You are on page 1of 8

Walang Sugat Koro : Nang huwag daw mapulaan

ni Severino Reyes Ng binatang pagbibigyan


UNANG BAHAGI Ang panyo pa‟y sasamahan
I Tagpo: Ng mainam na pagmamahal.
(Tanggapan ng bahay ni Julia. Si Julia at ang mga bordador.
Musika) Salitain
Julia : Ligpitin na ninyo ang mga bastidor at kayo‟y
Koro : Ang karayom kung iduro mangagsayaw na. (Papasok ang magkasintahan). (Lalabas si
Ang daliri‟y natitibo, Tenyong).
Kapag namali ng duro
Burda nama‟y lumiliko II TAGPO
(Tenyong at Julia…)
Julia : Anong dikit, anong inam Tenyong: Julia, tingnan ko ang binuburdahan mo…
Ng panyong binuburdahan,
Tatlong letrang nag-agapay Julia : Huwag na Tenyong, huwag mo nang tingnan,
Na kay Tenyong na pangalan. masama ang pagkakayari, nakakahiya.

Koro : Ang karayom kung itirik Tenyong: Isang silip lamang, hindi ko na hihipuin, ganoon
tumutimo hanggang dibdib. lang?… ay…

Julia : Piyesta niya‟y kung sumipot Julia : Sa ibang araw, pagkatapos na, oo, ipakikita ko sa
Panyong ito‟y iaabot, iyo.
Kalakip ang puso‟t loob,
Ng kaniyang tunay na lingkod.
Tenyong: (Tangan si Julia sa kamay) Ang daliri bang ito
Si Tenyong ay mabibighani na hubog kandila, na anaki‟y nilalik na maputing garing, ay
Sa dikit ng pagkagawa may yayariin kayang hindi mainam? Hala na, tingnan ko
Mga kulay na sutla, lamang.
Asul, puti at pula.
Julia : Huwag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga
Julia : Panyo‟t dito ka sa dibdib, daliri ko.
Sabihin sa aking ibig
Na ako‟y nagpapahatid Tenyong: (Nagtatampo) Ay!…
Isang matunog na halik.
Julia : Bakit Tenyong, napagod ka ba? (Hindi sasagot).
Koro : Ang karayom kung iduro Masama ka
Ang daliri‟y natitibo. palang mapagod.
Hoy tingnan ninyo si Julia
Pati panyo‟y sinisinta, Tenyong: Masakit sa iyo!
Kapag panyo ng ibig
Tinatapos ng pilit Julia : (Sarili) Nagalit tuloy! Tenyong, Tenyong…(sarili)
Nang huwag daw mapulaan Nalulunod pala ito sa isang tabong tubig!
Ng binatang pagbibigyan:
Ang panyo pa‟y sasamahan Tenyong: Ay!
Ng mainam na pagmamahal.
Julia : (Sarili) Anong lalim ng buntunghininga! (Biglang
At ang magandang pag-ibig ihahagis ni Julia ang bastidor). (Sarili) Lalo ko pang
Kapag namugad sa dibdib pagagalitin.
Nalilimutan ang sakit
Tuwa ang gumigiit. Tenyong: Pupulutin ang bastidor at dala). Julia, Julia ko.
(Luluhod) Patawarin mo ako; Hindi na ako nagagalit…
Mga irog natin naman
Sila‟y pawang paghandugan Julia : Masakit sa aking magalit ka at hindi. Laking bagay!
Mga panyong mainam
Iburda ang kanilang pangalan. Tenyong: Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa,
narito at nakikita ko na minarapat mong ilimbag sa panyong
Julia : Piyesta niya‟y kung sumipot ito ang pangalan ko.
Panyong ito‟y iaabot
Kalakip ang puso‟t loob Julia : Hindi ah, nagkakamali ka, hindi ukol sa iyo ang
Ng kaniyang tunay na lingkod. panyong iyan…
Tenyong: Sinungaling! At kaninong pangalan ito? A. Lukas : Dinakip po ang Tatang mo ng Boluntaryo ng
Antonio; N. Narciso, at E. ay Flores. Santa Maria.

Julia : Namamali ka, hindi mo pangalan iyan. Tenyong: Diyata dinakip si Tatang?

Tenyong: Hindi pala akin at kanino nga? Lukas : Opo.

