You are on page 1of 7

Lahat: Magandang araw sainyong lahat kami ang unang pangkat na iaakto ang kwentong “Walang Sugat” ni

Severino Reyes.

Jasmine (Tagapagsalaysay) : Ngunit ano nga ba ang mensaheng ipinapahiwatig ng kwentong ito?

Walang sugat

Unang yugto:

Jasmine (Tagapagsalaysay) : Noong panahon ng mga kastila, may isang binibining may kagila-gilalas na kagandahan
na ang pangalan ay Julia. Isang araw ay nagbuburda siya ng panyolito para sa minamahal niyang lalaki na si teñong
dahil siya ay bibisita sa kanila.

NUMBER 1

Nico (Tenyong) : Ah, Julia!

Kylie (Julia) : O, Tenyong. Napadalaw ka?

Nico (Tenyong) : Bakit, Julia. Hindi ba pwedeng dalawin ang napakagandang dilag?

Kylie (Julia) : (hawak sa balikat ni Tenyong) Ikaw talaga, Tenyong.

Nico (Tenyong) : Aba, isang panyo! Ikaw ba ang nagburda nito Julia?

Kylie (Julia) : Oo.

Nico (Teñong) : Maaari kobang malasin ang binuburdahan mo?

Kylie (Julia) : (ilalayo ang panyo kay Teñong). (pipilitin ni Teñong na makita ang panyo pero pilit ang nilalayo ni
Julia).

Kylie (Julia) : Huwag na Teñong. Huwag mo munang tingnan, masama ang pagkakayari. Saka na lang, kapag
maganda na.

Nico (Teñong) : Posible ba na ang mga daliring ito, na hagod kandila, na parang nilalik na maputing garing, ay may
yayariin na hindi maganda?

Kylie (Julia) : Huwag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko!

Nico (Teñong) : Ay!

Kylie (Julia) : Ang lalim ng buntong-hininga. Lalo ko pang pagagalitin.

Nico (Teñong) : Julia, Julia ko… hindi naman ako nagalit, patawarin mo ako.

Kylie (Julia) : Masakit sa aking magalit ka at isa iyong malaking bagay para sa akin.

Nico (Teñong) : (ngumiti at hinawakan ang mga kamay ni Julia) Hindi ako nagalit, Julia.Natutuwa ako. Natutuwa
akong narito ako at kaharap ka at mas lalo akong nagalak sapagkat nakikita ko na inilimbag mo sa panyong ito ang
pangalan ko.

Kylie (Julia) : (dali daling kinuha ang panyo) H-Hindi ah. Nagkakamali ka. Hindi ukol sa iyo ang panyong iyan.

Nico (Teñong) : Kasinungalingan. Andito ang mga letrang A N F, Antonio Narsciso Flores?

Kylie (Julia) : Hindi para sa iyo iyan. Iyan ay ihahandog ko sa among sa kaarawan ng pasko.

Nico (Teñong) : sa amo mo man ito o sa demonyo bakit may mga letra itong A N F?
Kylie (Julia) : Pagkat ang ibig sabihin Ng mga iyan ay "Ama nating Frayle", ihahandog koyan sa nalalapit na pasko.

Nico (Teñong) : Kalokohan, alam mong naririndi Ang aking mga tainga kapag naririnig ko Ang mga taong iyan ,
Kay laking ka alipustahan.

Kylie (Julia) : at nakaganti rin ako.


Jasmine (Tagapagsalaysay) : Madaling kumuha Ng posporo si teñong para silaban Ang panyolitong binurda ni Julia.

Nico (Teñong) : magsabi ka ng katotohanan , para sa kura nga ba? Kapag di ko sinilaban, sinungaling Ako. Sisilaban
Kon-

Kylie (Julia) : Huwag mong silaban Ang iyong pangalan.

Nico (Teñong) : Tayo'y magpakasal na.

