You are on page 1of 2

Pangalan:_______________________________pangkat____________________________________

Unang Pamanahunang Pagsusulit sa Malikhaing Pagsulat


General Academic Strand Grade 12
A. Panuto: Isulat ang letra ng wastong sagot sa patlang bago ang bawat bilang.
Para sa numero 1-15, basahin ang mga pangungusap at suriin kung anong uri ng tayutay ang ginamit dito.
A. Pagtutulad B. Pagwawangis C. Pagmamalabis D. Apostrope E. Eksklamasyon
F. Oksimoron G. Personipikasyon H. Repitasyon
____ 1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nanenerbiyos ng mang-aawit.
____ 2. Aking nadarama ang kapighatian sa pinapasan kong sobrang kalungkutan.
____ 3. O tukso! Layuan mo ako!
____ 4. Ahas siya sa grupong ito
. ____ 5. Saan? Saan makikita ang bayani ng bayan?
____ 6. Batang matanda ang tingin nila sa akin.
____ 7. Bumaha ng dugo sa lalawigan nang lumabas ang katotohanan.
____ 8. Kamatayan nasaan ka na? Wakasan mo ang aking kapighatian.
____ 9. Lubos ang tuwa ko sa pagdating ninyo.
____ 10. Ang kanyang kagandahan ay parang bituing nagniningning.
____ 11. Hinalikan ako ng malamig na hangin
. ____ 12. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa akin.
____ 13.Magsaya kayo’t ililibing ako na di makikita ng lahat sa mundo.
____ 14. Umulan ng pera sa pagtama ko sa lotto.
____ 15. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.

Para sa numero 16-24, suriin kung anong uri ng pag-uulit ang ginamit sa mga sumusunod na tula.
A. Aliterasyon B. Anapora C. Anadiplosis D. Epipora E. Empanodos
____ 16. Hayaang humagulgol ang aso sa tumana.
Hayaang sa duluha’y may lampong na pusa.

Hayaang sa punso’y may katyaw na tumutuka.


~ Bahay-BahayanRogelio G. Mangahas
____ 17. Huwag tulutang ibagsak ng kaawayang pamahalaan ng bayan
,ang matatag na sandigan ng bayan,ang malakas na luklukan ng bayan.

____ 18. Pawid man ang pugad ng pagsinta’t pangarap


kung pagtutuwangan ng pag-iirugansa pawisang-palad,
pangako’y kakamti’t
Panginoo’y papayag.
____ 19. Ang langit ay lupa’t ang lupa ay langit.
____ 20. Ang kaluwagan mo sa ‘king kagipitan,
Kagipitang minsan ay pinagpulasan ..
.~ Bitiwan Mo AkoJose M. Buhain
____ 21. Ang Diyos ang simula ng wakas at ang wakas ng simula.
____ 22. Pag-ibig ...ikaw ang ligaya’t lungkot ng puso,
pag-asa at kabiguan ng puso,buhay at kamatayan ng puso.
____ 23. Gumising ka giliw sa gitna ng gabig
upili’y gusuti’t garampot tang gintong
gunita’y gunamin.
____ 24. Panahon na upang ang diwa’y lumipad.
Panahon na upang ang puso’y tumigas.
Panahon na upang ang naipong lakas
ay pahulagpusin at sa’yo ibagsak.
~ Paraanin Mo Ako !Jose M. Buhain
B. Isulat ang letrang A kapag ang pahayag ay TAMA at B kung ito’y MALI.
Para sa numero 25-34, basahin ang tula sa ibaba.
“ Sinira ng pagwawala ko Ang pagtitiwala mo,Pati ng barkadaKaya sising-alipin ako.
Ang laki ng naging kapalitSa binalewala kong pakikisama mo
Nasugapa lalo ang buhay ko.”
______25. Ang tula sa itaas ay halimbawa ng tulang may malayang taludturan.
______26. Ang salitang sising-alipin na nakasalungguhit sa itaas ay nangangahulugang walangpagsisisi.
______27. Ang kasalungat na kahulugan ng salitang nasugapa ay nasira
. ______28. 9-7-6-9-9-12-10–Ito ang sukat ng mga taludtod sa tula.
______29. Ang tula ay nahahati sa mga taludtod samantalang ang sanaysay ay nahahati sa mgatalata.
______30. Ang tugma ay pagkakaroon ng pare-parehong tunog sa dulo ng mga panghuling salita ngtaludtod.
______31. Isang elemento ng tula ang sukat kung saan ito’y tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat
saknong ng isang tula.
______32. Ang mga tula ay hindi na kinakailangang magkintal ng larawang-diwa sa mgamakababasa nito dahil ito ay
katangiang tinataglay ng maikling kuwento.
______33. Kailangan maging matatas at malinaw ang pagbibitiw ng salita kung ikaw ay nagtutula.
______34. Sa pagbibikas ng tula ay hindi na kailangan ang pagkumpas.
C. Tukuyin ang bawat bilang. Piliin ang tamang titik.
35. Ito ay kilala sa tawag na panitikan o literatura, ano ito?
a. Akdang pampanitikan c. Malikhaing pagsulat
b. Karaniwang pagsulat d. Pagsulat
36. Ano ang katawagan sa pagsasalin sa papel o anumang kagamitan na mapapagsalinan ng nabuong salita, simbolo
at ilustrasyon sa layuning maipahayag ang kanyang kaisipan?
a. Komunikasyon b. Pagguhit c. Pagsulat d.Panitikan
37. Ang pinakamahalagang katangian nito ay ang pangangailangang naiintindihan angpahayag, anong uri ng pagsulat
ito?
a. Akdang pampanitikan b. Karaniwang pagsulat c. Malikhaing pagsulat d. Simpleng Pagsulat
38. Sino ang nagsabi na ang pagsulat ay isang biyaya, isang at isang pangangailangankaligayahan ng nagsasagawa
nito?BadayosBernalesKellerKelloog
39. Ano ang salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao?
a. Akademik b. Dimensyong Sosyo c. Sosyo-kognitib d. wala sa nabanggit
40. Ang __________ ay mga pahayag na hindi literal ang kahulugan.
a. Tayutay b. Paglalarawan c. Idyoma d.Diksyon

D. POV. Ibigay ang inyong opinyon.


41- 45. Ano ang kahalagan ng pagsulat?
46-50 . Bilang isang mag-aaral sa paanong paraan mo papalawakin ang kakayahan sa pagsulat?

Inihanda ni:
Mercy C. Miranda
Guro sa Filipino

You might also like