Julia : Sa among! Iya‟y iaalay ko sa kanya ngayong Tenyong: Saan kaya dinala?
kaarawan ng pasko.
Lukas : Sa Bulakan daw po dadalhin.
Tenyong: Kung sa among man o sa demonyo, bakit ang
letra‟y A, N, at F? Tenyong: Tiya, ako po paparoon muna‟t susundan si
Julia : Oo nga sapagkat ang A, ay Among, ang N, Natin Tatang.
at ang F ay Frayle.
Juana : Hintay ka sandali at kami‟y sasama. Julia,
Julia : Nakaganti na ako! (Dudukutin ni Tenyong sa magtapis ka… (Magsisipasok sina Juana, Julia, at Lukas).
kanyang bulsa ang posporo at magkikiskis ng maraming butil
at nag-aalab na magsasalita). Tenyong: Oh, mundong sinungaling! Sa bawat sandaling
ligayang tinatamo ng dibdib, ay tinutuntungan kapagdaka ng
Tenyong: Julia, magsabi ka ng katotohanan, para sa kura nga matinding dusa! Magdaraya ka! Ang tuwang idinudulot mo
ba? Kapag hindi ko sinilaban, ay … sinungaling ako… sa amin ay maitutulad sa bango ng bulaklak, at sa sandaling
mangusap ka. Susulsulan ko na? (Anyo nang sisilaban) oras ay kusang lumilipas.

Musika No. 2 (Telong Maikli) Kalye


Julia : Huwag mong silaban ang tunay mong pangalan. IV TAGPO
(Musika)
Tenyong: Sa pagkakasabi mong sa kurang sukaban Koro at Lukas
nagising ang galit at „di mapigilan. Lukas : Tayo na‟t ating dalawin mga tagarito sa atin.

Julia : Hindi maghahandog sa lahi ni Satan, ang panyong Koro : Dalhan sila ng makakain at bihisan ay gayundin.
iyan ay talagang iyo, sampu ng nagburdang si Juliang iniirog
mo. Isang Babae: Naubos na ang lalaki.

Tenyong: Salamat, salamat, Juliang poon ko. Lahat ng Babae: Lahat na‟y hinuhuli mga babae kami.
Lukas : Marami pang lalaki.
Julia : Oh, Tenyong ng puso, Oh, Tenyong ng buhay ko.
Lahat ng Lalaki: Huwag malumbay…kami ng nasasa bahay
Tenyong: Pag-iibigan ta‟y kahimanawari lumawig na at nakahandang tunay, laan sa lahat ng bagay…
tunay at di mapawi paglingap mo sa akin kusang mamalagi
huwag malimutan sa tuwi- tuwi… Lahat ng Babae: (Sasalitain) Mga lalaking walang damdam,
kaming mga babae‟y pabayaan, di namin kayo kailangan.
Tenyong: Julia ko‟y tuparin adhikain natin.
Isang Lalaki: Makikita ko si Tatang.
Julia : Tayo‟y dumulog sa paa ng altar.
Isang Lalaki: Kaka ko‟y gayundin naman.
Tenyong: Asahan mo.
Isang Babae: Asawa‟y paroroonan.
Sabay: „Di mumunting tuwa dito‟y dumadalaw, ano pa‟t
wari „di na mamamatay sa piling mo oh! (Tenyong) niyaring Isang Babae: Anak ko‟y nang matingnan.
buhay (Julia) maalaalang may kabilang buhay… (Lalabas si
Juana). Lahat: Tayo na‟t sumakay sa tren bumili pa ng bibilhin at sa
kanila‟y dalhin masarap na pagkain.

III TAGPO Mga Babae: Tayo na, tayo na.


(Tenyong, Julia, at Juana mamaya’y Lukas ) Salitain
Juana : Julia, Julia, saan mo inilagay ang baro kong Lahat: Sumakay na sa tren.
makato? (Nagulat si Julia at si Tenyong.) (Lalabas si Lukas.)
Mga Lalaki: Doon sa estasyon.
Lukas : Mamang Tenyong, Mamang Tenyong…!
Lahat: Ating hihintuin. (Papasok lahat) (Itataas ang telong
Tenyong: Napaano ka, Lukas? maikli)
V TAGPO Marcelo: Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong
(Bilangguan sa Bulakan, patyo ng Gobyerno, maraming laman ang dalawang pigi sa kapapalo, at ang dalawang braso
mga bilanggong nakatali sa mga rehas). po‟y litaw na ang mga buto, nagigit sa pagkakagapos.

