You are on page 1of 25

Pagsulat sa Filipino sa

Piling Larang-Akademiko
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Panukalang Proyekto
Pambungad sa Pilosopiya ng Tao – Ikalabing-isang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Panukalang Proyekto
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

SENIOR HS MODULE DEVELOPMENT TEAM

Author : Angelica V. Tabungar


Co-Author - Content Editor : Benjun S. Marticio
Co-Author - Language Reviewer : Benjun S. Marticio
Co-Author - Illustrator : Angelica V. Tabungar
Co-Author - Layout Artist : Angelica V. Tabungar

Team Leaders:
School Head : Odielon O. Gamboa
LRMDS Coordinator : Jaycee B. Barcelona

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Learning Area : Mila D. Calma
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
Pagsulat sa Filipino sa
Piling Larang -Akademiko
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Panukalang Proyekto
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagsulat sa Filipino sa Piling


Larang- Akademik at Ikalabing-isang Baitang ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Panukalang Proyekto!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay


at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag- aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo
na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.

1
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang- Akademik


at Ikalabing-isang Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
ukol sa Panukalang Proyekto.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang
mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong
tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong


maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at
mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang- unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang
kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain
panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
Pagwawasto mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan


Sanggunian sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka


ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-
unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang magkaroon ng lubos


na pag-unawa ang mga mag-aaral sa mahusay na pagpaplano ng isang
proyekto maging ang mga makikinabang dito.

Matapos ang mody

ul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:


1. Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademik (CS_FA11/12PB-0m-
o-102)
a. Nakasusulat ng panukalang proyekto para sa pamayanan o paaralan.
b. Natutukoy ang mahalagang bahagi ng panukalang proyekto.
c. Nakapagsasagawa ng pananaliksik at ng palitang pangkritik sa
isang panukalang proyekto.

4
Subukin

A. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang inilalarawan sa bawat pangungusap.


Petsa Badyet
Nagpadala Pakinaang/benepisyo
Layunin Pagpapahayag ng suliranin
Plano ng dapat Gawin Pamagat

1. Naglalaman ito ng tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto.


2. Naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat
isagawa ang panukala.
3. Araw kung kalian ipinasa ang panukalang papel. Isinasama rin sa
bahaging ito ang tinatayang panahon kung gaano katagal
gagawin ang proyekto.
4. Kadalasan, ito ay hinango mismo sa inilahad na pangangailangan
bilang tugon sa suliranin.
5. Ang kalkulasyon ng mga guguling gagamitin sa pagpapagawa ng
proyekto.
6. Dito nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat maisagawa o
maibigay ang pangangailangan.
7. ang nagsisilbing kongklusyon ng panukala kung saan nakasaad
dito ang mga taong makikinabang ng proyekto at
benipisyong makukuha mula rito.
8. Dito makikita ang talaan ng pagkakasusunod-sunod ng mga
gawaing isasagawa para sa pagsasakatuparan ng proyekto
gayundin ang petsa at bilang ng araw na gagawin ang bawat isa.
B. Panuto: Isulat kung TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng
katotohanan at MALI kung hindi.

1. Mahalagang maging maingat sa pagpaplano at pagdidisenyo


ang
panukalang proyekto.
2. Ang panukalang proyekto ay nangangailangan ng kaalaman,
kasanayan, at sapat na pagsasanay.
3. Nararapat lamang na magyabang o magsermon sa isang
panukalang proyekto.
4. Kailangang maging tapat at totoo ang layunin ng isang
panukalangan proyekto.
5. Ang panukalang proyekto ay isang kasulatan ng mungkahing
naglalaman ng mga plano.
6. Pinakamalaking bahagi ng panukalang proyekto ay ang wasto at
tapat na paglalatag ng badyet.
7. Kadalasan ang panukalang proyekto ay naaprubahan kung
malinaw na nakasaad kung sino ang matutulungan nito.