Clarisse (Juana) : Julia, Julia! Nakita mo ba Ang aking barong makato??

NUMBER 2

Jasmine (Tagapagsalaysay) : May hindi ka nais nais na pangyayari sa isang saglit lamang ng pag amin ni Julia kay
teñong.

Renz (Lucas) : AMIGO TEÑONG, AMIGO TEÑONG! DINAKIP ANG IYONG AMA NG MGA
BOLUNTARYONG SANTA MARIA!

Nico (Teñong) : DINAKIP SI TATANG?

Renz (Lucas) : Opo.

Nico (Teñong) : SAN SIYA DADALHIN?

Renz (Lucas) : Sa Bulacan ho.

Nico (Teñong) : Akoy paparoon at susundan si tatang.

Clarisse (Juana) : Sandali at kamiy sasama, Julia magtapis ka.

NUMBER 3

Jasmine (Tagapagsalaysay) : Walang awa pinagbubugbog at ginutom si kapitan inggo ng mga kura.

Nico (Bubugbugin si kapitan inggo)


Sheeve & Renz (Kura)
Prince (Kapitan Inggo)

[isara ang kurtina]

NUMBER 4

Jasmine (Tagapagsalaysay) : Habang naglalakbay si Kapitana Puten ay nakita niya si Kapitan Inggo na
nakahandusay sa lupa.

(Natagpuan nakahandusay sa lupa si kapitan inggo)

Khim (Kapitana Puten) : Inggo aking mahal! Anong naganap sa iyo! Naway kayanin mo Ang mga sakit sa lagay mo
ngayon.

[isara ang kurtina]


NUMBER 5

(Magkausap Ang kura at si kapitana Puten)


(Dumating si teñong)
(Hindi nagmamo si teñong sa kura)

Khim (Kapitana Puten) : Wala kang galang sa kura! Kay sama mong bata!

Nico (Teñong) : Ang mga kamay na pumapatay sa Kapwa ay Hindi dapat hagkan. Huwag kayong maniwala na
sasabihin nya sa gobernador na siyang pakawalan bagkus ay Lalo lamang nilang pinapatay si tatang.

(Niyakap si kapitana Puten)

NUMBER 6

Jasmine (Tagapagsalaysay) : Nanuot ang galit at hinagpis ni teñong sa kanyang dibdib at isinusumpa ang mga kura.

Nico (Teñong) : Isinusumpa ko! Papatayin ko Ang mga kura KAPAG mayroong nangyaring masama sa aking ama!
ISINUSUMPA KO!

(Namatay si kap. Inggo)


[isara ang kurtina]
(Bagong tagpuan)

Nico (Teñong) : mayroon ba tayong mga gulok at baril?

Chariz (Katipunera) : wala pa tayong armas, amigo

Nico (Teñong) : Tara at samahan niyo ako kumuha ng gulok at baril para ipaghiganti ko ang aking ama. Paparoon
Tayo sa istasyon Ng guiguinto.

Kylie (Julia) : Teñong! Teñong! Huwag mong ituloy ang iyong binabalak! Ako’y kinakabahan, baka ika’y
mapahamak. Matitiis mo bang iwan ang ina mong kahapis-hapis ang anyo? Di ba't ikaw lang na bugtong na anak ang
makakaaliw sa kanya? Bakit mo siya iiwan?

Nico (Tenyong) : Julia, tunay ang sinabi mo. Ngunit diba sinabi mo sa akin nakakalingain mo si Ina na parang sarili
mo na ring ina kagaya ng pagkalinga mo sa akin? Kaya ano pa ba ang ipag-aalala ko?

Kylie (Julia) : Ngunit...(umalis si Tenyong) Huwag ka nang umalis, Tenyong. (hinawakan ang kamay ni Tenyong).

