You are on page 1of 9

KATITIKAN NG PULONG

PETSA: Ika-20 ng Nobyembre


ORAS: 9:00 ng umaga
LUGAR: Senior High School Building, Grade 12- Wegener

MGA DUMALO: MGA HINDI


DUMALO:

1. Mailen Joy-Anne P. Amoguiz


2. Lavegne D. Borja
3. Peter Jhun Comon
4. Stephen S. Dolor
5. Jayleah Dramayo
6. Jeirylle D. Nopal
7. Glennell Ashley P. Platil

AGENDA:
1. Pagsisimula
a. Panalangin
b. Bating Pambungad

PANIMULA:
Ang pagpupulong ay nagsimula sa isang maikling panalangin, na sinundan ng
maayang bati mula kay Glennell Ashley Platil, ang Presidente ng Senior High School
Building.

2. Pag-apruba ng Agenda

Isinangguni ni Glennell Ashley Platil ang agenda na ipinasa bago ang pagpupulong.
Inaprubahan ito nang karampatang mga miyembro.

3. Pag-apruba ng Katitikan ng Nakaraang Pulong

Binasa ni Lavegne D. Borja ang katitikan ng nakaraang pulong. Inaprubahan ito


nang walang anumang pagtutol.

4. Mga Isyu sa Katitikan ng Nakaraang Pulong

Tinalakay ang mga isyu na nabanggit sa katitikan ng nakaraang pulong.


Napagkasunduan na gawing prayoridad ang agarang pagresolba sa mga ito.

LDB: MIsaalang-alang natin ang mga isyu na tinalakay sa nakaraang pulong. Una,
ang pagkakaroon ng kakulangan sa mga materyales sa laboratoryo. Ano ang ating
magiging plano para mapunan ito?
JD: Tama 'yon. Maaaring mag-set up ng fundraising para makabili ng mga
kailangang kagamitan o maghanap ng mga sponsor.

LDB: Oo, 'yon nga ang plano. Sino ang gustong mag-volunteer para maging parte
ng fundraising committee?

SD: Ako po, Kalihim. Handa akong mag-organize ng mga events para makalikom ng
pondo.

LDB: Napakagandang balita 'yan. Salamat. Ito ay magiging isang malaking tulong
para sa ating laboratoryo.

GAP: Ang pangalawang isyu ay ang hindi pagsunod ng ilang miyembro sa schedule
ng mga aktibidad. Paano natin ito maso-solusyunan?

MJA: Siguro, maari nating ipaalala sa kanila ang kahalagahan ng pagiging


disiplinado at pagrespeto sa oras. Pwedeng rin nating gawing mas strikto ang pag-
monitor ng attendance.

SSD: Oo nga, dapat talaga maayos ang attendance para maging maayos din ang
takbo ng mga aktibidad.

GAP: Ito ay isang magandang ideya. Lavegne, ikaw ba ay handang maging bahagi
ng committee na magmomonitor ng attendance?

LDB: Oo naman, Presidente. Handa akong mag-volunteer para dito.

GAP: Salamat, Lavegne. Tutulong ito sa mas maayos at maasahan na pagsunod ng


mga miyembro sa ating schedule. May iba pa ba tayong nais iparating o itanong ukol
sa mga isyung ito?

JD: Wala na, Presidente.

5. Mga Update sa Mga Gaganaping Programa o Okasyon sa Paaralan

Binigyang update ni Glennell Ashley Platil ang lahat tungkol sa nalalapit na


Christmas Party ng 2023. Inilahad ang mga plano at aktibidades para sa nasabing
okasyon.

Glennell Ashley Platil (Presidente ng Paaralan): Para simulan ang pag-uusap,


sino ang may mga ideya para sa nalalapit na Christmas Party? May naisip na ba
kayong tema natin?

Mailen Joy-Anne Amoguiz: Propose ko ang 'Winter Wonderland' bilang theme.


Classic, at bagay sa season!
Jeirylle D. Nopal: Sang-ayon ako kay Mailen. Pero paano kung gawin nating
potluck-style ang handaan? Mas personal at magiging masaya.

Peter Jhun Comon: Maganda 'yon, Jeirylle! At pwede rin nating isama ang
exchange gift para mas maging memorable.

Usapan tungkol sa theme, potluck-style na handaan, at exchange gift

Glennell Ashley Platil (Presidente ng Paaralan): Ang ganda ng mga ideya n'yo.
Mayroon na bang objections o may gusto pang idagdag?

Peter Jhun Comon: Ako'y may nais isuggest. Paano kung magkaruon tayo ng
Christmas Carol Contest? Magdadagdag ito ng pampalasa sa ating event.

Stephen S. Dolor: Pwede rin tayong mag-allocate ng budget para sa premyo at


production ng contest.

