You are on page 1of 15

11

1
Pagbasa at Pagsusuri
ng Iba’t ibang Teksto
Tungo sa
Pananaliksik

Ikaapat na Markahan – Modyul 1


Mga Batayang Kaalaman
ng Pananaliksik
Pagbasa at Pagsulat ng Ib’at ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik– Ikalabin-isang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Semestre na Module: PAGSULAT NG PANANALIKSIK
Taong Panunuran: 2020-2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (halaw na mga seleksiyon, mga ideya, larawan, tatak o trademark atbp.)
na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang
gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na
may-akda ng mga ito.

Walang anomang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones

Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Tagapagkontekstuwalisa: Josephine O. Torrefranca, T-III
Pardo National High School
Erika M. Cabarse, T-II
Cebu City National Science High School
Mga Tagapatnugot: Irish L. Tadios, HT 3 – Cebu City National Science High School

Tagasuri: Alice Ganar, Daisy Von Dy & John Paul J. Kapuno


Tagapamahala: Rhea Mar A. Angtud, Schools Division Superintendent
Danilo G. Gudelosao, Ass. Schools Division Superintendent
Grecia F. Bataluna, Chief – Curriculum Implementation Div.
Marivic C. Ople, EPSvr – Filipino/MTB – MLE
Vanessa L. Harayo, EPSvr – LRMDS
Luis Derasin Jr.,EPS-Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Unang Edisyon taong 2020


Department of Education – Region VII
Office Address: Imus Ave., Cebu city
Telefax: 032-2551516
E-mail Address: cebu.city@deped.gov.ph

2
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling PAGSULAT NG PANANALIKSIK!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambulikong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansariling pagpapalawak ng kaalaman at lalo pang pagpapataas ng
antas ng kasanayan sa kritikal, lohikal at proseso ng pang-ekademikong pagsulat hamon sa
komunikatibong pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode


(ADM)

Modyul ukol sa Pagbasa at Pagsusuri ng Ib’at ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng mga gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay
sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang
matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-
akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay hinahati sa dalawang yunit bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang
wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman ang iba’t ibang


araling may kaugnayan tungkol sa katuturan,
layunin, metodo, proseso, gamit, etika at
konsepto ng pagsulat o pagbuo ng sulating
pananaliksik.

3
Subukin Sa pagsusulit na ito, masasagot mo kung ano na
ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%).
Ang modyol ana ito ay maaari mong laktawan.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
pagpakahukugan, pgbibigay-katangian,
paglalarawan, pagpapaliwanag o paglalahad at
pag-iisa isa sa mga proseso ng pananaliksik.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


Pagyamanin pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa tulong ng
iyong guro.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan at oryentasyon ng pananaliksik.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi ng pagbasa at pagsulat
ng iba’t ibang teksto tungo sa pananaliksik.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
4
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang sa
bawat aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


Pagwawasto mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o


paglinang ng modyul na ito.

5
Panimula

Sa yunit na ito tatalakayin ang pagsulat ng pananaliksik na


nasa anyo ng akademikong pananaliksik. Ang Pagbasa ay
komponent ng pananaliksik. Ito ay kompleks na kognitibong
proseso ng pagtuklas sa kahulugan na bawat simbolo upang
makakuha at makabuo ng kahulugan. Mahalaga ang
interaksiyon sa pagitan ng teksto at mambabasa na hinuhulma
ng mga paniniwala, kaalaman at karanasan ng mambabasa at
ng kultural at panlipunang tekstong kinalalagyan ng
mananaliksik sa pagkuha ng mga impormasyon sapagkat
bahagi ito nang pagsasagawa ng pananaliksik.
Nahaharap ang isang mag-aaral sa napakaraming obligasyon sa
sandaling dumako sa aralin ng pagsulat. Hindi lamang iisa
kundi iba’t-ibang uri ng sulatin ang dapat niyang ihanda upang
tumutugon sa mga kakailanganing disiplina at etika ng
pananaliksik tungo sa pagsulat. Ang pagsulat na gagawin ay
maaaring akademik, jornalistik, o teknikal.
Ang Akademik na Pagsulat. Ito’y sumasaklaw sa mga sulating
inihahanda ng isang mag-aaral kaugnay sa kanyang pag-aaral.
Kabilang dito ang pagsulat ng report, reaksyong papel,
konseptong papel, jornal at pamanahong papel.
Ang Pananaliksik ay maka-agham na pagsisiyasat ng
phenomena, ideya, konsepto, isyu at mga bagay na kailangan
bigyang linaw, patunayan o pasubalian at mahalagang ito’y
istandard sapagkat hangad nitong mapalawak ang kaalaman ng
mga mag-aaral o mambabasa.