Nico (Tenyong) : (hinalikan ang kamay ni Julia) Julia, alam mo namang hindi iyan maaari. Oras na Julia upang
makawala tayo sa tanikalang nagbibigkis sa atin sa mga kaapihan. Hindi ko pwedeng pabayaan na lang at ganito
parati ang ating dinadanas, hindi ko pwedeng pabayaan ang mga magiging anak at mga inaanak natin ay
makakaranas ng kalagim-lagim na kaalipinan.

Kylie (Julia) : S-Sige. Mag ingat ka Tenyong.

Nico (Teñong) : Mga kampon ni Lusiper! Dapat kayong mamatay! Dahil sa inyo namatay ang aking pinakamamahal
na ama! Kayo ang pumatay sa ama ko! Walang utang ang hindi pinagbabayaran!

[isarado ang kurtina]

Ikalawang yugto:

NUMBER 7:

Jasmine (Tagapagsalaysay) : may pinakilalang binata si Juana sa kanyang anak na si Julia, ngunit mahal pa Niya Ang
binatang si teñong.
Clarisse (Juana) : Julia, maggayak ka na. Paparito na sina Miguel at ang kanyang ama, dapat lang na pakitaan mo
silang kagandahang asal at anyo.

Kylie (Julia) : (nakadungaw ka sa bintana) Kung pumarito ho sila eh di kausapin niyo po. (inis na tono)

Clarisse (Juana) : Ano ang sinabi mo?

Kylie (Julia) : Wala po!

[isara ang kurtina]

NUMBER 8:

Jasmine (Tagapagsalaysay) : kinabukasan, dumalaw ang mag amang tadeo at Miguel sa bahay nila Juana.

Sheeve (Tadeo) : Magandang umaga sa inyo mga Ginang! Ako nga pala si Tadeo , ama ni Miguel.

Clarisse (Juana) :ikinagagalak namin makilala ka ginoong Tadeo!

(Nagmano si Miguel Kay Juana)


(Nagmano si Julia Kay Tadeo)

Sheeve (Tadeo) :May katanungan Ang aking kaisipan, kailan kaya natin maaaring ikasal si Miguel at Julia?

Clarisse (Juana) :Maaaring sa isang araw.

Sheeve (Tadeo) :Isang karangalan Ang maikasal Ang aking anak sa kaakit akit na si Julia.

Kylie (Julia) : Inay, magpapahangin lamang Ako sa labas.

(Umalis)
(Nadaan si Lucas)

Jasmine (Tagapagsalaysay) : Madaling lumabas si Julia at nakita niya si Lucas sa kalye.

Kylie (Julia) : amigo Lucas!

Renz (Lucas) : bakit amiga Julia?

Kylie (Julia) :may pabor sana Ako kung Maaari.

Renz (Lucas) : ano Ang iyong pabor sa akin?

Kylie (Julia) : Maaari mo ba na ipahatid Ang mensaheng ito Kay teñong?

Renz (Lucas) : Maaari, at madali ko itong ipapadala sa aking amigo teñong.

Kylie (Julia) : Lubha akong nagpapasalamat sa pagtulong mo sa akin, pagpalain ka sana Ng Panginoon.

Renz (Lucas) : walang anuman.

[isara ang kurtina]

NUMBER 9:

Jasmine (Tagapagsalaysay) : Naghahanda na si teñong para sa hidwaan nila ng mga kura. Ngunit may paparating, si
Lucas.
(Bumabaril si Teñong)
(Tumatakbo Ng madali si Lucas)

Renz (Lucas) : Amigo teñong! Amigo teñong!

Nico (Teñong) : Lucas?

Renz (Lucas) : Ako nga aking amigo.

Nico (Teñong) : bakit ka naparito? Nasa kalagitnaan kami Ng digmaan?

Renz (Lucas) : ihinatid ko lamang Ang liham ni Amiga Julia pagkat sa pakiramdam ko ay mahalaga Ang nilalaman
Ng liham na ito.

