You are on page 1of 3

Unang Pagsusulit sa FILIPINO SA PILING LARANGAN

PANGALAN: ______________________________________________________ ISKOR:___________

Panuto: Bilugan ang TITIK ng tamang sagot.

1. Ano ang Bionote?


a. Ito ay lagom ng isang akademikong papel o pag-aaral.
b. Ito ay detalyadong pagpapakilala sa manunulat ng mga karanasan simula sa
pagkabata
c. Ito ay maikli at komprehensibong pagpapakilala sa manunulat at mananaliksik.
d. Ito ay isang sulating may layuning manghikayat sa mga mambabasa.
2. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa nilalaman ng bionote?
a. suliraning pinagdaanan c. mga kontribusyon
b. edukasyong natamo d. organisasyong kinabibilangan
3. Alin sa sumusunod ang pangunahing layunin ng pagsulat ng bionote?
a. Maging maganda ang pabalat na anyo ng isang aklat at journal
b. Paggamit ng manunulat upang maibenta ang aklat o journal
c. Maipakilala ang kakayahan ng manunulat sa isinulat o obra
d. Pagpapakilala ng kredibildad ng isang palimbagan
4. Bakit mahalagang may bionote sa aklat at journal?
a. upang matanggal ng manunulat ang pader sa pagitan ng manunulat at mambabasa
b. upang maging malinaw sa manunulat ang dapat nilalaman ng kaniyang bionote
c. upang makilala o maging tanyag bilang propesyonal na manunulat
d. upang mapalawak ang ugnayan sa iba pang manunulat at mapalapit naman sa kanilang
mambabasa
5. Ano ang pangunahing pagkakaiba ng abstrak at bionote bilang akademikong sulatin?
a. Makikita lamang sa likurang bahagi ang bionote. Ang abstrak ay maaaring makita sa
likuran at unahang bahagi ng akda.
b. Ang bionote ay para lamang sa malikhaing sulatin. Ang abstrak ay para lamang sa
akademikong pag-aaral.
c. Ang abstrak ay maaaring lagyan ng larawan ng manunulat. Ang bionote ay binubuo ng
teksto.
d. Ang abstrak ay buod ng kabuuang pag-aaral. Ang bionote ay buod ng pagpapakilala
sa manunulat at mananaliksik.
6. Alin sa sumusunod na layunin sa pagsulat ng bionote ang dapat higit na isaalang-
alang ng manunulat at mananaliksik.
a. bilang serbisyo sa mga mambabasa c. matapos sa takdang oras
b. maipakilala ang sarili d. bilang serbisyo sa mga publikasyon
7. Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng bionote?
a. detalyado ang nilalaman c. gumagamit ng ikatlong panauhang pananaw
b. maikli ang nilalaman d. gumagamit ng inverted pyramid
8. Sa paanong paraan nagkakapareho ang bionote at biography?
a. parehong naglalahad ng impormasyon tungkol sa indibidwal
b. parehong detalyado ang impormasyon tungkol sa indibidwal
c. parehong maikli ang impormasyon tungkol sa indibidwal
d. parehong naglalahad ng pagkasilang at kamatayan ng indibidwal
9. Bakit kailangang simple at hindi paligoy-ligoy ang bionote?
a. sapagkat kung ito ay komplikado at maraming mabulaklak na salita ay maaaring
malihis ito sa paksa
b. sapagkat kung ito ay komplikado at maraming mabulaklak na salita ay maaaring wala
nang bumasa nito
c. sapagkat kung ito ay simple at hindi paligoy-ligoy ay maaaring humaba ito at
maaaring baguhin din ng mambabasa ang paksa ng binabasa