Usapan tungkol sa Christmas Carol Contest at budget allocation

Glennell Ashley Platil (Presidente ng Paaralan): Maganda ang flow ng ideya.


Peter, ano ang inyong mungkahi na budget breakdown para dito?

Peter Jhun Comon (Treasurer): Gumawa ako ng estimate. Php 5,000 para sa
decorations, lighting, at iba pang kagamitan; Php 3,000 para sa potluck-style na
handaan at exchange gift; at Php 2,000 para sa Christmas Carol Contest.

Jeirylle D. Nopal: Sang-ayon ako sa breakdown. Transparent at alam natin kung


saan pupunta ang pera. Sa ka buoan, Php 10,000 ang magagamit natin sa event na
ito.

Lavegne D. Borja (Kalihim ng Paaralan): Napagkasunduan na ang tema sa


Christmas Party ay 'Winter Wonderland' na gawing potluck-style ang handaan at
magkaroon ng exchange gift. Ang mga miyembro ay kumpyansa sa budget na
inilaan para sa decorations, lighting, at iba pang kagamitan. Isinama rin ang
Christmas Carol Contest sa mga aktibidades, na nagdagdag ng kasaysayan sa
event.

Glennell Ashley Platil (Presidente ng Paaralan): Mukhang maganda ang


consensus sa Christmas Party. Pumunta naman tayo sa Founder's Day ngayong
Nobyembre 29 . Ipinropose ni Peter Jhun Comon ang pagsasama-sama ng mga
section para sa isang cultural dance competition. Mayroon bang mga ideya para sa
parade at cultural dance competition?

Mailen Joy-Anne Amoguiz: Naisip ko na maaaring magdagdag tayo ng mga theme


para sa bawat section. Halimbawa, isang section ay may temang "Lumad Dance,"
samantalang ang isa naman ay "Tribal Fusion." Ito ay magbibigay ng mas maraming
porma at kahulugan sa paligsahan.
Jayleah Dramayo: Bilang karagdagan, naisip ko rin na magkaruon tayo ng
'Founder's Day Exhibit.' Ito ay maaaring magtaglay ng mga makasaysayang
larawan, artefacto, at kwento ng pag-usbong ng ating paaralan.

Glennell Ashley Platil (PresidentengPaaralan): Maganda 'yang idea, Jayleah! Ito


ay magbibigay daan para sa mas malalim na pag-unawa ng ating kasaysayan. Ano
pa ang mga suhestiyon ninyo ukol dito?

Jayleah Dramayo: Maaari rin tayong mag-request ng mga kontribusyon mula sa


mga alumni. Mayroon silang mga kwento at gamit na maaaring maging bahagi ng
exhibit.

Pagtatalaga ng Budget:

Glennell Ashley Platil (Presidente ng Paaralan): Sa lahat ng narinig natin,


mukhang maganda ang ating plano. Ano sa palagay ninyo ang nararapat na budget
para sa lahat ng ito?

Peter Jhun Comon (Treasurer): Para sa cultural dance competition, costume, at


props, maglalaan tayo ng Php 11,000. Samantalang para sa Founder's Day Exhibit,
may budget tayo na Php 5,000 para sa mga materyales at pagpromote nito.

Jeirylle D. Nopal: Ito ay tama para sa akin. Mahalaga ang sapat na budget para
maging maayos at magtagumpay ang ating mga plano.

Lavegne D. Borja (Kalihim ng Paaralan): Binigyang kahalagahan ang cultural


aspect ng Founder's Day. Nagkasundo ang lahat na magkaruon ng parade, sports
fest, at cultural presentation. Sinang-ayunan din ang pagpapasama-sama ng mga
section para sa cultural dance competition. Matagumpay na itinakda ang budget
para sa mga ito.

GAP (Presidente): Dumako naman tayo sa magaganap na Valentine's Day event


sa Pebrero 14 . Maaaring magbigay ng suhestiyon ang lahat.

Mailen Joy-Anne Amoguiz: Ako Pres! Paano kung gawing mas personalized ang
Valentine's Day celebration natin? Pwede tayong magkaruon ng 'Secret Admirer'
activity kung saan ang bawat isa sa atin ay magbibigay ng anonymous na munting
regalo sa kanyang 'crush.' Magiging mas exciting ito!

Peter Jhun Comon: Magandang ideya iyon, Mailen. Para mas maging romantic,
pwede rin nating lagyan ng mga love letters ang mga regalo. Ang dating contest na
speed dating ay maganda rin na ipatuloy, pero pwede rin nating gawing mas exciting
sa pamamagitan ng pag-organize ng 'Cupid's Challenge' na maglalaman ng mga fun
challenges para sa mga mag-partner.
LDB (Kalihim): Napakagandang mga ideya. Ipinapasa ko na ito para sa desisyon
ng lahat. Pwede nating isama ang 'Secret Admirer' at ang 'Cupid's Challenge' sa
ating Valentine's Day program. Maglagay tayo ng budget para sa mga regalo, love
letters, at iba pang pangangailangan sa activities.

