You are on page 1of 2

UNIT TEST #2

FILIPINO 8
SECOND QUARTER
Pangalan: __________________________________ Petsa: ___________________ Iskor:
Antas at Seksyon: ____________________________ Lagda ng Magulang: __________
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot. Ang isang salita ay maaring bigyan ng kahulugan sa
pamamagitan ng konotasyon o denotasyon. Ayon sa pagkakagamit ng salitang nakasulat ng madiin sa
pangungusap, tukuyin ang pinaka-angkop na kahulugan.

1. Tinawag na ahas sa gobyerno ang mga kumakalaban sa pamamalakad ng pangulo. Ano ang kahulugan
ng ahas ayon sa pagkagamit nito sa pangungusap?
a. masama b. makamandag na hayop c. kakampi d. sinungaling

2. Bulag ang puso ni Ryan sa mga kabutihang ginagawa ni Alma araw-araw. Ano ang kahulugan ng puso
ayon sa pagkagamit nito sa pangungusap?
a. tumutibok b. laman loob c. pag-ibig d. gripo

3. Labis na napinsala ng Bagyo ang mga pananim na palay ng mga magsasaka.


Ano ang kahulugan ng bagyo ayon sa pagkagamit nito sa pangungusap?
a. problema b. masamang panahon c. lugar d. kaguluhan

4. Si Dante ay namangha sa nakitang ganda ng tanawin. Ano ang kahulugan ng namangha ayon sa
pagkagamit nito sa pangungusap?
a. napangiti b. napa-iyak c. nagulat d. nagalit

5. Isa sa mga nagiging dahilan kung bakit hindi umuunlad ang ating bansa ay dahil sa mga buwaya sa
ating pamahalaan.
a. kurakot b. matakaw c. hayop d. kaibigan

Panuto: Alamin kung makatotothanan o di-makatotothanan ang mga pangyayari.


Bilugan ang titik ng pangungusap bilang paliwanag o pangangatwin sa kaisipan.

6. Matapos magsalita ng abrakadabra si Bangya ay biglang lumitaw ang sampung tigre. Makatotohanan ba
ito?
a. Makatotohanan sapagkat nakapagpalabas talaga ng tigre ang abra-kadabra.
b. Makatotohanan sapagkatnakapanood na ako ng mahika.
c. Di-makatotohana sapagkat hindi totoo ang mahika.
d. Di-makatotohanan sapagkat masyadong marami ang sampung tigre.

8. Sa lakas ng hangin at dami ng ulan na dala ng Bagyong Maring ay nangatumba ang mga puno at
nagmistulang dagat ang Baryo Maunlad. Makatotohanan ba ito?
a. Makatotohanan sapagkat maaaring matumba ang puno at malubog sa baha ang isang lugar.
b. Makatotohanan sapagkat nakarating na ako sa Bagyo at may mga puno doon.
c. Di-makatotohanan sapagkat wala pa akong nakitang baryon a nagging dagat.
d. Di-makatotohanan sapagkat wala namang kamay na pambunot ng puno ang bagyo.

9. Hindi umaani ng maraming kaban ng palay si Mang Kardo dahil sa kakulangan ng suplay ng tubig sa
kanyang sakahan. Kinurakot kasi ang perang nakalaam sa proyektong pang-agrikultura sa kanilang lugar.
Makatotohanan ba ito?
a. Makatotothana sapagkat Si Mang Kardo ay totoong isang magsasaka.
b. Makatotohanan sapagkat ang tubig ay kailangan ng palay para mamunga ng marami.
c. Di-makatotohanan sapagkat wala namang kurakot sa kanilang lugar.
d. Di-makatotohanan sapagkat tamad lamang si Mang Kardo.

10. Bumaha ng dugo sa tahanan ng alkalde ng Barangay matapos hindi bigyan ng aning palay ang mga
magsasaka. Makatotohanan bai to?
a. Makataotohanan sapagkat maaring bumaha ng dugo.
b. Makatotohanan sapagkat ang dugo ay sagisag ng buhay,
c. Di-makatotohanan sapagkat wala naming kasalanan ang alkalde.
D. Di-makatotohanan sapagkat walang Karapatan ang mga magsasaka.
Panuto: Ibigay ang konotatibo at denotatibong kahulugan ng mga salita at gamitin ang mga ito sa
pangungusap. (2pts.)

Halimbawa: Bola
denotasyon: laruan na hugis bilog

Pangungusap: Niregaluhan ng bola ni Lebron James ang isa sa kanyang mga tagahanga.

konotasyon: matamis na dila

Pangungusap: Nadala sa pambobola ng binata ang dalaga kaya nakamit niya ang matamis niyang oo.

11. haligi ng tahanan

denotasyon: ________________________________

pangungusap:

konotasyon:_________________________________

pangungusap:

12. pulang rosas:

denotasyon: ________________________________

pangungusap:

konotasyon:_________________________________

pangungusap:

13. ilaw ng tahanan

denotasyon: ________________________________

pangungusap:

konotasyon:_________________________________

pangungusap:

14. linta

denotasyon: ________________________________

pangungusap:

konotasyon:_________________________________

pangungusap:

15. ahas

denotasyon: ________________________________

pangungusap:

konotasyon:_________________________________

pangungusap:

You might also like