d. sapagkat kung ito ay simple at hindi paligoy-ligoy ay maaaring malihis ito sa
paksa at maaaring malimutan din ng mambabasa ang paksa ng binabasa
10. Alin sa sumusunod ang hindi angkop na pahayag kaugnay ng pagsulat ng bionote?
a. Inilalahad ng bionote ang pangkalahatang talambuhay ng isang tao.
b. Kinakailangang siksik sa impormasyon ang isang bionote.
c. Inilalahad sa ikatlong panauhan ang isang bionote.
d. Kailangang maging tapat sa paglalahad ng impormasyong iuugnay sa paksa
ng bionote.
11. Anong talumpati ang may layuning magbigay-kaalaman kaya ito ay ginagamit sa
pag-uulat, paglalarawan, at pagtalakay para maintindihan ng mga tagapakinig ang
paksa?
a. talumpating nagpapaliwanag c. talumpating nagpapakilala
b. talumpating nanghihikayat d. talumpating nang-aaliw
12. Ikaw ay kasali sa kompetisyon ng talumpating walang paghahanda sa inyong
paaralan, ano ang pinakamabisang paraan upang kahit papaano ay makapaghanda sa
maaaring maging paksa ng paligsahan?
a. Magbasa ng mga artikulo, teksto, at balitang maaaring may kaugnayan sa mga
napapanahong isyu.
b. Magsanay bumigkas sa harap ng salamin nang makita mo ang hitsura sa harap ng
madla.
c. Magsagawa ng mga pagtatalo o debate upang mahasa ang bilis sa pagsasalita.
d. Magsulat ng mga sanaysay na tungkol sa karanasan o sariling pananaw.
13. Anong kasanayan o kakayahan ang mas lumulutang sa isang talumpating isinaulo o
orating speaking.
a. Mas lumulutang ang kakayahan ng tagapagsalita na manghikayat ng mga tagapakinig.
b. Mas napalulutang ang husay ng pagkakasulat ng nilalaman ng talumpati at kahusayan
sa pagmememorya ng tagapagsalita.
c. Mas lumulutang ang kompiyansa ng tagapagsalita sa biglaang pagtatalumpati.
d. Mas lumulutang ang kahusayan sa pagbasa ng manuskritong isinulat para sa
kumperensiya ng bibigkasing talumpati.
14. Sa kabuuan, ano ang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati batay sa
katangian at uri nito?
a. Maging mahusay sa pagbabahagi ng iyong mga karanasan at tandaan na dapat
maiparamdam sa mga tagapakinig ang emosyon na nais palutangin sa talumpati.
b. Huwag kalimutang tukuyin ang uri ng talumpating iyong bibigkasin upang maging
matagumpay sa pagpapahayag nito.
c. Sapat na ang malakas na tinig at magandang tindig upang makuha ang interes ng mga
tagapakinig at maiparating ang nais sabihin.
d. Dapat na maipakita ang kompiyansa at kahandaan sa pamamagitan ng pagmememorya ng
mga sasabihin. Gayundin, hindi dapat makinig sa opinyon ng iba at maging matibay
ang paninindigan sa pinaniniwalaan.
15. Ano ang kahulugan ng talumpati?
a. Ito ay pagpapahayag ng mga kaisipan, pananaw, at saloobin ng isang tao sa harap
ng madla.
b. Ito ay paglalahad ng mga kaisipan, pananaw, at saloobin ng isang tao sa harap ng
madla.
c. Ito ay pagsasalaysay ng mga kaisipan, pananaw, at saloobin ng isang tao sa harap
ng madla.
d. Ito ay pagtindig ng mga kaisipan, pananaw, at saloobin ng isang tao sa harap ng
madla.
16. Bawat isa sa inyong klase ay inatasan na sumulat ng talumpating tumatalakay sa
inyong karanasan bilang isang mag-aaral.