Stephen S. Dolor: Para sa dance contest, pwede rin tayong magkaruon ng 'Dance
for Your Crush' kung saan ang mga participants ay magpeperform ng dance number
para sa kanilang crush. Magiging masaya ito at makakatulong sa pag-build ng
camaraderie sa buong SHS.

Jeirylle D. Nopal: Sang-ayon ako sa mga ideya. Pwedeng nating gawing 'DIY
Valentine's Cards' station kung saan pwede tayong magdesign ng ating mga sariling
Valentine's cards gamit ang mga recycled materials. Makakatulong ito hindi lang sa
budget kundi sa pagpapakita rin ng creativity ng bawat isa.

GAP (Presidente): Mukhang maganda ang mga ideya na nai-raise. I-aapprove ko


na ito at maglalagay tayo ng budget para sa regalo, decorations, at iba pang
kailangan. Maari na rin tayong mag-assign ng committees para mas organized ang
paghahanda natin.

Pinal na Desisyon at Budget:

"Secret Admirer" Activity: Php 4,000 (Regalo at Love Letters)


"Cupid's Challenge": Php 3,000 (Materials at Prizes)
"Dance for Your Crush" Dance Contest: Php 5,000 (Prizes at Setup)
DIY Valentine's Cards Station: Php 2,000 (Materials)

GAP (Presidente): Ngayon pag planohan naman natin ang Graduation Day. Sino
ang may mga ideya o suhestiyon?

Jayleah Dramayo: Ako, I suggest si Calix Fujimoto, isang kilalang leader at


inspirasyon para sa ating mga kabataan. Malaki ang maitutulong niya sa pagbibigay
ng motivational message sa ating mga graduates.

LDB (Kalihim): Pero baka naman mas maganda kung isa sa ating mga successful
na alumni ang maging guest speaker? Mas maa-appreciate ng ating mga graduates
ang mensahe kung makakarelate sila.

MJ: Magandang ideya 'yon, Lavegne. Mayroon tayong mga successful alumni na
pwedeng maging inspirasyon. Ano pa ang inyo'ng mga mungkahi?

GAP: Sige, ipagpapatuloy natin 'yan. Paano naman sa programa? May mga ideya
ba kayo para gawing espesyal ang seremonya?
JN: Paumanhin, pero paano kung mayroon tayong special recognition para sa mga
outstanding students? Parang awards ceremony sa loob ng graduation.

JD: Maganda 'yan! Para mas makilala ang mga achievers natin. Kailangan lang
natin ng maayos na criteria at mga premyo.

GAP: Okay, itutuloy natin ang brainstorming para dito. Pati na rin sa mga floral
arrangements at iba pang pangangailangan sa seremonya. Ngayon, tignan natin ang
budget. May mga objection ba sa inilaan natin na Php 25,000?
Stephen S. Dolor: Siguro Php 5,000 para sa premyo, President. Ang Php 30,000
total.

GAP: Okay, tama 'yan. I-aadjust natin ang budget. May iba pa ba?

MA: Pres, paano kung maglagay din tayo ng mga parangal para sa mga guro?

LDB: Oo nga, maganda 'yon! Para naman mas mapansin ang kanilang mga nagawa
para sa atin.

GAP: Excellent suggestion! Idadagdag natin 'yan sa programa at itatanghal natin


ang mga guro kasabay ng mga graduates.

6. Iba pang mga gawaing wala pang eskedyul:

Glennell Ashley Platil (Presidente ng Paaralan): Maganda rin sigurong pag-


usapan ang Miss SNHS 2023. Ano ang mga pamantayan at paano tayo
makakakuha ng mga maaring kandidata?

Jierylle Nopal: Para sa Miss SNHS 2023, maaaring magkaruon tayo ng talent
competition at interview portion para sa mga kandidata.

Glennell Ashley Platil (Presidente ng Paaralan): Ito'y magandang ideya. Ano pa


ang mga suhestiyon ninyo para dito?

Jayleah Dramayo: Nais ko ring itanong kung maari rin nating maisama ang Miss
Yuleteen 2023. Ano ang mga prizes at mga activities na maaring isagawa?

Glennell Ashley Platil: Tungkol naman sa Miss Yuleteen 2023, pwedeng


magkaruon tayo ng themed fashion show at Christmas talent showcase. Ano ang
inyong nais idagdag?