Salitain Relihiyoso 1.0: May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan


Relihiyoso 1.0: Ah, si Kapitan Luis! Ito tagaroon sa amin; naroroon ngayon?
maraming tao ito…
Marcelo: Nariyan po sa kabilang silid, at tinutuluyan uli ng
Marcelo: Mason po yata, among? limang kaban.

Relihiyoso 1.0: Kung hindi man mason, marahil filibustero, Relihiyoso 1.0: Mabuti, mabuti, Marcelo huwag mong
sapagka‟t kung siya‟y sumulat kalilimutan, na si Kapitan Inggo ay araw-araw papaluin at
maraming K, cabayo K. ibibilad at buhusan ng tubig ang ilong, at huwag bibigyan ng
mabuting tulugan, ha?
Marcelo: Hindi po ako kabayo, among!
Relihiyoso 1.0: Hindi ko sinasabing kabayo ikaw, kundi, Marcelo: Opo, among (Sa mga kasama niya) Companeros,
kung isulat niya ang kabayo may K, na lahat ng C pinapalitan habeis traido el dinero para el
ng K. Masamang tao iyan, mabuti mamatay siya. Gobernador?

Relihiyoso 2.0: Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Relihiyoso 2,3,4: Si, si, hemos traido.
Miguel, at ang Juez de Paz, ay daragdagan ng rasyon.
Relihiyoso 1.0: Marcelo, dalhin dito si Kapitan Inggo.
Marcelo: Hindi sila makakain eh!
Marcelo: Hindi po makalakad, eh!
Relihiyoso 1.0: Hindi man ang rasyon ang sinasabi ko sa iyo
na dagdagan, Ay ang pagkain, hindi, ano sa akin kundi sila Relihiyoso 1.0: Dalhin dito pati ang papag.
kumain?Mabuti ngang mamatay silang lahat. Ang rasyon
na sinasabi ko sa iyo ay ang palo, maraming palo ang Relihiyoso 2.0: Tonto.
kailangan.
Tadeo : Bakit ka mumurahin?
Marcelo: Opo, among, hirap na po ang mga katawan nila at
nakaaawa po namang magsidaing; isang linggo na pong Juana : Kumusta po naman kayo, among?
paluan ito, at isang linggo po namang walang tulog sila!
P. Teban: Masama, Juana, talaga yatang itong pagkabuhay
Relihiyoso 2.0: Loko ito! Anong awa-awa? Nayon wala namin ay lagi na lamang sa hirap, noong araw kami ay walang
awa-awa, duro que duro-awa-awa? Ilang kaban an rasyon? inaasahan kundi kaunting sweldo dahil sa kami‟y alipin
Ang rasyon nan palo, ha! ng mga prayle; ngayon nga, kung sa bagay ay kami na ang
namamahala, wala naman kaming kinikita; wala nang
Marcelo: Dati po‟y tatlong kaban at maikatlo sa pamisa, mga patay at hindi na dinadapit; ngayon
isang araw na tinutuluyan,ngayon po‟y lima ng kaban, at napaglirip na ang mga kabanalang ginawa ng mga tao
makalima po isang araw. noong araw ay pawing pakunwari at pakitang-tao
lamang alinsunod sa malaking takot sa mga prayle.
Relihiyoso 2.0: Samakatuwid ay limang bese 25, at
makalimang 125, ay Huston 526 (binibilang sa daliri). Juana : Totoo po ba ang sabi mo.
Kakaunti pa! (Bibigyan si Marcelo ng kuwalta at tabako).
P.Teban: Kaya, Juana, di-malayong kaming mga lklerigo ay
Marcelo: Salamat po, among! mauwi sa pagsasaka, tantuin niyong kaming mga pari ay hindi
mabubuhay sa panay na hangin.
Relihiyoso 1.0: Kahapon ilan ang namatay?
Juana : Bakit dami mo pong mga pinakaing mga
Marcelo: Wala po sana, datapwa‟t nang mag-uumaga po ay pamangking dalaga?
pito lamang.
P. Teban: Siya nga, ulilang inaampon ko.
Relihiyoso1.0: Bakit ganoon? (gulat)
Miguel: Ay! Aling Julia… ay… ma… ma… malapit na
Marcelo: Dahil po, ay si Kapitan Inggo ay pingsaulan ng po… Alin po ang malapit na?
hininga.
Relihiyoso 1.O: Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga! Miguel: Ang… ang… ang…
Narito si Kapitana Putin, at ibig daw makita si Kapitan Inggo
na asawa niya. Kung ganoon ay hindi mamamatay si Kapitan Julia : (Sarili) Ano kaya ang ibig sabihin nito?
Inggo.
Tadeo : Miguel, tayo na‟t nagkayari na kami ng kaniyang VII TAGPO
ina. (Sila rin, wala na lamang ang mga relihiyoso)
Salitain
Miguel: Ay… salamat (tuwang-tuwa.)
Putin : Tenyong, kaysama mong bata, bakit ka hindi
Julia : (Sarili) Ipinagkayari na pala ako ni Inang? humalik ng kamay sa among?