Maiwawasto ang iyong mga kasagutan sa dulo ng aralin. Ngunit


maaari mong mas maunawaan ang mga paunang kaalaman na iyong
sinagutan habang binabasa at isasagawa ang mga susunod na gawain sa
modyul na ito.
Aralin
Panukalang Proyekto
1
Hindi masamang bumuo ng isang plano, lalo na kung ito ay
makatutulong hindi sa iilan kundi sa karamihan. Sa patuloy na pagbabago sa
ating mundong ginagalawan, marapat lamang na umiisip at humanap ng
solusyon at magplano kung paano mapabubuti ang kondisyon ng isang
komunidad, samahan, o isang gawain upang magkaroon ng maayos
na sistema at patakaran.

Sa araling ito ay mararanasan mong maglahad ng isang panukala


para sa paglulunsad ng isang pagbabago o kaya naman ay para
malutas ang isang suliranin.

Matututuhan mo sa araling ito ang pagsulat o paggawa ng


isang panukalang proyekto.
Balikan

Anong pinakahuling proyekto sa inyong paaralan o pamayanan ang


iyong nabalitaan o natatandaang nagdulot ng malaking pakinabang para
sa iyo at sa maraming tao? Ibahagi o ipahayag mo ang ilang
mahahalagang bagay hinggil sa nasabing proyekto sa pamamagitan ng
pagkompleto sa
Pyramid Diagram sa ibaba.

Pangalan/
Pamagat ng
Proyekto
Nagpanukala o
nanguna sa proyekto

Lugar kung saan isinasagawa o


ipinatupad

Petsa ng pagpapatupad

Tao/mga tao na nagpapatupad/


nagsasagawa ng proyekto

Pakinabang o magandang dulot ng proyekto

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang
makalikha at mailarawan ang mga hugis ng katawan ayon sa
kung paano ito ginagawa o inilalahad sa isang larawan.
Tuklasin

Pagpapayaman ng Talasalitaan

Gamit ang Bulaklak ng Talinghaga, ibigay ang kahulugan


ng mahahalagang termino sa pagsulat ng panukalang proyekto. Isulat ito
sa
petal ng bulaklak at pagkatapos ay gamitin sa pangungusap.

Panukala

Balangkas
Badyet
Panukalang
Proyekto

Suliranin
Solusyon

Ang sagot mo sa naunang gawain ay makatutulong upang


mapaunlad natin ang iyong kaalaman sa ating aralin sa modyul na ito.
Iminumungkahi ko na sa pagtatapos ng pagtalakay sa aralin ay balikan
mong muli ang iyong sagot nang sa gayon ay maiwasto natin kung
mayroon ka mang maling konsepto tungkol sa mga paksang tatalakayin.
Magpatuloy ka lamang.
Suriin

Sa bahaging ito ay atin nang tatalakayin ang mga impormasiyong


nakapaloob ukol sa pagsulat ng isang Posisyong Papel. Ang kahulgan, mga
hakbang na dapat isaalang-alang sa isang mabisang
pangangatuwiran, katangian at mga bahagi sa pagsulat ng isang posisyong
papel.

Alam mo ba?

PANUKALANG PROYEKTO

Ano nga ba ang panukalang proyekto?

Ito ay nangangahulugang isang kasulatan ng mungkahing naglalaman


ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o samahang pag-uukulan nito na
siyang tatanggap at magpapatibay nito.
Mahalagang maging maingat sa pagpaplano at pagdidisenyo ng
panukalang proyekto. Kaya naman, masasabing ang paggawa nito ay
nangangailangan ng kaalaman, kasanayan, at maging sapat
na pagsasanay. Una sa lahat, ito ay kailangang maging tapat na
dokumento na ang pangunahing layunin ay makatulong at makalikha
ng positibong pagbabago. Ayon kay Bartle (2011), kailangan nitong
magbigay ng impormasyon at makahikayat ng positibong pagtugon
mula sa pinag- uukulan nito. Walang lugar sa sulating ito ang
pagsesermon, pagyayabang, o panlilinlang, sa halip, ito ay kailangang
maging tapat at totoo sa lyunin nito.

