You are on page 1of 4

GOV. MARIANO E.

VILLAFUERTE HIGH SCHOOL


CAROYROYAN. PILI CAM.SUR

UNANG PAMANAHUHANG PAGSUSULIT

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG


GOOD LUCK!
INIHANDA NI: MERCY C. MIRANDA
Guro sa Filipino

“Oh yes, kaibigan mo ako. Kaibigan mo lang ako…. And I’m so stupid to make the biggest
mistake
of falling in love with my best friend.” – Jolina Magdangal, Labs Kita… Okey Ka Lang? (1998)

>>>Saka na ang love life! Exam muna. Focus!

PANUTO: PILIIN ANG TITIK NG PINAKATAMANG SAGOT. ISULAT SA SAGUTANG


PAPEL.

1. Alin sa mga sumusunod and hindi dapat makalimutang itala sa katitikan ng


pulong?
a. Paksa at pang ilang pagpupulong na ang naidaos.
b. Petsa ng pagpupulong at oras ng simula at pagtatapos.
c. Pook ng pinagdausan ng pulong
d. Ang panukalang adyenda
2. Ano ang nagsisilbing pinakakatawan ng katitikan ng pulong?
a. Simula ng pulong c. Talaan ng pagdalo
b. Panukalang adyenda d. Lagda
3. Paano magiging opisyal ang katitikan ng pulong.
a. Kung may heading ng organisasyon
b. Kapag may petsa at oras ng pagtatapos
c. Kapag may lagda ang lahat ng dumalo
d. Kapag may attendance ang lahat ng kasapi
4. Bakit kinakailangan taglay ng katitikan ang talaan ng mga dumalo at hindi
dumalo?
a. Sapagkat may matatanggap na pabuya ang mga dumalo.
b. Sapagkat kinakailangan na makakuha ng halos kabuuang bilang upang
maging pinal ang mapagkasnduan.
c. May magiging penalty ang di-dumalo.
d. May tatanunging tao sa mga naging agyenda.
5. Paano matatanggal ang mga bahaging tinatawag na “off the record”?
a. Kapag hindi naman masyadong mahalaga ang nabanggit sa pulong.
b. Kapag ipinasadyang tanggalin
c. Kapag masyadong mahalaga.
d. Kapag wala naming nakapansin na tiananggal.
6. Bakit kailangang umupo sa malapit sa tagapanguna o presider ang gumagawa
ng katitikan?
a. Para maintindihan at makuha niya ang buong detalye nang malinaw.
b. Upang mauna siya sa listahan
c. Para makita niya ang nagsasalita sa harapan.
d. Para maging agaw pansin sa kasamahan sa organisasyon.
7. Bakit nangangailangan ng iskedyul ng susunod na pulong?
a. Upang makakuha ng iba’t ibang impormasyon.
b. Upang malaman kung kalian at saan ang susunod na pulong.
c. Upang Makita nag mahahalagang tala hinggil sa paksang natalakay.
d. Upang makapagplano ng awting pagkatapos ng pulong.
8. Bakit kailangang ilagay sa adyenda ang pagbasa ng nagdaang katitikan ng
pulong?
a. Para humaba ang pulong.
b. Dahil dito makikita kung ang nakalipas na katitikan ay napagtibay.
c. Para malaman kung may pagbabagong isinagawa sa mga napagkasunduan.
d. Ito ang pinakatampok ng katitikan
9. Kinakailangan ng action items o usaping napagkasunduan sa pulong, bakit ito
isinasagawa?
a. Dahil dito makikita ang mahahalagang tala.
b. Dahil kailangan itong mabasa ng mga tao.
c. Upang makita ang pandaraya sa katitikan ng pulong
d. Para sa daloy ng programa
10.Ang replektibong sanaysay ay isinusulat sa anong panauhan na panghalip?
a. Una b. Ikalawa c. Ikatlo d. Ikaapat
11.Sa posisyong papel, hindi gumagamit ng mga ________ upang siraan ang
kabilang argumento.
a. Fake news c. Personal na atake
b. Kasinungalingan d. Social media posts
12.Sa pictorial essay, ang mga larawan ang pangunahing nagkukwento
samantalang ang teksto ay _______ lamang
a. Disenyo c. Suporta
b. Pandagdag d. Charot
13.Mas magiging epektibo ang pictorial essay kung iyong hahanapin ang ________.
a. Tunay na kuwento c. Pinakamagandang
b. Iyong sarili anggulo
d. Iyong forever
14.Ito ay ang pagbibigay ng pagkakataon sa lahat ng miyembro ng magtanong o
bigyang linaw ang mga napag-usapan.
a. Pinakamahalagang pag-uusapan
b. Pagbibigay ng angkop na oras para sa bisita
c. Oras ng malayang talakayan
d. Iba pang paksang pag-uusapan
15.Ayon kay Kori Morgan, ito ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao
mula sa isang mahalagang karanasan o pangyaari.
a. Lakbay sanaysay
b. Replektibong sanaysay
c. Sanaysay ng larawan
d. Posisyong papel
16.bahagi ng posisyong papel kung saan nilalagom ang mga katuwiran
a. introduksiyon
b. mga sariling katuwiran
c. Huling paliwanag Kung Bakit ang Napiling Paninindigan ang Dapat
d. Muling Pagpapahayag ng Paninindigan at/o Mungkahing Pagkilos
17.madaling maisusulat ang posisyong papel kung may malinaw na ________.
a. Balangkas c. Paksa
b. Katuwiran d. Paninindigan
18.Bagama’t ang replektibong sanaysay ay nakabatay sa personal na karanasan
mas magiging mabisa at epektibo ang pagkakasaulat nito kung
a. Isasapuso ang pagsulat nito
b. Magiging tapat sa sarili habang nagsusulat
c. Magtataglay ito ng patunay batay sa iyong mga naobserbahan o nabasa
d. Tama ang grammar
19.Ang replektibong sanaysay, ayon kay Michael Startford, ay isa sa mga tiyak na
uri ng sanaysay na may kinalaman sa _________ na pagsasanay.
a. Introduksiyon c. Introgresyon
b. Introdyeksiyon d. Introspeksiyon