Source: https://www.google.com/search?q=picture+frame

6
PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO: Nasusuri ang ilang halimbawang
pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika sa pananaliksik F11PB –
IVab – 100

Pagkatapos ng modyul 1, ikaw ay inaasahang:


1. Nakapagpapaliwanag ng kahulugan at katangian ng isang makabuluhang
pananaliksik.
2. Nakapag-iisa-isa sa mga layunin at kahalagahan sa pagsunod ng tamang gamit,
metodo at etika sa pagsulat ng pananaliksik.
3. Nakasusuri sa layunin, gamit, metodo at etika mula sa mga larawan.

Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Suriin ang pahayag kung
ito ay wasto at isulat ang Tama sa nakalaang patlang at kung mali ang pahayag isulat
ang letrang X.

______1. Ang pananaliksik ay isang makaagham na pagsisiyasat ng penomena, ideya,


konsepto, isyu at mga bagay na kailangang bigyang-linaw, patunayan ang lahat ng
pangyayari at ang suliranin ay dapat na makatotohanan.
_______2. Ang pananaliksik ay maaaring nakabatay sa sariling karanasan at kuru- kuro.
_______3. May mga pananaliksik na hindi kailangang gamitan ng haypotesis sapagkat ito ay
napatunayan o napasubalian na.
_______4. Maaaring hindi lahat ng pananaliksik ay kailangang maging sistematiko.
_______5. Mahalaga ang pagiging obhetibo ng isang mananaliksik upang matapat na kilalanin
ang mga pagkakamali sa papel-pananaliksik.
_______6. Nararapat ang pananaliksik ay orihinal.
_______7. Napaloob sa pananaliksik ang mga interpretasyon, pagkakaroon ng
maingat na paghahanay, pagtataya at pagsusuri ng mga datos.
_______8. Ang pananaliksik ay hindi kailangan ng maraming ebidensya at
komprehensibong pagsusuri.
_______9. Lahat ng uri ng pananaliksik ay kapaki-pakinabang at walang puwang ng
pagkakamali.
_______10. Sa pananaliksik, pwedeng ulitin ang pagtalakay o pag-aaral ng isang problema
kahit na ito ay nalutas na.

7
Mga Batayang Kaalaman
1 ng Pananaliksik

Alamin

Kung gumawa ka ng anumang pananaliksik sa mga nakaraang taon, gaano man ito
kapayak tiyak na nakakakuha ka ng iba’t ibang aral at mga kaalaman mula sa mga ito. Sa
unang aralin ay matutunghayan mo ang mga batayang kaalaman tungkol sa pananaliksik.
Ang mabuting aral na ito ay nagsisilbing batayan ng mga kahalagahang gamit, layunin,
proseso at hakbang para sa paghahanda ng mabuting pananaliksik upang ikaw ay
magkaroon ng malawak na pag-unawa sa mga pangyayari, bagay, katawagan at iba pa upang
ikaw na mananaliksik ay magkaroon ng tamang moralidad sa anumang gawaing pananaliksik
na pagdadaanan.
Bilang mag-aaral kaakibat mo ito at mahalagang maunawaan ang mga katuturan,
pakay, hakbang at tamang asal sa gagawing sulating pananaliksik nang sa gayon ikaw ay
mapagkatiwalaan sa mga impormasyong nais mong iparating sa mga mambabasa sapagkat
gumawa ka ng tamang pagsusuri at naging obhetibo kang mananaliksik.