MGA DAPAT GAWIN SA PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

Ayon kay Jeremy Miner at Lynn Miner (2008) sa kanilang aklat na “A


Guide to Proposal Planning and Writing” sa pagsasagawa ng panukalang
proyekto, ito ay kailangang magtaglay ng tatlong mahahalagang bahagi at
ito ay ang sumusunod:
a. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto
b. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto
c. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito
A. PAGSULAT NG PANIMULA NG PANUKALANG PROYEKTO

Bago mo lubusang isulat ang panukalang proyekto, ang unang


mahalagang hakbang na dapat isagawa ay ang pagtukoy sa
pangangailangan ng komunidad, samahan, o kompanyang pag-uukulan ng
iyong project proposal. Tandaan na ang pangunahing dahilan ng pagsulat
ng panukalang proyekto ay upang makatulong at makalikha ng positibong
pagbabago. Higit na magiging tiyak, napapanahon, at akma kung
matutumbok mo ang tunay na pangangailangan ng pag-uukulan nito. Sa
madaling salita, ang pangangaulangan ang magiging batayan ng isusulat
na panukala.

Maisasagawa ang unang bahaging ito sa pamamagitan ng


pagmamasid sa pamayanan o kompanya. Maaaring magsimula sa
pagsagot sa sumusunod na mga tanong:
1. Ano-ano ang pangunahing suliraning dapat lapatan ng
agarang solusyon?
2. Ano-ano ang pangangailangan ng pamayanan o samahan na nais
mong gawan sa panukalang proyekto?

B. PAGSULAT NG KATAWAN NG PANUKALANG PROYEKTO

Matapos na mailahad ang panimulang paglalaha ng panukalang


proyekto ay isunod na gawin ang pinakakatawan ng sulating ito. ito ay
binubuo nag layunin, planong dapat gawin, at badyet.
1. Layunin – sa bahaging ito makikita ang mga bagay na gustong
makamit o pinaka-adhikain ng panukala. Kailngang maging tiyak ang
layunin ng proyekto. Kailangang isulat ito batay sa mga inaasahang
resulta ng panukalang proyekto at hindi batay sa kung paano
makakamit ng mga resultang ito. ayon kina Jeremy Miner at Lynn
Miner (2008), ang layunin ay kailangang maging SIMPLE
Specific- nakasaad ang bagay na nais makamit o mangyari sa
panukalang proyekto.
Immediate – nakasaad ang tiyak na petsa kung kalian ito matatapos
Measurable – may basehan o patunay na naisakatuparan ang
nasabing proyekto
Practical- nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin
Logical- nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto
Evaluable- masusukat kung paano makatutulong ang proyekto
2. Plano ng Dapat Gawin - matapos maitala ang mga layunin ay
maaari nang buoin ang taaan ng mga gawain o plan of
action na naglalaman ng mga hakbang na isasagawa upang
malutas suliranin. Mahalagang maiplano itong mabuti ayon sa
tamang pagkakassunod- sunod ng pagsasagawa nito kasama ang
mga taong kakailanganin sa pagsasakatuparan ng mga gawain.
Ito rin ay dapat na maging makatotohanan o realistic. Kailangan
ikonsidera rin ang badyet sa pagsasagawa nito.
Mas makabubuti kung isasama sa talakdaan ng gawain ang
petsa kung kalian matatapos ang bawat bahagi ng plano at kung
iang araw ito gagawin. Kung hindi tiyak ang mismong araw na
maaaring matapos ang mga ito ay maaaring ilagay na lamang kahit
ang lingo o buwan.
3. Badyet – isa sa pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang
proyekto ay wasto at tapat na paglalatag ng kakalanganing badyet
para rito. Ang badyet ay ay ang talaan ng mga gastusin na
kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin. Mahalaga
itong mapag-aralang mabuti upang makatipid sa mga gugulin.

