ang pagiging sensitibo at mapagbigay niya sa pangangailangan ng kaniyang kapuwa

8. Ano-ano ang dapat makita sa isang taong nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?


A. pagmamahal, malasakit, at talento
B. panahon, talento, at kayamanan
C. talento, panahon, at pagkakaisa
D. kayamanan, talento, at bayanihan

Si Efren Geronimo Peñaflorida, Jr. ay isang guro at panlipunang manggagawa sa Pilipinas. Siya
ang nagtatag at tagapamuno ng Dynamic Teen Company, na naghahandog sa mga kabataang
Pilipino ng alternatibo sa mga palaboy sa kalye sa pamamagitan ng edukasyon, sa paglalapit ng
paaralan sa mga hindi kinaugaliang lugar tulad ng sementeryo at mga tambakan ng basura.

-https://tl.wikipedia.org/wik

9. Bakit mahalaga ang nagawang ito ni Efren Peñaflorida?


A. Dahil dumami ang mas nakakilala sa kanya hindi lamang sa Pilipinas kundi pati maging sa ibang
bansa
B. Dahil nakatanggap siya ng prestihiyosong karangalan na tila karangalan na rin ng buong bansa
C. Dahil natulungan niya ang mga palaboy sa kalye na magkaroon ng katuturan ang mga buhay
D. Dahil naipamalas niya ang pagiging masunurin sa mga lider ng pamahalaan

Labinlimang taong gulang lamang ang isang magician sa California na si Kevin Kaplowitz. Sampung
taon pa lamang siya nang magsimula siyang magpalabas ng isang magic show sa mga pasyente sa ospital.
Hindi niya makalimutan na sa unang pagpunta niya sa isang burn unit ay doon niya nakilala ang isang
batang babae na nakaranas ng third-degree burns. Gumawa siya ng isang imahe ng hayop mula sa isang
lobo na kaniyang hawak. Nang ibinigay niya ito sa bata ay tuwang-tuwa ito at nakita niya nanapawi ang
sakit na nararamdaman ng bata sa sandaling iyon. Dahil dito mas ginanahan siya na magsagawa ng mga
magic show na ang kita ay itinutulong niya sa mga ospital at mga batang mahihirap.

-Modyul para sa Mag-aaral EsP9 pahina 117

10. Paano naging makabuluhan ang talento na mayroon si Kevin Kaplowitz?


A. Nakakarating siya sa iba’t ibang lugar.
B. Nakakapagpakita siya ng maraming tricks sa ibang tao.
C. Naging magician siya sa napakabatang edad.
D. Kumikita siya sa mga magic show na ibinibigay niya sa mga ospital at mga batang mahihirap.

11. Tiyak na makakamit ng lipunan ang __________ kung ang bawat isa ay magsasagawa ng pakikilahok
at bolunterismo.
A. pag-unlad
B. pagkakaisa
C. pagmamahalan
D. kabutihang panlahat
“Kapwa bago ang sarili.” Ito ang mensaheng isinasabuhay ni Dara May Tuazon, isang 18-anyos
na estudyanteng hindi inaalintana ang init at usok sa kalsada, maging ang mga sariling gawain,
makapagturo lamang sa mga bata sa bangketa na hindi nag-aaral.

-https://news-abs-cbn.com/focus/05/16/17

12. Ang pahayag ni Dara May Tuazon na “kapwa bago ang sarili” ay nangangahulugang:
A. Kahit mapabayaan mo ang sarili, ang mahalaga ay natulungan ang iyong kapuwa.
B. Humingi ka ng tulong sa mga kakilala kung gusto mo ring makatulong sa kapuwa mo.
C. Pahalagahan at paunlarin ang sarili upang mas higit na makapagbigay ng tulong sa kapuwa.
D. Sa lahat ng pagkakataon ay unahin palagi ang sarili bago ang kapuwa.

Si Efren Geronimo Peñaflorida, Jr. ay isang guro at panlipunang manggagawa sa Pilipinas. Siya
ang nagtatag at tagapamuno ng Dynamic Teen Company, na naghahandog sa mga kabataang
Pilipino ng alternatibo sa mga palaboy sa kalye sa pamamagitan ng edukasyon, sa paglalapit ng
paaralan sa mga hindi kinaugaliang lugar tulad ng sementeryo at mga tambakan ng basura.