Peter Jhun Comon: Kung maaari lang po, ay nais ko sanang pag-usapan natin ang
Family Fun Day. Ano ang mga possible games at sino ang magiging coordinator?
Glennell Ashley Platil (Presidente ng Paaralan): Sa Family Fun Day, magandang
isama ang mga traditional na palaro tulad ng sack race at egg-and-spoon race. Si
Peter Jhun Comon ang magsisilbing coordinator para dito. Mayroon pa bang ibang
suhestiyon?

Lavegne D. Borja: Wala na, Presidente. Dumako naman tayo sa budget.

Pagtatakda ng Budget:

Stephen Dolor: Para sa Miss SNHS 2017, inirerekomenda ko na maglaan tayo ng


5,000 pesos para sa prizes at production.

Jierylle Nopal: Sa Miss Yuleteen 2017, inirerekomenda ko na maglaan tayo ng


7,000 pesos para sa prizes at pagpapagawa ng certificates.

Peter Jhun Comon: Para sa Family Fun Day, inirerekomenda ko na maglaan tayo
ng 8,000 pesos para sa mga laro at pagkain.

7. Mga Paalala Para sa Mga Senior High Students

a. Career Guidance Seminar

Stephen S. Dolor: Alam natin ang kahalagahan ng tamang career path. Paano kung
gawing interactive at hands-on ang career guidance seminar? Pwedeng tayong
mag-invite ng professionals na magbibigay ng insights at pwedeng din nating
itanong ang mga katanungan natin sa kanila.

Mailen Joy-Anne Amoguiz: Tama si Stephen. Para mas maging personal,


pwedeng din tayong magkaruon ng small group sessions para sa mas focused na
pagtutok sa bawat career path.

b. Deadline ng mga Requirements para sa Graduation

Lavegne D. Borja: Bilang paalala, importante na malaman natin ang mga deadlines.
Suggest ko na gawing visible ang mga ito sa mga bulletin boards sa school at ipa-
announce din sa social media accounts ng school para mas mabilis at mas maayos
na ma-disseminate sa mga students.

c. Submission ng mga Ideya para sa School Improvement

Jeirylle D. Nopal: Para sa submission ng mga ideya, pwede tayong magkaruon ng


suggestion box sa school. Para mas ma-encourage ang mga students, pwede nating
gawing contest ang pagbibigay ng mga innovative suggestions. Ang pinaka-creative
na suggestion ay maaaring mapasama sa school improvement plan.
8. Iba pang mga bagay:

Kalihim Lavegne Borja: Baka naman pwedeng mayroon din tayong outreach
program o community service. Maganda ito para sa bonding ng mga estudyante at
pagtulong sa komunidad.

Glennell Ashley Platil (Presidente ng Paaralan): Tama si Lavegne, subukan natin


isama ito sa agenda. Pero siguruhin natin na kaya ng budget at oras natin.

9. Petsa para sa susunod na buwanang pagpupulong (ika-15 ng Nobyembre):

Kalihim Lavegne D. Borja: Huwag natin kalimutan ang mga napag-usapan natin.
Ang susunod na pulong ay sa ika-16 ng Pebrero, 2023.

10. Pangwakas:

Kalihim Lavegne D. Borja: Bago tayo magtapos, tayo ay magdudulot ng


resolusyon para sa budget. Ano ang ating napagkasunduang budget para sa
Christmas party, Valentine's day, Graduation day, Miss SNHS 2017, Miss Yuleteen
2017, at Family Fun Day?

Presidente Glennell Ashley P. Platil: Ako'y sumasang-ayon sa mga budget na ito.


Mayroon ba tayong karagdagang suhestiyon o pag-aayos?

Jierylle Nopal: Ito'y ilalagay sa ating resolusyon. At saka, ako na ang magiging
coordinator para sa Miss SNHS 2023 at Miss Yuleteen 2023.

Jayleah Dramayo: Huwag nating kalimutan ang mga ideya para sa community
service. Pwede rin tayo maghanap ng sponsors para sa mga events.

Peter Jhun Comon: Bago tayo magtapos, huwag nating kalimutan ang petsa ng
susunod na pagpupulong, ika-16 ng Pebrero.

10. a. Panalangin:

Bago nagtapos ang pulong, inihatid ni Jayleah Dramayo ang huling bahagi ng
programa sa pamamagitan ng isang maikling panalangin.

Itinindig ang kapulungan ganap na ika-20 ng tanghali.

Pinapatunayang wasto at tumpak ang isinasaad ng katitikang ito.

LAVEGNE D. BORJA (lgd)


Kalihim ng Paaralan

GLENNELL ASHLEY P. PLATIL (lgd)


Presidente ng Paaralan

You might also like