20.Alin sa mga sumusunod na pahayg ang hindi dahilan sa pagsulat ng isang


lakbay sanaysay?
a. Upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsulat
b. Upang makalikha ng patnubay para sa posibleng manlalakbay
c. Upang itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay
d. Wala sa nabanggit
21.Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakamahalagang makita sa isang
lakbay sanaysay?
a. Anu-ano ang mga lugar na inyong dinaanan patungo sa destinasyon
b. Magkano ang iyong ginastos
c. Paglalahad ng kultura, at maaring maranasan sa destinasyon
d. Sino ang iyong kasama
22.Ano ang isinasagawa sa isang akademikong institusyon kung saan
kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat?
a. Akademikong Pag-aaral at Pagsusuri
b. Akademikong Pagsusulat
c. Akademikong Pagpapakadalubhasa sa Pagsulat
d. Wala sa nabanggit
23.Ano ang layunin ng Malikhaing Pagsulat?
a. Napapaganda nito ang isang komposisyon ng manunulat.
b. Nagagamit ng manunulat ang kanyang imahinasyon na nakakatulong
upang mailarawan ang kanyang lipunang ginagalawan
c. Nakakatulong ito upang mailarawan ng manunulat ang kanyang punto sa
buhay.
d. Wala sa nabanggit
24.Ano ang pinakalayunin ng isang akademikong pagsusulat?
a. Makapagbigay ng magandang kaisipan sa mga mambabasa.
b. Matutuhan ang tamang paraan ng pagsusulat.
c. Ang makapagbigay ng impormasyon kaysa sa maglibang.
d. Wala sa nabanggit.
25.Ano ang maiksing sanaysay hinggil sa isang manunulat na kadalasang nakikita
sa likurang bahagi ng aklat?
a. Bio b. note c. autobiography d. bionote
26.Ang paglalakbay at pagbisita sa iba’t ibang magagandang lugar ay isang paraan
upang mabigyang saya at pahinga ang sarili. Sa usaping akademiko, mayroong
tinatawag na lakbay-sanaysay kung saan nakalahad ang karanasan sa isang
paglalakbay. Piliin sa mga sumusunod na pahayag ang pangunahing layunin
ng isang akademikong sulating lakbay-sanaysay?
A. Pangunahing layunin ng lakbay-sanaysay ay maitala ang mga
mahahalagang karanasan sa isang paglalakbay.
B. Ito ay may pangunahing layuning mahikayat ang mga tao upang
magtungo sa lugar upang mamasyal at maglakbay.
C. Binibigyang pansin nito ang mga kultura at tradisyon mayroon ang
isang lugar upang makita at mabigyang halaga ng iba.
D. Ang pangunahing layunin ng lakbay-sanaysay ay magbigay ng
impormasyon tungkol sa isang lugar na kakikitaan ng kakaibang
kultura at tradisyon.
27.Ang pagkakaroon ng panig o tiyak na posisyon ay kinakailangan lalo na sa mga
napapanahong isyu sa lipunan at hindi maaaring maging nyutral lamang. Isang
paraan upang maipahayag ang iyong panig o posisyon ay ang paggawa ng isang
posisyong papel. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa
wastong kahulugan ng isang posisyong papel?