C. PAGLALAHAD NG BENEPISYO NG PROYEKTO AT MAKIKINABANG NITO

Kadalasan ang panukalang proyekto ay naaprubahan


kung malinaw na nakasaad ditto kung sino ang matutulungan ng
proyekto at kung paani ito makakatulong sa kanila. Maaaring nag
makinabang nito ay mismong lahat ng mamamayan sa isang
pamayanan, ang mga empleyado ng isang kompanya, o kaya
naman ay miyembro ng isang samahan.

BALANGKAS NG PANUKALANG PROYEKTO


Ayon kay Besin Nebiu, may akda ng “Developing Skills of NGO
Project Proposal Writng,” ang panukalang proyekto ay isang
detalyadong deskripsyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong
lumutas ng isang problema o suliranin. Ito ay ang mga sumusunod:

Pamagat ng Panukalang Proyekto - kadalasan, ito ay hinango


mismo sa inilahad na pangangailangan bilang tugon sa suliranin.
Nagpadala - naglalaman ito ng tirahan ng sumulat ng panukalang
proyekto
Petsa- o araw kung kalian ipinasa ang panukalang papel. Isinasama
rin sa bahaging ito ang tinatayang panahon kung gaano
katagal gagawin ang proyekto.
Pagpapahayag ng Suliranin - dito nakasaad ang suliranin at kung
bakit dapat maisagawa o maibigay ang pangangailangan.
Layunin - naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit
dapat isagawa ang panukala.
Plano ng Dapat Gawin - dito makikita ang talaan ng
pagkakasusunod-sunod ng mga gawaing isasagawa para sa
pagsasakatuparan ng proyekto gayundin ang petsa at bilang
ng araw na gagawin ang bawat isa.
Badyet - ang kalkulasyon ng mga guguling gagamitin sa
pagpapagawa ng proyekto.
Paano Makikinabangan ng Pamayanan/ Samahan ang Panukalang
- kadalasan, ito rin ang nagsisilbing kongklusyon ng panukala kung
saan nakasaad dito ang mga taong makikinabang ng proyekto at
benipisyong makukuha mula rito.

Hangad ko ang iyong pang-unawa sa paksang iyong binasa. Kung


nais mo pang mas maunawaan ang aralin sa modyul na ito maari mong
panuorin ang “Mga Dapat Isaalang-alang sa Paggawa ng Panukalang
Proyekto” sa https://www.youtube.com/watch?v=APXyx-H6Kmc
Pagyamanin

Basahin at unawain ang isang halimbawa ng Panukalang Proyekto

PANUKALANG PAGPAPAGAWA NG KONGKRETONG TANGKE NG TUBIG AT


PAGLALAGAY NG MGA TUBO MULA SA KABUNDUKAN HANGGANG SA
BARANGAY SAN JUAN, MA. AURORA, AURORA

Mula kay Renato D. Soriano


Bragy. San Juan, Ma. Aurora, Aurora
Ika-24 ng Abril 2017
Haba ng Panahong Gugulin: 7 buwan

I. Pagpapahayag ng Suliranin
Isa ang Barangay San Juan sa bayan ng Ma. Aurora, Aurora sa mga
umuunlad na bayan ng Aurora. Ito ay nananatiling pamayanang
agrikulural.
Isa sa mga suliranin ng Barangay San Juan, Ma. Aurora, Aurora
ang kakulangan sa maiinom na malinis na tubig. Ito ay
nagdudulot ng malaking problema sa mga mamamayan tulad ng
pagkatuyo ng kanilang mga panananim at pagkakasakit ng mga
tao dulot ng pag- inom ng maruming tubig.
Dahil dito, nangangailangan ang barangay ng kongkretong
tangke at pitong (7) kilometrong haba ng mga tubo na ilalagay
mula sa kabundukan pababa sa pamayanan.
Kailanagang maisagawa ang proyektong ito sa lalong
madaling panahon para sa kapakanan at kaligtasan ng mga
mamamayan.