Tadeo : Ano ba ang sinabi mo? Tenyong: Inang, ang mga kamay pong… namamatay ng
kapwa ay hindi dapat hagkan, huwag pong maniniwalang
Miguel : Sinabi ko pong … ay Julia! Ay! Aling Julia! Ay, sasabihin niya sa Gobernador na si Tatang ay pawalan, bagkus
Julia ko! pa ngang ipagbibiling patayin na ngang tuluyan. (Sarili) Kung
nababatid lamang ng mga ito ang pinag-usapan ng apat na
Tadeo : Wala ka nang nasabi kundi pulos na “ay”? Hindi ka lilo! Nakalulunos ang kamngmangan!
nagpahayag ng pagsinta mo?
(Ipapasok si Kapitan Inggo na nakadapa sa isang papag na
Miguel : Sinabi ko pong malapit na… makitid).

Tadeo : Malapit na ang alin? Putin : Inggo ko!

Miguel : Itinatanong nga po sa akin kung alin ang malapit na Tenyong: Tatang!
eh, hindi ko po nasagutan…
Julia : Kaawa-awa naman!
Tadeo: Napakadungo ka! Ay Ige, tayo na‟t baka ka pa
mahalata… Tenyong: Mahabaging Langit!

Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, mana dalaw, parito kayo. Musika


(Magsisilabas ang mga dalaw). Tenyong: Ang dalawang braso‟y gitgit na ang laman,
naglabas ang mga buto sa mga tinalian, lipos na ang sugat ang
Tadeo: Napakadungo ka! Ay Ige, tayo na‟t baka ka pa buong katawan, nakahahambal! Ay! Ang anyo ni Amang! Ang
mahalata… lahat ng ito‟y gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari
lalang ni Lucifer sa demonyong lahi kay Satang malupit
Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, mana dalaw, parito kayo. nakikiugali… Ah, kapag kanamatay oh, ama kong ibig, asahan
(Magsisilabas ang mga dalaw). mo po at igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit, sa
ulo ng prayle isa sa kikitil.
VI TAGPO
(Mga Relihiyoso, Putin, Juana, Julia, Tenyong, at mga Salitain
dalaw, babae at lalaki). Tenyong: Tatang, ikaw po‟y ititihaya ko nang hindi
Salitain mangalay…
Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, ngayon makikita ma na ang
tao mo, dadalhin dito, at sinabi ko sa Alkalde na huwag nang Inggo : Huwag na … anak ko… hindi na maaari… luray-
paluin, huwag nang ibibilad at ipinagbilin ko na bibigyan luray na ang katawan…Tayo‟y maghihiwalay na walang
na ng mabuting tulugan… pagsala! Bunso ko, huwag mong pababayaan ang Inang mo!
Putin, ay Putin … Juana Julia.. kayo na lamang ang inaasahan
Putin : Salamat po, among. kong kakalinga sa kanila… Ang kaluluwa ko‟y inihain ko na
kay Bathala.
Relihiyoso 1.0: Kami ay aakyat muna sandali sa
Gobernador, at sasabihin namin na pawalan, lahat ang mga Tenyong: Diyos na may kapangyarihan! Ano‟t inyong
bilanggo, kaawa-aw naman sila. ipinagkaloob ang ganitong hirap? (Dito lamang ang pasok ng
kantang “Ang dalawang braso‟y…)
Putin : Opo, among, mano na nga po… Salamat po, among.
(Magsisihalik ng kamay, si Tenyong ay hindi at ang mga Musika No.2
ibang lalaki). Tenyong: Ang dalawang braso‟y gitgit na ang laman,
naglabas ang buto sa mga tinalian, lipos na ng sugat ang buong
Relihiyoso 1.0: (Sa mga kasama) Despues de ver el katawan, nakahahambal, ay! Ang anyo ni Amang! Ang lahat
Manila, cogemeros el tren la Estacion de Guiguinto, es ng ito‟y gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari, lalang
necesario deciral General que empiece ya a fusilar a los ricos e ni Lucifer sa demonyong lahi kay satang malupit
ilustrados de la provincia, porque esto va mal. nakikiugali. Ah! Kapag namatay ka, oh, ama kong ibig, asahan
mo po‟t igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit sa ulo
Relihiyoso 2.0: Ya lo creo que va mal. ng prayle, isa sa kikitil.