A. Ito ay ang paglalahad ng iyong opinyon tungkol sa isang napapanahong
isyu sa lipunan.
B. Ipinakikita sa posisyong papel ang ipinaglalabang argumentong may
katotohanan at katibayan ukol sa tiyak na napapanahong isyu.
C. Nakasaad sa posisyong papel ang pananaw o persepsyon ng isang tao sa
isang tiyak na isyung napapanahon o pinag-uusapan sa lipunan.
D. Ang isang posisyong papel ay naglalaman ng mga ipinaglalabang punto
at kaisipan na inihahain sa madla upang sila ay hikayating maniwala o
pumanig.
28.Ang isang panukalang proyekto ay may layuning magbigay oportunidad o
solusyon sa iba’t ibang suliranin. Sa iyong palagay, bakit mahalaga matutuhan
ang ganitong uri ng akademikong sulatin?
A. Malaking oportunidad ito upang makatulong sa iba.
B. Nakabubuo ng mga solusyon at oportunidad upang makatulong sa iba lalo
na sa mga nangangailangan.
C. Sa pamamagitan nito ay nalilinang ang kasanayan ng isang taong mag-
isip, magsiyasat at bumuo ng desisyon.
D. Napahuhusay ng isang tao ang kanyang kakayahan sa pagmungkahi
gayundin napatatatag ang katangiang pagiging mapagmalasakit at
matulungin.
29.Ang isang lakbay-sanaysay ay mayroong apat na katangian upang maiantas ito
bilang isang akademikong sulatin. Tukuyin sa mga sumusunod na pahayag
ang HINDI kabilang sa katangiang ito?
A. Ang mga karanasan sa lugar na pinuntahan ay nararapat na detalyadong
mailahad.
B. Kinakailangang samahan ng mga larawan ng mga napuntahan at
naranasan upang mas maging malakas ang katibayan.
C. Dapat nakapokus ang pagsulat sa pagpapaliwanag at pagsasalaysay sa
mga larawang kabilang sa lilikhaing lakbay-sanaysay.
D. Ibahagi ang lahat ng mabuti gayundin ang masasamang karanasan sa
isang lugar na pinuntahan na may layuning magdagdag ng kaalaman at
maglibang.
30.Upang ang isang larawang-sanaysay ay matukoy bilang mahusay, kailangan
nitong magtaglay ng ilang mga katangian. Alin sa mga sumusunod ang
kabilang sa mga katangiang ito?
A. May pokus ang manunulat.
B. Ang teksto ay kailangang tumatalakay sa isang larawan.
C. Magkaroon ng orihinalidad may kinalaman sa pagkuha ng larawan.
D. Magkaroon ng malinaw na pananaw sa mga larawang kukuhanan at
isasama sa larawang-sanaysay.
II. ANALISAHIN ANG BAWAT LARAWAN. IBIGAY ANG HINIHINGI NG BAWAT BILANG.
10 PUNTOS BAWAT LARAWAN.
Pag-aralan at analisahin ang larawang nasa itaas. Bumuo ng caption o tekstong magpapaliwanag sa nais
ipakahulugan ng larawan, mahalagang ito ay nakabatay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng
wika. Siguraduhing makikita sa teksto ang mga salitang pagtutulungan, pag-uunawaan, at pagmamahalan.
A. PAMAGAT: 3 PUNTOS
B. NILALAMAN NG TEKSTO. 7 PUNTOS ( HINDI BABABA SA 50 SALITA

1.

2.

You might also like