(Binigay ni Lucas Ang liham Kay teñong)

Nico (Teñong) : "Teñong aking irog, magbalik kana sapagkat ikakasal Ako Kay Miguel na alam mong di ko iniibig!
Inaayos na nila ang aming kasal dahil sa isang Araw na ito gaganapin."

[isara ang kurtina]

NUMBER 10:

Nico (Teñong) : Hindi ko na matutugunan pa Ang kanyang liham dahil may hidwaan pakong hinaharap. Pakisabi
nalang sa kanya na babalik Ako sa Araw Ng kasal.

(Naghanda nang lumaban Ang mga katipunero at katipunera)


(Nagsimula na Ang laban)

[isara ang kurtina]

Ikatlong yugto

NUMBER 11:

Jasmine (Tagapagsalaysay) : nakabalik na si Lucas at pumunta sa bahay nila Julia.

Kylie (Julia) : Lucas bakit hindi hindi tinugunan ni Teñong ang aking liham?

Renz (Lucas) : Hindi ito natugunan ni Teñong dahil may nagaganap na labanan at kailangan niya itong pamunuan.
Ngunit ipinagbilin niya sakin na sabihin sa iyo na darating siya sa araw ng kasal mo.

Kylie (Julia) : Sige, maraming salamat Lucas at tinulungan mo ako. Malaki ang utang na loob ko sayo.

NUMBER 12:

Jasmine (Tagapagsalaysay) : kinabukasan, pumunta muli ang mag amang tadeo at Miguel sa bahay nila Juana.
Nanligaw ang binatang si Miguel.

Prince (Miguel) : Magandang araw binibi, kamusta ang iyong araw?

Kylie (Julia) : (hindi pinansin si Miguel, nakatingin sa bintana at iniisip si Teñong)

Kylie (Julia) : Kamusta na kaya si Teñong? Idinadalangin ko na sana ay maayos ang kanyang kalagayan at ang
kanyang kalusugan. (isip)

Pince (Miguel) : Binibini, ayos ka lang ba? Mukhang malalim ang iyong iniisip?
Clarisse (Juana) : Julia! Bakit hindi mo pinapansin ang iyong bisita? Makipag usap ka at libangin mo ang iyong
manliligaw, hindi yung nakanganga ka jan sa bintana.

(aalis sila Miguel at Julia)

NUMBER 13:

Jasmine (Tagapagsalaysay) : Nang maka alis ang dalawa ay pumunta si Tadeo kay Juana upang manligaw rin sa
kanya.

Sheeve (Tadeo) : Magandang araw sa pinaka marikit na binibini sa aking paningin. ( nag abot ng bulaklak kay
Juana).

Clarisse (Juana) : ay umagang umaga sinisira mo ang aking araw ginoong Tadeo wala akong oras sa mahahangin
mong salita, maaari ka nang umalis salamat na lamang sa bulaklak mong dinala para sa akin.

[isara ang kurtina]

NUMBER 14-15:

Jasmine (Tagapagsalaysay) : makalipas ang ilang oras ay gabi na.

Kylie (Julia) : (di mapakali, palakad-lakad) Ano ang gagawin ko? Bukas na ang aming kasal ni Miguel! Sino ba ang
makakatulong sa akin? (nag iisip, palakad-lakad) Tama! Si Lucas!

Jasmine (Tagapagsalaysay) : Pumunta si Julia sa bahay ni Lucas at humingi ng tulong sa kanya.

Kylie (Julia) : Lucas! Lucas! Tulungan mo ako! Bukas na ang aming kasal ni Miguel at ayokong magpakasal sa
taong hindi ko mahal. Ang tanging iniibig ko lamang ay si Teñong, tulungan mo akong makatakas at para
mapuntahan ko si Teñong.

Renz (Lucas) : Ngunit, Julia imposibleng maitakas kita at dalhin kay Teñong dahil hindi ko alam kung saan siya
naroroon ngayon.