Ano ang pangunahing layunin na angkop tuparin?


a. layuning manlibang c. layuning makapanghikayat
b. layuning makapagbigay-puna d. layuning makapagturo
17. Isinasaalang-alang sa pagsulat ng talumpati ang mga tagapakinig. Ano ang
pinakamahalagang sangkap na dapat isaalang-alang sa pagsulat kaugnay nito?
a. Wika c. edad
b. Kasarian d. edukasyon
18. Alin sa sumusunod ang unang hakbang sa pagsulat ng talumpati?
a. magsaliksik kaugnay ng paksa
b. patibayin ang mga pangunahing kaisipan sa balangkas
c. paunlarin ang teksto hanggang mabuo ang unang borador
d. balangkasin ang paglalahad ng ideya
19. Bakit mahalagang isaalang-alang ang mga gabay sa pagsulat ng talumpati?
a. Ang mabisang talumpati ay produkto ng mahabang panahon ng pagsulat.
b. Ang tamang gabay sa pagsulat ay susi sa pagiging isang mahusay na mananalumpati.
c. Ginawa ang mga gabay sa pagsulat ng talumpati upang higit na mapadali ang
pagsulat nito.
d. Nakasalalay sa pagsunod sa tamang gabay ang pagiging mabisa ng talumpati.
20. Ano ang pangunahing layunin sa pagsusulat ng replektibong sanaysay?
a. Ito ay may layuning isiwalat ang mga tagumpay ng manunulat sa kaniyang buhay.
b. Ito ay may layuning magsiyasat at magnilay sa karanasan ng manunulat sa kaniyang
buhay.
c. Ito ay may layuning saliksin ang mga karanasan ng manunulat sa kaniyang buhay.
d. Ito ay may layuning ipakita ang mga kamaliang nagawa ng manunulat sa kaniyang
buhay.
21. Ano ang kahalagahan ng pagsusulat ng replektibong sanaysay?
a. Maunawaan ng manunulat ang kaniyang mga kahinaan at kalakasan bilang isang
indibidwal at maibahagi ang tungkol dito
b. Maipagmalaki ng manunulat ang kaniyang kahinaan at kalakasan bilang isang
indibidwal
c. Mapagtakpan ng manunulat ang kaniyang kahinaan at kalakasan bilang isang
indibidwal
d. Mawakasan ng manunulat ang kaniyang kahinaan at kalakasan bilang isang indibidwal
22. Bakit itinuturing na isang sanaysay ang sulating replektibo?
a. sapagkat taglay nito ang katangian ng isang sanaysay na maitampok ang kakayahan
ng manunulat na makapanghikayat.
b. sapagkat taglay nito ang katangian ng isang sanaysay na maitampok ang kakayahan
ng manunulat na makapagpahayag ng datos base sa pananaliksik.
c. sapagkat taglay nito ang katangian ng isang sanaysay na maitampok ang kakayahan
ng manunulat na makapaglarawan ng mga karanasan.
d. sapagkat taglay nito ang katangian ng isang sanaysay na maitampok ang kakayahan
ng manunulat sa pagsasalaysay at mga pagtatangka.
23. Paano nagiging kapaki-pakinabang ang pagsusulat ng replektibong sanaysay sa
isang manunulat?
a. Napauunlad nito ang kakayahan ng manunulat sa pagtatala.
b. Napauunlad nito ang kakayahan ng manunulat sa paglalahad ng datos.
c. Napauunlad nito ang kakayahan ng manunulat sa pagpapasya.
d. Napauunlad nito ang kakayahan ng manunulat sa panghihikayat.
24. Paano nagiging kapaki-pakinabang ang pagsusulat ng replektibong sanaysay sa
isang mambabasa?
a. Nagsisilbi itong paunang aksyon sa mga suliraning maaaring kaharapin sa buhay.
b. Nagsisilbi itong paraan ng pagtakas sa mga suliraning maaaring kaharapin sa
buhay.
c. Nagsisilbi itong gabay sa mga suliraning maaaring kaharapin sa buhay.
d. Nagsisilbi itong paraan ng pagtakas sa mga suliraning maaaring kaharapin sa
buhay.
25. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga itinuturing na madalas na
pagkakamali sa pagsulat ng replektibong sanaysay?
a. paggamit ng kaakuhan o panghalip panao na “ako,” “akin,” at “ko”
b. malimit na paglalagay ng mga personal na impormasyon sa sanaysay
c. pagsasantabi sa estruktura o banghay ng sanaysay
d. masyadong impormal na pagtatalakay
26. Bakit iminumungkahi na mag-iwan ng isang retorikal na tanong sa pagtatapos ng
sanaysay?
a. Nagbibigay ito ng hamon sa mga mambabasa na mag-isip ng tugon, kung sakaling
mangyari din sa kanila ang naibahaging karanasan o sitwasyon.
b. Nagbibigay ito ng impresyon bilang open-ended essay.
c. Napananatili nitong nag-iisip ang mga mambabasa matapos na maunawaan ang lahat ng
mga pagtalakay na inilagay sa binuong replektibong sanaysay.
d. Humihingi ito ng tugon sa mga mambabasa para sa binuong replektibong sanaysay.
27. Ikaw ay susulat ng replektibong sulatin kaugnay sa iyong mga naging pagpapasya
noong nasa nakaraang baitang ka pa lamang. Ngunit, nag-aalala ka sa magiging layon
at maaaring kahihinatnan ng iyong sulatin.

Ano ang iyong unang dapat na isagawa?


a. Ihayag ang mga argumento, kaisipan o ideya, at mga maibibigay na halimbawa sa
hanay ng mga talata.
b. Sumulat ng matibay at kaakit-akit na panimulang talata.
c. Mag-isip ng isang pangyayari o sitwasyon na maaaring maging paksa ng replektibong
sanaysay.
d. Magsagawa ng mind mapping.
28. Alin sa sumusunod ang hindi nagbibigay-katuturan sa posisyong papel bilang
isang akademikong sulatin?
a. purong sariling pagpapalagay lamang hinggil sa isyu
b. naglalaman ng paninindigang pananaw sa isang isyu
c. nagtatalakay ng mga ulat-polisiya kaugnay ng isang isyu
d. naglalatag ng mga mungkahing aksiyon hinggil sa isang suliraning isyu
29. Aling larangan ng pagsulat ng posisyong papel ang tumutugon sa paglilinaw ng
mga usaping may kinalaman sa mga aspektong pamamahala?
a. politika at polisiya c. kultura
b. ekonomiya d. akademikong institusyon
30. Anong katangian ng paksang-isyu ang dapat na tinatalakay sa isang posisyong
papel?
a. tiyak at argumentatibo
b. nasasagot ng oo at hindi
c. makaisang panig
d. palaging politikal

You might also like