Los 3 : Si, si a fusilar, a fusilar. (Papasok ang mga pari).


Julia : Taya ng loob ko at binabanta-banta mga taong iya‟y Julia : Tenyong, Tenyong!
tadtarin man yata lahat niyang laman, buto sampung taba, di Tenyong: Julia!
makababayad sa utang ng madla.
Julia : Diyata‟t matitiis, na Ina‟y lisanin mo sa
Mga Babae at Lalaki: Di na kinahabagan kahit kaunti man, kahapis-hapis na anyo? Di ba nalalaman mong sa kaniya‟y
pariseos ay daig sa magpahirap. walang ibang makaaaliw kundi ikaw, at sa may damdam
niyang puso, ay walang lunas kundi ikaw na bugtong na
Tenyong: Oo‟t di matingnan puso ko‟y sinusubhan sa ginawa anak? Bakit mo siya papanawan?
kay Amang ng mga taong hunghan… ang awa‟y nilimot sa
kalupitan… Tenyong: Julia, tunay ang sinabi mo; datapwa‟t sa sarili
mong loob, di ba si Inang ay kakalingain mong parang tunay
Lalaki’t Babae: Wari mukha nang bangkay… na ina; alang-alang Sa paglingap mo sa akin? Sa bagay, na ito,
ano ang ipag-aalaala ko?
Tenyong: Inang, masdan mo po… at masama ang lagay ni
Tatang, Inang, tingnan mo‟t naghihingalo… Tatang, Tatang… Julia : Oo nga, Tenyong, ngunit hindi kaila sa iyo na ang
maililingap ng isang lalaking kamukha mo ay di maititingin
Putin : Inggo ko… Inggo… ng isang babaing gaya ko. Tenyong, huwag kang umalis!

Tenyong: Patay na! Tenyong: Julia, hindi maaari ang ako ay di pasa-parang; ako
ay hinihintay ng mga kapatid, Julia, tumutugtog na ang oras ng
(Mangagsisihagulgol ng iyak) pananawagan ng naaaping Ina, sa pinto ng nagpaubayang
anak; ang Ina natin ay nangangailangan ng tunay nating
Telong Maikli pagdamay; dito sa dibdib ko‟ytumitimo ang nakalulunos
niyang himutok, ang nakapanlulumo niyang daing: “May
VIII TAGPO anak ako,” anya, “ngayo‟y kapanahunang
(Sila ring lahat, wala lamang si Kapitang Inggo, ang ako‟y ibangon na ninyo sa pagkalugami. Oras na, Julia ko, ng
Alkalde, at mga bilanggong nangakagapos). paglagot ng matibay na tanikalang mahigpit sa tatlong daang
Salitain taong sinasangayad; hindi dapat tulutang… mga iaanak natin
ay magising pa sa kalagim-lagim na kaalipin.
Putin : Tenyong, hindi yata ako makasasapit sa atin! Julia,
nangangatal ang buong katawan ko! Nagsisikip ang aking Julia : Wala akong maitututol, tanggapin na lamang ang
dibdib! Ang sakit ay taos hanggang likod! Ay, Tenyong, hindi huling tagubilin! (Huhubarin ang garantilyang may medalyita;
ako makahinga! Ang pusoko‟y parang pinipitpit sa palihang tangnan at isusuo kay Tenyong ang garantilya.) Ang larawang
bakal! (Si Putin ay mapapahandusay). ito‟y aking isasabit sa tapat ng puso‟y huwag iwawaglit at sa
mga digma, kung siya‟y masambit ipagtanggol ka sa mga
Tenyong: Langit na mataas!(Papasok lahat) panganib. Kung saka-sakaling irog ko‟y masaktan, pahatid
kang agad sa aking kandungan. Ang mga sugat mo‟y aking
IX TAGPO huhugasan ng masaganang luhang sa mata‟y nunukal.
(Tenyong at mga kasamang lalaki, mamaya’y si Julia).
Salitain Tenyong: Sa Diyos nananalig.
Tenyong: Mga kasama, magsikuha ng gulok, at ang may
rebolber ay dalhin. Julia : Puso ko‟y dinadalaw ng malaking hapis.

