You are on page 1of 5

Katitikan ng Pulong:

KATITIKAN NG PULONG PATUNGKOL Sa Gagawing Paghahanda para sa Mr.

LakanLikasan at Ms. LakamBiodiversity 2019

Canitoan National Highschool Brgy. Canitoan, Cagayan de Oro City

Petsa: Setyembre 12, 2019

Lugar ng Pulong: T.L.E room

Mga Dumalo Mga Hindi Dumalo

1. Mrs. Edessa Jones E. Ramirez

2. Ms.Paula Marie U. Jenner

3. Mr.Isaiah James L. Balbakuwa

4. Mrs.Ronna Zhavia C. Hathoria

5. Ms.Maristela Mauree C. Lopez

6. Mr.Jeric Fairyskin T. Nalumot

7. Mrs.Christina Perri C. Saliring

8. Mr.Yvo Lou Tang


9. Mr.Brendan Ezekiah E. Makabudlat

10. Ms Julliana Grace Segovia Nahalap

11. Ms.Allycca Dina Makebenta

Daloy ng Usapan

Panimula

1. Panalangin

2. Badjet para sa Mr. Lakanlikasan at Ms. Lakambiodiversity 2k19

3. Palamuti

4. Pagpapanatili ng kalinisan

5. Iba pa

PANIMULA:

MS:PAULA MARIE JENNER


Pinasimulan ng kalihim ang pagpupulong ganap na ika-4 ng hapon petsa ika-12 ng

Setyembre 2019 sa pamamagitan ng isang panalangin na nagmula kay Mr. Brendan

Makabudlat.

Matapos ang panalangin ay binasa ng kalihim ang tatalakayin na mga agenda para

sa pagdiriwang Science Month.

MS.PMJ: Dumako tayo sa paghahanap ng panggagalingan ng pondo sa ating

nalalapit na Mr. Lakanlikasan at Ms. Lakambiodiversity 2k19. ang bawat isa na

magbigay ng suhestyon.

MS. PMJ: Sige Ginoong Balbakuwa

MR.ISAIAH BALBAKUWA: May suhestyon po ako, magsagawa ng isang Fun Run na

tinatawag kong “Takbo para sa Kalikasan” upang makalihim ng pondo. Maganda rin

ito sapagkat maraming kabataan ang gusting sumali dito dahil ito ay napapanahon.

Magandang paraan din ito ng pag hihikayat upang tayo ay mag-exercise.

MS. PMJ: Maraming Salamat Ginoong Balbakuwa.May iba pa po bang suhestyon?

MS. JULIANNA: Pwede po kaming mga SSG ay magpatayo ng iba't ibang booths at

magbigay rin nang SINE ESKWELAHAN para sa ganon makalikom ng pondo at

makatulong.

MS. PMJ: Maraming Salamat Ms. Segovia. Para naman sa ating palamuti. Sino ang

may suhestyon

MR. JERIC NALUMOT: Ms. Jenner, pwede po akong mag layout ng tarp na gagamitin

natin at pati narin iba pang mga printed materials.

MR. YVO TANG: Dahil mga dakong hapon magsisimula ang kasiyahan. Maari po

tayong mag renta sa baranggay Canitoan ng mga lights na gagamutin 9para mas
may sigla at makulay ang entablado. Pwede rin tayong manghiram rin sa baranggay

ng extension para sa entablado para mas malawak ang gagalawan ng mga kalahok.

MS. PMJ: Maraming Salamat Mr. Nalumot at Mr. Tang . Para sa pagpapanatili ng

kalinisan Ano ang mga suhestiyon niyo?

MS. LOPEZ: Iminumungkahi ko na mag lagay ng maraming lagayan ng basura na

may segregation para sa ganon hindi mahihirapang maghanap ng tapunan ang mga

tao.

MRS. RONNA: Maari ring tumulong ang YES-O at SSG para sila ang sumaway sa

mga taong walang disiplina sa pagtatapon ng basura at makakapagpanatili ng

kalinisan at kaayusan.

PRINCIPAL RAMIREZ: Sa mga sinabi niyo, halos lahat ng iminungkahi niyo ay

magaganda at pwede nating gamitin ang mga suhestyon niyo sa papalapit na

paligsahan.

MS. PMJ: 50 pesos ang magiging registration fee para sa gagawing fun run at para

narin hindi mabigat sa bulsa ng estudyante at marami ang makakasali.

MS. NAHALAP: Sa SINEHAN ESKWELAHAN naman. Kada Biyernes ng hapon lang

ito maisasagawa dahil sa kadahilang may klase. Pero magpapalabas kami ng mga

bagong pelikula at kada tao ay 30 pesos ang tiket.

MS. PAULA MARIE JENNER: Sapat na ang mga pondo na maigagamit para sa mga

bagay na gagamitin. Ang sobra na fund ay iipunin para sa hinaharap na mga events

MS. DINA MAKABENTA: Mag pagpapagawa ako ng ibebentang souvenir t-shirt bilang

isang pagsuporta sa programa ng Science Month.

Itinindig ang kapulungan ganap na ika-5 ng hapon.


Pinapatunayang wasto at tumpak ang isinasaad ng katitikang ito.

MS.PAULA MARIE JENNER

Finance head

MS. EDESSA JONES E. RAMIREZ

Sschool Prnicipal

You might also like