Balikan

Nagkaroon ka na ba ng pagkakataong gumawa ng mapanuring pagbasa at pagsulat sa


anumang gawain kung saan nangalap ka ng bagong impormasyon sa kahit anong
asignatura sa nakaraang taon? Itala mo ang mga aral na natutuhan mula sa karanasang
iyon. Isulat ang iyong sagot sa loob ng flow chart.

Karanasan ko sa
Pananaliksik sa…

8
Tuklasin

Panuto: Kaugnay ng sulating pananaliksik isulat sa Word organizer ang anumang


kaalaman na iyong nauunawaan sa salitang pananaliksik na may kaugnayan sa paksa.

9
Suriin

Ang kahulugan ng pananaliksik ayon kay Vizcarra (2003), ay isang sistematiko,


kontrolado, empiriko, at kritikal na pag-imbestiga sa haypotetikal na pahayag tungkol
sa inaakalang relasyon o ugnayan ng mga natural na penomenon.
Idinagdag nina Atienza et al. (1996), na ang
pananaliksik ay isang maka-agham na kritikal na
pagsisiyasat o pag-aaral, matiyaga, maingat,
sistematiko, mapanuri, at tungkol sa isang bagay,
konsepto, gawain, problem, isyu, o aspekto ng
kultura at lipunan.

Ang pananaliksik sa parehong kaisipan din


ipinahayag ni Sauco (1998), ay isang pamamaraang
sistematiko, pormal at masaklaw na pagsasagawa ng
pagsusuring lohikal at wasto sa pamamagitan ng
matiyaga at hindi dagliang pagkuha ng mga datos sa
mga pangunahing maaaring pagkukunan. Inaayos
ang mga ito at pagkatapos ay isinusulat at iniuulat.

Ayon naman kay Sanchez (1998), ito ay puspusang pagtuklas at paghahanap ng mga
hindi pa nalalaman. Ipinahayag naman ni Sevilla (1998), na ang pananaliksik ay paraan ng
paghahanap ng teorya.

Layunin ng Pananaliksik
Ayon nina Austero, et al. (2006) ang pananaliksik ay:

1. Makatuklas ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid na.


2. Makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na
nalutas.
3. Maka-develop ng episyenteng instrumento, kagamitan o
produkto
4. Makatuklas ng mga bagong sabstans o elemento
(komposisyon o kabuuan ng isang bagay).
5. Makalikha ng mga batayan para makapagpasya at makagawa
ng mga polisiya, regulasyon, batas o mga panuntunan na
maaaring gamitin sa iba’t- iba’t ibang larangan.

10
6. Matugunan ang kyuryusidad, interes at pagtatangka ng isang mananaliksik.
7. Madagdagan, mapalawak at mapatunayan ang mga kasalukuyang kaalaman.

Mula naman sa paliwanag ni Lartec (2011):


1. Mapaunlad ang sariling kamalayan sa paligid.
2. Makita ang kabisahan ng umiiral o ginagamit na pamamaraan at estratehiya sa
pagtuturo at pagkatuto.
3. Mabatid ang lawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa isang partikular na disiplina.

Ito’y isang pandalubhasang uri ng sulatin na nangangailangan ng sapat na panahong-


paghahanda, matiyaga at masinsinang pag-aaral, maingat, maayos at malayuning pagsulat
para mayari at mapangyari itong maganda, mabisa at higit sa lahat, kapaki-pakinabang sa
lahat, kapaki-pakinabang na pagpupunyagi (Arrogante, 1992).

