Talasalitaan

You might also like

You are on page 1of 2

Talasalitaan: Kabanata XIV

1. Paghuhunos-dili
o Ito ay katumbas ng mga salitang pagtitiis, pagtitimpi, pagpipigil at kahinahunan
o Haliimbawa: Ako ay may paghuhunos-dili ngunit kapag ito ay inabuso, hindi ninyo
magugustuhan.
2. Karukhaan
o Ito ay ang paghihirap sa buhay o kahirapan
o Halimbawa: Ang karukhaan na ating dinaranas ay hindi maaayos kung lahat ng
namumuno ay korap.
3. Sukdang
o Ang sukdang ay salitang Cebuano na nangangahulugang “lawak”
o Halimbawa: Ang sukdang ng aking bahay ay sinasaklawan ng kasasaysayan ng aking mga
ninuno.
4. Sansinukob
o Ito ay salitang katumbas ng Uniberso o Universe sa ingles.
o Halimbawa: Ang sansinukob ay maraming planeta, kasama na ang ating daigdig.
5. Nag-aagay agay
o Ito ay salitang may katumbas sa “tumatagas”
o Halimbawa: Nag-aagay agay na ang tubig sa may tubo ng ating kusina.
6. Makaniig (P.234)
o Ito ay may kahulugang “makausap”
o Halimbawa: Gusto lamang kitang makaniig upang makahingi ako ng paumanhin sa aking
mga nagawa noong mga nakaraang araw.
7. Kapisanan
o Ito ay isang uri ng grupo o samahan.
o Halimbawa: Ang kapisanan noong araw puno ng paghihimagsikan at pagpoprotesta sa
gobyerno at namamahala.
8. Popoonin
o Sinasamba ang isa na parang siya ay ang diyos.
o Halimbawa: Hindi ka nanamin popoonin dahil isa lamang ang Diyos namin at iyon ang
nasa itaas at ang gumawa ng ating mundo.
9. Magkakaniigan
o Ito ay sinasabi noon kung saan ang dalawang tao ay magkakausap pa lamang.
o Halimbawa: Magkakaniigan lamang tayo kung seseryoso ka na at hindi magbibiro.
10. Talastasin
o Ito ang salitang nangangahulugan sa pakikipag-ugnayan, makipag-ugnayan o makibalita.
o Halimbawa: Mahirap talastasin ang mga taong walang interes sa mga bagay na aking
gustong sabihin.
11. Kabatasan
o Ito ang salitang Espanyol na hango sa tagalog na “Ordinansa”
o Halimbawa: Ang kabatasan na ang siyang magdedesisyon sa kalagayan mo ngayon.
12. Junta
o Ito ay pagpupulong pulong ng mga tao para ilaban o makuha ang isang bansa
o Halimbawa: Ang Junta Internacional na ang bahala upang masakop ang bansang
Pilipinas.
13. Masasapa
o Ito ay sinasabi noon kapag nakahanap na ng solusyon sa isang bagay.
o Halimbawa: Masasapa lamang ng ating grupo ang problema kung tayo ay
magtutulungan.

You might also like