Isa : Ako‟y mayroong iniingatan. Tenyong: Huwag mamanglaw. Huwag ipagdusa ang aking
pagpanaw.
Isa pa : Ako ma‟y mayroon din.
Julia : Mangungulimlim na ang sa matang ilaw.
Tenyong: Tayo na sa estasyon ng Guiguinto.
Tenyong: Ang ulap Julia ko‟y di mananatili. Darating na
Isa : Nalalaman mo bang sila‟y mangasisilulan? ibig, ang pagluluwalhati.

Tenyong: Oo, walang pagsala, narinig ko ang salitaan nila, at Julia : Tenyong na poon ko‟y kahimanawari.
nabatid ko tuloy na sasabihin daw nila sa Heneral na tayo‟y Magliwayway uli‟t dilim ay mapawi.
pagbabarilin na.
Tenyong: Huwag nang matakot, huwag nang mangamba.
Isa : Mga tampalasan. Ako‟t tutupad lang ng aking panata sa pakikianib sa mga
kasama. Aming tutubusin, naaliping Ina. Ikaw irog ko‟y aking
Isa pa : Walang patawad! itatago sa loob ng dibdib, sa tabi ng puso. Nang hindi malubos
ang pagkasiphayo sa mga sakuna, ikaw‟y kalaguyo. (Titigil)
(Nang mangagsiayon, si Tenyong ay nakahuli sa paglakad, sa Yayao na ako!
lalabas si Julia).
Julia : Ako‟y lilisanin? Balot yaring puso ng matinding panahon, ngayo‟y kung may lalaking
lumbay, bumalik ka agad nang di ikamatay. nangingibig ay tinatanggap ng mga mata at
itinutuloy dito.
Tenyong: Juliang aking sinta!
Julia : (hihipuin ang noo) dito sa isip at di na sa
Julia : Oh, Tenyong ng buhay! puso; at kung ano ang pasya ng isip ay
siyang paiiralin: ang puso sa panahong ito ay
Tenyong: (Anyong aalis) (Sarili) Kaawa-awa! (Tuluyang hindi na gumaganap ng maganda niyang
aalis). katungkulan, siya‟y nagpapahingalay na…

Julia : (Biglang lilingon) Te…! Yumao na! (papasok) Julia : Nakasisindak, Inang ko, ang mga pangungusap mo!

X TAGPO Juana : Siyang tunay!


(Tugtuging nagpapakilala ng damdamin. Pagdating ng
bahaging masaya ay maririnig ang sigawan sa loob. Mga Julia : Ako po‟y makasunod sa masamang kalakaran ng
prayle at mga kasama ni Tenyong at si Tenyong.) panahon, dito po ako makatatakwil sa tapat na udyok ng
Sa loob. aking puso.