II. Layunin
Makapagpapagawa ng tangke ng tubig mula sa kabundukan
hanggang sa pamayanan upang makapagpadaloy nang maiinom
na malinis na tubig.

III. Plano ng Dapat Gawin


1. Pagpapasa, pag-aaproba, at paglabas ng badyet (1buwan)
2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mangongontrata sa
pagpapagawa ng tangke ng tubig at paglalagay ng mga
tubo (3 linggo)
3. Pagpupulong ng konseho ng barangay tungkol sa pagpili ng
contractor na gagawa sa proyekto. (1 araw)
4. Aktuwal na pagpapatayo ng tangke ng tubig at pagkakabit
ng mga tubo sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng
Barangay San Juan, ma. Aurora, Aurora (5 Buwan)
5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng tangke (1 araw)

IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga


Halaga ng pagpapagawa ng tangke ng tubig at Php 900,000.00
pagsasaayos sa mga tubo (kasama na rito ang
lahat ng materyales at suweldo ng mga
trabahador)
Gastusin para sa pagpapasinaya at Php 20,000.00
pagbabasbas nito
Kabuuang Halaga Php 920,000.00

V. Kapakinabangan ng Proyekto

Ang pagpapatayo ng tangke ng tubig at paglalagay ng linya ng


tubo mula sa bukal sa kabundukan hanggang sa Barangay San
Juan ay magiging kapaki-pakinabang sa mga mamamayan ng Barangay
San Juan, Ma. Aurora, Aurora. Ang panganib na dulot ng maruming tubig
ay napipinto sa buhay ng mga mamamayan.

Mababawasan din ang pagkatuyot ng kanilang mga panananim.


Maiiwasan ang pagkagutom at pagkamatay ng kanilang alagang hayop
tulad ng baboy at iba pa.

Higit sa lahat magkakaroon ng kapanatagan ng loob ang bawat


mamamayan sa tuwing sasapit ang tag-araw.
Pag-unawa sa binasa

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Anong katangian ng isang mahusay na panukalang proyekto?

2. Isa-isahin ang mga hakbang sa pagbuo ng panukalang proyekto?

3. Bakit mahalaga ang pagsulat ng panukalang proyekto?

Isaisip

1. Ano-ano ang dapat isaalang-alang sa pagbuo ng panukalang


proyekto?

2. Bakit mahalagang matutuan ang wastong paraan ng pagsulat ng


isang panukalang proyekto?

3. Paano ito makatutulong sa iyo bilang mag-aara?


Isagawa

Balikan ang halimbawang binasa sa panuklang proyekto sa


Pagyamanin na bahagi at suriin batay sa tseklist na nasa ibaba. Lagyan ng
tsek (✓) ang mukhang masaya kung nakitang maayos na nasunod nito ang
katangiang dapat taglayin ng bahaging nakatala sa kaliwa at
lagyan naman ng ekis (X) ang mukhang malungkot. Sumulat ng maikling
paliwanag patungkol sa napiling sagot.