Kylie (Julia) : (napaisip ng malalim) Paano na ang gagawin ko! Bukas na ang aking kasal at ala na akong ibang
paraan kundi magpakasal kay Miguel o magpatiwakal na lang.

Renz (Lucas) : Huwag mong isipin iyan Julia, maaari tayong umisip pa ng ibang paraan na makakatulong upang
hindi matuloy ang inyong kasal ni Miguel.

Renz (Lucas) : Kinabukasan kapag naitanong ng pari kung iniibig at nais mong pakasalan si Miguel ay buong tapang
at isigaw mo ang “Hindi po!”. Marahil, sa gayong paraan ay matitigil ang inyong kasal ni Miguel.

Kylie (Julia) : Ngunit nag aalala ako sa aking ina dahil baka mamatay lamang siya sa sama Ng loob kung
mamarapatin Kong gawin Yan.

Jasmine (Tagapagsalaysay) : Umalis na si Lucas at namahinga na si Julia.

NUMBER 16:

Jasmine (Tagapagsalaysay) : Kinabukasan, kasal na ni Julia at ni Miguel. Nasa simbahan na ang lahat at naglalakad
na si Julia sa simbahan ngunit may naganap na paniguradong ikatutuwa niya ngunit ikalulungkot rin niya.

Simbahan*

(Kumpleto na Ang lahat)


(naglalakad na si Julia)
Renz (Lucas) : Julia! Si TEÑONG!!!

Kylie (Julia) : TEÑONG!!! ANONG NANGYARI SA IYO? AKING MAHAL!!!

Sheeve (Heneral Ng mga katipunero) : Lucas, ipatawag mo Ang Pari upang mapa kumpisalan si Teñong.

Renz (Lucas) : masusunod heneral.

[isara ang kurtina]

NUMBER 17:

Jasmine (Tagapagsalaysay) : Habang nangungumpisal si teñong sa kura ay may hiling ito sakanya.

(HABANG nangungumpisal si teñong sa kura ay may hiling ito)

Nico (Teñong) : may kahilingan Ako sa iyo kura, na maikasal kami ng aking mahal na si Julia bago Ako pumanaw.

(Pumayag Ang lahat)

Jasmine (Tagapagsalaysay) : pumayag naman ang lahat kahit may galit na niraramdam si Juana dahil dito.

NUMBER 18:

Jasmine (Tagapagsalaysay) : Ikakasal na si Teñong at Julia, bumangon si Teñong at lahat ay nagulat!

Prince (Miguel) : WALANG SUGAT?!?!?!

Lahat : WALANG SUGAT?!?!?!

(Ikakasal na si Teñong at Julia)


(Bumangon si Teñong )
(Nagsulat si Miguel at napasigaw Ng walang sugat!)
(Gayundin Ang iba)

[isara ang kurtina]

WAKAS..

Jasmine (Tagapagsalaysay) : Ang Walang Sugat ay sumusunod sa mga pangyayari sa buhay nina Julia, Teñong, at
ang kaibigan nitong si Lucas. Ito rin ay tumatalakay sa mga konsepto ng paghihiganti at pagpapatawad. Heto ang
ilan sa mga mensahe ng kwento.

● Isa sa mga mensahe ng kwentong ito ay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng paninindigan. Ito’y tumatalakay
sa pagiging desidido na makuha ang karapat-dapat na hustisya katulad lamang ng paghanap ng tauhan ng
hustisya para sa namatayang kaanak o kapamilya.

● Pinapakita rin nito ang halaga ng paninindigan sa tunay na minamahal sa buhay. Kapag tunay mong mahal
ang tao, hahanap ka ng paraan upang sa huli ay siya pa rin ang gusto mong makasama habang buhay.

● Ito rin ay nagsasalaysay na dapat tayo’y matutong lumaban at ipagtanggol ang ating karapatan kontra sa mga
mapang-aping mga tao kung alam naman natin sa sarili na wala tayong ginawang kasalanan.

You might also like