Mga lahi ni Lucifer! Magsisi na kayo‟t oras na ninyo! Ikaw Juana : Julia, tila wari… may kinalulugdan ka nang iba.
ang pumatay sa ama ko – Perdon! Walang utang-na-di
pinagbabayaran! (Hagara at mapapatay ang mga prayle, isa Julia : Wala po!
ang mabibitin na sasama sa tren).
Telon Juana : Kung wala ay bakit ka sumusuway sa aking
Wakas ng Unang Bahagi iniaalok? Nalaman mo na, ang kagalingan mong sarili ang
aking ninananais. Ang wika ko baga, ay bukas- makalawa‟y
mag-aasawa ka rin lamang… ay kung mapasa-moro, ay
mapasa-Kristiyano na!
Ikalawang Bahagi
I TAGPO Julia : Sarili) Moro yata si Tenyong!
(Bahay ni Julia)
Julia at Juana II TAGPO
Salitain (Julia at Monica)
Juana : Julia, igayak ang loob mo; ngayon ay Salitain
paparito si Miguel at ang kanyang ama, Julia : Monicaaaaaaaaaa, Monicaaaaaaaaaa!.
sila‟y pagpapakitaan nang mainam.
Monica : (Sa loob) Pooo!
Julia : Kung pumarito po sila, ay di kausapin mo
po! Julia : Halika (Lalabas si Monica) Pumaroon ka kay Lukas,
sabihin mong hinihintay ko siya; madali ka…
Juana : Bakit ba ganyan ang sagot mo?
Monica: Opo (Papasok).
Julia : Wala po!
III TAGPO
Juana : Hindi naman pangit, lipi ng mabubuting tao, (Julia, mamaya’y Miguel, Tadeo, Pari Teban, at Juana)
bugtong na anak at nakaririwasa, ano pa ang hangarin mo? Musika
Dalit ni Julia
Julia : Ako po, Inang ko, ay hindi naghahangad ng mga Oh, Tenyong niyaring dibdib,
kabutihang tinuran mo, ang hinahangad ko po ay… Diyata‟ ako‟y natiis
Na hindi mo na sinilip
Juana : Ay ano? Duluhan mo, sabihin mo at nang Sa ganitong pagkahapis.
matalastas ko.
Ay! Magdumali ka‟t daluhan,
Julia : Ang tanggapin pong mahinusay ng puso ko. Tubusin sa kapanganiban,
Huwag mo akong bayaang
Juana : (Natatawa) Julia, ako‟y natatawa lamang sa iyo, Mapasa ibang kandungan.
ikaw ay bata pa nga- Anong pusu-
puso ang sinasabi mo? Totoo nga‟t noong Halika, tenyong, halika,
unang dako, kapag may lalaking At baka di na abutin
mangingibig ay tinatanggap ng mga mata at Si Julia‟y humihinga pa…
itinutuloy sa puso, at kung ano ang kaniyang Papanaw, walang pagsala!
tibok ay siyang sinusunod datapwa‟t gayo‟y
iba na, nagbago nang lahat ang lakad ng At kung patay na abutin
Itong iyong nalimutan Ngunit ipinagkayari siya ng ina sa ama ni Miguel. Hindi alam
Ang bangkay ay dalhin na lamang ni Juana ang ukol sa anak at pamangking si Tenyong.
Sa malapit na libingan. Nagpadala ng liham si Julia kay Tenyong sa tulong ni Lukas.
Si Tenyong ay kapitan ng mga naghihimagsik. Walang takot
Huling samo, oh Tenyong, sa labanan. Natagpuan ni Lukas ang kuta nina Tenyong.
Kung iyo nang maibaon Ibinigay ang sulat ng dalaga. Isinasaad sa sulat ang
Sa malungkot na pantiyon, pagkamatay ng inang si Kapitana Putin at ang araw ng kasal
Dalawain minsan man isang taon. niya kay Miguel. Sasagutin na sana ni Tenyong ang sulat
ngunit nagkaroon ng labanan.
Salitain
P. Teban: (Pumalakpak)Mabuti ang dalit mo Ikatlong Bahagi
Julia…datapwa‟t napakalumbay lamang…
Sinabi ni Lukas kay Julia ang dahilan nang di
Julia : (gulat) Patawarin po ninyo at hindi ko nalalamang pagtugon ni Tenyong sa liham. Nagbilin lamang ito na uuwi sa
kayo‟y nangagsirating…Kahiya-hiya po. araw ng kasal. Minsan habang nanliligaw si Miguel kay Julia
ay si Tenyong naman ang nasa isip ng dalagang ayaw
P. Teban: Hindi. hindi kahiya-hiya, mainam ang dalit mo. makipag-usap sa manliligaw kahit kagalitan ng ina.
Ang Inang mo?
Si Tadeo na ama ni Miguel ay nanliligaw naman kay
Julia : Nariyan po sa labas: tatawagin ko po. (Papasok). Juana, na ina ni Julia. Kinabukasa‟y ikakasal na si Julia kay
Miguel. Nagpapatulong si Julia kay Lukas na tumakas upang
P. Teban: Magandang bata si Julia, at mukhang lalabas na pumunta kay Tenyong. Ngunit di alam ni Lukas kung nasaan
mabuting asawa..Marunong kang pumili, Miguel. na sina Tenyong kaya walang nalalabi kay Julia kungdi ang
magpakasal o magpatiwakal. Pinayuhan ni Lukas si Julia na
Tadeo : Ako, among, ang mabuting mamili, si Miguel po‟y kapag itatanong na ng pari kung iniibig nito si Miguel ay
hindi maalam makiusap. (Lalabas si Juana). buong lakas nitong isigaw ang “Hindi po!”. Ngunit tumutol
ang dalaga dahil mamamatay naman sa sama ng loob ang
Juana : Aba, narito pala ang among! Mano po, among! kanyang ina.