Kaalaman sa Pananaliksik

Ang pananaliksik ay sistematiko. Ito ay sumusunod sa maayos at makabuluhang


proseso na nagbubunsod sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon sa suliranin o anuman na
naglalayong matuklasan ang bagay na hinahanapan ng kasagutan.
Ang pananaliksik ay kontrolado. Ito ay hindi isang ordinaryong problema na
madaling lutasin. Pinaplano ito nang mabuti at ang bawat hakbang ay pinag-iisipan kaya
hindi pwedeng manghula sa resulta ng isinasagawang pag-aaral. Ang napiling suliranin ay
binibigyan ng pagpapaliwanag, kinikilala at pinipili ang mga baryabol.
Ang pananaliksik ay empirikal sapagkat ipinakikita rito na kapag ang lahat ng mga
datos ay kumpleto na, ang mga ebidensya ay handa na upang mapatunayan o
mapasinungalingan ang binuong haypotesis. Ang mga empirikal na datos ay magsisilbing
batayan sa pagbuo ng kongklusyon.
Ang pananaliksik ay pagsusuri. Ito ay masusing pag-aaral sa mga datos na
kwantitatibo at kwalitatibo. Sinasabing kwantitatibo kapag ang pagsusuri ay nakatuon sa
pagkalkula ng mga bilang na ginamit samantalang ang kwalitatibo ay tumutukoy sa malinaw
at tiyak na pagbibigay ng kuru-kuro o interpretasyon. Sa kwalitatibong pananaliksik makikita
ang kritikal na pagsusuri sa mga dokumentong nakuha na magiging batayan sa pagbibigay
ng kongklusyon. Ang mga datos na sinusuri sa isang pananaliksik ay karaniwang hango sa
talatanungan, pakikipanayam, sarbey, at iba pa. Ang mga dokumentong ito ang sinisiyasat
nang mabuti.
Ang pananaliksik ay lohikal, obhetibo, at walang kinikilingan. Ang anumang resulta
ng pag-aaral ay may sapat na batayan at hindi salig sa sariling opinyon ng mananaliksik.
Ang mananaliksik ay dapat na walang pinapanigan o kinakampihan. Dapat itala niya ang
anumang naging resulta ng pag-aaral. Maituturing na isang krimen ang pagmanipula sa
resulta ng anumang pag-aaral kaya dapat sikapin ng mananaliksik na maging matapat at
obhetibo.
Ang pananaliksik ay ginagamitan ng haypotesis. Ayon kay Best (1981), ang
haypotesis ay pansamantala o temporaryong pagpapaliwanag sa isang tiyak na kaasalan,

11
bagay na hindi pangkaraniwan, pangyayaring naganap na o magaganap pa lamang. Ang
haypotesis ay tumutukoy sa tiyak na pagpapahayag ng suliranin sa isasagawang pag-aaral.
Ipinakilala ng haypotesis ang kaisipan ng mananaliksik sa simula pa lamang ng pag-aaral.
Orihinal na akda ang pananaliksik. Hangga’t maaari, tiyaking bago ang paksa at wala
pang nakagawa sa nasabing pananaliksik. May sistema ang pananaliksik. Tulad ng iba pang
siyentipikong gawain, ang pananaliksik ay may sistemang sinusunod. Mahalagang ang
mananaliksik ay taglay niya ang etika ng pananaliksik. Hindi naaaksaya ang oras, panahon
at salapi kung ang gawain ay nasa ilalim ng nararapat na proseso.

Isaisip

Tandaan:
Ang Mga Batayang Kaalaman sa Pananaliksik bilang isang disiplina ay mahalaga sa pag-unlad
ng isang bansa. Ito ay may malaking papel na ginagampanan sa pag-unlad ng komunidad, kalakalan,
edukasyon, pulitika at iba pa. Layunin at kahalagahan ng pag-aaral ang pagtalakay sa kahalagahan ng
buong pag-aaral at kung ano ang magiging kontribusyon nito sa larangan ng edukasyon at siyensya.
Ito ay isang maingat at sistematikong paghahanap ng kaukulang impormasyon o datos sa tiyak na
paksang pag-aaralan. Binabanggit din kung sino ang makikinabang at ang posibleng implikasyon ng
pag-aaral na gagawin sa mga taong tinutukoy na makikinabang.

Isagawa

Panuto: Sagutin ang sumsusunod na tanong batay sa naunawaan mula sa aralin.

