You are on page 1of 1

CATAPANG, Jamiel S.

2016142388
FIL100 – A22 QUIZ 2
NARATIBONG ULAT HINGGIL SA BUWAN NG WIKA
1. Kahusayan sa paghahatid ng saliksik hinggil sa kulturang Siksik ng mga
Pilipino (kapistahan)
Ang aking mga naiambag sa pananaliksik ng kapistahang Kadayawan ay ang
pagsasagawa PowerPoint Presentation; naging researcher ako patungkol sa
Kadayawan; sa ispisikong parte ng aking research ay: kung ano ang mga kahulugan ng
Kadayawan: kung bakit importante ang Kadayawan festival sa bansa at sa mga tao sa
Davao, mga sinisimbolo at mga layunin nito at kung ano ang tawag sa mga taong
nakatira sa Davao. At, ako rin ay may naiambag sa pag-edit at pagsasaayos ng
PowerPoint namin.
2. Kaangkupan ng mga pagkain (kakanin) sa kulturang ipinahayag
Ang mga pagkaing naibahagi ng aming seksyon ay ang Pudding (o Budin) at
Brojas. Kaming buong klase ay nag-ambagan ng 50.00 PHP kada isang tao para sa
pagkain na ito.
3. Kagandahan ng kabuuang presentasyon
Hinggil sa disenyo ng presentasyon, kasama na rin sa 50.00 PHP iyon sapagkat
naging sapat naman ito upang maging angkop at presentable ang maipapakita namin
sa manonood.
4. Pagkakaisa/disiplina ng pangkat
Ginawa ko agad ang aking obligasyon sapagkat kailangan ng maayos at hindi
minamadaling awtput para sa kaganapang noong August 30, 2018. Obligasyon kong
mag-ambag ng aking kaalaman hinggil sa Kadayawan festival upang mas mapa-ganda
ito at mas mapahusay pa ang buong gawa ng klase. Nagkaroon kami ng kooperasyon
hinggil sa aming presentasyong naganap. Naging madali ang pagdedesisyon namin sa
kung sino ang taong magpepresenta sa aming klase, ito ay si Lloyd Aldana. Dahil sa
desisyon na iyon, mas nagkaroon kami ng oras upang planuhin ang dapat niyang
gawin.

5. Pagsunod sa tuntunin
Ang ginawa namin ay pinaghati-hati muna ang buong klase sa kung sino sa
parte ng research, sa parte ng pagdidisenyo at sa parte ng pera. Lahat ng klase ay
sumang-ayon sa pag-ambag ng pera (50.00 PHP). Pagkatapos ay 15 miyembro sa
research para sa sasabihing presentasyon ni Lloyd Aldana, at 10 miyembro sa
pagdidisenyo. Pagkatapos nito ay ini-hati kami ng aming guro sa apat na grupo.
pinagawa ng PowerPoint Presentation, at mamimili sa apat na grupo kung anong mas
ka-gamit gamit na PowerPoint sa mismong Pagdiriwang.

You might also like