P. Teban: Ah, Juana, ano ang buhay-buhay? Sa simbahan, ikakasal na si Julia kay Miguel nang
dumating si Tenyong na sugatan. Ipinatawag ng Heneral ng
Juana : Mabuti po, among. mga Katipunero ang pari para makapangumpisal si Tenyong.
Kinumpisal ng kura si Tenyong. Ipinahayag ng kura ang
Tadeo : (Kay Miguel) Lapitan mo. huling hiling ng binata – na sila niJulia ay makasal. Galit man
si Juana ay pumayag ito. Maging si Tadeo ay pumayag na rin
Miguel : Baka po ako murahin ah! 17 May manliligaw si Julia sa huling kahilingan ng mamamatay. Gayundin si Miguel.
na Migue ang pangalan. Mayaman at bugtong na anak ngunit Matapos ang kasal, bumangon si Tenyong. Napasigaw si
dungo. Miguel ng “Walang Sugat”. Gayundin ang isinigaw ng lahat.
Gawa-gawa lamang ng Heneral at ni Tenyong ang lahat.
Payo ni Aling Juana: ”Ang pag-ibig ay tinatanggap ng mata
at itinutuloy sa isip at di sa puso” Tutol si Julia kay Miguel. Wakas (Magsasara ang telon)
Mga Elemento ng Sarsuwela
1. Iskrip o nakasulat na dula – Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon
sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip.
2. Gumaganap o aktor – Ang mga aktor o gumaganap ang magbibigay-buhay sa iskrip. Sila ang bumibigkas ng diyalogo, at
nagpapakita ng iba‟t ibang damdamin.
3. Tanghalan – Anumang pook na pinagpasyahang pantanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan. Maaaring hindi
lamang entablado ang tanghalan ang daan, sa loob ng siid-aralan, at iba pa ay nagiging tanghalan din.
4. Tagadirehe o Direktor – Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nagpapasya sa itsura ng tagpuan, ng
damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidepende sa interpretasyon ng
direktor sa iskrip.
5. Manonood – Ang nagpapahalaga sa dula. Sila ang pumapalakpak sa galing at husay ng nagtatanghal. Pinanonood nila nang
may pagpapahalaga ang bawat tagpo , yugto at bahagi ng dula.
6. Eksena at tagpo- Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang tagpo nama‟y ang
pagpapalit ng tagpuan.

Ang Sarsuwela ay isang anyo ng dulang musikal na unang umunlad sa España noong ika-17 siglo. Binubuo ito ng mga
pagsasalaysay na sinamahan ng mga sayaw at tugtugin at may paksang mitolohikal at kabayanihan. Hinango ang taguring Sarsuwela
sa maharlikang palasyo
ng La Zarzuela na malapit sa Madrid, España. Sa Pilipinas, dinala ito ni Alejandro Cubero noong 1880 kasama ni Elisea Raguer.
Itinatag nila ang Teatro Fernandez, ang unang grupo ng mga Pilipinong Sarsuwelista sa Pilipinas.
Ang sarsuwela bagamat ipinakilala noong panahon ng Español ay namulaklak noong Panahon ng Himagsikan at ng
Amerikano sa pamamayani nina: Severino Reyes na kilala sa taguring Lola Basyang sa kaniyang “Walang Sugat”, Hermogenes Ilagan
“Dalagang –Bukid”, Juan K. Abad “Tanikalang Ginto”, Juan Crisostomo Sotto “Anak ng Katupunan”, at Aurelio Tolentino
“Kahapon, Ngayon, at Bukas.”
Ang Sarsuwela o dula ay isang uri ng panitikan na ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan
ng isang manunuri ng panitikan ang tungkol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming
tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa
tanghalan ng mga tauhan.
Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang
dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na
iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan
na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.

You might also like