1. Matapos mong mabasa at mabatid ang iba’t ibang kahulugan ng pananaliksik,


masasabi mo bang napapalalim ang iyong kaalaman? Ipaliwanag kung ano ang iyong
natutunan.
2. Bakit may mga mananaliksik na hindi nagtatagumpay? Ano kaya ang dahilan nito?
3. Sa palagay mo, ano kayang posibleng dahilan na kadalasan ang mananaliksik ay
nahaharap sa suliranin sa panahon na siya ay nananaliksik?
4. Ano-ano ang nararapat mong gawin para ikaw ay karapat-dapat tawaging isang
huwarang mananaliksik?

12
Pagyamanin

Panuto: Basahing mabuti at suriin ang bawat pahayag kung ito ba ay pananaliksik o
mananaliksik. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

_______________1. Pag-alam sa mga dahilan kung bakit lumaganap ang nakawan sa isang
lugar.
_______________2. Nagbasa ka sa Wikipedia upang alamin ang puno’t dulo sa paglaganap ng
Sarscov-2 sa buong mundo.
_______________3. Nangalap ang mga mag-aaral ng ilang datos na magagamit sa kanilang pag-
aaral.
_______________4. Pag-alam kung ano ang epekto ng paggamit ng cell phone sa performans ng
mga mag- aaral sa kanilang pag-aaral.
_______________5. Ang pag-ungkat sa mga dahilan ng paglaganap ng isang bagong sakit na
Covid-19 at kung ano ang posibleng lunas nito.
_______________6. Binabakas ng guro ang dahilan ng pagbaba ng marka ng ilan sa kanyang
mga mag-aaral.
_______________7. Pinag-aralan mo ang nasyonalismo sa mga piling akda ng Eareserheads.
_______________8. Pagtatakda ng disenyo at pamamaraan ng pagsulat sa nakalap na
impormasyon.
_______________9. Pagmamasid sa kilos, pag-uugali, at interaksiyon ng mga kalahok sa isang
likas na kapaligiran.
_______________10. Ilarawan ang gagamiting instrumento sa pangangalap ng mga datos.

Tayahin
Panuto: Suriin ang larawan na nasa Hanay A at kilalanin kung anong katangian ng
pananaliksik ang nababanaag nito ayon sa pagpipilian na nasa Hanay B. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B

____1. imahe 1 a. lohikal o obhetibo

google.com/search?q=science+images+clip+art&source

13
____2. imahe 2 b. orihinal

____3. imahe 3 c. sistematiko

google.com/search?q=science+images+clip+art&source

____4. imahe 4 d. pagsusuri

google.com/search?q=science+images+clip+art&source

____5. imahe 5 e. kontrolado

Source: https://angkalasag.wordpress.com/2019
/11/03/pagbuo-sa-tulay-ng-kinabukasan/

____6. imahe 6 f. ginagamitan ng haypotesis

google.com/search?q=science+images+clip+art&source
clip+art&source

____7. imahe 7 g. impirikal

google.com/search?q=science+images+clip+art&source

14
Karagdagang
Gawain

Panuto: Magbigay tigdalawang halimbawang pananaliksik sa bawat kategorya na makikita


sa ibaba.

1. Pagbigay ng panlipunang kaalaman


a. ________________________
b. ________________________

2. Pang-agham
a. ________________________
b. ________________________

3. Pagtuklas sa mga penomena


a. ________________________
b. ________________________

4. Pagtulong o pagsagot sa suliraning panlipunan


a. ________________________
b. ________________________

Sanggunian

Dayag, A. et al. (2016). Pinagyamang Pluma “Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik. nina Phoenix Bookstore. Quezon City. p119-222.
De Laza, C. et al. (2007). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik: kahulugan layunin at
katangian. Rex Bookstore, Inc. Quezon City. P157-158.

None:
https://www.google.com/search?q=key+answer&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahU
KEwiTyOCQuLrqAhUEVN4KHX_-
Aa0Q_AUoAXoECA0QAw&biw=1366&bih=657#imgrc=SkBvyUEpX446
https://www.google.com/search?q=picture+frame+pencil&tbm=isch&ved=2ahUKE wiL5aD-
oNHqAhXbx4sBHVoZAqYQ2- dMwmuSM

15

You might also like