You are on page 1of 3

Pahayag/ Claim

Di Maabot ng Kawalang Malay

- Pamilya ang pinakamaliit na bahagi ng lipunan. Ang lipunang ating ginagalawan ay samu’t sari .
Magkakaiba sa maraming dahilan depende sa uri ng mga taong naninirahan ditto. Mapalad ang
isang pamilya kung ang lipunang kinabibilangan ay masasabing may maalwang pamumuhay.
- Ang maikling kwentong ito ay may malaking impluwensya sa moralidad ng isang tao, gayundin
sa kanyang pakikitungo sa lipunan. Ang papel na ginagampampanan ng bata ay nagpapakita ng
pagpapahalaga sa papel ng bawat indibidwal sa lipunan bilang isang anak ng kanyang ina at
nakatatandang kapatid ng kanyang bunsong si Obet.

Lugmog na ang Nayon

- Ipinapakita sa kwento ang kalagayang panlipunan na kung saan hindi gaanong nabibigyang
pansin ng karamihan . Mapapansin sa kwento ang totoong katangian ng mga taong naninirahan
sa isang nayon tulad na lamang ng pagiging mapagbigay kung anumang mayroon sila at higit sa
lahat ang mainit na pagtanggap sa mga tao o kanilang mga bisita .

Si Ama

- Sa akdang ito ay ipinakita ang kalagayan ng isang pamilya sa lipunan. Ipinakita rito ang relasyon
ng mag-anak at kahalagahan ng desisyon ng isang magulang sa isang tahanan. Ito ay
nagpapakita kung gaano ka laki ang papel ng isang magulang sa paggabay at pagpapalaki sa
kanyang anak upang magkaroon ng magandang bukas at pamumuhay.

Patunay

Di Maabot ng Kawalang Malay

- Tinapakan ng batang babae ang kupi at kalawanging lata ng gatas. Nangigipapal sa alikabok ang
kanyang paa’t binti. Kaypala’y may mga pitong taong gulang lamang siya.Biglang nabaling ang
kanyang tingin sa talaksan ng mga binigkis na kahoy na panggatong sa ilalim ng hagdan ng
bahay. May lumagitik doon. Parang nayapakan at nabaling tuyong sanga ng kahoy.

- Dinampot ng tinawag na Ida ang lata. Akmang ihahagis sa malayo, ngunit hindi natuloy. Dahan-
dahang bumaba ang kamay niyang may hawak sa lata. Hinarap niya si Emy. Pagkuwa’y tumanaw
siya sa bahay sa kabilang bakuran. Nakukunot ang kanyang noo.

Lugmok na ang Nayon


- Ayon kay Vic ay manghihingi lamang kami ng manok sa mga kamag-anak nila sa Sapang-putol
pagkat sa darating na Sabado’y ikakasal ang kanyang Kuya Selmo at kailangang maghanda.
Ngunit gaano na kaya ang aming mahihingi? “Hindi ba nakakahihiya itong gagawin natin?”
tanong ko. “Dumayo pa tayo rito para manghingi.” “Ni hindi naman tayo magsasalita, e,” sabi ni
Vic. “Basta’t ibabalita ko sa kanila na ikakasal si Kuya Selmo, alam na nila ‘yon.”

Si Ama

- "At anong gusto n'yo, mamatay ako nang nakatunganga?" Bunga ng katandaan ay malimit

nang dapuan ng sakit si Ama.

- Si Ama ay nakaunat sa papag. Alam kong siya'y patay na ngunit aywan ko kung bakit pilit kong
isinasaisip na siya'y natutulog lamang. Ibig kong huwag umiyak pagkat lalaki ako, ngunit sa
gayong pagkakataon pala ang lalaki'y nawawala sa kanyang pagkalalaki.

Pagpapaliwanag

Di Maabot ng Kawalang Malay

- Bilang isang bata, hindi maunawaan ni Ida ang mga nangyayari sa kanyang pamilya. Dulot ng
kamusmusan, nakasentro lamang ang kanyang isipan sa mga mahahalagang pangyayari na
nangyayari sa kanyang buhay. Pinapanatili niyang mataas ang kanyang dignidad sa pamamagitan
ng pagtanggap at pag-unawa sa sitwasyon niya at ng kanyang ina.

Lugmok na ang Nayon

- Ipinakita ni Vic sa akda ang pagpapakahulugan ng kasabihang “kapag may tiyaga, may nilaga”
sapagkat gaano man ang hirap at pagod na kanilang dinanas sa Sapang Putol ay nagkaroon rin
ng magandang bunga sapagkat marami silang natanggap na regalo mula sa mga tao sa Sapang
Putol.

Si Ama

- Ipinakita sa akda ang matinding respeto sa magulang gayundin ang kahalagahan ng desisyon ng
magulang sa anak. May mga anak na masyadong malaki ang respeto sa magulang lalong-lalo na
sa desisyon nito.

Pag-ugnay

Di Maabot ng Kawalang Malay

- Sa buhay natin bilang mga tao, may mga pangyayaring minsan ay hindi maabot ng ating dunong
o mga pangyayaring hindi natin lubos na maunawaan ngunit nanatili tayong matatag at
pinapanatili ang ating dignidad sapagkat ito na lamang ang nasa isip nating pinakamabuti nating
magagawa at gayundin ang paghahanap ng solusyon para makaalis sa ating kinalalagyan na
sitwasyon.

Lugmok na ang Nayon

- Ang pagtutulongan ay isang katangian ng mga Pilipino na dapat nating mas ipayabong pa. Sa
katunayan, bilang pagpapahalaga sa dignidad ng Pilipino ay bilang katunayan ay ang
ipinagagamit na kagamitan sa atin ay yaong bago at hindi pa nagagamit.

Si Ama

- Ang ama ang tinaguriang haligi ng tahanan, dahil dito ay pinananatili ng bawat ama ang
pagkakaroon ng dignidad ng sa gayon ay maipakita nilang ang isang may dignidad na ama ay
maaaring gumabay sa mga anak sa tamang landas

You might also like