Bahagi ng Panukalang
Paliwanag
Proyekto
Pamagat

Pagpapahayag ng
suliranin

Layunin

Plano na Dapat Gawin

Badyet

Pakinabang /
Benepisyo
Tayahin

A. Tukuyin ang hinihinging bahagi sa pagsulat ng panukalang proyektong


nakatala sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

1. Ang kalkulasyon ng mga guguguling kagamitan sa pagpapagawa ng


proyekto ay nakatala sa bahaging ito.
2. Ang nagsisilbing kongklusyon ng panukala kung saan nakasaad ang mga
taong makikinabang ng proyekto at benepisyong makukuha nila mula rito.
3. Dito makikita ang tirahan ng sumulat panukalang proyekto.
4. Dito makikita ang talaan ng pagkakasunod-sunod ng mga gawaing
isasagawa para sa pagsasakatuparan ng proyekto.
5. Ito ay hinango mismo sa inilahad na pangangailangan bilang tugon sa
suliranin.
6. Nakatala rito kung bakit dapat maisagawa o maibigay ang
pangangailangan.
7. Panahon kung kalian ipinasa ang panukalang proyekto gayundin ang
tinatayang panahon kung kalian ito matatapos.
8. Sa bahaging ito makikita ang mga dahilan o kahalagahan kung bakit
dapat isagawa ang panukala.
9. Isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaing
ihaharap sa tao o samahang pag-uukulan nito na siyang tatanggap
at magpapatibay nito

B. Ibigay ang kahulugan ng mahahalagang salita o termino sa pagsulat ng


panukalang proyekto.

SIMPLE (para sa layunin ayon kay Jeremy at Lynn Miner)

1. Specific: _ _
2. Immediate: _
3. Measurable:
4. Practical:
5. Logical:
6. Evaluable:
Karagdagang Gawain

Nakasusulat ng panukalang proyekto para sa pamayanan o paaralan

Ikaw ay bibigyan ng pagkakataong manguna sa paggawa ng isang


panukalang proyekto na sa tingin mo ay kailangang maisakatuparan. Pumili
ka ng nais mong proyekto o programa na nais mong magawa o matupad
sa inyong pamahalaan o paaralan.

Bilang unang hakbang ay kailangan mo munang sumulat ng isang


panukalang proyekto upang mahikayat at suportahan ito ng kinauukulan.
Tandaan ang mga natalakay sa araling ito para sa gagawing sulatin
partikular ang pagiging matapat lalo na sa pagbibigay ng badyet para sa
proyekto.

Isaalang-alang ang pamantayan sa ibaba.

Pamantayan Puntos

Nakasulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang


5
panukalang proyekto.

Makatotohanan at katanggap-tanggap ang panukalang


5
proyekto naisulat.
Nakasulat ng panukalang proyektong batay sa maingat,
5
wasto, at angkop na paggamit ng wika.

Nasalamin sa kabuoan ng sulatin ang pagsasaalang-alang


5
ng etika sa binubuong akademikong sulatin.

Kabuoang puntos 20
Tayahin:

1. Badget
2. Pakinabang/benipisyo
3. Nagpadala
4. Plano na dapat gawin
5. Pamagat sa Panukalang Proyekto
6. Pagpapahayag ng Suliranin
7. Petsa
8. Layunin
9. Panukalang proyekto
10. Simple- nais makamit
11. Immediate-petsa kung kalian matatapos ang proyekto
12. Measurable- mga basehan o patunay na masisasakatuparan ang proyekto
13. Practical- solusyon sa suliranin
14. Logical – paraan kung paano makakamit nang proyekto

Subukin:
1. Nagpadala
Balikan:
2. Layunin Karagdagang Gawain:
Tuklasin: 3. Petsa
4. Pamagat Depende sa sagot ng bata.
Pagyayamanin: 5. Badyet Guro ang magbibigay
6. Pagpapahayag ng suliranin puntos.
Isaisip: 7. Pakinabang/ benepisyo
8. Plano na dapat gawin Sa bahaging ito,
Isagawa:
9. Tama sumangguni sa
10. Tama pamantayanna inilahad sa
11. Mali itaas
Depende sa sagot ng bata. 12. Tama
Guro ang magbibigay puntos 13. Tama
14. Tama
15. Tama
Sanggunian
DepEd (2016). Filipino sa Piling Larang- Akademik. Patnubay ng Guro. Unang
Limbag.
Julian, Aileen B. et al., Pinagyamang Pluma: Filipino as piling larang
(Akademik).Quezon City: Phoenix Publising House, Inc. ph. 96-105.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

21

You might also like