-https://tl.wikipedia.org/wik

13. Paano masasabing mahalaga ang nagawang ito ni Efren Peñaflorida?


A. Sa pagdami ng mas nakakilala sa kanya hindi lamang sa Pilipinas kundi pati maging sa ibang bansa
B. Sa pagtanggap niya ng prestihiyosong karangalan na tila karangalan na rin ng buong bansa
C. Sa pagtulong niya sa mga palaboy sa kalye na magkaroon ng katuturan ang mga buhay
D. Sa pagpapamalas niya ng pagiging masunurin sa mga lider ng pamahalaan
14. Alin ang taglay ng tao kaya siya karapat-dapat sa pagpapahalaga at paggalang ng kaniyang kapuwa?
A. Bolunterismo
B. Dignidad
C. Pakikilahok
D. Pananagutan
15. Sa pakikilahok, nagiging konsiderasyon ang personal na interes o tungkulin. Kailangan mong gawin
dahil kung hindi, mayroong mawawala saiyo. Ang pahayag na ito ay __________.
A. Tama, sapagkat maaari kang maapektuhan kung hindi ka tutulong.
B. Mali, sapagkat hindi mo naman buhay ang nakasalalay dito.
C. Tama, sapagkat makokonsensya ka sa hindi mo pagtulong sa iba.
D. Mali, dahil ang pagtulong sa kapuwa ay dapat taos sa puso.

16. Alin ang HINDI halimbawa ng bolunterismo?


A. Tuwing Sabado at Linggo, kung wala rin lang naman ginagawa ay tinuturuan ni Karen ang mga
batang hindi nakakapag-aral sa kanilang lugar upang matutong bumasa at sumulat.
B. Kapag sinusundo ng kaibigan, si Jerick ay pumupunta sa bahay-ampunan ng mga bata upang
alagaan ang mga ito tuwing bakasyon.
C. Dinadalhan palagi ni Rechelle ng pagkain ang kanilang matandang kapitbahay na wala ng kasama
sa buhay.
D. Sumali si Darlyn sa paglilinis ng paligid sa kanilang barangay dahil nais niyang mapanatili ang
kalinisan sa kanilang lugar.

17. Ito ay paraan ng pagpapakita ng paglilingkod sa kapuwa nang may pagmamahal sa kapuwa at sa
kaniyang lipunan.
A. pakikilahok
B. bolunterismo
C. paglilingkod
D. pananagutan

18. Sa bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na hindi mo
tinulungan. Ang pahayag ay:
A. Tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong.
B. Mali, sapagkat ang hindi mo pagtulong ay isang bagay ay maaaring makaapekto sa iyo.
C. Tama, sapagkat maaari kang managot sa iyong konsensya sapagkat hindi ka tumugon sa
pangangailangan ng iyong kapuwa sa mga sandaling yaon.
D. Mali, sapagkat hindi maaaring pilitin ang tao sa kaniyang gagawin, ito dapat ay manggaling sa
puso.
19. Ano ang tawag sa pagtulong ng isang tao sa isang particular na gawain nang naaayon sa kaniyang
tungkulin upang makamit ang kabutihang panlahat?
A. pananagutan
B. bolunterismo
C. paglilingkod
D. pakikilahok

20. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng bolunterismo?


A. Bayanihan (lipat-bahay)
B. Wellness program ng baranggay
C. Pag-uugnayan ng iba’t ibang ahensya
D. Dental mission ng mga military

21. Kailan nagkakaroon ng kabuluhan ang buhay ng isang tao?


A. Kung naibabahagi niya ang kaniyang sarili sa kaniyang kapuwa
B. Kung siya ay naging mayaman
C. Kung nagagampanan niya ang kaniyang mga tungkulin
D. Kung mahal niya ang kanyang kapuwa

22. Bilang mag-aaral, paano mo maipapakita ang pakikilahok at bolunterismo sa iyong paaralan?
A. Sasali ka sa school clubs at tutulong sa palagiang paglilinis ng paaralan
B. Hihimukin mo ang ibang mag-aaral na maging kasapi ng gang o fraternity.
C. Mag-aambag ka sa meryenda para sa mga volunteer na tagapaglinis ng paaralan
D. Magtuturo sa kapwa mag-aaral ng mga aralin na nahihirapan sila kapalit ng maliit na halaga bilang
bayad.

23. Alin sa mga ito ang nagpapakita ng pakikilahok?


A. Medical at Dental Outreach ng mga kilalang tao
B. Pagpopost ng adhikain
C. Pagboto tuwing eleksyon
D. Pagpapakain sa mga batang lansangan.

24. Bakit mahalaga ang pakikilahok at bolunterismo?


A. upang maipakita ang pagmamahal sa kapuwa
B. upang maibahagi ang sarili sa kapuwa at makamit ang kabutihang panlahat
C. upang matugunan ang sariling pangangailangan lamang
D. upang magampanan ang mga tungkulin

25. Tunay ngang naiaangat ang antas ng pagpapahalaga sa paglilingkod kung _____________.
A. May hinihintay na kapalit
B. Ito ay pagpapalipas lamang ng oras
C. Naglilingkod upang hangaan ng ibang tao
D. Nakatutulong sa pag-angat ng antas kultural at moral ng lipunan.

You might also like